MasukPagsapit ng lunch break, halos mapuno agad ng mga estudyante ang quadrangle.
Maaliwalas ang panahon, pero hindi masyadong mainit dahil natatakpan ng malalaking puno ang ilang bahagi ng courtyard. May mga estudyanteng nakaupo sa damuhan, may nagkukumpulan sa mga bench, habang ang iba naman ay naglalaro sa maluwag na bahagi malapit sa covered court.
Sa isang bench sa ilalim ng malaking acacia tree, magkatabing nakaupo sina Elise at Belle.
May hawak na juice si Elise habang si Belle naman ay abala sa pagkain ng chips.
“So, wala ka talagang ginawa buong summer?” tanong ni Belle.
“Meron naman.”
“Ano?”
“Natulog.”
Napatingin si Belle sa kanya.
“Wow. Productive.”
“Nanood din ako ng series.”
“Grabe. Super productive.”
Napatawa si Elise.
Ilang linggo rin silang hindi nakapag-usap nang ganito katagal. Pareho silang naging busy noong bakasyon. Madalas silang mag-chat, pero iba pa rin kapag magkatabi silang nakaupo at walang ibang iniisip kundi ang magkuwentuhan.
“Kayo ba? Natuloy sa Bora?”
“Three days lang. Tapos umuwi agad kami kasi may work si Daddy.” Bumuntong-hininga si Belle. “Pero okay na rin. At least nakalabas ng Manila.”
“May pictures ka?”
“Madami.”
Agad inilabas ni Belle ang phone niya.
Maya-maya, halos magkadikit na ang ulo nilang dalawa habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato.
May ilang pictures na maayos.
Mas marami ang kalokohan.
Napapailing na lang si Elise habang tumatawa.
“Ang pangit mo dito.”
“Excuse me? Candid ’yan.”
“Parang hinihika ka.”
“Elise!”
Humagalpak sa tawa si Elise nang kurutin siya ni Belle sa tagiliran.
Ganito ang gusto niya kapag kasama ang best friend niya.
Hindi niya kailangang mag-isip kung tama ba ang sasabihin niya. Hindi niya kailangang maging impressive o interesting.
Kay Belle, puwede siyang maging si Elise.
Tahimik kung minsan.
Makulit kapag komportable.
At masaya sa mga simpleng bagay.
Nagpatuloy ang kuwentuhan nila—mga nangyari noong bakasyon, mga dating kaklase, teachers na ayaw nilang maging adviser, hanggang sa mga plano pagkatapos ng graduation.
“Sure ka na ba sa course mo?” tanong ni Belle.
“Hindi pa.”
“Akala ko Education.”
Napailing si Elise.
“Gusto nina Mama at Papa.”
“Pero ikaw?”
Saglit siyang natahimik.
Tiningnan niya ang mga estudyanteng naglalakad sa quadrangle.
“Hindi ko pa alam.”
Iyon ang totoo.
Magaling siyang mag-aral. Mataas ang grades niya. Pero kapag tinatanong kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa buhay, wala siyang siguradong sagot.
“May time pa naman,” sabi ni Belle. “Grade 12 pa lang tayo.”
“Parang ang bilis kasi.”
“Then huwag mo munang isipin.”
Iniabot nito ang chips.
“Kumain ka.”
Napatawa si Elise at kumuha ng isa.
Simple lang ang sandali.
Magaan.
Tahimik.
Hanggang—
Thud!
“Aray!”
Napapitlag si Elise.
Isang bola ang tumama sa gilid ng kanyang binti bago gumulong sa ilalim ng bench.
“Elise!”
Agad siyang nilingon ni Belle.
“Ayos ka lang?”
“Okay lang—”
Napatingin si Elise sa suot niya.
May bahid ng lupa ang checkered pink skirt ng kanilang uniform kung saan tumama ang bola.
Nawala ang ngiti niya.
“Ay…”
Tumayo siya at agad pinagpag ang palda.
Pero bago pa siya makapagsalita, nakatayo na si Belle.
“Ano ba!”
Napalingon ang ilang estudyante.
“Nakakatama na kayo, ha!”
“Belle, okay lang—”
Hindi na siya pinakinggan nito.
May isang lalaking tumatakbo papunta sa kanila para kunin ang bola.
“Sorry, sorry.”
Pero nakangiti ito.
Halos natatawa pa.
Lalong sumama ang tingin ni Belle.
“Sorry ka pero natatawa ka?”
“Hindi naman ako ’yung tumira.”
Dinampot ng lalaki ang bola bago itinuro ang grupo ng mga lalaking nasa di-kalayuan.
“Si Jason ’yon.”
Napahinto si Elise sa pagpagpag ng palda.
Jason?
Kusang napunta ang tingin niya sa direksiyong itinuro nito.
At naroon nga siya.
Nakatayo si Jason kasama ang ilang kaibigan.
May hawak itong bottled water at halatang natatawa pa sa nangyari.
Nakasimangot pa si Elise ilang segundo ang nakalipas.
Pero nang magtagpo ang mga mata nila—
unti-unting nawala ang simangot niya.
At bago pa niya mapigilan ang sarili—
napangiti siya.
Napalingon si Belle sa kanya.
“Elise?”
“Hmm?”
“Bakit ka nakangiti?”
Parang saka lang natauhan si Elise.
“Ha?”
Tinuro ni Belle ang maruming palda niya.
“Tinamaan ka ng bola.”
“Alam ko.”
“Nadumihan uniform mo.”
“Oo.”
“At nakangiti ka?”
Napakagat sa loob ng pisngi si Elise para pigilan ang ngiti.
Hindi niya rin alam kung bakit biglang nawala ang inis niya.
Siguro dahil…
si Jason pala.
Napailing si Belle nang makita ang expression ng kaibigan.
“Oh my God.”
“Belle…”
“Hindi ka na normal.”
“Okay lang naman ako.”
“Elise!”
“Hindi naman masakit.”
“Kanina napa-aray ka!”
“Gulat lang ’yon.”
Napatingin ulit si Belle sa grupo ng mga lalaki.
“Hindi man lang lumapit.”
“Belle, okay lang talaga.”
Mula sa di-kalayuan, itinaas ni Jason ang isang kamay.
“Sorry!”
Malakas ang boses nito.
Pero natatawa pa rin.
“Hindi sinasadya!”
Ngumiti si Elise at kumaway nang kaunti.
“Okay lang!”
Napapikit si Belle.
Hindi siya makapaniwala.
“Grabe ka.”
“Ano na naman?”
“Kung ibang tao nakatama sa’yo, bad trip ka na.”
“Hindi naman.”
“Pero dahil si Jason…”
“Belle!”
Tumawa ang best friend niya.
Samantala, sa kabilang bahagi ng quadrangle, tinanggap ni Jason ang bolang ibinalik ng kaibigan nila.
“Nice shot,” biro ng isa.
“Hindi ko naman sinasadya,” sagot ni Jason habang tumatawa.
Sa tabi niya ay may isang lalaking tahimik lang mula kanina.
Nakasalamin ito at hindi gaanong nakikisabay sa ingay ng grupo.
Napatingin siya kay Elise.
Nakatayo pa rin ang dalaga habang pinapagpag ang natitirang dumi sa checkered pink skirt niya.
“Dapat lapitan mo,” sabi niya kay Jason.
“Ha?”
“Mag-sorry ka nang maayos.”
Napatingin si Jason sa kanya.
“Sorry na nga.”
“Sumigaw ka lang mula rito.”
“So?”
“Mukhang masakit ’yung pagkakatama. Nadumihan pa uniform niya.”
Saglit na tumingin si Jason sa direksiyon ni Elise.
Nakita niyang kinakausap na ulit ito ni Belle.
“Okay lang ’yan.”
“Jason.”
“Ngumiti naman, ’di ba?”
Bumaba ang boses nito.
“Hayaan mo na.”
Pagkatapos ay ibinato niya ang bola sa isa nilang kaibigan.
“Tara.”
Nagpatuloy ang laro na para bang walang nangyari.
Pero hindi agad gumalaw ang lalaking nakasalamin.
Nanatili ang tingin niya kay Elise.
Nakita niyang naupo itong muli sa bench.
Nakita rin niyang tahimik nitong pinupunasan gamit ang tissue ang bahaging nadumihan sa palda niya.
Mukhang hindi naman talaga galit.
Sa katunayan, may maliit na ngiti pa rin sa mga labi nito habang may sinasabi si Belle.
Pero hindi niya nakalimutan ang unang reaksyon nito.
Iyong pag-urong ng mukha nang tumama ang bola.
Iyong mahinang “Aray.”
Napatingin siya kay Jason.
Gusto sana niyang lumapit.
Kahit para tanungin lang kung okay talaga ito.
Pero ano naman ang sasabihin niya?
Hindi naman siya ang nakatama.
At malamang hindi rin siya kilala ni Elise.
Sa huli, nanatili siya sa kinatatayuan.
Ilang segundo pa siyang tumingin sa dalaga bago tahimik na inayos ang salamin niya at sumunod sa mga kaibigan.
Hindi alam ni Elise na habang abala siyang kiligin dahil sa simpleng “Sorry!” mula sa lalaking matagal na niyang crush—
may isang taong mas nag-alala sa sakit na pilit niyang sinabing “okay lang.”
SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







