LOGINCyanne’s POV
“Anong oras na, Javier? Nasaan ka na ba?” Para na akong nababaliw dito dahil kanina pa ako palakad-lakad sa sala, habang kinakausap ang sarili ko.
Paano ba naman kasi, kaninang umaga pa umalis si Javier, hanggang ngayon hindi pa nakababalik. Hatinggabi na, sumabay pa ang lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Hindi naman sa concerned ako sa kanya, pero nag-aalala talaga ako. Baka mamaya may nangyari na pala sa kanya, tapos andito lang ako sa condo niya, prenteng nakaupo.
Maghapon lang akong naglinis sa condo niya para hindi naman nakakahiya na nakikitira ako tapos wala pa akong naitutulong dito. Huling message niya sa akin kanina, nasa mansyon na raw siya wala nang sumunod pa. Di ba, sinong hindi mag-aalala doon?
Nandito lang ako sa sala, naghihintay na dumating siya. Kaloka, akala mo naman talaga asawa ko yung hinihintay ko.
“Huy, anong nangyari sa’yo? Wala ka bang payong at basang-basa ka ng ulan?” natataranta kong sambit habang papalapit sa kanya.
“Naiwan ko kasi ang payong ko. Ulan lang naman ’to, okay lang ako.”
Pumunta muna ako sa kwarto para kumuha ng towel bago bumalik sa sala at inabot iyon sa kanya.“Dapat hindi ka na sumugod sa ulan. Hinintay mo muna sana na tumila,” sermon ko sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang magpunas ng katawan niya. Bigla naman akong natulala dahil, sa pagkakabasa niya ng ulan, mas kumapit sa katawan niya ang damit niya na siyang dahilan kung bakit bumakat ang abs niya. Napaiwas ako ng tingin, at alam kong napansin niya iyon dahil bigla siyang tumawa.
“Nag-alala kasi ako sa’yo. Baka hinihintay mo ’ko makauwi, kaya nagmadali na ’ko. Hindi ko naman akalain na hinihintay mo nga ako.”
Bigla naman akong nahiya. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Eh wala naman akong dapat pake kung late ba siyang makauwi.
“A-anong hinihintay? Hindi kaya kita hinihintay. Hindi lang talaga ako makatulog kaya nasa sala pa ’ko. Hindi ko naman alam na assumero ka pala,” mabilis kong sagot. Napangiti lang siya sa sinabi ko.
“Okay, sabi mo eh. By the way, kumain ka na ba? Sorry, late akong nakauwi. Dumiretso kasi ako sa office pagkatapos ko sa mansyon,” paliwanag niya habang patuloy pa ring nagpupunas ng sarili.
“Ah, oo. Kumain na ’ko. Nagluto ako kanina ng pagkain natin sana, kaso hindi ka naman pala makakauwi agad. Ikaw ba, kumain ka na? Gusto mo bang initin ko yung pagkain?” Ngumiti siya nang bahagya sa sinabi ko.
“Bakit ka nakangiti riyan? Para kang baliw,” naiinis kong tanong.
“Ang cute mo kasi. Para kang asawa ko kung umasta,” simpleng sagot niya.
Agad naman akong nahiya dahil late ko na na-realize na tama siya. Bakit nga ba ganito ako umasta?
“A-anong asawa ka diyan. Syempre, nahihiya ako sa’yo. Nakikitira lang ako rito, kaya dapat lang na tumulong ako sa’yo.” Nagmadali akong bumalik sa sala at naupo na lang, baka ano pa masabi ko.
Nakita kong naglakad siya papunta sa kusina at tiningnan kung ano yung niluto ko. Simpleng adobo lang naman ’yon kasi wala naman kaming masyadong nabili kahapon sa grocery.
“Kumain na ’ko kanina, pero puwede pa naman ’to bukas. Ilalagay ko na lang sa ref,” sabi niya habang inilalagay na ang adobo sa ref.
Nakita ko siyang papalapit sa’kin, kaya bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung anong klaseng upo ang gagawin ko.
“Kamusta naman ang araw mo? Napansin kong malinis ang condo. Hindi mo naman kailangan maglinis dito. Bisita ka, hindi ka katulong dito. Besides, you’re going to be my bride soon.”
Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam, pero biglang uminit yung pakiramdam ko kahit ang lamig-lamig dito.
Hindi pa man ako nakakasagot, bigla na lang siyang naghuhubad ng damit sa harap ko.
“H-huy, anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad dito?”
Hindi niya ’ko sinagot. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit sa’kin.
“Javier, a-ano ba… hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, ah,” sabi ko, pero ngumisi lang siya habang patuloy na lumalapit sa kinauupuan ko. Wala na ’kong maurungan pa dahil nasa dulo na ’ko ng sofa.
“Bakit ka nauutal? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking n*******d?” pang-asar niyang tanong.
Hindi ko alam kung ano ’tong nararamdaman ko, pero nag-iinit yung katawan ko. Sobrang lapit na niya sa’kin, at kitang-kita ko na may mga patak pang tumutulo sa katawan niya.
“Javier, tumigil ka nga. Hindi nakakatuwa ang trip mo.” Pero imbes na lumayo siya, tuluyan na siyang nakalapit sa’kin. Isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa’kin.
“I just want to say… good night,” bulong niya sa tenga ko, sapat para tumayo ang balahibo ko.
Tumayo siya nang maayos at naglakad papunta sa kwarto niya, habang ako iniwan niyang nakatulala. Tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama habang iniisip ang nangyari kanina sa sala.
Humiga na rin ako dahil ang gabi na. Kailangan ko nang matulog dahil pupunta ako sa ospital bukas para bisitahin si Mama.
Hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang makarinig ako ng kalabog sa kabilang kwarto. Agad akong tumakbo papunta kay Javier para tingnan kung ano yung kumalabog. Kumatok muna ako sa kwarto niya bilang respeto dahil ayaw ko namang biglang pumasok. Walang sumagot, kaya nagdesisyon na akong buksan ang pinto.
Nagulat ako nang makita kong nasa sahig na si Javier tulog, pero nanginginig. Paano nangyari na nalaglag siya sa kama? Agad ko siyang nilapitan para alalayan pabalik sa kama niya.
“Javier, tumayo ka diyan…” Nagulat ako nang hawakan ko siya dahil sobrang init niya. Inaapoy na siya ng lagnat, siguro dahil sobra siyang naulanan kanina. Nahihirapan akong itayo siya dahil ang bigat niya.
Naitayo ko na siya, pero hindi ko inaasahan na matutumba kaming dalawa. Ang awkward pa ng naging pwesto namin dahil nakapatong ako sa kanya. Hindi ako maka-alis dahil bigla siyang yumakap sa akin. Sinusubukan kong kumawala sa yakap niya pero lalo niyang hinigpitan.
“Dito ka lang…” mahinang sambit niya, halos pabulong paos at mainit ang hininga.
“Bitaw na. Nilalagnat ka. Pupunasan kita para bumaba ’yang init mo,” sabi ko, pilit na matatag kahit nanginginig na rin ang boses ko.
Kumawala siya sa yakap, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa’kin.
Doon ko napansin gising na siya. At hindi lang basta gising. Yung mga mata niya… diretso, seryoso, parang may pinipigilan. Para bang may gustong sabihin pero hindi makahanap ng tamang salita.
Tinangka kong tumayo, pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko hindi mahigpit, hindi marahas. Parang pakiusap.
“Sandali,” sabi niya.
“Javier…” napahina ang boses ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa init ng palad niyang dumidikit sa balat ko.
Hindi siya sumagot agad. Parang nag-iipon muna siya ng lakas o tapang. Naramdaman ko yung bigat ng katahimikan sa pagitan namin, yung tunog ng ulan sa labas, yung munting paghinga niya na parang hindi pantay.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, at hinaplos yung gilid ng mukha ko sobrang banayad, halos nakakatakot. Para akong napako sa pwesto, hindi ko mahanap kung saan ilalagay yung mga kamay ko, o yung mga mata ko.
Tiningnan niya ako mula sa mga mata ko pababa sa mga labi ko, tapos bumalik ulit sa mga mata ko. Parang sinusukat niya kung tatakbo ba ako.
“Kung ayaw mo…” paos niyang sabi, “sabihin mo.”
Huminga ako nang malalim. Gusto kong magsalita. Gusto kong umangal, magbiro, magtago sa tapang-tapangan ko… pero walang lumabas. Ang totoo, hindi ako umatras.
Isang segundo pa. Dalawa. Tatlo.
At saka niya ako hinila palapit sobrang dahan-dahan na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong umiwas hanggang sa huli.
Naramdaman ko yung init ng noo niya, yung dampi ng hininga niya sa labi ko. Halos magkadikit na kami, pero huminto pa siya sa pinakadulo isang pulgadang pagitan, isang manipis na guhit ng hangin na parang sobrang ingay sa gitna ng katahimikan.
“Please,” bulong niya.
At doon… dumampi.
Hindi agad mariin. Hindi agad malalim. Isang halik na parang tanong na “pwede ba?” at nang hindi ko siya itinulak, nang hindi ako umatras…
Saka lang niya pinatagal. Mas buo. Mas totoo. Parang may matagal na siyang kinikimkim at ngayon lang niya pinakawalan pero maingat pa rin, parang takot siyang masira yung sandaling ’to.
“I want you,” bulong niya, halos wala nang pagitan ang mga labi namin. “Can I have you?”
Tahimik ang loob ng sasakyan.Hindi dahil walang nangyayari kundi dahil lahat ay kontrolado.Mula sa tinted window, malinaw kong nakikita ang bahay.Simple.Pero secured.Too secured.Hindi ito random.Hindi ito basta pagtatago.Pinagmasdan ko ang gate.Ang cameras.Ang galaw ng ilaw.Then I smiled mahina.“So this is where you ran, Tiffany…”“Ma’am, do we proceed?”Hindi ako agad sumagot.Dahil bago pa kami makarating dito— muntik na namin siyang mawala.Nagsimula lahat sa hospital.Planado ang galaw ko doon.May tao ako sa loob.May tao sa labas.Pero kahit ganoon nakalusot siya.“Ma’am, we lost the car.”Yun ang unang report.Nanahimik ako noon.Hindi dahil okay lang kundi dahil iniisip ko kung paano siya nakalusot.“Where?”“Intersection. They switched lanes… then disappeared.”Napatingin ako sa monitor.CCTV feed.Frame by frame.Hindi siya random.Hindi iyon panic move.Calculated.“She knew she was being followed…”Mahina kong sabi noon.At doon ako bahagyang napangiti.Not im
Tiffany’s POV Hindi pa rin steady ang paghinga ko.Kahit nakaalis na kami.Kahit wala na yung sasakyang sumusunod.Kahit sinabi ni Ethan na “we lost them.”Hindi ako kumbinsido.Hindi pa.Tahimik ang sasakyan.Pero hindi ito yung tahimik na komportable.Ito yung tahimik na lahat nag-iisip.Lahat nag-aalala.Lahat naghihintay kung ano ang susunod.Sumilip ako sa rearview mirror.Nandoon si Ethan.Focus.Alerto.Hindi pa rin relaxed.Which meant hindi pa tapos.Napayuko ako.Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko.Mahigpit.Parang instinct.Parang kailangan ko siyang protektahan kahit wala pang malinaw na panganib sa harap ko.Pero meron.Ramdam ko.Simula pa kanina.Yung sasakyan.Yung paghabol.Yung pakiramdam na hindi ako ligtas.“Are you okay?”Boses ni Ethan.Mahina.Pero diretso.Napatingin ako sa kanya sa salamin.Saglit.At saka ako tumango.“Yeah.”Kasinungalingan.At alam naming pareho.“We’re not going to your place.”Bigla niyang sabi.Napakunot ang noo ko.“What?”“Too ob
Ethan’s POVSomething wasn’t right.I felt it the moment they stepped out of the hospital.Cyanne looked pale too pale for someone who just got discharged.But it wasn’t just that.It was the way she kept glancing back.The way her shoulders were tense.The way her hand stayed protectively over her stomach like she was shielding something… or someone.I didn’t ask right away.Didn’t want to alarm her.But I was watching.Carefully.“Let’s go,” I said as soon as I saw them, already opening the car door.Tiffany slid in beside her mom, immediately holding her arm.“You’re safe now,” she whispered.Safe.I almost scoffed.Because if there’s one thing I’ve learned you’re never “safe” when things start like this.I got into the driver’s seat.Started the engine.Checked the mirrors.Once.Twice.Three times.And that’s when I saw it.A black sedan.Parked across the street.Engine on.Not moving.At first, it looked normal.Could’ve been anyone.But then the driver didn’t look away.Didn’t
Tiffany’s POVHindi na ako mapakali.Kaya nang sinabi ni Mommy na mas mabuting umalis muna kami hindi na ako tumutol.“Sa bahay ka muna ni Tiffany,” sabi niya habang inaayos ang gamit ko. “Mas safe doon kaysa dito.”Tumango ako.Tahimik.Mabilis ang kilos namin.Walang announcement.Walang paalam.Lalo na kay Javier.At iyon ang pinakamahirap.Pero kailangan.“Ready?” tanong ni Mommy.Huminga ako ng malalim.“At this point… wala naman akong choice.”Mahina akong ngumiti.Pero hindi umabot sa mata ko.At pagkatapos lumabas na kami ng kwarto.Tahimik ang hallway.Normal.Walang kakaiba.Pero habang naglalakad kami doon ko ulit naramdaman.Yung pakiramdam na kanina pa gumugulo sa akin.Mas malakas ngayon. Mas malinaw.Parang may matang sumusunod sa bawat galaw ko.Dahan-dahan akong napahinto.“Mom…”Mahina.Pero sapat para mapalingon siya.“Ano’ng meron?” tanong niya agad.Hindi ako agad sumagot.Dahan-dahan akong tumingin sa paligid.Sa dulo ng hallway.Sa mga taong dumadaan.Sa nurse s
Tiffany’s POVHindi ako agad nakahinga.Kahit nakalabas na si Javier.Kahit nagsara na ang pinto.Parang naiwan pa rin siya dito.Sa bawat salita.Sa bawat tanong.Sa bawat tingin niya sa akin na parang… may karapatan siya.At iyon ang pinaka-delikado.Dahil kung magpapatuloy pa siya baka ako ang bumigay.Napapikit ako.Mahigpit.Pinipigilan ang sarili.“Anak…”Mahina ang boses ni Mommy.Nagmulat ako.Nandito pa pala siya.Nakatingin sa akin.Nag-aalala.At doon ko na-realize—hindi lang pala ako ang nahihirapan.“Tiffany,” lumapit siya, marahan. “Anong nangyayari? Naalala ka na ba niya?”Tahimik lang ako.Hindi ko alam kung saan magsisimula.Dahil kahit ako hindi ko na rin alam kung paano ipaliwanag ang gulo na ‘to.“Si Javier…” dagdag niya, “…bakit parang—”“Mom.”Mahina.Pero pinutol ko siya.Ayokong marinig.Ayokong ipangalan.Dahil kapag ginawa ko mas magiging totoo.Huminga ako ng malalim.At saka ako tumingin sa kanya.Diretso.“Kailangan kong umalis.”Nanigas siya.“What?”“Af
Javier’s POVHindi ako nagtagal.Dapat sandali lang.Bibili lang ako ng pagkain, babalik agad pero hindi ko magawa.Hindi ko maipaliwanag.Parang may humihila sa akin pabalik.Parang may mali.Pagdating ko sa floor, huminto ako.Hindi ako agad pumasok.Kasi may narinig ako.Mga boses.Sa labas ng kwarto.At kilala ko kung kanino galing.“…kung lumabas na si Javier ang ama…”Nanigas ako.Parang may sumabog sa tenga ko.Hindi ako gumalaw.Hindi ako huminga.“…ano ang gagawin mo sa anak ko?”Boses ng isang babae.Pamilyar.Veronica.Ang alam ko siya ang mommy ni Cyanne.At sa isang segundo nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Ama?Ako?Hindi pwede.Hindi“…then the child is a Villamor.”Mom.Diretso.Malamig.Sigurado.At doon tuluyan akong nanlambot.Napaatras ako ng isang hakbang.Hindi nila alam na naririnig ko.At sa totoo lang hindi ko rin alam kung gusto ko pa bang marinig.Pero hindi ako makaalis.Parang nakapako ako sa lugar.“…at hindi mo kukunin ang bata at iiwan ang anak ko—”
Scarlett’s POV“Ma’am, wala po si Sir Javier sa opisina niya. Sabi po ng secretary niya, pumunta raw po siya sa warehouse.”Nagulat si Scarlett sa narinig.Ano kaya ang iniisip ni Javier? Talagang pupunta pa siya sa warehouse, eh hindi naman iyon ang department niya.Tapos naalala niya andoon nga
Cyanne’s POVTahimik ang buong biyahe papunta sa restaurant.Walang nagsasalita.Tanging mahinang tunog ng makina at ilaw sa daan ang kasama namin at ang kamay ni Javier, na hanggang ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa kamay ko.Hindi ko na pinahalata ang kaba ko.Ayokong siya pa ang mag-alala
Cyanne’s POVBumaba ako sa office area ng warehouse, hawak ang bag ko habang nagpaalam sa mga kasamahan ko.“Bye, ingat kayo bukas,” bati ko sa isang kasamahan ko. “See you, Cyanne!” sabay walis ng ngiti nila.Huminga ako nang malalim at sinimulan ang paglakad palabas. Unti-unting lumalamig ang ha
Cyanne’s POVNagising ako nang may naaamoy akong kape. Saglit akong natulala. Hindi ako sanay na may gumigising sa’kin kundi alarm. O ingay ng sarili kong isip.Umupo ako sa kama. Tahimik ang unit. Walang sigawan. Walang mabigat na yabag.Paglabas ko ng guest room, napatigil ako.Nasa dining table







