Share

Kabanata 27

Author: corasv
last update Huling Na-update: 2022-12-10 21:22:58

MABILIS na lumabas din ng basement si Red. Gustuhin man habulin ang babae, ngunit natigilan siya nang maulinigan ang tinig ni Vivian.

“Sweetheart, where are you?”

“I’m here,” pabatid niya sa nobya. Kasalukuyang nasa kusina

siya.

“Kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala,” wika ni Vivian nang makita siyang umiinom ng tubig.

“Nauhaw kasi ako, e. Mahimbing ang tulog mo, hindi na kita ginising.”

“Magtatampo na sana ako sa ‘yo, akala ko kasi umuwi ka na habang tulog ako.” Malambing na inilambitin nito ang mga braso sa leeg niya. “Naiinitan ako. Baka gusto mong samahan akong maligo sa pool? At doon ay magpaligaya ulit tayong dalawa. Gusto kong sulitin ang gabing kasama ka, sweetheart.”

Napapailing si Red. Hindi dahil sa tinuran ni Vivian. Kundi sa katotohanan na sumampal sa kanya sa babaeng kay tagal niyang hinanap.

“Alas tres na ng madaling-araw,” ani Red. “Bumalik na tayo sa iyong silid para makapagpahinga.”

Natutukso siyang tanungin ang nobya tungkol sa babae. Gusto niyang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • One Night With A Stranger   Finale

    “R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.” “Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.” May katuwiran ito. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito. Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama

  • One Night With A Stranger   Kabanata 41

    IYAK ng sanggol ang nakapagpadilat sa mga mata ni Jewel. “A-ang baby ko…” ‘yon ang salitang unang namutawi sa kanyang bibig. Kahit na nga medyo malabo pa sa paningin niya ang mga taong nasa tabi niya. “Don’t worry, he’s fine…” pabatid sa kanya ng isang pamilyar na tinig. “Ang kailangan lang, magpalakas ka, para makarga mo na ang baby natin.” Nababaghan siya sa mga pangungusap ng pamilyar na tinig na iyon. Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya? “Thank goodness!” narinig niyang sambit ng kung sino man. “I can say, it's a miracle. Ang inaasahan ko ay ang muling mapatibok ang puso ng pasyente. Hindi ko inaasahan na magigising siya mula sa pagkaka-coma, kasabay ng muling pagtibok ng puso niya.” Red and Rochelle, they rush her to the operating room for an emergency c-section. However, a blood clot that was loose in her system sent her into a coma. The medical staff caring for her felt defeated. Dahil pagkalipas ng ilang linggo, Jewel was still unconscious and no treatment se

  • One Night With A Stranger   Kabanata 40

    KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart, mabuti naman at nagpakita ka na sa akin,” malambing nitong sabi. Matalim ang mga matang tumingin ito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ‘to, hindi ka niya pwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel, nang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle, nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jewel nang maramdaman unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Mabilis na naagapan ni Red ang pagbagsak ni Jewel sa sementong sahig. “Ipagdasal mong walang masamang mangyari sa mag-ina ko, Vivian. Dahil kapag n

  • One Night With A Stranger   Kabanata 39

    AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d

  • One Night With A Stranger   Kabanata 38

    “ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue

  • One Night With A Stranger   Kabanata 37

    NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status