Share

Kabanata 48

SIMULA nang dumating si Adelyn sa bahay wala na siyang ginawa kung hindi ang mag-isip nang mag-isip. Alam niyang mai-stress siya sa ginagawa, ngunit ano pa ba ang paraan para makaiwas sa mga isiping iyon kung hindi wala… There was no way she could stop herself from overthinking, and maybe she would even dream about it.

Napatakbo siya sa direksiyon ng bintana at sumilip doon nang marinig niya ang hugong ng bagong dating na sasakyan. But to her dismay, it wasn’t her husband who came. Sasakyan iyon ng butler ni Don Juan na hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya kung bakit bigla na lang sumusulpot at nawawala sa bahay nilang mag-asawa. Naisip na lang niya na baka may iniuutos dito ang matanda na may kinalaman sa trabaho ni Jacob, pero hindi rin naman nawawala ang hinala niya na may kung ano talaga roon. Hay, nagpatung-patong na nga ang mga isipin niya. Hindi na tuloy alam ni Adelyn kung kaya pa ba talaga iyong iproseso ng utak niya.

Napaigtad siya nang mayamaya ay makarinig ng magkak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status