Share

Chapter 167

last update publish date: 2026-09-17 00:52:30
Mula sa restaurant, dumiretso na sila sa Nexus Hotel. Kumunot ang noo ni Helga dahil pareho ang pangalan nito sa Nexus City na itinayo ng magkapatid na Quinn. Ngunit wala sa briefing niya ang hotel na ito, kaya hindi niya masiguro kung pag-aari rin ito ng JNQ Brothers.

Paghinto ng Maybach sa lobby, may apat na lalaking Chinese na nakaabang sa p***o. Tulad kanina sa restaurant, hindi siya pinayagan ni Nikko na magbukas ng p***o at sinabing hintayin siya. Bago sila pumasok sa hotel ay nagsipagyuk
Lilian Alexxis

<3

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
thanks Ms Lilian sa update
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
Salamat sa update. Moooo...
goodnovel comment avatar
Elvira Gesmundo
naku baka Hindi panaginip yun Helga .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 167

    Mula sa restaurant, dumiretso na sila sa Nexus Hotel. Kumunot ang noo ni Helga dahil pareho ang pangalan nito sa Nexus City na itinayo ng magkapatid na Quinn. Ngunit wala sa briefing niya ang hotel na ito, kaya hindi niya masiguro kung pag-aari rin ito ng JNQ Brothers. Paghinto ng Maybach sa lobby, may apat na lalaking Chinese na nakaabang sa p***o. Tulad kanina sa restaurant, hindi siya pinayagan ni Nikko na magbukas ng p***o at sinabing hintayin siya. Bago sila pumasok sa hotel ay nagsipagyukuan ang mga empleyadong sumalubong.Sumabay lang siya paglalakad ng lalaki habang si Vincent naman ay nasa likuran nila. Pagpasok nila sa elevator ay pinindot ni Vincent ang P button. “Saan ang room ko?” naisipan niyang itanong kay Vincent.Nilingon ni Vincent si Nikko bago siya binalikan ng tingin. “Apat ang kuwarto sa penthouse ni boss, kaya doon ka na rin kasama namin. Okay lang ba sa iyo?”Napatingin si Helga sa reflection ni Nikko sa elevator at nakita niya ang malamlam na tingin sa kanya

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 166

    Bago mag-alas-onse ng umaga, nakalapag na sila sa runway ng Guangzhou International Airport. Ikinagulat ni Helga na may sariling hangar ang JNQ sa pinakamalaking lungsod sa Southern China. Ibig sabihin, regular ang paglipad ng pamilyang Quinn sa nasabing siyudad at tila umilaw ang curiosity niya kung ano ang laging ginagawa doon ng pamilyang Quinn.Dalawang Maybach ang nakaparada sa gilid ng hangar ng JNQ at isang itim na SUV kung saan nakatayo ang ilang bodyguard. Naunang bumaba sina Nikko at Vincent at nakita niyang tumayo lamang ang dalawang lalaki sa gilid ng isang Maybach.Dahil sa hagdan sila bumababa, bitbit ni Helga ang kanyang luggage. Mabilis na lumapit si Vincent at kinuha sa kanya ang bagahe niya. “Capt. Marcelo sa amin ka na raw po sasabay dahil hindi kayo magkakasya sa isang kotse,” ani Vincent.Kumunot ang noo ni Helga at nilingon ang isang sasakyan at ang mga kasama niya na nakasunod sa kanya habang bumababa. “Sino-sino ba ang sasakay sa isang kotse?”“Sina Capt. Ilaga

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 165

    Pag-ayos ng upo ni Helga para sana dugtungan ang kanyang sinabi, biglang tumayo si Nikko at malalaki ang hakbang na lumabas ng lounge.Naiwan sa ere ang hawak nitong cup na dapat sana ay iinumin. “Bigla na lang nang-iiwan.”Itinuloy niya ang nabiting pag-inom ng kape habang tinitingnan ang oras sa kanyang cellphone. May 30 minuto pa bago ang oras ng kanilang pag-alis, ngunit hindi niya makita kung saan nagpunta ang presidente ng kumpanya.Nagpasya siyang tumayo at lumabas din ng lounge. Nakita niya ang lalaki na nakatayo sa labas at nakatitig sa langit na tila may malalim na iniisip.“I guess you are Capt. Marcelo.”Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at isang lalaking nasa 40s ang nakangiti sa kanya. Agad niyang nakilala ito bilang si Capt. Sandro Ilagan, ang limang taon nang piloto ng JNQ private plane.Isang ngiti ang kusang puminta sa kanyang mukha. “And you are Capt. Sandro Ilagan.”“Yes, that is correct,” tatango-tangong sabi niya. Iniabot ng lalaki ang kanyang luggage s

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 164

    Maagang dumating si Helga sa hangar ng JNQ Group of Companies dahil gusto niyang masiguro na na-check niya ang lahat bago sila lumipad nang alas siyete ng umaga. Nauna na siyang umakyat sa loob ng eroplano kahit wala pa si Capt. Ilagan. Sinilip niya ang loob ng cockpit. Ang ginagawa niya ay bahagi ng mga safety procedure bago lumipad ang isang eroplano. Nang masiguro na maayos ang lahat, lumabas na siya sa cockpit. Eksaktong umakyat ang isang maintenance. “Kap, tawag po kayo sa lounge.”Tumango siya. Hindi na niya ikinagulat na may lounge ang hangar ng JNQ dahil binasa naman niya ang background ng kumpanya, pati ang bilyon-bilyong net worth ng magkapatid na Quinn.Mamahalin din ang klase ng eroplano ng JNQ na kayang magsakay ng 15 pasahero. Ang loob ay parang isang suite sa hotel at kumpleto sa lahat ng kailangan ng isang pasahero.Sumunod siya sa lalaki na iginiya siya patungo sa isang salamin na p***o. Naisip niya na baka nasa loob na si Capt. Ilagan at baka nais muna siyang makausa

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 163

    Ipinarada ni Helga ang kanyang minamanehong kotse sa parking area ng Airbase. Ngayon ang unang araw niya sa trabaho at maaga siyang pinatawag sa opisina ni General Domingo. Sinipat muna niya ang kanyang hitsura sa rearview mirror bago bumaba ng sasakyan. Inunat pa niya ang kanyang uniporme bago naglakad patungo sa lobby. “Good morning, Lieutenant!” pagbati ng guwardiya na sumaludo pa sa kanya.Naiilang man ay napilitan siyang sumaludo rin bilang paggalang. “Good morning po!”Pagliko niya sa pasilyo ay may nakasalubong siyang dalawang empleyado na sumaludo at bumati rin kaya ibinalik din niya ang pagbati ng mga ito. Umakyat siya sa ikalawang palapag at muling tumayo ang guard sa reception. Sumaludo muli ang guwardiya sa kanya.Napapakamot na lang siya sa kanyang ulo pagkatapos. “Marcelo!”Napalingon siya at nakita si Colonel Ramirez, na isa sa naging kanyang mga propesor sa state university.Awtomatiko siyang sumaludo. “Sir!”Sabay na silang pumasok sa loob ng opisina ng general. Agad

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 162

    Kasalukuyang katatapos ng one-on-one meeting nina Nathan at Nikko tungkol sa dinaluhan niyang Global Steel Summit sa Dubai. Ini-report niya sa kanyang kuya ang mga business deal na kanyang nasungkit doon nang may kumatok sa p***o ng Chairman, na agad nagbukas.“Papa Nathan!” sabay na sigaw nina Hans at Anya na tumatakbong pumasok at nag-unahang nagpakalong sa lalaki.Napangiti si Nikko at nanatiling nakatingin sa p***o. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang sina Abe at Isla lamang ang kasunod na pumasok at sumara na ang p***o.“Where’s Heaven?” nag-aalala niyang tanong sa mag-asawa.Last time kasi na bumisita sina Isla at ang kambal na wala si Heaven ay nilagnat daw ang bata, kaya nag-alala siya na baka nagkasakit na naman ito.“May sakit ba siya ulit?” dagdag pang tanong ng lalaki.Napangiti si Isla. “She’s okay, Nikko.”“Naka-bakasyon kasi ang mommy niya, kaya nag-bonding ang mag-ina sa Bohol,” paliwanag ni Abe.May kung anong gumaan sa dibdib ni Nikko nang marinig ang paliwan

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 02

    Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 01

    Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 06 

    Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status