Share

CHAPTER 7: Katotohanan

HINDI ko na maramdaman kung dumidikit pa ba sa semento ang mga paa ko dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ko palayo sa lugar na iyon. Takot na takot na mahuli niya.

Hindi, hindi ko ibibigay si Inez Isabelle sa kanya! Hindi siya karapatan-dapat maging tatay ng anak ko dahil isa siyang gago at aroganteng tao! Ano na lang ang ituturo niya sa anak namin kung puro siya galit sa akin?

Anong ikinagagalit niya? Na sinabihan ko siyang 'unsatisfying' sa kama? Ha! Hindi ba siya pinatutulog ng litanya kong iyon? Kung ganoon, edi deserve pala ng hayop.

Nang makita ko na ang labasan ng subdivision ay nabunutan ako ng tinik at tumigil sa pagtakbo. Sigurado naman ay hindi na niya ako maaabutan. Takot pa naman no'n tumakbo ng ganitong kainit lalo na dahil baka may makakita sa kanyang 'fans' kuno niya.

Pasipol-sipol ako habang naglalakad ngunit kalaunan ay napangiwi rin nang maramdaman ang init sa kaliwang paa, roon ko napagtantong wala na palang sapin ang kaliwang paa ko. Siguro sa sobrang pagtakbo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status