Tatlong taon na si Isabella Santos sa kumpanya.
Pero kahit kailan, hindi niya inakalang mauuwi siya rito, bilang Executive Assistant ng mismong CEO. Noong una siyang pumasok sa Hale & Co. Enterprises, ayos lang siya sa pagiging behind-the-scenes. Trabaho sa Finance Department, laging nakatutok sa Excel files, liquidation, petty cash, at kung anu-ano pang number related na bagay na ayaw ng karamihan. Tahimik lang. Wala masyadong interaction. Sakto lang sa personality niya. Pero isang araw, tinawag siya ng HR—Si Ma’am Macy.. “Isabella, we’re reassigning you. Temporary lang. EA ni sir, ng CEO. Kailangan lang ng someone reliable habang naghahanap pa ng permanent replacement.” Nag-resign daw kasi bigla yung previous secretary. Walang handover, walang pasabi. Ang sabi pa ng HR, “Magaling ka sa system at kilala ka na ni Sir Hale, at least kahit papano.” Kilala? Eh, ni hindi nga siya pinapansin ng CEO dati maliban sa ilang email approval. Pero wala siyang nagawa. Temporary lang daw. Kaya pumayag siya. Sayang din ang experience, di ba? One year later, andito pa rin siya. At hindi na temporary ang title niya. Hale & Co. Enterprises ay isang private corporate holdings company na may investments sa real estate, tech, distribution, at kung anu-ano pang hindi niya lubos maintindihan kahit ilang beses na siyang umatend ng corporate briefings. Basta ang alam niya, malaki ang kita ng kumpanya at mas malaki pa ang pangalan ni Sebastian Hale. Nasa desk siya sa labas ng executive office, binabasa ang ilang emails nang biglang bumukas ang intercom. “Miss Santos, inside.” Boses ni Sebastian Hale. Ilang beses na niyang narinig yon, pero hanggang ngayon may kakaibang effect pa rin sa kanya. Calm, direct, low. Tipong hindi mo matanggihan. She stood, smoothed her blouse, and entered his office. Malamig ang ambiance ng room at parang museum. Puro black, gray, at silver. Walang personal photos. Walang kalat. Organized to the point na parang hindi talaga opisina kundi showroom. Nakatayo si Sebastian sa harap ng floor-to-ceiling window. Suot ang paborito niyang charcoal suit, walang tie, top button undone. Casual-formal. May hawak siyang glass of water, nakatingin sa skyline ng BGC. “Sir?” He didn’t turn around immediately. “I need you to clear the 3PM with Donovan Group. Move it to Thursday, and have Legal send a revised draft of the MOU before end of day.” “Yes, sir.” “Also, tell Finance to freeze expense requests above two hundred thousand. Effective immediately.” Napakagat-labi si Isabella. “Noted po. Pero sir, may pending request po si Sir Calvin na 280K. Processing na po siya as of this morning…” Finally, he turned. At tulad ng dati, hindi siya handa sa level ng presence ng lalaki sa harap niya. Hindi ito yung tipong pogi lang. May aura si Sir Sebastian na intense, composed, intimidating. Para kang nasa job interview kahit simpleng tanong lang ang sagot mo. “Re-route it for my approval. I want eyes on anything over that limit starting today.” “Understood, sir.” Tahimik saglit. Tinitigan lang siya ni Sebastian. Straight, unreadable expression. Hindi siya sure kung may mali ba siyang sinabi. Natakot tuloy siya bigla. “Is that all po sir?” she asked, hindi makatingin diretso. “You’ve been here a year, haven’t you?” Napatingin siya, bahagyang nagulat sa tanong. “Y-Yes, sir. One year last week as EA.” “Hmm.” That was all he said. Then, “You may go.” Tumango siya at agad lumabas ng office. Pagkalapat ng pinto, napabuntong-hininga siya nang mahina. Habang naglalakad pabalik sa desk, tinignan niya sandali ang reflection niya sa glass wall. Hindi naman siya pang-beauty queen. Pero alam niyang presentable siya. Maayos magdamit, neat ang bun. Pero sa tuwing kaharap niya si Sebastian Hale, parang bumabalik siya sa pagiging baguhan, yung tipong ayaw magkamali. Hindi niya alam kung ano ba talagang iniisip ng CEO niya minsan. Tahimik. Madalas isang salita lang kapag may utos. Wala man lang casual conversation, except pag work-related. At hindi rin niya alam bakit siya pa rin ang EA hanggang ngayon. Hay nako! “Wala na bang iba?” minsan na niyang naitanong sa sarili. Pero ayaw niya ng assumption. Wala naman siyang karapatan. At kung tutuusin, okay naman siya sa trabaho. Maliban sa pressure. That night, habang naglalakad siya pauwi mula sa sakayan sa Guadalupe, sumagi sa isip niya ang unang araw niya bilang Executive Assistant. Kung paano siya tinignan ni Sebastian that day. Mataas ang kilay, parang nag-a-assess. Parang… hindi niya ma-explain. “Hindi naman ako special,” bulong niya sa sarili habang naglalakad. “Nagkataon lang siguro.” Sa kabilang banda ng siyudad, sa isa pang mataas na building, nakatayo rin si Sebastian sa parehong posisyon at na sa harapan ng bintana. Nakapatay na ang ilaw sa office, pero nananatili siya sa dilim. Sa kamay niya, nakabukas ang isang folder. HR reassignment records from one year ago. Nakabold ang pangalan ni Isabella. “One year,” bulong niya. “And she still doesn’t know.”Monday morning.Walang kakaiba.Walang sticky note.Walang text. Walang “good morning” sa inbox.At dapat okay lang ’yon.Dapat.Pero habang tina-type ni Isabella ang weekly schedule ni Sebastian, napapahinto siya kada ilang minuto. Baka may message na pumasok. Baka biglang dumaan sa glass wall. Baka biglang—“Miss Isabella,” bati ng isang staff sa labas ng suite.She snapped out of it. “Yes? Ay, sorry. Ano ’yon?”“Pa-acknowledge po ng delivery.”She nodded quickly, shook her head slightly, and stood up. Hindi na rin niya natapos agad ang report. Kahit anong gawin niya, nag-e-echo pa rin sa isip niya ang mga huling sandali nila ni Sebastian sa retreat.Nang hinawakan siya nito sa kamay. Nang napatawa siya. Nang… parang wala sila sa office. Wala silang hierarchy. Wala silang boundaries.Pagbalik niya sa desk, doon niya lang napansin: may naka-slide na envelope sa ilalim ng
“Truth or Dare.”Isabella almost choked on her juice.Sa lawak ng rest house function hall, anim na team na lang ang natira. Optional participation daw, sabi sa email. Pero ayan siya ngayon, nakaupo sa bilog kasama ang iba’t ibang empleyado mula sa iba’t ibang department.And beside her, of all people, was Sebastian Hale.Yes. That Sebastian. Her boss. Yung laging tahimik, laging seryoso, pero nitong mga nakaraang araw ay bigla na lang dumadalas ang presensya sa paligid niya. May sticky note sa desk, offer ng flexible sked, at ngayon… naglalaro ng Truth or Dare.Napansin niyang bahagyang nakasandal si Sebastian sa upuan at relaxed ang postura, pero alerto ang mga mata. At kasalukuyang siya ang susunod.“Miss Isabella,” singit ng HR rep na mukhang enjoy na enjoy, “Truth or dare?”Napatingin siya kay Sebastian. Nakatingin na rin ito sa kanya. Walang ekspresyon. Cool, composed, unreadable. Pero sa sulok ng labi nito… m
Tatlong araw matapos ang retreat, balik na sa normal ang takbo ng opisina—meetings, reports, deadlines, endless na emails. Pero kahit parang walang nagbago sa paligid, si Isabella, ramdam na ramdam ang pagkakaiba.Hindi lang dahil mas bukas na si Sebastian ngayon. Hindi lang dahil sa mga ngiti, sa simpleng “kumusta,” o sa mga sticky note na napapansin niyang laging biglang sumusulpot sa desk niya. Ang totoo, siya mismo ang unti-unting nagbabago.At doon siya nagsisimulang mailang.Dati, malinaw ang hangganan nila. Boss siya, assistant siya. CEO at empleyado. Pero ngayon, parang may linya sa pagitan nila na dahan-dahang nawawala. Hindi dahil may malinaw na sinasabi, kundi dahil sa mga tingin, kilos, at bagay na hindi binabanggit—pero nararamdaman.Habang nasa desk siya noon, nag-aayos ng schedule para sa board meeting, may narinig siyang papalapit.“Isa?” Napalingon siya. Si Sebastian. Nakasimpleng d
Tahimik ang paligid ng rest house na nirentahan ng kumpanya para sa weekend retreat. Wala sa paligid kundi mga puno, damo, at simoy ng malamig na hangin. May maliit na lawa sa likod ng property, at kung makikinig kang mabuti, maririnig mo lang ang kaluskos ng mga dahon o lagaslas ng tubig sa fountain.Sobrang layo nito sa gulo ng Maynila.Walang tunog ng printer, walang humahabol na deadline, at lalong walang tension mula sa mga meeting. Dapat relaxing, di ba?Pero ewan. Parang ang bigat pa rin sa dibdib ko.Late akong dumating.Hindi naman dahil gusto kong magpahuli.Pero siguro kasi hanggang sa huling minuto, kinukuwestyon ko pa rin kung dapat ba talaga akong sumama. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko ihaharap ang sarili ko… sa kanya.Lalo na sa setting na ganito—walang lamesang pagitan, walang email, walang “per my last message” barrier.Tahimik akong naupo sa bench malapit sa mga halaman, sa may gilid lang ng function
Hindi ako sanay sa ganito.Hindi ako sanay sa ganitong vibe ni sir, sa ganitong atensyon na binibigay niya.Si Sir Sebastian Hale na kilala ko mula nang nalagay ako bilang EA eh laging seryoso, tahimik, at parang trabaho lang ang nasa isip. Pero nitong mga nakaraang araw, may nagbago sa pagitan namin, sa kung paano siya bilang boss ko.Hindi naman halata sa boses niya kasi parang cold pa rin, pero napapansin ko sa mga tingin niya, sa presensya niya, at sa mga sticky note na iniiwan niya sa desk ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin, bigyan ng meaning o huwag na lang. Empleyado lang naman ako, di ba?Biyernes ng hapon, malapit nang mag-out ang karamihan pero ako, as usual, may tinatapos pa ring revision sa presentation para sa Monday. Nasa desk ako sa labas ng opisina ni Sir Sebastian, dito sa executive suite. Tahimik, malamig ang aircon, at halos wala kang maririnig kundi tik-tak ng keyboard. Ang executive floor kasi puro mataas na posisyon ang
“May time ka ba after shift?”Natauhan lang si Isabella nang marinig ang tanong at mapansin si Sebastian sa harap ng desk niya. Kakalabas lang nila sa last meeting ngayong araw, at habang abala siyang inaayos ang mga files, bigla itong huminto sa harap niya.“Ah… sir? Depende po… bakit po?” sagot niya, medyo nagulat at nag-aalangan.Ngumiti si Sebastian, maliit pero ramdam niya. “Gusto lang kitang ilibre ng dinner. Nothing formal. Wala lang, gusto ko lang ayain ka.”“Okay po…” mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo niya sa sarili—bakit parang ang bilis niyang pumayag?“I’ll wait sa lobby,” sabi ni Sebastian bago lumakad palayo, dala ang coat at tablet niya.Wala pang thirty minutes, bumaba na si Isabella sa lobby. Mabuti na lang at laging corporate ang suot niya sa trabaho. Kahit saan pa siya dalhin, hindi siya maiilang. Nakita agad siya ni Sebastian. Gaya niya, naka-office attire pa rin ito, pero mas relaxed ang itsura.