Share

Paghihiganti ni Emma
Paghihiganti ni Emma
Author: Hai

Chapter 1

Author: Hai
last update Last Updated: 2025-11-30 22:50:39

“I’m pregnant!.”

Parang bombang sumabog ang salitang iyon sa pandinig ni Edward Dela Vega, pero nanatili siyang kalmado sa harap ng babae. Walang bakas ng gulat, wala ring emosyon.

“So, anong gusto mong gawin ko sa batang ’yan?” malamig niyang tanong.

Ayaw niyang marinig ang salitang panagutan. Ayaw niya ng anak. At higit sa lahat—hindi siya naniniwala na sa kanya ang bata. Baka niloloko lang siya. Baka pera lang ang habol.

Hindi siya tanga. Alam niyang maraming babaeng sumusubok lumapit sa kanya para sa sariling interes. At hindi siya nagpakayaman para lang ibigay iyon sa mga gold digger.

“Alam ko na iyan ang isasagot mo,” mahina pero matatag na sabi ng babae.

“Alam kong ayaw mo ng bata.”

“Kung alam mo naman pala, bakit ka pa pumunta dito?” iritadong sagot ni Edward.

“Sinasayang mo ang oras ko.”

Umiling ang babae.

“Gusto ko lang marinig mula sa’yo. Don’t worry, hindi kita hihingan ng responsibilidad.”

“Then get out,!” malamig na sabi ni Edward.

“At huwag kang magpapakita ulit dito. Mas maraming mahalagang bagay Ang kailangan Kong gawin, kaysa makipag-usap sa’yo.”

Bahagyang yumuko si Edward at tumitig ng matalim.

“At tandaan mo ’to bago ka lumabas sa office na ito huwag mong subukan mag skandalo at ipagkalat sa lahat. Masama akong kalaban. Kaya kong pumatay ng tao sa isang iglap.”

Nanlamig ang katawan ng babae mula sa pagbabanta ni Edward.

“Out. Now!”

Mabilis siyang lumabas ng opisina habang nanginginig ang tuhod sa sobrang takot.

Pagkasara ng pinto, napahilot sa sentido si Edward. Hindi niya maalala kung paano niya nabuntis ang babae. Hindi siya nakikipag-contact kung walang proteksyon—hindi iyon ang estilo niya. At sa dami ng babaeng nakasama niya noong huling buwan, imposible. Lagi siyang maingat. Wala siyang balak magka-anak o magkaroon ng sakit.

Kaya imposibleng kanya ang bata.

Siya si Edward Dela Vega, isang kilalang negosyante. Sa edad na 32, malayo na ang narating niya sa mundo ng negosyo. Dahil sa galing niyang magpatakbo ng kompanya, maraming gustong mag-invest sa negosyo niya.

Dagdag pa dito ang kagwapuhan niya, kaya hindi na bago sa kanya na maraming babae ang nahuhumaling at sumusulpot sa buhay niya. May ilan pa ang nagsasabing nabuntis daw niya at pinapaako sa kanya ang bata.

Pero lahat ng iyon ay hindi nakakalusot. Sigurado si Edward sa sarili niyang wala pa siyang nabubuntis ni isa sa mga babaeng nagamit na. Malinis siyang kumilos, maingat sa bawat galaw, at wala siyang bakas na naiiwan.

Halos madapa si Maya nang makalabas ng building. Diring-diri sa sarili, wasak ang puso, at puno ng pagsisisi. Ano ang sasabihin niya sa ate niya?

Ang totoo ang ate niya ang nagpumilit na pumunta siya rito. Dahil kung hindi siya, ang ate niya ang pupunta. At ayaw na ayaw niyang mangyari iyon. Kilala niya ang ate niya matapang, palaban. Baka magka problema pa.

Pagkarating sa labas, biglang bumuhos ang luha. Hindi niya alam ang gagawin. Naisip niyang tapusin na lang ang buhay. Bakit siya nagpadala sa matatamis na salita ng lalaki yon? Bakit siya naging tanga?

“Hoy, miss! Magpapakamatay ka ba?! Huwag mo akong idamay sa katangahan mo!” sigaw ng isang motorista nang muntikan na siyang masagasaan.

Napalayo si Maya at natigilan.

“Sana na tuluyan na nga ako!”” bulong niya habang nagpupunas ng luha, pero hindi pa rin tumitigil ang pag-agos. Naglakad siyang tulala sa gilid ng highway. Nanginginig Ang kalamnan, tila Hindi alam Ang direksyon kung saan patungo.

Galit na galit ang ate niyang si Emma nang malaman ang totoo.

“Let me go, Maya! Ako ang pupunta sa lalaking ’yon!”

“No, ate! Huwag kang pumunta doon. Ayaw niya talaga sa bata!”

“Hindi ko hahayaan iyon! Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa’yo!”

Pigil ni Maya ang braso ng ate niya, halos nakaluhod.

“Please, ate,! huwag kang pumunta. Binantaan niya ako. Sabi niya papatayin niya ako kapag nagpakita pa ako roon.”

Natigilan si Emma, kita ang poot sa mga mata.

“He’s a dev*l!”

“Kaya nga ayaw kong may mangyari sa’yo,” umiiyak na sabi ni Maya.

“Mas pipiliin kong maghirap kaysa makita kang mapahamak dahil sa akin.” Patawad ate, nadamay kapa sa nagawa Kong pagkakamali .”

Niyakap siya ng ate niya.

“Sige, hindi na ako pupunta.” Mahinahong saad ni Emma habang banayad na hinahaplos Ang likod ng kapatid.

“Thank you, ate,”

Pero sa loob-loob ni Emma, kumukulo ang dugo.

Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo sa kapatid ko, “EDWARD DELA VEGA!”. Ipaghihigante ko siya.!

Tatlong araw pagkatapos, sa huling gabi ng lamay, nakatayo si Emma sa harap ng kabaong ng kapatid.

Patay na si Maya.

Natagpuan niya itong walang buhay sa kwarto, nagpakam*tay.

Hindi niya matanggap. Silang dalawa na lang ang magkasama mula nang mamatay ang mga magulang nila sa sunog. Pinangarap niya na unti-unti silang aangat sa buhay… pero ngayon, wala na.

“Dahil sa’yo… nawala ang nag-iisang pamilya ko,” bulong niyang nanginginig ang boses.

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo. Ipinapangako ko ’yan!.”

Pagkatapos ng libing ng kapatid ni Emma, tahimik siyang bumalik sa kwarto nito.

Pakiramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang mga gamit ng kapatid—mga damit, notebooks, paboritong stuffed toy, at ilang larawan nilang dalawa.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang study table.

Umupo siya roon, parang nanghihina, habang pinagmamasdan ang bawat bagay na naiwan.

“Maya,,” bulong niya na halos hindi lumalabas ang boses sa bibig.

Para bang muling sumikip ang dibdib niya. Ang alaala ng kapatid, ang mga tawa, kwento, lambing, lahat bumalik sa isip niya.

Habang inaayos niya ang mga gamit, pinili niya ang mga pwedeng ipamigay.

Mga damit na hindi pa luma, mga bag at notebook na halos hindi nagamit.

Pero habang inaabot niya ang isa-isang bagay, may luha na namang tumulo sa pisngi niya.

“Kung hindi dahil sa kanya… hindi ka mawawala sa akin”

Halos mapasigaw siya pero pinigilan.

Ayaw niyang marinig ng ibang tao ang galit at sakit na pinipilit niyang itago.

Sa gilid ng kama, may nakita siyang isang kahon, kulay brown, may maliit na lock sa harap.

Mukhang mga mahahalagang gamit ang laman dahil hindi ito basta naiwan, kundi maayos na nakatabi.

Hinawakan niya iyon.

Malamig. Mabigat.

Parang puso niyang halos hindi na kumikilos.

Gusto na sana niyang buksan.

Pero nanginig ang kamay niya.

“Hindi pa, hindi ko pa kaya,” mahina niyang sabi.

Inilapit niya ang kahon sa dibdib niya at marahang niyakap.

Doon na siya napaiyak nang tuluyan, hindi ungol, hindi hikbi, kundi tahimik na pag-iyak na parang unti-unting nababasag ang buong mundo niya.

Dahan-dahan niyang itinabi ang kahon sa isang sulok.

Alaala ito ng kapatid niya, nang kapatid na nawala dahil sa isang taong si “Edward Dela Vega!”.

Lumuhod siya sa sahig, napayuko, at mahigpit na napakapit sa kumot ng kapatid.

“Pangako, Maya… hindi ko hahayaang mamatay ka nang walang hustisya.”

Ramdam ang poot, halong sakit at pangungulila.

Isang buwan ang lumipas.

At matagumpay na nakapasok si Emma sa kumpanya ni Edward bilang bago nitong secretary.

Ito na ang simula.

Makukuha niya ang tiwala ng lalaki. At sisirain niya ito, dahan-dahan.

Isang araw habang nasa trabaho nadatnan niya Ang amo abala sa trabaho mula sa table nito, agad siyang lumapit sa mesa ng amo.

“What are you doing here? Hindi kita tinawag—”

Napatigil si Edward nang bigla niya itong halikan.

Nagulat ito, pero ngumisi.

“Ang tapang mo, babe.”

Lumapit pa si Emma, humihingal, hawak ang kwelyo ng coat ng lalaki.

“I really like you, sir”Mapang akit na saad nito na lalong linapit Ang sarili sa amo.

Humawak si Edward sa bewang niya, hinila siya palapit.

Sanay na sanay ang kamay nito. Sanay sa ganitong laro.

Nakapikit na sana si Emma nang bigla siyang umurong.

“Wait, sir. Nandito tayo sa office. Baka may makakita.”

Naging Masama ang ngiti ni Edward.

“Hindi ako papayag na bitinin mo ako—”

Sinunggaban niya ang labi ni Emma, isinandal pa siya sa table. Mainit, agresibo.

Pinipigilan ni Emma ang sarili, pero para sa kanya, bawat halik ay parang lason na unti-unting pumapasok sa puso niya.”

Nakarinig sila ng Katok mula sa pinto.

“Shit!” sigaw ni Edward, galit na galit.

Maagap na Binuksan ang pinto.

“Ano’ng problema mo?!”

Nanginginig ang staff.

“Sir, d-dokumento po, sabi niyo po ibigay ko agad pag dating—”

“Get out!”

Pag-alis ng babae, saka lamang lumabas si Emma mula sa banyo ng office ni Edward.

Huminga siya ng malalim, halatang kinakabahan pa rin.

Malaki ang pasasalamat niya dahil pumasok ang isang staff kanina,

kung hindi, baka kung saan na nauwi ang ginagawa nila ni Edward.

Napahaplos siya sa dibdib niya, pilit pinapakalma ang sarili.

“Hindi dapat nangyari ‘yon, hindi dapat,” bulong niya sa sarili, habang nanginginig pa ang kamay.

Parang nanunumbalik sa isip niya ang bawat segundo, na

ang lapit ni Edward, at ang init ng hininga nito, ang sandaling muntik na siyang bumigay kung hindi lang may pumasok.

Pinikit niya ang mga mata, huminga ulit ng malalim.

“Ayusin mo sarili mo, Emma, hindi mo siya dapat hayaan na lumagpas sa boundary.”

Kinagabihan, nagpunta si Edward, isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya upang ilabas ang init ng katawan. At pagkaraan ng halos isang oras na pagpapaligaya ng babae sa kanya, agad niyang inutusan na umalis.

“Get out of here.!You know my rules. I don’t repeat.” Tinapon niya sa mukha ng babae Ang libo-libong pera. Yon lang naman Ang katapat ng mga babaeng kinakama nito. “Pera”

Umirap ang babae, at the same time malawak Ang ngiti habang isa-isang pinupulot Ang salapi mula sa sahig. Pagkatapos kunin lahat ng pera sa sahig nag damit na ito saka lumabas.

Nagshower si Edward at bumalik sa trabaho.

Pagkadating naman ni Emma sa sariling apartment, tahimik siyang naupo sa gilid ng kama.

Isang buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang namatay Ang kapatid.

Kinuha niya ang picture frame ng kapatid at mahigpit na niyakap.

“Miss na miss kita, Maya,” bulong niya.

“Sabi mo walang iwanan, pero iniwan mo rin ako.”

Pumapatak ang luha habang yakap ang larawan.

“Sana masaya ka na, kasama si Nanay at si Tatay. Mahal na mahal ko kayong lahat.”

Nalaglag ang luha niya sa frame, at dahan-dahan siyang humiga, yakap pa rin ito, parang doon na lang siya kumukuha ng hininga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 21

    After Reception Pagkatapos ng engrandeng reception, tahimik na bumiyahe sina Edward at Emma patungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Isang private luxury suite ang inihanda ng mommy ni Edward—kumpleto, elegante, at puno ng simbolo ng bagong simula para sa kanila bilang mag-asawa.Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng suit, mahigpit na nakayakap si Emma sa asawa.“I love you, Edward,” bulong niya, bahagyang nanginginig ang boses sa labis na saya. “I’m so happy. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa. Thank you, for your love, for everything.”Walang sinabi ang lalaki—tanging isang malalim na ngiti lamang ang isinagot niya. Dahan-dahan niyang binuhat si Emma, tila ba ayaw pang iparamdam ang bigat sa dibdib, at dinala ito papasok sa loob ng silid.Pagdating sa kama, marahan niya itong ibinaba.“Change your dress,” malamig ngunit maayos ang tono ni Edward. “I’ll just change in the other room.”Napakunot-noo si Emma.“Why?” tanong niya, may halong biro ngunit

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 20

    Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Dave na may dalang bulaklak at prutas sa kamay.“Dave! Ang tagal nating hindi nagkita. Paano mo nalaman na nasa ospital ako?” tanong ni Emma, sabay ngiti.Tanging ngiti na alanganin ang naging tugon ni Dave.Tumuloy siya sa loob at maingat na inilapag ang mga dala sa lamesa.“Salamat, ang ganda naman ng bulaklak,” sabi ni Emma habang pinagmamasdan ang kulay at bango nito.Tumango si Dave at nanatiling nakatayo sa harap niya, tila may gustong sabihin pa.“Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka,” sabi ni Edward.“Ha?” gulat na tanong ni Emma. Hindi niya agad nakuha ang sinabi.“I’m sorry for everything , Emma,” hinging tawad ni Dave sa mababang tono. “Nandoon ako nung kinidnap ka ni Lara at dinala sa abandonadong lugar. Kasali rin ako sa plano niya, pero dahil may guilt ako, agad kong kinontak si Edward para humingi ng tulong sa kanya” paliwanag niya.“Teka, Anong koneksyon mo kay Lara?” tanong ni Emma na halatang naguguluhan.“Dati kaming magka

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 19

    Chapter 19Paghihiganti ni Emma“Sa—saan ako?” mahina at nanginginig ang boses ni Emma. Nahihilo siya at hindi niya maunawaan ang nangyayari sa paligid.“Finally, gising ka na,” demonyong ngisi ng babae.“Lara,,,?anong ginawa mo sa akin?” pilit na tanong ni Emma. Binalingan niya ang mga kamay at paa na mahigpit ang pagkakatali. “Pakawalan mo ako! Wala akong ginagawang masama sayo!” Pagwawala ni Emma habang pilit ginagalaw ang mga kamay at paa nito.“Oh, talaga?” sigaw ni Lara. “Sinungaling ka!”Napaatras ang mukha ni Emma sa lakas ng boses nito.“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagmamahalan namin ni Edward!” galit na galit na sigaw ni Lara. “ Pera na naging bato, Pa! “Ano?” gulat na sabi ni Emma. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung iniisip mong may relasyon kami, wala, Lara. Wala talaga. Pakawalan mo ako.”“Sinong niloloko mo?” halos manginig sa galit ang babae. “Hindi uubra sa akin ang palusot mo! Dahil sa’yo, nawala sa akin si Edward. Para kang ahas—inagaw mo siya

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 18

    May hindi inaasahang bisita si Emma noong araw na iyon.“So ikaw pala si Emma? Ikaw ang laging kasama ni Edward,” bati ng babae.Si Lara ang pumasok sa opisina ni Emma. Nakangiti siya, pero hindi matukoy ni Emma kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ngiting iyon. Napakaganda ng babae— ramdam ni Emma na walang-wala siya sa ganda ni Lara.“Yes, Miss Lara. Ano po ang kailangan ninyo?” maayos na tanong ni Emma. Itinigil niya ang ginagawa at binaling ang buong atensyon sa babae, hindi niya alam kung bakit narito si Lara sa kanyang opisina.“Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo,” sagot ni Lara, nakangiti.Napakunot noo si Emma. “Kaibigan?” tanong niya, halatang nagtataka.Tumawa ng malakas si Lara.“Relax ka lang, Emma. Nagulat ka siguro sa bigla kong pagsulpot, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa’yo. Kaibigan lang talaga. Nakuwento ka na rin ni Edward sa akin, kaya ayos lang kung maging magkaibigan tayo,” paliwanag ni Lara, habang nakangiti.Na

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 17

    “Anong pabango mo?” tanong ni Emma habang bahagyang lumalayo kay Edward na mahigpit na nakayakap sa kanya.“Ganito pa rin, gaya ng dati. Bakit?” sagot ni Edward.“Hindi ko gusto ang amoy. Nakakasuka,” diretsong sabi ni Emma.“Ha?” gulat na sabi ni Edward. Inamoy niya ang sarili. “Wala naman akong naamoy na mabaho ah. Mabango pa rin naman.”“Basta, lumayo ka muna sa akin. Palitan mo ’yan kung lalapit ka sa’kin,” iritableng saad ni Emma.“Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Edward habang tinititigan siya. “Kailan pa naging big deal sa’yo ang pabango? Noon naman, wala kang reklamo.”“Hindi ba pwedeng nagbago lang ang pang-amoy ko?” sagot ni Emma, bahagyang umiwas ng tingin.Saglit na napaisip si Edward, hindi pa rin maunawaan ang biglang pag-iwas ni Emma. Sa mga mata niya, may kung anong hindi sinasabi ang babae—isang lihim na pilit nitong itinatago.“Siya nga pala, aalis na ako mamaya. May trabaho pa ako sa shop,” sabi ni Emma.“Ihahatid na lang kita,” alok ni Edward.“Huwag na. Bak

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 16

    Pagka-drop ni Edward kay Emma sa shop, nagpaalam siya at ngumiti pa bago umalis. Pero makalipas lang ang ilang minuto, bigla rin siyang bumalik sa sasakyan nito at diretsong nagmaneho papuntang ospital para magpacheck-up. Hindi rin kalayuan Ang hospital sa kanyang shop, nasa sampung minuto lang kung walang traffic.Kanina pa siya kinakabahan, kahit pilit niya itong ini-ignore. Ayaw niya sanang isipin, pero baka may malala na pala siyang sakit. Kahit na hindi na masakit ang ulo niya ngayon, pero mas mabuti nang magpatingin siya sa doktor para sigurado.Pagdating niya ng hospital Agad siyang nilapitan ng nurse at tinanong kung ano ang nararamdaman niya. Medyo kinakabahan siya kaya napabuntong-hininga muna bago sumagot.“Masakit po ang ulo ko recently lang, tsaka parang nahihilo ako,” mahina niyang sabi.“Ma’am dito po tayo. Hintayin lang natin sandali si Doctor,” magiliw na tugon ng nurse habang inaakay siya sa isang upuang kulay puti.Habang naghihintay, ramdam ni Emma ang malamig na h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status