INICIAR SESIÓNMeet Nathan's family pala
“Sigurado ka ba? P-Puwede naman akong magkuwento sa iyo kapag handa ka na,” nag-aalalang sabi ni Emilo kay Cielo.“Ikaw ba ang nag-iwan sa akin sa Santuario?” mariin at walang kakurap-kurap na tanong ni Cielo sa nagpakilalang tunay niyang ama.Umiling ang lalaki. “H-Hindi at hindi ko rin alam na nabuntis ko ang mommy mo.”Nakagat ni Cielo ang bagang sa bagong impormasyon. Mas sumidhi ang kagustuhan niyang malaman kung ano ang buong pangyayari. “Then, let her continue.”Tinungo ni Ben ang mesa kung saan kumakain si Cielo at binuhat ang isang upuan para paupuin si Don Emilio. Nagpasalamat naman ang lalaki pati na si Elijah.“A-As I was saying, ipinagkasundo kami ng mga magulang namin,” muling pagsisimula ni Diana. “Hindi madali dahil hindi naman ako gusto ni Emil.”“But I like him mula pa nang magkakilala kami sa isang family gathering–”“I am not interested in your love life,” pagputol ni Cielo sa pagkukuwento ni Diana.Napalunok ang babae. “Ilang buwan na kaming kasal pero wala pa rin
Isang linggo nang nakabalik sa Pilipinas ang buong pamilya at sa kasalukuyan ay nasa JNQ Motors Autofactory si Cielo para tingnan muli ang binubuong sasakyan. Hindi niya kasamang pumasok si Nathan ngayon dahil may mga meeting ang lalaki sa JNQ Headquarters. Kasama naman niyang umuwi sina Nanay Criselda at Sky sa Laguna na nagpaiwan sa bahay nila.Bago sila umalis patungong Japan last week, pinaulit ni Cielo ang paggawa ng frame ng sasakyan dahil may nakita siyang discrepancy sa sukat sa bandang lagayan ng makina. May pinagpatong sa pagkaka-welding na dapat ay magkadugtong. Mula sa frame na iyon, ito ang susundan upang makagawa ng buong hulmahan ng frame ng sasakyan.Habang sinusuri niya ang frame at pagkakalagay ng ibang parts upang masiguro kung tama na ang sukat, nilapitan siya ng sekretarya ni Ross.“Mrs. Quinn, I am Deana, secretary of Sir Ross. May bisita daw po kayo sa lobby,” magalang nitong sabi.Kumunot ang pagitan ng mga kilay ni Cielo. “Sino raw?”“Mrs. Diana King daw po,”
Dahil nakapagpahinga nang husto ang mga pagod na katawan, alas siyete nang nagising sina Cielo at Sky. Tanging sina Nitoy at Ben ang inabutan nila sa living room ng bahay. “Ma’am, pabalik na po siguro sina Sir at Jay, nag-jogging po,” pagbibigay-alam ni Nitoy sa kanya.Napatango si Cielo.“Ma’am, may almusal na rin po kayo,” singit naman ni Ben.Nilingon ni Cielo ang anak na hawak-hawak ang kamay. “Are you hungry, Bubba?”Tumango ang bata. “Opo. But I want to eat with Daddy.”Napangiti si Cielo at saka ibinalik ang tingin kay Ben. Tumango naman ang bodyguard upang sabihin na naintindihan na niya na maghihintay sila sa pagdating ng kanyang mister.“Samahan mo muna ako sa room. Ayusin natin ang mga gamit natin,” pagyaya ni Cielo sa anak na masiglang sumama sa kanya pabalik sa kanilang silid. Namili sila ng isusuot na damit para sa araw na iyon. Ipinakita ni Cielo ang asul na T-Shirt sa anak, pero umiling ito. “How about the white polo shirts for Daddy and me, and that white dress for
Malapit nang magtanghalian nang marating nila ang Nagoya. Nagtatatalon sa tuwa si Sky pagkakita sa paborito niyang laruan bilang isang napakalaking theme park. Sa hotel sa loob ng theme park sila tumuloy at nanlalaki ang mga mata ng bata sa pirate design ng kanilang silid. “You’re the best daddy ever!” sigaw ni Sky pabalik sa ama para yakapin.“Am I?” nakangiting tanong ni Nathan na yumuko para damputin ang anak at buhatin.“Super!” ani Sky bago nilingon ang ina. “And mommy is the best mommy in the whole world!”Tawang-tawa ang mag-asawa sa sinabi ng bata. Iniwan lang nila ang kanilang bagahe sa kanilang hotel room at nagpasya na silang mamasyal. Lahat ng rides na puwedeng sakyan ay hindi pinalagpas ni Sky at nagsalitan na lamang ang mag-asawa sa pagsama sa kanya sa bawat ride kapag pandalawahan lang ang upuan. Wala ring hinto ang bata sa pagpapa-picture sa mga nakikita nitong giant lego. “Are you sure bibilhin natin lahat iyan?” aburidong tanong ni Cielo kay Nathan sa loob ng shop
Mula sa pagkakaharap sa floor-to-ceiling glass wall, umikot si Cielo at iniyakap ang braso sa puwesto ni Nathan sa pag-aakalang natutulog pa ang mister. Ngunit bakante na ang tabi niya. Bahagya pa siyang inaantok, pero idinilat na niya ang kanyang mga mata. Natanaw niya ang anak sa kabilang kama na natutulog pa rin.Naupo siya at hindi na siya nagtaka na maayos niyang suot ang kanyang ternong pajama, na isa-isang hinubad sa kanya ng mister niya kagabi. Natigilan siya nang maalala niyang nakatulugan niya si Nathan habang humihirit ito ng ikalawa. Ang tangi na lamang niyang natatandaan ay pinipisil-pisil ng lalaki ang kanyang korona habang gumagapang ang mga labi nito sa kanyang balikat. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig gamit ang isang palad. “Ang bastos ko sa asawa ko!” Napatayo siya at marahang binuksan ang pinto ng silid. Napakunot ang noo niya nang makita sa living room ang nakatalikod niyang mister at abalang nag-eempake.“Nate?” mahina ang boses at nagt
“I love you, Daddy!”Tatlong ulit na iyong sinasabi ni Sky sa ama habang sakay sila ng inupahang service ni Nathan pabalik sa hotel. At sa tuwing sinasabi iyon ng anak, kitang-kita ang ligaya sa mukha ng lalaki.“Are you happy, Bubba?” tanong ni Cielo sa anak na nagsisimula nang bumaba ang energy.Tumango ito. “Thank you po sa surprise, Daddy!”Lumawak ang ngiti sa labi ni Nathan. “May surprise ba bukas.”Nanlaki ang mga mata ni Sky. Mula sa kandungan ng ina ay lumipat ito sa ama at saka bumulong. “Ano pong surprise bukas?”Napahalakhak si Nathan. “Kapag sasabihin ko sa iyo ngayon, hindi na iyon surprise.”“Babalik po tayo sa Disney?” namimilog ang mga matang tanong ng bata.“Not this year, son. Unless may business trip ako dito at libre si Mommy. Babalik tayo doon,” alanganing paliwanag ni Nathan, sa pag-aakalang magmamaktol ang anak.“Promise po?” excited na agad na tanong ni Sky.“Promise is a promise, son,” seryosong sabi ni Nathan. “Tutuparin ko lahat ng pangako ko sa iyo.”Nakang
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







