Share

Chapter 6

Author: MystiCat
last update Last Updated: 2026-02-06 03:52:43

WARNING (SPG)

Cyanne’s POV

“Anong oras na, Javier? Nasaan ka na ba?” Para na akong nababaliw dito dahil kanina pa ako palakad-lakad sa sala, habang kinakausap ang sarili ko.

Paano ba naman kasi, kaninang umaga pa umalis si Javier, hanggang ngayon hindi pa nakababalik. Hatinggabi na, sumabay pa ang lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Hindi naman sa concerned ako sa kanya, pero nag-aalala talaga ako. Baka mamaya may nangyari na pala sa kanya, tapos andito lang ako sa condo niya, prenteng nakaupo.

Maghapon lang akong naglinis sa condo niya para hindi naman nakakahiya na nakikitira ako tapos wala pa akong naitutulong dito. Huling message niya sa akin kanina, nasa mansyon na raw siya wala nang sumunod pa. Di ba, sinong hindi mag-aalala doon?

Nandito lang ako sa sala, naghihintay na dumating siya. Kaloka, akala mo naman talaga asawa ko yung hinihintay ko.

“Huy, anong nangyari sa’yo? Wala ka bang payong at basang-basa ka ng ulan?” natataranta kong sambit habang papalapit sa kanya.

“Naiwan ko kasi ang payong ko. Ulan lang naman ’to, okay lang ako.”

Pumunta muna ako sa kwarto para kumuha ng towel bago bumalik sa sala at inabot iyon sa kanya.

“Dapat hindi ka na sumugod sa ulan. Hinintay mo muna sana na tumila,” sermon ko sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang magpunas ng katawan niya. Bigla naman akong natulala dahil, sa pagkakabasa niya ng ulan, mas kumapit sa katawan niya ang damit niya na siyang dahilan kung bakit bumakat ang abs niya. Napaiwas ako ng tingin, at alam kong napansin niya iyon dahil bigla siyang tumawa.

“Nag-alala kasi ako sa’yo. Baka hinihintay mo ’ko makauwi, kaya nagmadali na ’ko. Hindi ko naman akalain na hinihintay mo nga ako.”

Bigla naman akong nahiya. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Eh wala naman akong dapat pake kung late ba siyang makauwi.

“A-anong hinihintay? Hindi kaya kita hinihintay. Hindi lang talaga ako makatulog kaya nasa sala pa ’ko. Hindi ko naman alam na assumero ka pala,” mabilis kong sagot. Napangiti lang siya sa sinabi ko.

“Okay, sabi mo eh. By the way, kumain ka na ba? Sorry, late akong nakauwi. Dumiretso kasi ako sa office pagkatapos ko sa mansyon,” paliwanag niya habang patuloy pa ring nagpupunas ng sarili.

“Ah, oo. Kumain na ’ko. Nagluto ako kanina ng pagkain natin sana, kaso hindi ka naman pala makakauwi agad. Ikaw ba, kumain ka na? Gusto mo bang initin ko yung pagkain?” Ngumiti siya nang bahagya sa sinabi ko.

“Bakit ka nakangiti riyan? Para kang baliw,” naiinis kong tanong.

“Ang cute mo kasi. Para kang asawa ko kung umasta,” simpleng sagot niya.

Agad naman akong nahiya dahil late ko na na-realize na tama siya. Bakit nga ba ganito ako umasta?

“A-anong asawa ka diyan. Syempre, nahihiya ako sa’yo. Nakikitira lang ako rito, kaya dapat lang na tumulong ako sa’yo.” Nagmadali akong bumalik sa sala at naupo na lang, baka ano pa masabi ko.

Nakita kong naglakad siya papunta sa kusina at tiningnan kung ano yung niluto ko. Simpleng adobo lang naman ’yon kasi wala naman kaming masyadong nabili kahapon sa grocery.

“Kumain na ’ko kanina, pero puwede pa naman ’to bukas. Ilalagay ko na lang sa ref,” sabi niya habang inilalagay na ang adobo sa ref.

Nakita ko siyang papalapit sa’kin, kaya bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung anong klaseng upo ang gagawin ko.

“Kamusta naman ang araw mo? Napansin kong malinis ang condo. Hindi mo naman kailangan maglinis dito. Bisita ka, hindi ka katulong dito. Besides, you’re going to be my bride soon.”

Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam, pero biglang uminit yung pakiramdam ko kahit ang lamig-lamig dito.

Hindi pa man ako nakakasagot, bigla na lang siyang naghuhubad ng damit sa harap ko.

“H-huy, anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad dito?”

Hindi niya ’ko sinagot. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit sa’kin.

“Javier, a-ano ba… hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, ah,” sabi ko, pero ngumisi lang siya habang patuloy na lumalapit sa kinauupuan ko. Wala na ’kong maurungan pa dahil nasa dulo na ’ko ng sofa.

“Bakit ka nauutal? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking n*******d?” pang-asar niyang tanong.

Hindi ko alam kung ano ’tong nararamdaman ko, pero nag-iinit yung katawan ko. Sobrang lapit na niya sa’kin, at kitang-kita ko na may mga patak pang tumutulo sa katawan niya.

“Javier, tumigil ka nga. Hindi nakakatuwa ang trip mo.” Pero imbes na lumayo siya, tuluyan na siyang nakalapit sa’kin. Isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa’kin.

“I just want to say… good night,” bulong niya sa tenga ko, sapat para tumayo ang balahibo ko.

Tumayo siya nang maayos at naglakad papunta sa kwarto niya, habang ako iniwan niyang nakatulala. Tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama habang iniisip ang nangyari kanina sa sala.

Humiga na rin ako dahil ang gabi na. Kailangan ko nang matulog dahil pupunta ako sa ospital bukas para bisitahin si Mama.

Hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang makarinig ako ng kalabog sa kabilang kwarto. Agad akong tumakbo papunta kay Javier para tingnan kung ano yung kumalabog. Kumatok muna ako sa kwarto niya bilang respeto dahil ayaw ko namang biglang pumasok. Walang sumagot, kaya nagdesisyon na akong buksan ang pinto.

Nagulat ako nang makita kong nasa sahig na si Javier tulog, pero nanginginig. Paano nangyari na nalaglag siya sa kama? Agad ko siyang nilapitan para alalayan pabalik sa kama niya.

“Javier, tumayo ka diyan…” Nagulat ako nang hawakan ko siya dahil sobrang init niya. Inaapoy na siya ng lagnat, siguro dahil sobra siyang naulanan kanina. Nahihirapan akong itayo siya dahil ang bigat niya.

Naitayo ko na siya, pero hindi ko inaasahan na matutumba kaming dalawa. Ang awkward pa ng naging pwesto namin dahil nakapatong ako sa kanya. Hindi ako maka-alis dahil bigla siyang yumakap sa akin. Sinusubukan kong kumawala sa yakap niya pero lalo niyang hinigpitan.

“Dito ka lang…” mahinang sambit niya, halos pabulong paos at mainit ang hininga.

“Bitaw na. Nilalagnat ka. Pupunasan kita para bumaba ’yang init mo,” sabi ko, pilit na matatag kahit nanginginig na rin ang boses ko.

Kumawala siya sa yakap, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa’kin.

Doon ko napansin gising na siya. At hindi lang basta gising. Yung mga mata niya… diretso, seryoso, parang may pinipigilan. Para bang may gustong sabihin pero hindi makahanap ng tamang salita.

Tinangka kong tumayo, pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko hindi mahigpit, hindi marahas. Parang pakiusap.

“Sandali,” sabi niya.

“Javier…” napahina ang boses ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa init ng palad niyang dumidikit sa balat ko.

Hindi siya sumagot agad. Parang nag-iipon muna siya ng lakas o tapang. Naramdaman ko yung bigat ng katahimikan sa pagitan namin, yung tunog ng ulan sa labas, yung munting paghinga niya na parang hindi pantay.

Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, at hinaplos yung gilid ng mukha ko sobrang banayad, halos nakakatakot. Para akong napako sa pwesto, hindi ko mahanap kung saan ilalagay yung mga kamay ko, o yung mga mata ko.

Tiningnan niya ako mula sa mga mata ko pababa sa mga labi ko, tapos bumalik ulit sa mga mata ko. Parang sinusukat niya kung tatakbo ba ako.

“Kung ayaw mo…” paos niyang sabi, “sabihin mo.”

Huminga ako nang malalim. Gusto kong magsalita. Gusto kong umangal, magbiro, magtago sa tapang-tapangan ko… pero walang lumabas. Ang totoo, hindi ako umatras.

Isang segundo pa. Dalawa. Tatlo.

At saka niya ako hinila palapit sobrang dahan-dahan na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong umiwas hanggang sa huli.

Naramdaman ko yung init ng noo niya, yung dampi ng hininga niya sa labi ko. Halos magkadikit na kami, pero huminto pa siya sa pinakadulo isang pulgadang pagitan, isang manipis na guhit ng hangin na parang sobrang ingay sa gitna ng katahimikan.

“Please,” bulong niya.

At doon… dumampi.

Hindi agad mariin. Hindi agad malalim. Isang halik na parang tanong na “pwede ba?” at nang hindi ko siya itinulak, nang hindi ako umatras…

Saka lang niya pinatagal. Mas buo. Mas totoo. Parang may matagal na siyang kinikimkim at ngayon lang niya pinakawalan pero maingat pa rin, parang takot siyang masira yung sandaling ’to.

“I want you,” bulong niya, halos wala nang pagitan ang mga labi namin. “Can I have you?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid to Say I Do   Chapter 11

    Javier’s POV Dahan-dahang ipinikit ni Cyanne ang mga mata habang papalapit ako sa kanya. Para bang hinihintay niya talaga ang halik ko at sa totoo lang, ako rin.Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko tuwing nakikita ko ang mga labi niya. Simula nang may nangyari sa amin kagabi, parang may kulang sa araw ko kapag hindi ko iyon naaalala. Para bang hinahanap-hanap ko na ang init at lambot na minsan ko nang natikman.Mas lalo akong lumapit. Pumikit na rin ako. Konti na lang at magdidikit na ang mga labi naminNang biglang bumukas ang pinto.Agad kaming napamulat at sabay umayos ng upo, parang dalawang batang nahuling gumagawa ng kalokohan.“Ah, Ms. Cyanne… sorry po. Nakaabala po ata ako,” sabi ng nurse na pumasok.Dali-daling tumayo si Cyanne. Kita ang hiya sa mukha niya pulang-pula ang pisngi, halatang naabutan kami sa mismong sandaling muntik na kaming maghalikan sa loob ng kwarto.“Ay hindi po kayo abala,” mabilis niyang sagot, pilit binabawi ang composure. “Ano po ba ’yon? May schedule

  • Paid to Say I Do   Chapter 1

    Cyanne’s POV“Kailangan na agad ma operahan ng nanay mo, dahil kung hindi ay mas lalo lang lulubha ang kanyang kalagayan. Hindi biro ang sakit ng nanay mo kaya kailangan niyo itong ma agapan”“Magkano ho ba ang kailangan para maoperahan na po ang nanay ko?” naiiyak kong tanong, halos mawala ang boses ko sa kaba at takot.“Hindi ko pa masabi ang eksaktong halaga,” mahinahon niyang sagot. “Bukod sa operasyon, may doctor’s fee pa, mga gamot, at hiwalay ang bayad sa kwarto na gagamitin ng nanay mo.” Maingat na nagbuntong-hininga ang doktor bago tumingin sa hawak niyang papel.“Hindi ko pa masasabi ang eksaktong total na halaga,” paliwanag niya. “Pero base sa kondisyon ng nanay mo at sa magiging procedure, posibleng umabot ito ng mga isa hanggang dalawang milyon. Bukod pa riyan ang doctor’s fee, mga gamot, at hiwalay pa ang bayad sa kwarto.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera?Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa gilid ng mesa para hindi

  • Paid to Say I Do   Chapter 2

    Javier’s POV“Ilang beses ko pa ba sasabihin sa inyo na wala akong pakialam sa mana at sa kumpanya n’yo? Bakit kailangan n’yo akong pilitin sa isang bagay na labag sa loob ko?”“Ikaw lang ang nag-iisang anak at tagapagmana namin,” mariing sagot ni Daddy. “Ayaw naming mapunta kung kanino lang ang pinaghirapan namin ng Mommy mo. Hindi naman mahirap ang hinihiling namin kailangan mo lang magpakasal sa lalong madaling panahon para makuha mo ang mana at ang posisyon bilang CEO ng kumpanya natin. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?”“Iyon na nga mismo ang hindi ko maintindihan,” sagot ko. “Bakit kailangang may kapalit bago n’yo ibigay ang mana? Pwede naman n’yo akong gawing CEO kung kailan n’yo gusto hindi naman ako nag mamadali na hawakan ang kumpanya. Bakit ba kayo nagmamadali? Hindi pa naman kayo mamamatay, ’di ba?”“BASTOS KA TALAGA!” sigaw ni Daddy. “Ano, gusto mo bang hintayin mo muna kaming mamatay bago ka magpakasal?”“Matanda na kami, Javier,” biglang sabat ni Mommy. “Gusto lang

  • Paid to Say I Do   Chapter 3

    Javier’s POVIlang araw akong hindi mapakali matapos ang gabing iyon sa bar. Paulit-ulit kong tinitingnan ang phone ko, naghihintay ng kahit isang mensahe mula kay Cyanne. Hindi ko alam kung aasa ba ako o tatanggapin na baka hindi niya kayanin ang alok ko at hindi ko siya masisisi kung ganoon dahil hindi naman biro ang tulong na inalok ko sa kanya.Pero isang umaga, nag-vibrate ang phone ko.Cyanne: Pwede ba tayong mag-usap? Sa personal sana.Hindi ko namalayan na napangiti ako.Nagkita kami sa isang tahimik na coffee shop, malayo sa ingay ng bar at sa mundong pilit siyang nilalamon. Simple lang ang suot niya walang make-up na makapal, walang damit na sumisigaw ng atensyon. At doon ko lalo na-realize… ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko sa mga bar.Umupo siya sa harap ko, halatang kinakabahan. Hawak niya ang tasa ng kape na parang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.“Pinag isipan ko muna talaga ‘yung alok mo,” panimula niya. “Hindi kasi madali ang hinihingi mo, pero iniisip ko

  • Paid to Say I Do   Chapter 4

    Cyanne’s POVNagising ako sa hindi pamilyar na katahimikan. Walang busina sa labas, walang ingay ng kapitbahay ibang-iba sa maliit naming inuupahan noon ni Mama. Sandali akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang maalala kung nasaan ako.Condo ni Javier.Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape, umaasang ang simpleng gawain na iyon ay makapagpapakalma sa isip ko. Malinis ang paligid, halos walang bakas ng ibang tao parang kontrolado ang lahat, kabaligtaran ng buhay kong puno ng biglaang problema.Habang hinahalo ko ang kape, may narinig akong yapak.“Good morning.”Napalingon ako at bahagyang nagulat. Nakatayo si Javier sa bungad ng kusina, bagong gising, simple lang ang suot. Wala ang pormal at malamig na anyo niya. Tao lang siya normal.“Good morning, ah mag luluto sana ko ng almusal natin kaso napansin kong wala ka ng stocks. Kaya nag timpla nalang ako ng kape” sagot ko, may kaunting hiya sa boses.“Ganun ba, hindi kasi ako madalas

  • Paid to Say I Do   Chapter 5

    CHAPTER 5Javier’s POVNaging maayos naman ang pagpapakilala ko kay Cyanne kagabi, medyo nabawasan na ang kaba ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bago ako matulog ay nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.Pinapapunta niya ako ulit sa mansyon.May kailangan daw kaming pag-usapan.Hindi ako nag-atubili. Maaga akong umalis at nag-iwan na lang ng maikling note sa ref para mabasa ni Cyanne pag gising niya.Pagdating ko sa mansyon, diretso akong tumungo sa study room. Doon daw kami mag-uusap.At doon ko na-realize hindi ito basta simpleng usapan.Sa study room lang kami nagkakaharap kapag seryoso ang pag-uusapan. At base pa lang sa bigat ng katahimikan, alam kong may paparating na hindi ko magugustuhan.“Anak,” panimula ni Mommy,, “kailangan natin mag-usap tungkol kay Cyanne.”“May problema ba?” tanong ko. Kumabog ang dibdib ko.“Makipag hiwalay ka na kay Cyanne dahil hindi kayo pwedeng magpakasal,” diretsong sabi ni Dad.Parang may humampas sa akin. “Ha? Anong ibig n’yong sabihin?”Nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status