Share

Chapter 32 - inner demon

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-06-30 13:15:12

"Umn, it tastes good!" komento ni Psalm habang tinitikman ang mga pagkain.

Pero ilang saglit paý sumabog ang asim sa kaniyang sikmura at umakyat sa lalamunan niya.

"Excuse me, where's the lady's room..." tutop ang bibig, umahon siya sa inuupunang silya.

Buti na lang alerto si Ymir at imbis na tumakbo pa siya patungo sa comfort room ay pinangko na lang siya ng lalaki.

"Are you okay?" worried na tanong ng doctor habang sumusuka siya sa toilet bowl.

Ikinumpas niya ang kamay na ayos lang siya. Nang guminhawa ang sikmura ay umunat siya at dinakma ang lavatory. Nagmumog siya roon. Dumoble ang energy ng cells niya nang maramdaman ang banayad na haplos ni Ymir sa kaniyang likod.

"Sorry," sambit niyang nagpunas panyo sa bibig.

"Even the food I prepared is not edible for you?" disappointed nitong pahayag, mas nadismaya yata ito sa sarili.

Tumawa siya. "Ano ka ba, dahil 'to sa morning sickness ko hindi sa pagkaing niluto mo. Ang sarap kaya ng mga niluto mo. Kakainin ko ang mga iyon at kung ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Aviana
Nako di muna kailangan mag ingat Darvis. Hahaha Aaray ka talaga sa bawat sakit na naramdaman ni Psalm lahat yun maratanasan mo lahat yun babalik sayo !
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Juice colored, Darvis! kami nga alam nating nagloloko ka, si Psalm pa kaya? :)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
haha tagal ngn3 months kilan kya yong surprise n Psalm mgulat nlg asawa mna baliw
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 37 - innocent

    Hinatid lang ni Darvis pauwi ang asawa. Balak niyang pumunta sana ng opisina pero natanggap niya ang tawag ni Pearl. Bakas sa tono ng dalaga ang stress. Naintindihan niya kung naapektuhan ito sa sinapit ng anak ni Madam Daisy, kaibigan nito ang biktima. Pero hindi niya mapilit ang sarili na ibigay ang buong simpatiya kung si Psalm naman ang malalagay sa alanganin. Kilala niya ang asawa. Marahil ay hindi siya gaanong pamilyar sa mga ganap noong kabataan pero sa loob ng pagsasama nila, kabisado niya ang puso nito. Likas itong may mabuting kalooban. Ang kabaitan nito ay walang sinusunod na pamantayan. Kumbinsido siya na inosente ito at napagbintangan lang sa kasalanang wala naman itong ideya. "Nandito ka na rin!" Sumalubong sa kaniya si Pearl pagpasok niya ng sala. Umiiyak na yumakap sa kaniya ang dalaga. "Takot na takot ako, Kuya. Di ko akalaing kayang gawin iyon ni Ate sa kapwa babae. Pinagahasa niya talaga si Sheena!" sumbong nito. Naiiritang itinulak niya ito palayo. "Tama na n

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 36 - video

    Umiling si Darvis. Walang sinabi pero halatang hindi kontento sa narinig. Hinawakan nito sa kamay si Psalm at muli nilang nilapitan ang mga pulis."Sasama ako sa police station, kung pwede 'wag nýo na siyang i-handcuffs," anito sa dalawang pulis."Copy that, Mr. Florencio. Anyway, hindi pa naman natin napatutunayan kung may katotohanan ang bintang sa kaniya. She is innocent unless proven guilty."Hindi man lang siya makapagbihis. Nanlalagkit na siya. Dapat pala tinanggap na lang niya ýong damit na binigay ni Ymir bago siya nito ihatid pauwi kanina. "Lucille!" tawag ni Psalm sa kasambahay."Madam?" Lumapit si Lucille, nasa mukha ang hinagpis at pag-aalala. Naglabasan din ang ibang mga katulong. Kahit papaano naramdaman niya nasa kaniya ang simpatiya ng mga ito. Sa haba ng panahong nanilbihan sa mansion ang mga kasambahay, kabisado na siya ng mga ito. Wala siyang naging kaaway, maliban lang siguro kay Pearl na kung titingnan naman mula sa point of view ng society ay normal away lang ma

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 36 - arrest

    Napuyat sa kahihintay ng balita si Pearl kung tagumpay ba o hindi ang plano nila ni Madam Daisy. Pero sa halip na magalit pagkat hindi pa rin nagparamdam ang manghuhula'y kalmado at masaya ang dalaga dahil buong magdamag niyang kasama si Darvis. Kaaalis lang ng lalaki. Busog na naman siya sa mainit na tagpo nila. Kapag si Darvis talaga, hindi siya nabibitin. Kontento siya lagi dahil napaka-aktibo nito sa kama.Nakangiting binalingan niya ang cellphone at muling tinawagan si Madam Daisy. Halos naka-sampung missed calls na siya. "Pearl! Nasaan ka?" Boses na may kasamang panaghoy ang tumawid mula sa pintuan. Kasunod ang manghuhula na umiiyak at hindi niya maipinta ang hitsura dahil sa dungis."Madam, ano'ng nangyari?""Si Sheena, nasa hospital at nag-aagaw-buhay! Ginahasa siya ng gang at sinaksak. Nakita siya ng mga pulis kanina sa tapunan ng basura. Tulungan mo ako, Pearl, baka mamatay ang anak ko!" Nanginginig ang mga kamay at abot-abot ang pag-agos ng mga luha ng babae.Hindi nakahum

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 34 - karma

    Maingat na ibinaba ni Ymir sa kama si Psalm at muling sinuri ang mga sugat sa tuhod ng babae. Unti-unti nang namaga ang paligid ng galos. Nagtagis siya ng mga bagang at umakyat ang paningin sa tiyan nito. "May iba pa bang masakit bukod sa mga galos mo? Ang tiyan mo?" tanong niyang tumayo at kinuha ang medical bag na nasa couch. Narito sila sa Quantum. Satellite clinic niya sa labas ng main house estate ng Venatici. Heavily guarded of moving personnel and electronic security. Dito ang pinakamalapit mula sa location ng exhibit kanina kaya rito na niya itinakbo si Psalm imbis na sa hospital."Bakit dito mo ako dinala, Ymir?" tanong ni Psalm na nalukot ang mukha nang hawiin niya paangat ang suot nitong bestida."Saan mo gusto? Sa hotel?" pabiro niyang pakli. He had a quick glimpse of her pink cloth underneath and it stirs a hell of electric friction in his groin. Fortunately, his self-control took charge rapidly, reminding him that this woman is not someone that he can deliberately tou

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 33 - assault

    Mariing kinagat ni Pearl ang ibabang labi. Kahit hindi niya nakikita si Darvis, alam niyang galit na ito. Masyado ba siyang demanding? Pero kung hindi niya ito i-remind lagi, wala siyang mapapala dahil mas matimbang pa rin sa lalaki si Psalm. "Huwag ka nang magalit, Kuya, gusto lang kitang i-check. Worried lang ako, baka pati ikaw madamay sa bad luck na para sa amin ni baby," pagdadahilan niya."Don't call me for the meantime, masakit ang ulo ko.""S-sige, pahinga ka, okay?" Gigil na piniga ni Pearl ang cellphone. Pagkatapos magpaalam kay Darvis ay pinindot niya ang contact number ni Madam Daisy. "Kung hindi natin aalisin sa landas si Psalm, hindi ibibigay sa iyo ni Darvis ang kwintas.""At wala ka ring reward mula sa akin," antipatika niyang pakli."Nakahanap ng paraan ang kapatid mo'ng iyon para hindi mapasaiyo ang necklace. Kailangang kumilos na tayo," sulsol ng manghuhula. "May plano ba kayo?" Sumilip ang masamang ngiti sa labi ni Pearl. "Gusto kong madurog ang babaeng iyon, g

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 32 - inner demon

    "Umn, it tastes good!" komento ni Psalm habang tinitikman ang mga pagkain. Pero ilang saglit paý sumabog ang asim sa kaniyang sikmura at umakyat sa lalamunan niya."Excuse me, where's the lady's room..." tutop ang bibig, umahon siya sa inuupunang silya. Buti na lang alerto si Ymir at imbis na tumakbo pa siya patungo sa comfort room ay pinangko na lang siya ng lalaki."Are you okay?" worried na tanong ng doctor habang sumusuka siya sa toilet bowl.Ikinumpas niya ang kamay na ayos lang siya. Nang guminhawa ang sikmura ay umunat siya at dinakma ang lavatory. Nagmumog siya roon. Dumoble ang energy ng cells niya nang maramdaman ang banayad na haplos ni Ymir sa kaniyang likod. "Sorry," sambit niyang nagpunas panyo sa bibig."Even the food I prepared is not edible for you?" disappointed nitong pahayag, mas nadismaya yata ito sa sarili.Tumawa siya. "Ano ka ba, dahil 'to sa morning sickness ko hindi sa pagkaing niluto mo. Ang sarap kaya ng mga niluto mo. Kakainin ko ang mga iyon at kung ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status