LOGIN
CHAPTER ONE
Ang hanging bumubulusok sa madilim na eskinita ay may dalang amoy ng lumang basura — at ng masamang desisyon.
Bakit ko ba kasi ginustong mag-isa?
Nagmamadaling lumakad si Samantha pauwi, pilit na binabalewala ang palapit nang palapit na yabag sa kanyang likuran. Alas onse na ng gabi. Tatlong kanto na ang layo niya mula sa club kung saan siya iniwan ng kaibigan niyang si Chloe sa isang blind date na hindi naman niya hiniling.
"Alam mo, pangit lang talaga ng gabi ko," bulong niya sa sarili.
Isang simpleng salu-salo lang naman dapat ang pagkikitang iyon. Imbis na sa pamilyar nilang lugar, sa isang mamahaling club sa gitna ng Soho siya hinatid ni Chloe, tapos saka lang sinabing may surprise.
"Blind date? Ngayong gabi? Chloe, ikaw talaga," sabi niya noon.
Pero si Chloe ay puro ngiti lang. "Eh ano naman? Natural beauty ka. At saka, siya ang may gusto sa'yo. Oo, alam niyang pupunta ka. Galing daw siya sa meeting kaya naka-suit pa rin. Edi bagay kayo — ikaw naka-cardigan, siya naka-tie."
Tumawa si Chloe, pero si Samantha ay hindi.
Sinubukan niyang maging polite. Umorder siya ng tubig, umupo sa sulok, at naghintay. Limang minuto. Sampung minuto. Labinlimang minuto.
Walang dumating.
Kaya umalis siya. Hindi na siya nagpaalam kay Chloe, na busy naman sa pagsasayaw kasama ang iba nilang katrabaho. Lumabas siya ng club, niliko ang unang kanto, tapos ang pangalawa.
At ngayon, nagsisisi siya.
Masyado nang tahimik ang paligid. Wala nang dumadaang sasakyan. Ang mga ilaw sa poste ay kumukurap-kurap na parang hihintuin na lang din ang pagtibok ng puso niya.
Thump. Thump. Thump.
Hindi na yabag ng iba ang naririnig niya — sarili na niyang pintig ng dugo.
"Samantha."
Napahinto siya sa paglalakad.
Hindi niya kilala ang boses na iyon. Pero alam niya — sigurado siya — na siya ang tinatawag.
Mabagal siyang lumingon.
Isang lalaki ang nakasandal sa pader ng isang saradong tindahan. Hindi siya super tall pero may tindig na hindi mo basta-basta matatawaran. Nakasuot siya ng itim na coat. Sa kabila ng dilim, kita ni Samantha ang matatalim na linya ng kanyang mukha — ang panga, ang matangos na ilong, at ang mga mata na tila nagbabadyang kidlat.
"Do I know you?" tanong ni Samantha, pilit na pinatatag ang boses.
Hindi siya sumagot agad. Tumayo siya nang tuwid, pinagpag ang coat, at dahan-dahang lumapit.
"Not yet. But I will."
Lalong gumapang ang takot sa likod niya. Hindi siya bobo — alam niyang delikado ang mag-isa sa lugar na ito nang ganitong oras.
"I'm just passing through," sabi niya, medyo nanginginig na ang boses. "I don't have money. No expensive phone, I swear."
Tumigil siya sa harap niya. Sa wakas, nakita niya nang buo ang mukha nito sa ilalim ng kumukurap-kurap na ilaw.
At natigilan siya.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa gwapo nito — yung tipong nakakainis na gwapo. Yung tipong alam mong sanay na sanay na siyang sambahin ng mga tao. Pero may malamig sa mga mata niya, yung bang-is na pumipigil sa iyo na lumapit kahit gusto mo.
"I'm not a robber," sabi niya, may bahid ng inis sa boses. "Do I look like one to you?"
"Then what are you?" sagot ni Samantha, unti-unting bumabalik ang tapang. "A fan? A stalker? Did Chloe send you?"
"No."
"Then what?"
Tumagilid ang ulo niya. Tiningnan siya nang mabuti, tila sinusukat ang bawat detail — ang kulot niyang buhok na hindi naayos, ang cardigan na may mantsa ng kape, ang murang sneakers na sawa na sa kanyang mga paa.
"Are you stupid or just pretending?"
"Excuse me?"
"You're alone in Soho at this hour. You agreed to a blind date without knowing who you're meeting. Then you decided to walk home alone in the dark." Binilang niya sa daliri ang bawat point, parang nagrereport sa board meeting. "Which part of that is smart?"
Nanlaki ang mata ni Samantha. Hindi siya sanay na ganituhin ng isang stranger na hindi naman niya kilala.
"Excuse me, you don't know me. You don't know my situation. And you don't get to —"
"Three men have been following you since earlier," putol niya, his voice cold and calm. "You left the club. They followed you on the first corner. You didn't notice."
Nanlamig si Samantha.
"Because you were too busy texting Chloe. Second corner, you still didn't notice. On the third corner, they stopped when they saw me leaning against this wall. They thought I was with you."
Tiningnan ni Samantha ang paligid. Walang tao. Walang kahit anino. Puro basura at saradong pinto lang.
"Who are you?" bulong niya.
"The question is," sabi niya, lumapit pa nang bahagya — sapat na para maamoy ni Samantha ang pabango niyang mamahalin at matapang, "why did you run away from your blind date?"
Natigilan si Samantha para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"How did you —"
"You're applying as an executive assistant to a CEO. You're looking for a new job."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Samantha. Hindi lang dahil sa takot — kundi dahil sa biglang pag-realize na para siyang nahulog sa bangin.
Sa susunod na linggo, may interview siya para sa pangarap niyang trabaho. Executive assistant sa isang malaking kompanya sa London. Inaasam-asam niya iyon mula nang magtapos siya ng kolehiyo sa Maynila at lumipad dito na halos walang dala kundi pangarap.
At ngayon, sa isang madilim na eskinita sa Soho, kausap niya ang taong puwedeng magbigay — o sumira — sa lahat ng iyon.
Lucas Menez.
"Your blind date," sabi ni Lucas sabay abot ng kamay. "The one you didn't wait for."
Hindi makapaniwala si Samantha.
Tinitigan niya ang kamay na nakaabot sa kanya. Malapad ang palad, mahahaba ang daliri, malinis ang mga kuko. Kamay ng taong hindi sanay sa palengke. Kamay ng taong sanay mag-utos at magpaikot ng pera.
"Samantha Cordero," nauutal niyang sabi. Hindi niya alam kung makikipagkamay ba siya o tatakbo na lang pabalik sa club.
"I know," sagot ni Lucas. "Chloe sent me your CV last week."
What?!
Pakiramdam ni Samantha ay may humampas sa dibdib niya. Betrayal. Hindi lang basta gulat — betrayal.
"Chloe? My friend Chloe — she works in HR. You mean — you set this up? The blind date, the club, everything?"
Lucas didn't answer immediately. Instead, he kept his hand extended, waiting.
Huminga nang malalim si Samantha. Okay. Okay. Relax. Kalmahan mo.
Ito na ang pinakamalaking opportunity sa buhay niya. Ang lalaking ito ay puwedeng maging daan para tuluyan siyang manatili sa London. Para magkaroon ng magandang buhay. Para matupad ang pangarap ng kanyang magulang na naiwan sa Maynila.
Pero bakit sa eskinita? Bakit ganitong oras? Bakit ganito ka-creepy?
"Why here?" tanong niya sa wakas, hindi pa rin hinahawakan ang kamay nito.
"I wanted to see the real you," sagot ni Lucas, his voice steady and unapologetic. "Not the one in your CV. Not the one in your interview suit. The real one — when no one's watching."
"So you tested me?"
"I tested you." Ngumisi siya. Yung ngiting alam mong ginagamit niya sa boardroom para makuha ang gusto niya. "And you failed."
Nag-init ang buong mukha ni Samantha. Hindi siya sanay na ganituhin. Lumaki siyang masunurin, responsible, laging sumusunod sa rules. Pero ngayon, sa unang pagkakataon, may lalaking nagsasabing failed siya.
"Excuse me? I waited for fifteen minutes. You didn't show up. You didn't text, you didn't call, you didn't send any message through the reception. What was I supposed to do? Sit there like an idiot?"
"I was in a meeting. I was ten minutes late."
"Then you should have told the reception! You have a phone. You have people who work for you."
"I do. And you have a phone too. Why didn't you look for me?"
"Because I didn't know your name!"
Chloe didn't tell you?
"She said, and I quote — 'gwapo, mayaman, CEO.' That's it! No name, no picture, nothing!"
For the first time, Lucas laughed. Hindi yung plastic na tawa ng mga mayayaman sa parties. Isang mababa at maikling tawa na tila nakasanayan na niyang pigilin. At ngayon lang siya natawa ng ganito.
"Fair enough," sabi niya. Sa wakas, ibinaba na niya ang kamay. "Let's start over. Sam —"
"Samantha."
"Sam," pagpilit niya ulit. "I'm sorry for the creepy alleyway setup. But I needed to know if you're someone who follows rules or someone who thinks for herself."
"At anong conclusion mo?"
"You think for yourself. You walked out of a situation you didn't like. You didn't wait for a man you didn't know just because he's rich." He paused, his eyes boring into hers. "That's good. That's rare."
Nag-init lalo ang pisngi ni Samantha. Hindi niya alam kung compliment ba iyon o insulto. Pero bakit parang ang bigat ng titig niya? Bakit parang nahihirapan siyang huminga?
"So..." she started, trying to steady herself. "Is this still an interview? Or did I already lose the job before it even started?"
Ngumiti si Lucas — pero ibang ngiti ito. Yung tipong nagpaparamdam na may alam siyang hindi mo alam.
"The interview," he said slowly, stepping even closer, "is just beginning."
At nang gabing iyon, sa isang madilim na eskinita sa gitna ng London, nagsimula ang lahat ng hindi inaasahan ni Samantha.
Ang gabing iyon ang maghihiwalay sa kanya mula sa dating siya.
Dahil si Lucas Menez ay hindi lang basta CEO.
Siya rin ang magiging pinakamatamis — at pinakamapait — na pagkakamali ng kanyang buhay.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang malaman ni Samantha na siya ay buntis.Isang buwan din siyang naging perpekto sa pag-iwas.Tuwing umaga, pumapasok siya nang mas maaga kaysa kay Lucas. Hindi na siya dumadaan sa harap ng opisina nito. Ang mga reports na kailangan ng pirma ay ini-email na lang niya kay Chloe, at si Chloe na ang nag-aabot.Tuwing may meeting, nakaupo siya sa pinakamalayong sulok ng conference room. Hindi na siya nagvo-volunteer na mag-take ng minutes kung alam niyang si Lucas ang magpe-presenta.Tuwing magkakasalubong sila sa hallway, tumatawid siya sa kabilang side. Kung hindi maiiwasan, isang "Good morning, sir" lang at mabilis na lakad palayo.Hindi siya nagpapahalata. At least, 'yun ang gusto niyang paniwalaan.---"Isang buwan ka nang kakaiba."Si Chloe ang nagsabi nito isang hapon habang kumakain sila sa pantry. Nakatitig ito kay Samantha na may halong pag-aalala."Wala," sagot ni Samantha, pilit na ngiti. "Nag-aadjust lang.""Sa trabaho? Dalawang buwan ka na
CHAPTER FIVEIsang linggo na ang nakalipas mula nang malaman ni Samantha na siya ay buntis.Isang linggo rin siyang nagtago. Hindi lang ng sikreto sa tiyan – kundi ng sakit na hindi niya maintindihan.Tuwing umaga, sinusuka niya ang lahat maliban sa katotohanang hindi na niya mababago ang nangyari. Tuwing gabi, hinihimas niya ang kanyang tiyan bago matulog, binubulungan ang sanggol na "Ikaw muna. Ikaw muna ang priority ko."Pumasok siya sa opisina na para bang walang nagbago. Nakablazer pa rin. Nakangiti pa rin sa mga katrabaho. Sumusunod pa rin sa utos ni Lucas nang walang reklamo.Pero may nagbago sa kanya – hindi na siya natatakot.Noong una, takot siyang malaman ni Lucas ang tungkol sa bata. Takot siyang mawalan ng trabaho. Takot siyang husgahan ng mga tao.Ngayon? Wala na siyang pakialam.Bahala na siya sa buhay niya. Ang mahalaga, ligtas ang anak ko.Ganyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.---Martes ng umaga, sa opisina.Si Samantha ay nasa pantry, kumukuha ng tubig.
CHAPTER FOURDalawang linggo na ang nakalipas mula nang gabing iyon.Dalawang linggong sinubukan ni Samantha na kalimutan ang init ng mga braso ni Lucas, ang lalim ng kanyang boses sa madaling araw, ang paraan ng pagtingin niya sa kanya na parang siya ang tanging babae sa mundo.Dalawang linggo rin siyang naging executive assistant ni Lucas Menez.At sa dalawang linggong iyon, hindi niya alam kung mas mahirap ang trabaho – o ang magpanggap na walang nangyari sa kanila."Hang in there, Sam," bati ni Chloe nang umagang iyon, may dalang kape para sa kanya. "Alam kong mabigat ang trabaho, pero kaya mo 'yan.""Thanks," sagot ni Samantha, pilit na ngumiti. "At Samantha nga. Hindi Sam.""Same difference," sabi ni Chloe sabay kindat. "Pero seriously, kumusta ang first two weeks? Hindi ka pa naman umiiyak.""Lalaban pa naman."Hindi alam ni Chloe ang totoo. Walang nakakaalam – maliban kay Samantha at sa dingding ng kanyang maliit na apartment.Mula nang gabing iyon, hindi na muling nagkasama s
CHAPTER THREE Hindi na maalala ni Samantha kung paano sila napunta sa pinto ng apartment ni Lucas.May memorya siya ng mahabang biyahe mula sa café. Tahimik sila sa sasakyan, pero hindi awkward ang katahimikan – kundi yung tipong punong-puno ng hindi pa sinasabi. Bawat lingon niya kay Lucas, nakatitig ito sa kalsada, pero kita niya ang pagkuyom ng kanyang panga, ang paghigpit ng kanyang mga daliri sa manibela.Parang may kinikimkim.Pagdating nila sa tapat ng building ni Samantha, hindi siya bumaba agad."Thank you for the ride," sabi niya."Thank you for not running away," sagot ni Lucas.Tumawa siya nang mahina. "May chance pa bukas.""Bukas pa iyon. Ngayon, nandito ka pa."Tumitig sila sa isa't isa. Ang ilaw ng streetlamp ay pumapasok sa windshield, binabahagya ang mukha ni Lucas. Sa liwanag na iyon, hindi siya mukhang CEO na walang puso. Mukha siyang lalaki – isang pagod na lalaking may mabibigat na dala."Gusto mo bang pumasok?" biglang tanong ni Samantha.Hindi niya alam kung b
CHAPTER TWODinala ni Lucas si Samantha sa isang 24-hour café sa kanto — malayo sa madilim na eskinita, malayo sa mga nagbabantang anino ng Soho. Puno ng ilaw ang lugar, amoy fresh coffee at buttered toast. Tahimik, konti lang ang tao. Mas ligtas.Umupo sila sa sulok, sa booth na may matangkad na halaman sa gilid — sapat na pribado pero hindi masyadong palihim."Order ka," sabi ni Lucas, inihulog ang menu sa harap niya. "My treat."Hindi pa rin makapaniwala si Samantha. Sampung minuto ang nakalipas, iniisip niya kung paano tatakbo para iligtas ang sarili. Ngayon, nakaupo siya sa tapat ng isang bilyonaryo na posibleng maging boss niya."Hot chocolate," sabi niya sa waiter. Wala siyang gana kumain. Masyadong maraming kumakalembang sa utak niya."Same," sabi ni Lucas. "And a slice of cheesecake. For her."Napatingin si Samantha."Paano mong alam na gusto ko ng cheesecake?""I don't. Pero lahat ng tao gusto ng cheesecake." Ngumisi siya. "Test number two."Hindi siya natawa. Imbis na tumaw
CHAPTER ONEAng hanging bumubulusok sa madilim na eskinita ay may dalang amoy ng lumang basura — at ng masamang desisyon.Bakit ko ba kasi ginustong mag-isa?Nagmamadaling lumakad si Samantha pauwi, pilit na binabalewala ang palapit nang palapit na yabag sa kanyang likuran. Alas onse na ng gabi. Tatlong kanto na ang layo niya mula sa club kung saan siya iniwan ng kaibigan niyang si Chloe sa isang blind date na hindi naman niya hiniling."Alam mo, pangit lang talaga ng gabi ko," bulong niya sa sarili.Isang simpleng salu-salo lang naman dapat ang pagkikitang iyon. Imbis na sa pamilyar nilang lugar, sa isang mamahaling club sa gitna ng Soho siya hinatid ni Chloe, tapos saka lang sinabing may surprise."Blind date? Ngayong gabi? Chloe, ikaw talaga," sabi niya noon.Pero si Chloe ay puro ngiti lang. "Eh ano naman? Natural beauty ka. At saka, siya ang may gusto sa'yo. Oo, alam niyang pupunta ka. Galing daw siya sa meeting kaya naka-suit pa rin. Edi bagay kayo — ikaw naka-cardigan, siya nak







