Masuk<3
Maagang nag-report si Helga sa PAF noong araw na iyon. Dumiretso siya sa opisina ni Col. Ramirez dahil kailangan niya ang lahat ng teknolohiyang mayroon ang militar upang makapag-research nang maayos tungkol sa JNQ Group of Companies.Inabutan niya si Major Campos sa opisina na halatang kakakarating din lang.“Lt. Marcelo, anong sadya mo ngayon dito?” nagtatakang tanong ng lalaki.“Nahihirapan akong makakuha ng maayos na lead sa JNQ Steel. Puwede bang pahiram ng files mo tungkol sa kanila?”Kumunot ang noo ni Maj. Campos. “Madulas ba? Wala kang makuhang ebidensya?”“Parang gano’n,” maiksi niyang sagot. Hindi naman kasi siya required na mag-report sa lalaki.
Habang pinapanood ni Nikko na nagsasara ang elevator doors at unti-unting natatakpan ang mukha ng babaeng kanyang minamahal na alam niyang nagkukunwaring hindi nasasaktan, parang gusto niyang manuntok ng tao.“Tatlong buwan lang akong nawala, may ibang babae ka na ulit!”Narinig ni Nikko na sigaw ni Cindy sa kanyang tabi, nakuyom niya ang kanyang kamao sa galit.“Ang kapal ng mukha mong mangpahiya ng bisita ko!” Kumunot ang noo ni Cindy. “Pinoprotektahan ko lang ang sa akin!”Dumilim ang mukha ni Nikko at saka sinamaan ng tingin ang babae. Napasiksik si Grace sa gilid ng kanyang desk, ngayon lang niya nakitang nagalit nang ganito ang kanilang boss.Humakbang papasok ng kanyang opisina si Nikko at akmang susunod naman si Cindy sa lalaki. Binalikan niya ang babae ng tingin. “Wala kang pag-aari rito at hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo na itigil na ang engagement natin.”“May pinirmahan kayo ni Daddy na kontrata!” asik ni Cindy.Tumango si Nikko. “Mayroon nga. Binasa mo ba?”Natigil
Agad lumabas sa glass door si Helga at malalaki ang hakbang na pinindot ang down button. Nagtinginan ang dalawang receptionist sa harap habang tahimik lamang na nakamasid si Banjo at ang isang bodyguard sa CEO’s floor.Pagbukas ng elevator, si Vincent ang sakay noon at nagulat pa na makita si Helga na masama ang mukha at paalis na. Mabilis niyang nilingon si Nikko na malungkot na nakatingin sa kanila at sa gilid nito ay nakatayo si Cindy na hindi niya marinig ang sinasabi ngunit halatang inaaway ang kanyang boss.Sumakay si Helga sa elevator at nanatili naman si Vincent para ihatid ang piloto sa basement parking. Habang pababa ang elevator, tahimik lang ang babae pero hindi na nakatiis si Vincent.“Inaway ka ba ni Cindy?"“Wala naman kaming relasyon ni Sir, kaya wala siyang dapat ikatakot,” sagot ni Helga.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Vincent. Oo at hindi lang kasi ang hinihingi niyang sagot pero napakahaba ng paliwanag ni Helga. “Arranged marriage lang ang naging set-u
Nang sumunod na araw, ipinatawag ni Nikko si Helga sa opisina sa Quezon City. Kasisimula pa lang ng office hours ay naroon na ang piloto dahil kabilin-bilinan ni Vincent sa kanya na maaga siyang dumating.Lumiwanag ang mukha ni Grace pagkakita kay Helga. Pinapasok na niya ito sa opisina ni Nikko kahit hindi pa dumarating ang boss.“Capt. Marcelo, ano pong breakfast ang gusto ninyo?” magalang na tanong ni Grace.Napangiti si Helga. “Na-almusal na ako, Grace. Kape na lang please.”Tumango si Grace at agad na nagpunta sa pantry para gumawa ng kape. Pagkuwan ay naalala niyang mag-message sa kanilang boss na nasa opisina na si Helga. Eksaktong naglalakad na si Nikko papasok sa opisina mula sa kanyang condominium building. Napangiti siya sa nabasa.JNQ2Ok. I’ll drop by Cielo’s to get her usual coffeePagkabasa noon ay sariling kape na lamang ni Grace ang tinimpla niya. Nag-init din siya ng muffin na abasto ng magkakapatid na boss. Allowed kasi silang mga staff sa CEO’s floor na kainin at i
Nagising si Nikko na parang may nakapatong sa kanyang dibdib at nang hawakan niya iyon, isang malambot na kamay ng babae. At sigurado siyang kay Helga iyon. Excited niyang nilingon ang gilid niya at nakitang naka-side view ng higa paharap sa kanya ang tulog na tulog pa ring prinsesa niya.Napangiti siya nang matamis nang kanyang maisip na hindi lang siya kahapon inalagaan ng babae kung hindi magdamag. Dahan-dahan niyang inabot ang kanyang cellphone sa side table sa kanyang gilid at sinigurong hindi gagawa ng malaking galaw upang hindi magising ang babae. Kinuhanan niya ng litrato ang tagpong iyon dahil pakiramdam niya ay napakasuwerte niya.Napansin niyang kumunot ang noo ng babae, kaya nagkunwari siyang tulog pa rin. Eksaktong dumilat si Helga at nang makitang tulog ang katabi, inilipat niya ang kanyang kamay mula sa dibdib ni Nikko sa leeg nito upang damhin ang temperature ng katawan nito. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdamang normal na ang temperature ng lalaki. Naupo siya n
Nanlaki ang mga mata ni Helga nang mapagtanto niya ang kanyang posisyon. Humawak siya sa armrest ng couch na nasa ulunan ni Nikko upang suportahan nang maayos ang kanyang pagtayo. Hindi rin siya pinigilan ng lalaki dahil alam niyang nahihiya na ang dalaga.Tumalikod si Helga upang kunin ang inilapag niyang ice bag sa center table at saka ito inilapat sa nangingitim na ribcage ni Nikko. Napadaing ang lalaki at ang kanina’y namumulang mukha ni Helga sa sobrang hiya ay napalitan ng pag-aalala. Sinuri niya ang pasa ni Nikko habang ninanamnam naman lahat ng huli ang mga nagaganap.Dinampot ni Helga ang kamay ng kanyang boss at ipinahawak ang ice bag. “Hawakan mo. Titingin ako ng maluluto sa ref.”Hindi kumibo si Nikko.Iniangat ni Helga ang tingin sa lalaki. “Okay lang ba na pakialaman ko na ang kusina mo? Nagugutom na kasi ako.”“S-Sure. Feel at home,” maiksing sagot ng lalaki.Tumalikod na si Helga dahil kanina pa siya naiilang. Pagpasok niya sa kusina, agad siyang napasandal sa dingding.
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



