Share

One Night with his Maid
One Night with his Maid
Author: Ari Estrella

Prologue

Shanaya's POV

Tila ba hindi pa sapat ang ilang boteng alak na nainom ko't hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sikip sa dibdib. Umiikot na ang paningin ko sa magulong ilaw sa loob ng malawak na bar at halos hindi na 'ko makahinga nang maayos sa amoy ng alak na dumdaloy sa ilong ko.

"Fuck this shit," singhal ko. "Isang bote pa!"

Tumango agad sa 'kin ang bartender at kaagaran akong ngumisi.

"Shanaya, you're wasting so much time and energy for that man. I mean, he's not even worth anything." Sumimangot si Nadia bago muling s******p sa lollipop niya.

"I love Carlos, and you know that." Tinungga ko agad ang boteng inabot sa 'kin ng cute na bartender. "Hell, but he's annoying!" Muntik na 'kong maduwal. Mabilis kong hinablot ang lime at saka s******p habang mamasa-masa na ang mga mata ko.

"See! That's the thing!" Panay ang irap ni Nadia. Kung hindi ko siya best friend, kanina ko pa hinugot ang mga mata niya. "You know that he's annoying. You're aware that he's an asshole. But you don't have the audacity to leave him. I mean, what the hell, Shan? Love will kill you." Paiiling-iling pa siya bago tumungga sa baso niya.

"Of course. You'll never understand, Nadia. What do you know about love?"

"I know that love shouldn't be painful, and look at you, you're in so much pain! I can barely see the strong Shanaya that I met before."

Nagkibit-balika't ako't muling tumungga. "I'll be okay, Nads. Kailangan lang maghanap ni Carlos ng trabaho then we're both gonna be okay."

"Trabaho. Trabaho." Abot langit ang pagkasarkastiko ni Nadia. "You know what, if you didn't disobey---"

"Oh, no. No, Nads. We're not gonna talk about that. No." Marahas kong binaba ang bote sa counter habang hawak ko pa rin iyon nang mahigpit.

Lalong sumikip ang dibdib ko nang isipin ang mga choices ko noon. But duh! Ano naman kung umalis ako ng bahay at naglakwatsa? Palaging wala sina mom and dad. Wala silang pake sa 'kin, so why should they matter to me?

"Okay then, let's just talk about your asshole boyfriend. Do you really think na maghahanap si Carlos ng matinong trabaho para sa inyong dalawa? Do you really hope na maaahon ka niya sa hirap? Shanaya, you don't have to suffer like this. Your parents are rich."

Umirap ako't muling tumungga. Sasagutin ko na sana si Nadia nang mapukaw ng atensyon ko ang lalakeng papalipit sa 'min. Kasing talim ng kutsilyo ang itim niyang mga mata habang inaayos ang kwelyo ng itim niyang polo. Agaw pansin ang pagkapula ng labi niya na dinaig pa ang labi kong nag-effort mag-red lipstick. He was handsome.

Umiwas ako ng tingin at umiling. I have a boyfriend. I was loyal to Carlos.

"Hey Ladies." Napalunok ako sa lalim ng boses niya at tila napalitan ng mala-almond na amoy ang paligid ko matapos niyang tumayo sa harapan namin ni Nads.

"Oh, hi!" Inayos ni Nads ang curtain bangs niya sabay ngiti nang malawak sa mitikulosong lalake.

Kinuha ko rin ang pagkakataon para obserbahan siya mula ulo hanggang paa. No. Handsome, but not my type.

"I'm Fox." He offered his hand na kaagad tinanggap ni Nads.

"Nadia, but call me Nads."

"Nads, cool." Lumipat ang tingin sa 'kin ng lalake. "What about you, lady?"

Tinignan ko ang kamay niyang malapad. I gulped at saka bumuntong hininga. "Call me Shan." Kinuha ko ang bote ng alak saka tumungga at hindi pinansin ang kamay niya.

He laughed. Tumawa rin si Nadia na may pagtapik pa sa balikat ni Fox. "Don't mind her. She's not always like that, but--- anyways, what's up?"

"Do you mind?" May tinuro si Fox na table at agad iyon tinungo ng mga mata ko. Tatlong lalake ang kumaway sa 'min habang may isa na nakatingin lang sa cellphone niya at tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

"Oh, you're inviting us?" sabik na tanong ni Nadia habang titig na titig lang ako sa misteryosong nakaputing polo na nakabukas ang unang tatlong butones.

Tinapik siya ng katabi niyang lalakeng naka-gray at doon pa lamang siya tumingin sa direksyon namin. Saglit akong nalagutan ng hininga nang magtama ang mga mata namin. Ang kislap ng berde niyang mga mata. He just nodded. He didn't wave like the others did.

"Hey, ayaw mo bang sumama?" Pumitik si Nadia sa harapan ng mukha ko. "Come on, Shan! Have a life. Hindi mo ikakayaman iyang si Carlos. I mean, is he even loyal to you? I bet not."

Napatingin ako kay Fox na parang sirang nakangisi sa 'kin.

The next thing I could remember, kasalo na namin ang limang naggagwapuhang lalake sa iisang table. Minasahe ko sandali ang ulo ko't lumalala na ang martilyong pumopokpok dito.

They were talking and laughing, but I could barely comprehend what was going on. Nakikitawa na lang ako habang nagiging blur na rin sila sa paningin ko.

Umiling ako't uminom ng tubig. Kinalma ko sandali ang sarili at hindi muna ako gumalaw hanggang sa lumiwanag muli ang paningin ko.

"Are you good?" tanong ni Fox na katabi ko.

"Kanina pa siya umiinom," sagot ni Nadia sa kabilang gilid ko. "Kaya mo pa ba, Shan?"

"Ako? Susuko sa alak? Come on! Syempre kaya ko pa." Tumawa ako't hinablot ang shot glass sa lamesa. Abot ko na ang labi ng baso ngunit 'di ko pa rin matungga ang alak. Pakiramdam ko'y maduduwal na 'ko kapag lumagok pa.

"Don't pressure yourself." Marahang hinablot sa 'kin ng nakaputing polo iyong shot glass.

I bit my lower lip. What was his name again? Shit, lasing na nga ako't hindi na nagsi-sink in sa 'kin ang ibang mga pangyayari.

Basta ang alam ko, sobrang gwapo ng nakaputing polo at kanina pa nagtatama ang mga mata namin.

"Yeah, tama na, Shan. Hindi mo na kaya." Tumango si Nadia at inabutan ako ng tubig.

Ngumiti lang ako't hindi tinanggap ang inaabot niya.

Sumimghap siya saka tinignan ang relos niya. "Ihahatid na kita."

"Can you still drive?" tanong ni Fox kay Nads.

"I think I still can."

"Or I can drive her home instead," suhestiyon ni Fox.

"Easy-han mo lang, dude!" Kantyaw ng isa nilang tropa sabay nagtawanan silang lahat maliban kay man in white polo.

Bahagyang kumunot ang noo ko.

"Shan, is it okay na si Fox na lang maghatid sa 'yo?" tanong ni Nadia.

Bago pa 'ko makasagot ay tumayo bigla iyong gwapong naka-white. "Ako na maghahatid sa kanya."

"Seriously, Vlad?" Parang hindi makapaniwala si Fox.

Oh, right! Vlad nga ang pangalan niya. Tinikom ko ang bibig ko't todo pigil na mapangjti.

"Oo nga, lasing ka na rin, Fox eh," sabat ng isa pa nilang tropa. "Si Vlad kaunti lang nainom."

"Shan, is it okay if si Vlad maghahatid sa 'yo?" tanong ni Nadia.

Gustong-gusto kong ngumiti. Mabuti't napigilan ko.

"Basta hindi siya lasing," sambit ko.

And what happened next was a blissful evening to remember. The pain in my chest got numb and all I could feel was Vladimir's warmth around my body.

He stole my breath away and brought me to euphoria.

We screamed, moaned, and fucked hard and loud until it was over.

The night was over.

I thought I was never gonna see him again until he became my boss and I was his maid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status