“Pupunta tayo kaagad?” iyon kaagad ang naibulalas ni Marion. Ngayon pa lang niya makikita ang passport na inasikaso niya, pati na rin ang mga government valid IDs na hinintay niya pero aalis na kaagad sila.
“Of course. Meron pa ba tayong kailangan hintayin?” tanong din ang isinagot nito.
Napailing lang si Marion. Matagal na niyang nasabi sa kaniyang mga kinagisnang magulang ang pagpunta niya ng South Korea kaya maiintindihan ng mga ito kapag tumawag siya bukas ng umaga para ibalita ito. “Wala naman po, Dad. Kakauwi niyo lang ba? Kumain na kayo?” Noong una, masyadong magaspang ang pakikitungo niya sa kaniyang totoong ama dahil hindi pa rin siya naniniwala sa pinagsasasabi nito. Pero nang makita niya na sinusubukan talaga nitong bumawi sa
Dahil may nakasapak na earphones sa tenga niya, hindi na napansin ni Marion na tinatawag siya ng Daddy niya. Nandoon na kasi siya sa magandang parte kung saan pansamantalang maghihiwalay ang mga bidang karakter para hanapin nila ang mga bagay na nawala sa pagkatao nila dahil sa toxic nilang relasyon. Kung hindi siya kinalabit ni Peterson at sinenyasan na mag-ayos na ng gamit, hindi pa siya hihinto. “Dad, nasa South Korea na ba tayo?” tanong niya. Tinanggal niya ang earphones niya para marinig ang isasagot ng Daddy niya. “Magsuot ka na ng seatbelt mo. Malapit na raw tayo mag-landing sabi nung piloto. Bilisan mo na bago ka puntahan ng flight attendant.” “Opo. Ito n
Napangisi naman si Peterson dahil naramdaman nitong napikon si Marion. Nang makarating sila sa harap ng limousine, si Andrew ang nagbukas ng pintuan para kay Marion. Umikot naman si Peterson para sumakay mula sa kabilang pintuan. Nang masiguro na maayos na ang lahat, umupo na si Andrew sa harapan, sa tabi ng chauffeur. Nagsimula nang mag-drive ang chauffeur kaya naging relax na ang mag-ama sa mga upuan nila. “Pahiya ka roon, ‘no? Mga ganiyan ba ang mga tipo mo sa lalaki?” pang-aasar pa ni Peterson. Pilit na ngumiti si Marion kahit nasasaktan ang pride niya noong mga oras na iyon. “HIndi po. Gusto ko, ‘yong gwapo, ‘yong mukhang artista. Tipong sa sobrang gwapo, baka bigla siyang ma-kidnap kapag naglakad siya sa madilim na lugar.”
Ramdam ni Marion ang paghihimutok ng tiyan niya. Kailangan niya nang kumain dahil baka bigla na lang siyang bumulagta sa kalsada. “Gusto kong matikman ang mga pagkain sa convenience store niyo. Mukhang masarap kasi ‘yong mga nakikita ko sa mga mukbang videos.” Iyon ang palusot niya. Pero ang totoo, gutom na gutom na talaga siya at hindi niya kayang maghintay kapag pumili siya ng resturant. “Sige po, Miss Marion. Tara na,” aya nito. Nauuna lang nang kaunti si Marion habang naglalakad sila. Dumiretso sila sa elevator para makababa. Dala-dala ni Marion ang wallet at cellphone niya. Bago umalis ang Daddy niya kaninang umaga, nag-iwan ito ng one million won o mahigit forty thousand pesos sa side table. Kahit wala itong iniwang note, alam niyan
“Sobrang salamat po talaga, Miss Marion. Tama nga ang sinabi ko kanina… Iba ka talaga kumpara sa mga client ko noon. Ngayon lang ako nakakilala ng VIP client na nagbigay ng oras para samahan ang mga empleyado niya. Alam mo kasi… Sobrang nakakabwiset ang mga boss ko. Palagi na lang nilang sinasabi na kailangan ko pang galingan samantalang hindi naman sila ang nakikipagsalamuha sa mga foreign clients. Hindi naman mabait ang iba sa mga iyon.” Namumula na ang mukha ni Andrew at nagiging madaldal na. Ilang baso na rin ng beer ang naiinom nito at mukhang hindi ganoon kataas ang alcohol tolerance nito. Uminom naman ng beer si Marion bago muling kumagat ng fried chicken. Hindi ganoon ka-pait ang beer sa South Korea at hindi rin ganoon kataas ang alcohol content kumpara sa nakasanayan niya kaya naman balewala sa kaniya kahit nakaka-ap
Isang linggo rin ang inilagi ni Peterson sa Seoul. Pero dahil abala ito sa trabaho, halos hindi naman nagkasama ang mag-ama. Ngunit kahit paano, pagkatapos ng nangyari sa unang araw ni Marion sa South Korea, nagpasya ang Daddy niya na sabay silang kakain ng hapunan. Naiintindihan naman ni Marion na maraming obligasyon ang nakaatang sa mga balikat ng kaniyang ama kaya hindi na siya nagtanong pa. Hindi na ulit nakabalik si Marion sa kainan na iyon, pero ang utak niya, tila nakabisado na ang mukha ng lalaking nakita niya lang sa loob ng limang minuto. Love at first sight? Kalandian hormones dahil nakakilala siya ng lalaking pasok sa taste niya? Hindi niya alam kung alin doon ang tama pero sa loob ng isang linggo, mukha ng lalaking iyon ang biglang pumapasok sa utak niya. Para siyang teenager na noon lang nakaramdam ng attraction sa isang lalaki.
October 21, 2021. Tatlong araw matapos umuwi si Peterson sa Manila at mag-isang namumuhay sa Seoul si Marion. Isang linggo na lang at simula na ang pagpasok ng winter sa South Korea kaya naman dalawang patong ng damit at mahabang coat ang suot-suot niya habang naglalakad-lakad. Tama nga ang Daddy niya, matutuwa siya sa Naksan Park dahil malaki ito at may magagandang view sa matataas na parte ng naturang park. Alas-kwatro na ng hapon kaya nag-uuwian na ang mga estudyante mula sa kalapit na Seoul High School. Nasa labinanim hanggang labingwalo ang edad ng mga estudyanteng nakakasalubong niya. Ang karamihan sa mga ito ay maraming aksesorya sa buhok o sa katawan, ang iba naman ay kumakanta ng mga awitin mula sa mga sikat na kpop groups at ‘yong iba naman ay halatang papunta sa mga cram school dahil sa malalaking libro at binders na hawak ng mga ito.
Napahawak si Marion sa kaniyang bibig nang maintindihan niya ang sinabi ng lalaki. Tiningnan niyang muli ang mukha ng dalagita at lalo siyang nakumbinsi. Ito na talaga… Nakita na niya ang lalaking kailangan niyang makilala. “Uhmmm…” Nag-iisip siya kung paano niya makakausap pa nang matagal ang lalaki kaya naman nag-isip siya ng alibi para naman samahan siya nito. “I am a foreigner. I am a Filipina. I… I’m just new here in Seoul so I don’t know where I should go. I think I’m lost. Can you help me? T-this is my address.” Mabilis niyang ipinakita ang kaniyang address na nakasulat sa kaniyang cellphone. “Naega wae neol dowajulkka? (Why would I help you?)”&
“I’m sorry… I know that you’re just desperate to find a good man but it doesn’t mean that I will give a sh*t with your nonsensical whims. I’m not interested in your money. I have my own ways to earn that so don’t talk to me or to my daughter again. Do you understand that?” Matalim ang tingin ni Seojun sa estranghera sa kaniyang harapan. “Eclaire, drop that bag, and let’s go home.” Tiningnan naman ng babae ang plastic bag na hawak ng anak niya bago muling tumingin sa kaniya. “That’s fine. Just… Take these groceries and go home. I… I’m sorry to bother the both of you.” “Hajiman… Appa! (But… Dad!)” Tinitingnan siya ni