Masuk
“Elise! Anak, gising ka na ba?”
Napadilat si Elise sa boses ng mama niya mula sa ibaba.
Saglit siyang nakatitig sa puting kisame ng kwarto bago napalingon sa alarm clock sa bedside table.
6:12 A.M.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Ay!”
Mabilis siyang bumangon.
First day of classes.
At Grade 12 na siya.
Pero sa halip na exciting na first-day morning na matagal niyang ini-imagine, mukhang magsisimula ang araw niya sa pagmamadali.
Pagkababa niya, nadatnan niyang abala na ang buong bahay.
Hindi kalakihan ang bahay nila—isang simpleng two-storey house sa tahimik na subdivision. Hindi marangya, pero maaliwalas at malinis. May family pictures sa dingding, ilang lumang trophies sa ibabaw ng cabinet, at isang bookshelf na halos punong-puno ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.
Sa dining table, nakabukas ang laptop ng mama niya habang may hawak itong mug ng kape.
“Good morning, Ma.”
“Morning, anak. Kain ka na. Nasa microwave ang breakfast mo.”
“Okay.”
Hindi man lang tumingin ang mama niya dahil abala ito sa binabasang lesson plan.
Sanay na si Elise.
Parehong teacher ang mga magulang niya. Ang mama niya ay nagtuturo ng English sa isang public high school, habang Mathematics teacher naman ang papa niya sa ibang paaralan.
Kapag pasukan, parang sabay-sabay silang tatlo na may sariling mundong kailangang habulin.
Maya-maya, bumaba ang papa niya na may bitbit na makapal na folder.
“Elise, may allowance ka pa?”
“Opo.”
“Sure?”
“Opo, Pa.”
“Sabihin mo lang kapag kailangan mo.”
Ngumiti si Elise.
“Sige po.”
Inilapag ng papa niya ang ilang bills sa mesa.
“May extra diyan. First day mo ngayon. Baka may kailangan kayong bilhin.”
“Pa, meron pa talaga ako.”
“Keep it.”
Iyon ang mga magulang niya.
Hindi sila mayaman, pero hindi rin niya naranasang kapusin sa mga kailangan niya.
May tuition siya sa magandang private school. May sariling kwarto. May laptop para sa schoolwork. May allowance. Kapag may project, hindi niya kailangang kabahan kung saan kukuha ng pambayad.
Laging provided.
Pero hindi sila iyong pamilyang mahilig magsabi ng I love you habang magkakayakap bago umalis ng bahay.
Hindi rin sila madalas mag-usap nang mahaba tungkol sa nararamdaman nila.
Mahal siya ng mga magulang niya.
Alam iyon ni Elise.
Pero dahil nag-iisang anak siya at parehong abala ang mga ito sa trabaho, maaga siyang natutong maging independent.
Kapag may problema, sinusubukan muna niyang ayusin mag-isa.
Kapag malungkot, nagbabasa siya.
Kapag may achievement, masaya ang parents niya—pero pagkatapos ng congratulations at simpleng celebration, balik na ulit silang lahat sa kani-kanilang gawain.
Siguro iyon din ang dahilan kung bakit hindi nasanay si Elise na naghahanap ng attention.
Mas komportable siyang nasa gilid.
“Anak.”
Napatingin siya sa mama niya.
“Hmm?”
Ngayon lang tuluyang inalis nito ang tingin sa laptop.
“First day mo pala sa Section A.”
Biglang ngumiti si Elise.
“Opo.”
“Top section?”
Tumango siya.
“Top one po kasi ako last year sa section namin, kaya nilipat po ako.”
“Good.”
Simple lang ang sagot.
Pero nakita niya ang maliit na ngiti sa mukha ng mama niya bago ito muling tumingin sa laptop.
At sapat na iyon para mapasaya siya.
“Galingan mo,” dagdag ng papa niya habang inaayos ang relo. “Pero huwag mong masyadong i-pressure ang sarili mo.”
“Opo.”
Tinapos ni Elise ang pagkain bago mabilis na tumayo.
“Aalis na po ako.”
“Baon mo?”
“Nasa bag.”
“Tubig?”
“Meron.”
“Umbrella?”
Napahinto siya.
Bumuntong-hininga ang mama niya at itinuro ang maliit na cabinet sa tabi ng p***o.
“Kumuha ka. Maulan na naman mamayang hapon.”
Napangiti si Elise.
“Okay, Ma.”
Paglabas niya ng bahay, saka siya napahinga nang malalim.
Napatingin siya sa sarili sa reflection ng bintana ng kotse nila.
Maayos naman.
White blouse. Plaid skirt. White socks. Black shoes.
Nakatali lang sa simpleng ponytail ang mahaba niyang buhok.
Walang makeup maliban sa lip balm.
Hindi naman pangit si Elise.
Pero hindi rin siya iyong tipo ng babaeng mapapalingon ang buong hallway kapag dumaan.
At okay lang naman iyon sa kanya.
At least…
karaniwan.
Pero ngayong araw, hindi ordinaryong school day.
Dahil simula ngayon—
classmate na niya si Jason.
Napakagat siya sa labi para pigilan ang sariling mapangiti.
“Kalma, Elise.”
Crush lang.
Walang dapat ikatuwa nang sobra.
Pero hindi rin niya napigilan ang sarili.
Maingay na ang campus nang makarating siya.
Isa sa pinakakilalang private schools sa city ang St. Augustine Academy. Malawak ang campus, may magkakahiwalay na buildings para sa junior at senior high school, malaking covered court, football field, library at landscaped garden sa gitna.
Sa entrance pa lang, ramdam na ang first-day energy.
May mga estudyanteng naghahanap ng classrooms.
May magkakaibigang nagtitilian dahil ilang linggo ring hindi nagkita.
May parents na naghahatid.
At may ilang senior students na parang hindi first day dahil nagkukumpulan na agad sa gilid.
Mahigpit na hinawakan ni Elise ang strap ng backpack niya.
Grade 12 – Section A.
Ilang beses na niyang tiningnan ang classroom assignment kagabi.
Pero parang gusto niya pa ring siguraduhin.
Pag-akyat niya sa second floor, may biglang yumakap sa kanya mula sa likod.
“Elise!”
“Belle!”
Halos mawalan siya ng balanse.
Humagalpak sa tawa ang best friend niya.
“I missed you!”
“Magkasama tayo last week!”
“So? Seven days ’yon!”
Napatawa si Elise.
Ilang taon na silang mag-best friend ni Belle.
Kung si Elise ang tahimik sa kanilang dalawa, si Belle naman ang kayang makipagkaibigan kahit sa taong katabi lang niya sa pila sa convenience store.
“Ready ka na?” excited na tanong nito.
“Sa?”
Tinaasan siya nito ng kilay.
“Don't act innocent.”
“Ano nga?”
“Section A.”
“Belle.”
“At higit sa lahat…” Lumapit ito at ibinaba ang boses. “Kay Jason.”
Agad napalingon si Elise sa paligid.
“Hoy! Hinaan mo!”
Natawa si Belle.
“Ano? Secret pa ba ’yan? Three years mo nang crush ’yung tao.”
“Hindi three years.”
“Two years and eleven months?”
“Belle!”
Mas lalo itong natawa.
Namumula namang inayos ni Elise ang buhok niya.
Matagal na niyang crush si Jason.
Pero hanggang doon lang iyon.
Hindi sila close.
Magkaiba sila ng mundo sa school.
Kung si Elise ay iyong estudyanteng kilala ng teachers dahil maayos gumawa ng requirements, si Jason naman iyong kilala ng halos buong campus.
Varsity player.
Popular.
Mayaman.
At higit sa lahat—
gwapo.
Iyong tipong kahit hindi gumawa ng effort, napapansin.
“Alam mo,” sabi ni Belle habang naglalakad sila, “baka destiny ’to.”
“Anong destiny?”
“Nilipat ka sa Section A.”
“Dahil top one ako.”
“Exactly. Nag-aral kang mabuti para ilapit ka ng universe sa true love mo.”
Napailing si Elise.
“Ang aga-aga, kung ano-ano na sinasabi mo.”
Pero hindi niya maitangging masaya siya.
Dahil kahit hindi siya pansinin ni Jason buong taon…
at least makikita niya ito araw-araw.
Mababaw.
Pero sapat na iyon para sa isang secret crush.
Pagdating nila sa classroom, marami nang estudyante sa loob.
Napahinto si Elise sa p***o.
Iba ang atmosphere.
Karamihan sa mga naroon ay familiar sa kanya sa pangalan o mukha—honor students, student leaders, athletes, at ilang students na kilala sa batch nila.
Biglang nawala nang kaunti ang excitement niya.
Napahigpit ang hawak niya sa strap ng bag.
Bagay ba talaga ako rito?
Top one siya sa previous section.
Pero Section A ito.
What if average lang pala siya kapag kasama na niya ang pinakamagagaling?
“Hoy.”
Tinapik ni Belle ang braso niya.
“Bakit?”
“Wala.”
“Kinakabahan ka?”
Umiling agad si Elise.
“Hindi.”
Tinaasan siya ng kilay ni Belle.
Kilalang-kilala siya nito.
“Sure?”
“Medyo.”
Hinawakan ni Belle ang braso niya at hinila siya papasok.
“Top one ka last year for a reason. Stop overthinking.”
Napangiti nang kaunti si Elise.
“Sige na.”
Pumili sila ng dalawang bakanteng upuan sa second row malapit sa bintana.
Mas gusto ni Elise roon.
Hindi masyadong harap.
Hindi rin masyadong likod.
Sakto lang.
Habang inaayos niya ang notebooks sa desk, biglang nagbago ang ingay sa classroom.
May ilang babaeng napalingon sa p***o.
“Jason!”
Hindi na kailangang lumingon ni Elise para malaman kung sino ang dumating.
Pero lumingon pa rin siya.
At agad niyang pinagsisihan.
Nasa pintuan si Jason.
Naka-school uniform lang ito tulad ng ibang lalaki, pero sa kung anong dahilan, parang mas bagay dito ang simpleng white polo at dark pants.
May backpack itong nakasabit sa isang balikat at bahagyang magulo ang buhok, parang nagmamadali bago pumasok.
“Bro!”
May dalawang lalaki agad na bumati rito.
Ngumiti si Jason at nakipag-fist bump.
Natural.
Relaxed.
Parang sanay na sanay na ang lahat ng mata ay nasa kanya.
“Elise.”
Hindi siya sumagot.
“Elise.”
“Hmm?”
“Kanina ka pa nakatitig.”
Bigla siyang humarap kay Belle.
“Hindi kaya!”
“Okay.”
Ngumisi ang kaibigan niya.
“Mga eight seconds lang.”
“Belle!”
Napayuko si Elise, kunwaring may hinahanap sa pencil case.
Narinig niya ang tawanan ng mga lalaki sa likod.
At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, mas bumilis ang tibok ng puso niya.
Hanggang sa may dumaan sa tabi ng desk nila.
Nakita niya mula sa gilid ng mata ang pamilyar na figure.
Si Jason.
Huminto ito sandali para batiin ang kakilala sa likod nila.
Napahawak si Elise sa ballpen niya.
One.
Mahinang tapik sa desk.
Two.
Isa pa.
Three.
“Elise?”
Napatingin siya kay Belle.
“Bakit?”
Nakatitig ito sa kamay niya.
“You're doing that thing again.”
“Ano?”
“’Yung pagtap mo ng pen kapag kinakabahan.”
Agad tumigil ang kamay niya.
“Hindi ako kinakabahan.”
“Sure.”
Napairap si Elise.
Hindi niya napansin ang lalaking nakaupo ilang upuan mula sa kanila.
Hindi rin niya napansin ang panandaliang paglingon nito nang marinig ang sinabi ni Belle.
At lalong hindi niya alam na sa unang araw ng Grade 12, habang abala siyang palihim na tumitingin sa lalaking matagal na niyang crush—
may ibang taong unang nagsimulang mapansin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya.
SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







