Share

Kabanata 45

"Nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa bibig ni Andrew nang imulat niya ang kaniyang mga mata at napansing nasa loob pala siya ng isang hindi pamilyar na kwarto.

Nilibot niya ng tingin ang bawat sulok ng silid, hanggang sa napagtanto niyang may katabi na siyang ibang babae sa kama.

Bumilog ang mga mata niya sa gulat at mabilis na umatras sa pilyang dalaga na nasa tabi niya.

"Sino ka? at a-anong ginagawa mo rito sa loob ng kwarto ko?" usisa niya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Ngumisi naman si Liza nang mapansin niyang nagising na ito at biglang natauhan.

"Gising ka na pala?" nakangiwing turan niya sa binata. Tila napansin naman kaagad ni Andrew ang cellphone niya na hawak nito, kaya sinubukan niyang agawin ito sa dalaga pero mabilis naman itong pumalag sa kaniya.

"Bakit hawak mo 'yang cellphone ko?" aniya at magkasalubong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status