Nang makalabas mula sa munisipyo si Elisia ay hindi niya maiwasang matulala. Nang mapatingin sa pulang libro na hawak ay doon niya naisip ang katotohanang katatapos lang niyang ipagdiwang ang kaniyang ika-dalawampu't dalawang kaarawan. Tila ba isang magical scene sa isang libro ang buhay niya sa bilis ng mga pangyayari.
“Ihahatid na kita sa school,” saad ng katabi niyang si Nathan Lucero—ang kaniyang marriage partner. Kagalang-galang ito kung magsalita. At higit na mas matangkad din ito sa kaniya, sa tantiya niya ay nasa 1.8 meters ito.
Nang pagmasdan niya ito ay nakasuot ito ng puting damit at pantalon. Kulot din ang maikli nitong itim na buhok at natatakpan ng salamin ang mga mata. Maputi at pantay ang kulay nito at higit na mas maliit ang mukha nito sa iba.
Kung sa itsura lang ay wala siyang maipipintas sa bagong asawa.
“May isang milyon sa card na ‘to na regalo mula sa kasal. 031313 ang password ng villa. Ito ang number ni Uncle Levi pwede mo siyang tawagan kung may katanungan ka. Siya ang responsable sa lahat ng mga kailangan mo. Ito naman ang susi, ang bahay ay nasa Soleil subdivision, house number 7 pwede mong dalhin ang mga gamit mo doon kahit anong oras mo gustuhin.”
Napako ang tingin ni Elisia sa bank card at business card na nasa harapan niya. Hindi niya namalayan na napatulala siya. Parang nung nakaraan lang ay nag-aalala pa siya sa mga bayarin ng kapatid niya sa hospital pero ngayon isa na siyang asawa ng isang mayamang lalaki?
“May problema ba?” Napansin ni Nathan ang pagkuha niya sa bank card. Napataas ang kilay nito at naitabingi ang ulo. “Kulang pa ba ang pera? May international conference ako mamaya, kaya baka hindi na kita maihatid.”
“Okay lang, okay lang.” Mabilis na reaksiyon ni Elisia at kinuha ang bank card mula kay Nathan. “Mr, Lucero alam kong busy ka.” Matapos sabihin iyon ay tinanggal niya ang seatbelt at binuksan ang pinto ng passenger seat. Ang lahat ng ito ay nagawa niya sa mabilis na paraan.
Nang makalabas ay nanatili siyang nakatayo sa tabi ng kalsada upang panoorin ang pag-alis ni Mr. Lucero. Ngunit hindi pa nakalalayo ay tumigil ito at muling ibinaba ang salamin ng bintana ng itim na sports car nito. “Hindi mo nadala ang mga gamit mo.”
Nang lapitan ito at tignan ay ang marriage certificate pala nila na kakukuha lamang.
“Okay, salamat, salamat,” saad niya.
Nang makaalis si Nathan ay hindi niya napigilan ang sarili na buksan ang marriage certificate nila. Ang lalaki ay nasa early thirties na at tila parang espada ang mga kilay nito, maging ang mga mata ay parang tala sa kalangitan. Masyado itong gwapo kung ikukumpara sa mga nasa showbiz. Ang puting damit nito ay pinagmumukha itong kagalang-galang at elegante.
Samantalang si Elisia ay mas maliit dito, naka-ipit pataas ang itim nitong buhok. Maliit din ang mukha at palaging may ngiti sa mga labi. Ang mga mata ay tila inosente.
“Okay, hindi na masama, Elisia,” wika niya sa sarili.
Matapos lumabas ng munisipyo ay agad na tumawag ng taxi si Elisia para bisitahin ang kaniyang kapatid. Naabutan niya si Jace na nagbabasa ng libro sa higaan nito. Kahit na kakasimula pa lang ng tagsibol ay suot na nito ang puting sumbrebro nito. Maputi ang balat nito at lumiliwanag sa sikat ng araw na pinagmumukha itong painting.
Sa tabi nito ay isang babae na nakasuot ng puting palda. Mukha itong mahinhin.
“Ate.” Napansin siya ni Jace sa pinto at ngumiti ito ng malawak. Naglakad papasok si Elisia sa loob ng may ngiti sa mga labi at inilapag ang bagong biling cake sa ibabaw ng lamesa.
“Hello, Ate, may iba pa po akong gagawin kaya mauuna na po akong umalis,” biglang paalam ni Yumi.
“Hey, kadarating ko lang, Yumi, bakit aalis ka agad?” Si Yumi ay kaklase ni Jace. Silang dalawa ni Jace ay magkaklse noong high school at parehong nakapasa sa iisang university. Noong unang na-hospital si Jace ay palaging pumupunta si Yumi para dumalaw.
“Birthday po ng Lolo ko ngayon kaya uuwi po ako ng maaga.” Nang makitang abala si Yumi ay hindi na niya ito pinilit na manatili.
Nang sila na lang dalawang magkapatid ang naiwan sa kwarto ay agad niyang tinignan ang kapatid ng may nakalolokong tingin.
“Girlfriend?”
“Ate, huwag ka ngang magsalita ng kung ano-ano. Magkaibigan lang kami.” Ngunit iba ang sinasabi ng namumulang tenga ni Jace.
“Hindi ako naniniwala.” Umupo si Elisia sa tabi ni Jace. “May mabuting balita ako sa’yo, naibenta na ang comics ko! Dalawang kopya, isang milyon!”
Gulat na napatingin si Jace sa kaniya, gumuhit ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito. “Talaga? Wow! Ang galing, Ate.”
“Oo, kaya makakasiguro ka na maooperahan ka at hintayin mo ang Ate mong gawin kang mayaman at makapangyarihan!”
Nang mamatay ang mga magulang nila, kapapasok pa lamang niya noon bilang first year high school, samantalang si Jace naman ay grade six pa lang no’ng mga panahon na ‘yon. Ang mapangit na mukha ng mga kamag-anak nila ang nakapagpamulat sa kanila sa mainit at malamig na mundo simula pagkabata. Mabuti na lang, matino si Jace, at sobrang tino nito simula pa pagkabata. Noong nakaraang summer ay nakapasok ito sa isang university katulad ng hiling nito. Ngunit hindi nito inaasahang magkakaroon ito ng cancer sa pagtatapos ng taon.
Ang bagay na ito ay isang malaking surpresa na hindi inaasahan ng magkapatid. Ngunit pagkatapos tanggapin ang katotohanan ay ginawa niya ang lahat para maghanap ng doctor na gagamot kay Jace. Bago mawala ang mga magulang nila ay may iniwan ang mga itong pamana, plus ang mga kita pa nila sa pagpa-part-time work at part-time job habang nag-aaral. Kahit na maliit na halaga lamang iyon ay maliit pa rin ito kumpara sa perang kailangan para sa operasyon.
Mabuti na lang, may pera na siya ngayon.
Matapos maibayad ang pera at makapagpa-appointment sa doctor ay umalis si Elisia ng hospital ng may magandang pakiramdam. Kahit na mahirap ang buhay naniniwala pa rin siya na hangga’t siya at si Jace ay magkasama lahat ng paghihirap ay malalampasan nila.
Umuwi si Elisia at nagplanong magluto ng pagkain para kay Jace. Ngunit pagdating na pagdating niya sa baranggay nila ay nakasalubong niya si Kyle at ang nanay nitong tila sabay na uuwi.
“Hey, Elisia, papunta ka na ba sa hospital para makita si Jace? Oh, nakakaawa naman kayong magkapatid.”
Ang maging kapitbahay ang pamilya Chavez lagpas sampung taon, alam na niya ang pagiging weirdo ng nanay ni Kyle at ang weirdong pag-uugali nito, maging ang kawalang kakayahan nitong makita ang maayos na pamumuhay ng iba at pang-aasar sa mga taong hindi maganda ang katayuan sa buhay ay hindi pa rin nagbabago.
Nang matanggap si Jace sa university ay halos umikot ang mga mata nito sa pangmamata at muntik ng umikot ang mata nito papuntang langit. Nang malaman nitong nagkasakit si Jace tila ba tuwang tuwa ito sa nangyari sa kapatid niya. Dati, bilang konsiderasyon na nanay ito ni Kyle ay nirerespeto niya ito. Pero ngayon na hiwalay na sila ni Kyle ay wala nang dapat pang bigyan ng konsiderasyon.
“Inaalagaan namin ang isa’t isa, mayaman kami at nakapag-aral ng maayos, hindi kami nakakaawa. Kung may sakit kami, pwede kaming magpagamot. Kung may problema kaming kinahaharap, kaya naming solusyunan iyon. Ang mas nakakatakot na bagay ay ang pagkakaroon ng pamilyang hindi nagkakasundo at pamilyang hiwa-hiwalay.” Ginaya ni Elisia ang paraan ng pagsasalita ni Jane Chavez—nanay ni Kyle. Nang may ngiti sa mukha at tila kutsilyong mga salita.
Matapos sabihin iyon ay agad na pumangit ang mukha ni Jane. Alam ng lahat na ang ibig niyang sabihin ay ang pangangaliwa ng asawa nito.
“Oo, tapos kamusta naman kayong magkapatid?” mabilis na binago nito ang ekspresyon at ipinagpatuloy ang pagiging sarkastiko. “Gaano man kamahal, kailangan niyong ipagamot ang sakit. At worst, pwede mong ibenta ang bahay. Dalawang taon nang hindi maganda ang lagay ng employment dito sa Pilipinas. Hindi madali para sa’yo ang makahanap ng trabaho matapos mong makapagtapos sa isang undergraduate degree in liberal arts. Ang Kyle namin ay sa Lucero's group na magta-trabaho. A fortune 500 company. Na may sahod na 300,000 sa unang taon. Nung nakaraang taon nga ay umabot pa ng 500,000,” saad nito
na may halong pagmamalaki.
“Tita, baka naman hindi pasok sa standard ang school ni Kyle, 500,000 requires international school.”
Nang sabihin niya iyon ay muling nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. May nais pa sana itong sabihing iba ngunit pinigilan na ito ni Kyle na nasa tabi nito.
Nang makita ni Elisia ang nangyari maging ang mga magagandang sinabi ni Kyle sa ina ay hindi na niya gusto pang mag-aksaya ng oras sa mag-ina. Nakahanap siya ng magandang rason para umalis sa lugar na iyon.
Hindi niya inaasahang pagkaalis na pagkaalis niya sa lugar na iyon at pagsakay sa kotse ay hinabol siya ni Kyle mula sa likuran.
“Elisia, kailangan mo ba talagang maging harsh?” bungad na tanong nito.
Nagsalubong ang kilay ni Elisia sa narinig. “I'm harsh? Ang nanay mo nagsasaya sa sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Hindi ko siya minura nong pinagsabihan ko siya, but I'm harsh? Totoo nga like mother, like son. ‘Yong nanay mong itinatrato ang iba na tila ba kakaiba sila, at sumusunod ka naman sa yapak niya. Masarap sa pakiramdam na ma-in love sa mayamang
babae ‘diba? Hindi ba masaya ang magloko sa kaniya? Isang modelong estudyante?”
“Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal
Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata
Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu