เข้าสู่ระบบSalamat po sa pagdaan
Pagkahinto ng sinasakyang rolls-royce nina Nathan, Cielo, at Sky sa lobby ng isang four-star hotel sa Quezon City, mabilis na bumaba ang ilang bodyguard. Iginala muna ang paningin sa paligid bago bumaba si Jay para pagbuksan ng pinto ng sasakyan ang pamilya. Unang bumaba si Nathan, bago niya kinuha ang anak sa loob at sinigurong hindi mauuntog ang misis sa pagbaba mula sa kotse.Inakbayan ni Nathan ang asawa habang buhat pa rin ang anak at saka sila pumasok sa main entrance ng hotel. Dahil nauuna si Ben, nakasunod lang sila sa bodyguard. Naghagdan lang sila patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang isang function room. Pagpasok nila, agad na tumayo ang tatlong lalaki, habang nanatili sa kanyang wheelchair si Diana na mukha pa ring may sakit. Nagkatinginan sina Nathan at Cielo. Nag-alala si Elijah na umatras ang kanyang kapatid, kaya inilang hakbang lamang niya ang kinatatayuan ng babae.“Cie, please stay. I want you to be part of my life, as my one and only sister,” may lambing an
Sandaling nag-usap ang mag-amang Emilio at Elijah sa hallway at napagkasunduan nilang mag-stay pa para sa dinner upang makasama pa nang mas matagal sina Cielo at Sky, kaya sumunod na rin sila agad sa mag-ina.Nakasalubong naman nina Cielo at Sky si Nathan sa lobby ng auditorium. Mukhang galing sa labas ang lalaki.“Nasa refectory na sila for dinner,” ani Nathan na yumuko para buhatin ang anak.“Malapit lang naman ang dining hall. Bakit kailangan mo pang buhatin ang anak mo? Mabigat na siya,” malumanay na saway ni Cielo sa asawa.“It’s okay, Darling. Mas mabigat ang dumbbells ko,” katwiran ng lalaki. Napalingon silang mag-asawa nang marinig ang mga paparating na hakbang. Ang mag-amang King iyon na isinabay na nila papunta sa refectory. Pagdating sa malaking dining hall ng orphanage, agad na kumaway si Aileen kay Cielo upang tawagin sa mesa kung saan sila sama-samang kakain.Maingay at puro tawanan ang maririnig sa hall. Ang ibang benefactors ay nakihalo sa mesa ng mga bata para maki
Pagdating nina Cielo sa Santuario, nakaupo na ang mga bisita sa auditorium para sa gaganaping Donor’s Night. Iginiya naman sila ng isang teenager na naka-assign na usherette sa ikalawang row mula sa harapang upuan.“Lolo!” pagbati ni Sky kay Don Emilio nang makita ang lalaki sa parehong hilera ng upuan. Hindi napigilan ni Cielo ang anak na lumapit at yumakap sa lalaki. Nakita rin niyang ipinakilala nito si Elijah kay Sky.Upang maiiwas ang asawa sa ama, pinaupo ni Nathan si Cielo sa pinakagilid ng aisle at si Sky ang sunod na pinaupo sa gitna nila. Hindi nagtagal, umakyat na si Aileen sa stage bilang host ng gabing iyon. First time niya itong gagawin, at nagpa-practice pa siya kay Cielo nang dalawang beses. Lalong tumangkad at pumuti ang dalaga sa suot na burgundy na off-shoulder na long gown at 3-inch na black stilettos. Nakalugay din at kinulot ang dulo ng mahaba niyang itim na buhok.Napatitig si Elijah sa dalaga at hindi napansing umuwang ang bibig. Natigil lamang ang pagtitig n
Nakasuot ng black velvet halter long gown si Cielo at sinisipat ang hitsura sa tapat ng full-length mirror sa loob ng walk-in closet sa master bedroom nang pumasok si Nathan. Katatapos lang maligo ng lalaki at nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba nito. Napalunok siya nang makita ang kurba ng katawan ng misis at ang likod nito na naka-expose sa suot na gown.Pilyong lumapit si Nathan sa misis at niyakap ito sa harap ng salamin. “So, sexy!”Pinatakan pa niya ng maliliit na halik ang magandang balikat ng babae paakyat sa tainga nito. “You’re so beautiful,” pabulong nitong sabi sa tainga ni Cielo. Halatang nang-aakit.Naghinang ang mga mata nina Cielo at Nathan sa salamin. Pagkuwan ay bumaba ang kamay ng lalaki sa slit ng gown ng babae na nagsisimula sa tapat ng panty nito. Pumasok doon ang kamay ni Nathan at walang pagpipigil na lumusot ang daliri sa loob ng suot na thong ni Cielo. Napangiti ito nang pilyo nang mapagtanto ang uri ng panty na suot ng misis niya.“Hmmm… you’re wearing
“What happened sa sinabi mo sa akin na hahanapin mo pa rin ‘yung babae sa Barcelona na hindi mo makalimutan?” Tumaas na ang boses ni Nathan sa kapatid.Nakaalis na si Mr. Altamirano at ang sekretarya nito. Nag-uusap na ang magkakapatid sa loob ng opisina ni Nathan at halatang dismayado ang huli sa binitawang salita ng bunsong kapatid kay Mr. Altamirano.Malungkot na nakaupo si Nikko sa mahabang couch, katabi si Nora na kanina pa tahimik at inoobserbahan si Nikko.“Sinabi ko sa sarili ko na last na ang paghahanap ko sa kanya nitong huli. Kapag wala, magmo-move on na ako,” malungkot na sabi ni Nikko. Sumama pa ang mukha ng binata. "Eh, wala."“Bakit kailangan mong pumayag sa arranged marriage?” nag-aalalang tanong ni Nora. “Maganda si Cindy, matangkad at sexy, pero malayo sa mga modelo at artista na naging girlfriend mo.”“Mabait si Cindy,” katwiran ni Nikko. "Magaling din sa negosyo niya."Sinamaan ni Nathan ng tingin ang bunsong kapatid. Hindi kumbinsido sa palusot ni Nikko. “Tell us
Tatlong katok sa opisina ng p***o ni Nathan ang umagaw ng atensyon niya sa binabasang proposal sa kanyang laptop. Hindi pa man siya nakasasagot, bumukas na ang p***o at pumasok ang kanyang executive assistant at stepsister na si Nora.Sa totoo lang, matagal nang promoted ang kanyang stepsister bilang Vice President for Administration, pero ang babae pa rin ang kanyang executive assistant dahil wala silang makuha na kaya man lang makakalahati sa efficiency nito.“Puwede bang sa penthouse ko na tapusin itong mga pinapa-review mong proposals?” tamad na tanong ni Nathan. “Nami-miss ko na ang asawa ko.”Pinanlakihan ng mga mata ni Nora ang kapatid. “Baka gusto mo namang pagpahingain si Cielo?”Bahagyang namula ang mga tainga ni Nathan at saka umiwas ng tingin sa kapatid. “Kung maka-react ka, parang pinapanay-panay ko ang misis ko.”“O, sige, gabi-gabi lang,” diretsahang sabi ni Nora habang nakapamewang.Humaba ang nguso ng lalaki. “Parang hindi kayo ni Lucas dumaan sa pagiging bagong-kasal.
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa







