ログインKaya naman ginugol niya ang lahat ng kanyang kayamanan para kumuha at magbayad ng mga taong magdudulot ng kapahamakan kay Sierra, na sa huli ay nagtulak sa kanya sa ganitong kapalaran.Habang nasa ilalim ng malalim na pag-iisip si Beatriz, lalo siyang nagagalit. Humigpit ang hawak niya sa telepono, at lalong umitim at nabaluktot ang kanyang mukha dahil sa matinding poot.Akala niya ay ang ginawa niyang pagkidnap kay Sierra ay kanyang paraan upang ipaghiganti ang kanilang angkan, ngunit hindi niya namalayan na ito ay bahagi lamang ng masalimuot na pakana ni Shanaia, kung saan ginamit lamang siya bilang kasangkapan upang makamit ang kanyang masamang layunin.Hindi maipaliwanag ang tindi ng galit na nararamdaman niya sa kanyang puso.Bigla siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at sumigaw nang malakas, “Ah! Shanaia, ikaw na masama! Ikaw ang sumira sa buhay ko!”Nang makita ng mga nagbabantay na pulis na nawawala na naman sa katinuan si Beatriz, agad nilang itinigil ang kanilang pag-uus
"Nakipag-ugnayan nga ako sa kanya. Lumapit si Ms. Shan para magtanong kung paano ang takbo ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang kahalili sa mga mapanganib na eksena."Tulad ng inaasahan, lumapit nga si Shanaia kay Jun.Tumango na lamang si Sierra at hindi na nagtanong pa. Naimbestigahan na ito ng mga pulis at walang nakitang anumang palatandaan, na nangangahulugang inayos na ni Shanaia ang lahat at tinanggal ang anumang bakas ng kanyang ginawa.Maging sa maingat at tusong pag-uudyok niya kay Sofie para saktan siya ay malinaw na ang pagpapakita na siya ay isang babaeng puno ng mga pakana at katusuhan.Hindi magiging madaling makahanap ng bagay na magagamit laban sa isang babaeng tulad nito.Pagkatapos kumain, hiniling ni Sierra kay Elliott na ihatid siya sa detention center. Isa rin si Beatriz sa mga kasangkot sa mga pangyayari noon, at baka sakaling makakuha siya ng ilang mahahalagang impormasyon mula rito.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw si Sierra sa ganitong uri ng pas
Nang makarating sa sasakyan, binuksan ni Elliott ang pinto. Sinandal ni Sierra ang kanyang sarili sa sandalan ng kanyang upuang de-gulong, tumayo gamit ang kaisa-isang paang kaya niyang gamitin, at inabot ang kanyang kamay kay Elliott habang nagsasabi, “pwede mo ba akong tulungan?”“Sige.” Hinawakan ni Elliott ang braso ni Sierra at lumapit nang kaunti. Naamoy niya ang kakaiba at mahinang pabango nito. Napakahina nito, hindi galing sa anumang pabango, ngunit napakabango at kaaya-aya. Hindi sinasadya na namula nang bahagya ang dulo ng kanyang mga tainga.Nang makaupo nang maayos si Sierra sa loob ng sasakyan, nagsalita siya, “Pwede mo bang tupiin ang wheelchair ko at ilagay sa likuran? Pasensya na talaga, Elliott.“Walang problema, Sierra.” Matamis na ngumiti si Elliott.Inayos ni Elliott ang wheelchair, lumipat sa driver's seat, at pinaandar ang sasakyan. “Where do you want to eat?”Nag-isip sandali si Sierra. "Mang inasal, nakakakain ka na ba roon? Masarap do'n."“Kahit saan mo gusto
Nang maayos na ni Alea ang dalawang bata, nagtungo ito sa silid ni Sierra. "Ma'am ihahatid ko na po ba kayo para maghilamos at maligo?""Oo."Habang itinutulak ni Alea si Sierra patungo sa banyo, hindi sinasadya ng tingin ni Sierra na tumama sa mesa ng kanyang mga gamit. Nang maalala ang isang bagay, sinabi niya, "Sandali lang."Huminto si Alea. "Ano po ang problema, Ma'am?""Kunin mo ang kahon na kulay ginto-rosas na nasa loob ng kabinet sa ilalim ng mesa.""Sige." Lumapit si Alea, binuksan ang kabinet, kinuha ang kahon, at iniabot ito kay Sierra.Hindi ito tinanggap ni Sierra. "Sa iyo na iyan.""Ano po?" Sinulyapan ni Alea ang mga bagay na nasa loob na maayos ang pagkakabalot at malinaw na mahalaga, at agad na umiling. "Ma'am, hindi ko po ito matatanggap, napakamahal nito.""Bote lang naman ito ng pabango. Huwag mo nang ituring na regalo. Wala akong ginastos dito, at saka hindi ko gusto ang amoy nito.""Ngunit ito ay...""Kung ayaw mo rin, itapon mo na lang."Napakaganda naman ng ba
Biglang bukilis ang tibok ng puso ni Sierra, ngunit hindi nagbago ang kanyang mukha. “Bakit ko naman kita papa-imbestigahan?”Bahagyang itinaas ni Julian ang kanyang kilay. “Baka naman gusto mong sirain ang pangalan ko, para mula ngayon ay ang panganay na lamang ang kilala sa angkan ng Montezides, at wala nang ikalawang anak?”Mapait na ngumiti si Sierra. “Ngayong si Marco na ang namumuno sa Montezides Group, sa tingin ninyo ay kailangan ko pang gawin iyon? O baka naman may lihim kang binabalak para mabawi ang posisyon ng punong tagapamahala, kaya itinuturing mo kaming mga kalaban ni Marco?”Natigilan sandali si Julian sa tuwirang pagtatanong ni Sierra, ngunit ngumiti rin ito at nagsalita, “Ate, nagkakamali kayo ng akala. Ang posisyon ng pangulo ay laging napupunta sa taong may pinakamalaking kakayahan. Mas magaling ang aking kapatid kaysa sa akin, kaya nararapat lamang na siya ang mamuno—ito rin ang nais ng lahat.”“Mabuti naman at alam mo ang kakayahan mo.”Biglang nawala ang ngiti
"Kasi naman..." Sabi ni Yazzy at sumulyap kay Marco. "The question is, itinuturing pa ba akong kaibigan ni Marco?" "Of course, hija! You've been with my son since your kids! I doubt na kakalimutan ka niya ng ganoon-ganoon na lang." Agad na sagot ni Ericka sabay tingin sa anak. "Hindi ba, Marco?" Tumango lang si Marco at nagbigay ng mahinang "Hmm." Lalong lumawak ang ngiti ni Ericka. Sumulyap siya kay Sierra na walang imik, tapos hinawakan ang kamay ni Yazzy. "Naalala ko noon... si Marco pa mismo ang nanligaw at nag-propose sa'yo. Ibig sabihin, sobrang special ka talaga sa kanya..." "Tama na 'yan, nakaraan na 'yon." Putol ni Senyora at kumunot ang noo. Ang tanda-tanda na, hindi ba alam kung kailan dapat tumahimik? Nandiyan si Sierra, oh! Agad namang natauhan si Ericka at tumawa. "Yes, Mama. Na-excite lang ako kasi medyo matagal din noong huli kaming nagkita ng batang ito." Dumating na ang katulong at sinabing handa na ang pagkain. Lahat ay lumipat sa hapag-kainan. Habang kumaka
Palagi na lang siyang nagnanakaw ng mga plano noong una pa lamang siya nitong malapitan, at ngayon ay hinihingi pa siyang gawin iyon dahil sa peke na pagmamahal...Ang kanilang mga nakaraang pagtatalik ay nanumbalik sa kanyang isipan. Bigla iyong nagsimulang tumakbo sa isipan niya. Marahil dahil
Ininda ni Sierra ang sakit at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kung tatayo siya at itutulak si Beatriz, sarado naman ang pintuan at hindi siya makakalabas agad. At kung sakaling nagtagumpay man siyang mabuksan ang pintuan kahit na nakatali siya, siguradong hindi niya naman kakayaning talunin
Lumingon si Sierra sa lalaking may peklat sa noo. "Teka, huwag muna, ipakita ninyo muna sa akin ang anak ko. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi ninyo, kahit na anong halaga pa." "Sa mundo ng mga gangster, ang katapatan ang pinakamahalaga. Sa tingin mo ba ay tatanggapin namin ang pera mo?" Ngumisi a
Tumayo si Sierra at nagsimula ng maglakad palabas, ngunit may napansin siya. Kaya naman pumihit siya pabalik. "I guess, Mr. Narvaez is not alone tonight, huh..." Aniya. Walang emosyong tiningnan ni Sylvio si Sierra sa mga mata, hindi man lang nito itinatanggi.Malinaw na ang katotohanan—wala ng







