Share

Episode 14: Plan

“T–ngina, sana namatay ka na lang!"

Humikbi ako ng maibaba ko ang paningin. Nanginginig ang katawan ko sa galit ngunit alam ko na wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak na lamang.

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga nangyayari sa akin ngayon ngunit hindi ako nagtatagumpay.

Sa litanyang iyon halos gumuho ang mundo ko.

“H-Hindi ko naman ho sinasadya," utal ko.

Ngunit imbes na patawarin ako nito'y nagsimula kong marinig ang papalakas na yabag ng mga paa nito dahilan para salubungin ko ito ng tingin.

“Huwag ho, Tiyo. Maawa na kayo! Masakit ‘yan!"

pagmamakaawa ko nang makitang inambaan ako nito ng hawak na baseball bat at walang awang pinaghahampas ako na mas masahol pa sa hayop.

Naimulat ko ang mga mata nang makaramdam ng pagliglig sa aking braso. Awtomatiko akong bumalikwas para makaupo. Nagmistulan akong isang bagay nang isuksok ko ang katawan sa headboard ng kama. Gamit ang kumot ay ipinalupot ko ito sa katawan na animo'y mapipigilan nito ang pagdagundong ng puso.

“Ate, anon
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
DÁRKVLADIMIR
Hi po, the update will be tomorrow. Thank you po sa pagsuporta! :>
goodnovel comment avatar
Kris Corina Villanueva
update po.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status