แชร์

Chapter 2: Walang Kwentang Lalaki

ผู้เขียน: Mangowrites
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-20 10:50:02

Sa hapag-kainan para sa almusal, kasama nilang nakaupo si Lola Melba. Kahit pumalo na sa pitumpu ang edad nito, malakas at malusog pa rin ang katawan, at halatang alagang-alaga ang sarili.

Nasa kabisera ang pwesto ng matanda. Sa kanang bahagi naman nakaupo ang dalawa niyang apo: si Hector, tatlumpu't apat na taong gulang at ang panganay sa pamilya Galvez, at ang bunso na si Harris, na tatlumpung taon naman. Pareho na silang nakatutok sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Nagsimula kay Hector ang lahat, siya ang solong humawak at nagpalago sa ari-arian bago sumunod si Harris, na naging malaya at nagpakasawa muna sa buhay-binata bago nagtino.

Sa kaliwang bahagi naman ang pwesto ng mga anak ni Rita. Ilang dekadang nagsilbi si Rita kay Lola Melba bago pa man ito magretiro, at siya ang pinaka pinagkakatiwalaan at minamahal na kasambahay ng matanda. Namatay si Rita sa isang aksidente sa kalsada noong sumama ito kay Lola Melba sa Cebu. Dahil sa labis na pighati at paninisi sa sarili, ipinangako ng matanda na aampunin at bubuhayin ang dalawang anak nitong naiwan, iyon ay sina Caroline at Barbara.

Si Caroline, ang panganay na dalawampu't walong taong gulang na, ang tumutulong sa pag-aasikaso kay Lola Melba at sa bahay. Si Barbara naman, na dalawampu't isang taon pa lang, ay malapit nang makatapos sa pag-aaral. Pagkagraduate na lang daw nito pag-iisipan kung tutulong din ito sa bahay o papasok sa kumpanya para tulungan sina Hector at Harris.

Lumaki ang dalawang dalaga sa ilalim ng pangangalaga ni Lola Melba, habang kasama ring nag-aalaga sina Hector at Harris. Dahil araw-araw silang nagkikitang lahat, naging malapit sila sa isa't isa. Natural na nahulog ang loob ni Hector kay Caroline—isang dalagang napakahinhin, magalang, at may mabuting asal. Walang nakikitang masama rito si Lola Melba, at hindi siya hahadlang kung magkakatuluyan man ang dalawa.

"Caroline, nasaan ang kapatid mo?" tanong ng matanda. "Bakit hindi bumaba si Barbara para kumain?"

Nasanay ang matanda na laging maingay at malambing ang bunso, paborito nitong makipagbiruan at pinakamalakas kumain sa bahay. Kaya nakapagtatakang wala ito sa mesa ngayon.

"Medyo masama po ang pakiramdam niya, Lola. Dinalhan ko po siya pagkain at gamot sa kwarto niya. Sabi niya po, magpapahinga muna siya at hindi papasok sa eskwela ngayon."

"Naku, nagkasakit pala? Malala ba, apo? Gusto mo bang ipatingin natin sa doktor?"

"Naitanong ko na rin po 'yan sa kaniya. Sabi niya magpapahinga lang daw muna siya. Kapag hindi pa rin po gumaling, tsaka na natin ipatingin."

"Kagabi lang, mukhang maayos naman siya. Pagkatapos kong kumain, aakyatin ko siya sa kwarto," preso ni Harris. Mas malapit siya kay Barbara kaysa kay Caroline. Siguro dahil mas madaldal at direktang magsalita si Barbara, hindi tulad ng ate nitong sobra ang pagiging mahinhin, na minsan ay nakakailang at nakakainip kausapin para sa kaniya.

"Sige, apo. Ikaw na muna ang tumingin sa kaniya. O ikaw naman, Hector, may lakad ka ba ngayon?"

"Dadaan po ako sa bodega natin para mag-inspeksyon, tapos diretso na rin sa bayan. May ipapabili po ba kayo, Lola?"

"Wala naman na. Sige at asikasuhin mo ang mga lakad mo. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, 'wag kang magpapatakbo ng mabilis."

Napangiti na lang si Hector sa pag-aalala ng matanda.

"Caroline, may nabalitaan akong bagong bukas na cafe sa malapit. Gusto mo bang sumama para bumili ng pastries? Bibilhan na rin natin si Lola. Para man lang makapagpahangin ka sa labas."

Nakatitig si Hector sa dalagang nakasuot ng cream na dress, bagay na bagay sa maputi at makinis nitong balat. Napakaganda sa matang tingnan. Malayong-malayo sa isa pa. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng utak niya kung paanong may nangyari sa kanila ng isang 'yon kagabi. Langit at lupa ang pagkakaiba nina Caroline at Barbara. Walang preno kung magsalita ang isa, harabal kung kumilos, at napakaraming barkada.

"Masama ang pakiramdam ni Barbara, Hector. Mas magandang dito na lang muna ako sa bahay para alagaan si Lola," mahinhin na sagot ni Caroline.

Sumimangot nang bahagya si Hector. Ibig sabihin ba nito, hindi niya makakasama si Caroline pupunta sa bayan dahil lang nagkasakit ang kapatid nito?

"Naku, sige na, sumama ka na," pilit ni Lola Melba. "Maraming tao rito sa bahay, kaya ko ang sarili ko."

"Tama si Lola. Sumama ka na kay Kuya Hector, Caroline. Huwag mong alalahanin si Barbara, ako nang bahalang tumingin sa kaniya," dagdag pa ni Harris. Alam niyang gumagawa ng paraan ang kuya niya para magkaroon ng oras na masolo si Caroline, kaya gusto niya rin itong tulungan.

"Paano mo naman aalagaan, Harris? Kailangang punasan ang may sakit."

"O 'di papunasan natin," nakatutuwang sagot ni Harris na ikinataas ng kilay ni Hector sa pagtataka.

Alam niyang close sina Harris at Barbara. Madalas silang lumabas nang magkasama dahil nag-aaral pa si Barbara at palaging pumupunta ng bayan si Harris. Pero hindi niya akalaing ganoon pala sila kalapit para ipagpunas pa nito ng katawan ang dalaga.

"Loko ka talagang bata ka, Harris. Baka kung ano ang isipin ng ibang tao sa mga pinagsasabi mo. Huwag ka nang mag-alala, Caroline. Ako nang bahalang tumingin kay Barbara."

"Sigurado po ba kayo, Lola?" alanganin pang tanong ni Caroline.

"Oo naman. Kung gusto mong sumama sa cafe kay Hector, humayo ka na." Tumingin si Caroline kay Hector na nakatitig na pala sa kaniya. Alam niya kung ano ang nararamdaman ng lalaki para sa kaniya—mabait ito, maalalahanin, at napakalambing. Naniniwala siyang walang babaeng hindi mahuhulog sa lalaking tulad nito.

**

Sa kwarto ng may sakit na si Barbaba...

Click~

"Sino ang may sakit dito? Gusto mo bang buhatin pa kita papuntang banyo para makaligo?"

Pumasok si Harris sa malinis at puting kwarto. Inaasahan niyang makikitang nakahiga at nanghihina sa kama ang dalaga, pero nagkamali siya. Wala sa kama si Barbara. Nakalatag sa sahig ang kumot nito sa tabi ng kama, nakayakap sa malaking teddy bear, at nakatitig sa iPad habang nanonood ng teleserye.

"Aba. May sakit ka ba talaga o brokenhearted lang?" tanong ni Harris sabay ngiti. Tinitigan niya ang magandang mukha ng dalaga, pero wala man lang itong pakialam sa kaniya.

Kahit pa si Harris Galvez ang nakatayo sa harap nito, ang lalaking kilalang guwapo, mayaman, at galante—ni hindi man lang siya nilingon ng dalaga.

"Anong brokenhearted ka diyan, Kuya Harris. Antok lang ako."

"Eh bakit diyan ka nakagulong sa sahig? Bakit ayaw mo sa kama?"

"Trip ko rito." Napatingin si Harris sa magandang mukha nitong nakasubsob sa teddy bear. Nakatutok pa rin ang malalaking mata ng dalaga sa palabas sa iPad.

"Sabi ni Caroline may sakit ka raw. Ano bang nararamdaman mo?"

"Medyo masakit lang ang ulo. Nakakain at nakainom na rin ako ng gamot."

"May sakit ka nga ba talaga, o umiiwas ka lang para magkaroon ng time sina Caroline at Kuya Hector?"

"Ano?"

"Lalabas 'yung dalawa, pupunta ng bayan. Sabi ni Kuya Hector may bago raw cafe roon, baka doon sila pumunta. Sinabi mo bang may sakit ka para hindi ka maging gwardya sibil sa kanila?"

"Ewan..." walang gana niyang sagot. Kung gusto man ng dalawang 'yon na magkasama, buhay nila 'yon. Wala siyang pakialam. Ang Ate Caroline naman talaga niya ang gusto ni Hector, hindi siya.

Matapos ang nangyari kagabi, pinagbawalan siya nitong magsalita kahit kanino. Tinangka pa siyang bayaran gamit ang pera nito. Ni katiting na pag-aalala sa nararamdaman niya, wala man lang ipinakita.

"Ikaw, Kuya Harris? Saan ka pupunta?" tanong ni Barbara para alisin ang inis na nag-uumapaw sa dibdib niya.

"Wala naman. Umakyat lang ako para tingnan ka kasi sabi ni Caroline may sakit ka raw."

"Libre ka ba ngayon?"

"Oo, bakit?"

"Pasyal mo naman ako. Samahan mo 'ko."

"Saan?" Nagtaka si Harris. Karaniwan, siya ang nag-aaya rito. Ngayon lang ito nag-aya sa kaniya.

"Kahit saan. Basta malayo."

"Malayo saan? Sa bahay?" 

Tumango-tango si Barbara, habang sa loob-loob niya ay gustong-gusto na niyang isigaw kung gaano niya kagustong lumayo mula sa walang kwentang lalaking 'yon. Kay Hector.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 4: Isip-Bata

    Sa huli, wala ring nagawa si Harris kundi isama ang dalagang gustong magpalipas ng oras sa lugar na pupuntahan niya—sa isang bar.Nung una, balak lang talaga ni Harris na makipagkita sa kaibigan niya para pag-usapan ang negosyo. Pagkatapos nun, baka uminom nang kaunti at matulog na lang sa condo niya sa bayan. Pero dahil kasama niya si Barbara, malabong mangyari 'yon. Nag-soda na lang siya para makauwi sila nang ligtas at walang aberya."Oo nga pala, si Barbara. Kapatid ko," pakilala ni Harris sa kaibigan niya. Ayaw niya talagang gawin 'yon dahil alam na alam niya kung paano gumalaw at mag-isip ang loko."Barbara, si Antonio. Tropa ko.""Hi, Antonio. Sige lang, pag-usapan niyo lang 'yung kailangan niyo. Sumama lang ako kay Kuya Harris para magpalipas ng oras," maliit na nakangiti at simpleng bati ng dalaga."Sige, sige. Pero teka lang, anong 'kapatid' ba 'yan? 'Wag mong sabihing kapatid na pwedeng… alam mo na!" pang-aasar ni Tonio. Wala namang masamang intensyon ang kaibigan niya, per

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 3: Ang Calibre ng Susunod na Bayaw

    Inilayo ni Harris ang tingin sa kaniyang cellphone para tingnan ang taong kakalabas lang mula sa second floor.Ang taong kanina lang ay nagdahilang may sakit, pero pagkalipas lang ng ilang sandali ay nagyaya nang lumabas—samantalang noon, siya pa ang laging nagmamakaawang sumama ito sa kaniya. Ang gustong mamasyal ay nakasuot lang ng maluwag na puting t-shirt at kaparehong kulay ng maikling shorts. Kung hulaan man, halatang walang kahit anong make-up si Barbara, pero kailangang aminin na kahit simpleng mukha lang, mas maganda at nakatutuwa pa rin siyang tingnan kumpara sa ibang babaeng kapal-kapalan ang kolorete."Handa na ako, Kuya Harris.""O, saan mo ba gustong pumunta?" tanong ni Harris habang nakatitig sa dalagang halatang-halatang gustong-gusto nang makalabas ng bahay."Saan ba ang lakad mo ngayon?""May usapan kami ng kaibigan ko. Magkikita kami mamayang hapon.""Saan ba 'yan? Tara na kaya ngayon? Para padating ng oras ng usapan niyo, pumunta ka na sa kanya.""Sa bayan pa 'yon,

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 2: Walang Kwentang Lalaki

    Sa hapag-kainan para sa almusal, kasama nilang nakaupo si Lola Melba. Kahit pumalo na sa pitumpu ang edad nito, malakas at malusog pa rin ang katawan, at halatang alagang-alaga ang sarili.Nasa kabisera ang pwesto ng matanda. Sa kanang bahagi naman nakaupo ang dalawa niyang apo: si Hector, tatlumpu't apat na taong gulang at ang panganay sa pamilya Galvez, at ang bunso na si Harris, na tatlumpung taon naman. Pareho na silang nakatutok sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Nagsimula kay Hector ang lahat, siya ang solong humawak at nagpalago sa ari-arian bago sumunod si Harris, na naging malaya at nagpakasawa muna sa buhay-binata bago nagtino.Sa kaliwang bahagi naman ang pwesto ng mga anak ni Rita. Ilang dekadang nagsilbi si Rita kay Lola Melba bago pa man ito magretiro, at siya ang pinaka pinagkakatiwalaan at minamahal na kasambahay ng matanda. Namatay si Rita sa isang aksidente sa kalsada noong sumama ito kay Lola Melba sa Cebu. Dahil sa labis na pighati at paninisi sa sarili, ipinan

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 1: Panimula

    Madilim sa loob kwarto sa kanang bahagi ng mansyon ng mga Galvez, bigla na lamang may humila sa payat na katawan ng babae at mahigpit iyong niyakap. Pagkasarado ng pintuan, pilit siyang inihiga sa malapad na kama. Pumatong sa kanya ang mabigat na katawan ng lalaki, amoy pabango na nahaluan ng alak iyom.Walang pasabi nitong sinakop at pilit na hinalikan ang kanyang mga labi. Ang tamis na may halong pait ng alak mula sa bibig nito ay nagpalabo sa kanyang isip, kaya nawalan siya ng lakas para pumalag sa mga kamay nitong gumagapang sa buo niyang katawan kasabay ng paghubad sa kanyang mga damit.Pilit nitong pinipiga ang kanyang dibdib bago sabik na dinilaan iyon. Kahit nagmamakaawa at pumapalag si Barbara, hindi na mapigilan ng lalaking lasing ang nag-aalab nitong pagnanasa sa babae.Gumagapang ang na dila nito sa kanyang maputing balat. Nagpupumiglas man si Barbara, wala siyang takas. Nawalan siya ng wisyo habang paulit-ulit siyang inaangkin ng lalaki."Mahal na mahal kita, Caroline...

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status