로그인
"Some nights aren’t meant to be remembered… but somehow, they become the ones you can’t forget."
--- “Ready?” tanong niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Hindi ako agad nakasagot. Instead, I just nodded slowly. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba talaga ito. Pero sa paraan ng paghawak niya sa akin, may parte sa akin na mas lalong nasasabik. His hand slid gently to my waist, pulling me closer. Mas lalo akong napalapit sa kanya habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang gumagalaw sa katawan ko—parang alam na alam niya kung saan ako hahawakan. Parang kilala niya ako kahit kanina lang naman kami nagkakilala. “Do you want me to continue?” mahinang tanong niya. Napapikit ako. Because a part of me was screaming that this was wrong. The alcohol. The Heartbreak. The pain that pushed me here. Everything about this night felt dangerous. Nag-aalangan akong sumagot. Baka kasi masira ko ang moment. Or worse—baka masabi ko ang totoo. Na ayoko siyang tumigil. Na gusto ko pa. Everything felt wrong. The place. The timing. The reason why I’m here. Pero siya… He was looking at me like I was the only woman in the room. Like I was wanted. Like I mattered. And I needed that. More than I should. And that’s exactly why it was dangerous. “Then don’t,” hindi ko napigilang sabihin nang maramdaman kong huminto siya. Ayokong tumigil siya, and that was all it took. Sa isang iglap, mas lumapit siya. His breath brushed softly against my skin, warm enough to make my heartbeat lose rhythm. At sa sandaling iyon, hindi ko na maalala kung bakit ako nasasaktan kanina. Hindi ko na maalala kung paano ako napunta rito. All I knew was him. I was craving his touch. At bawat segundo, mas lalo akong nababaliw. “Look at me,” mahinang utos niya. Hindi ko alam kung paano, pero napasunod niya ako. Pagtingin ko sa kanya, agad niya akong hinalikan. Mainit. Mabagal. Mapang-angkin. Parang ayaw niya na akong pakawalan. My fingers instinctively gripped his shirt as the kiss deepened. Habol-hininga akong napapikit habang mas lalo niya akong inilapit sa kanya. “Just tonight,” sambit ko sa pagitan ng halik namin. Hinila ko pa siya palapit para mas lalong mapadiin ang halik. Pareho kaming huminto para huminga. “No names,” dagdag ko, halos pabulong. For a moment, he stared at me quietly. Then he nodded. “No questions.” At sa paraan ng pagtingin niya sa akin, parang sapat na iyon. Parang pareho kaming nagkasundo na hanggang gabing ito lang. Just one reckless night. Dangerous… Yet unforgettable. Binuhat niya ako at dahan-dahang ibinaba sa kama. Kasabay noon ay unti-unting nawala ang lahat ng tanong sa isip ko. Kung tama ba ito. Kung mali ba ito. Kasi sa sandaling iyon, ayoko nang mag-isip. Bahala na. Gusto ko lang makalimot. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako iniwan. Gusto ko lang maramdaman na may pumipili pa rin sa akin. And for that one night… He did. Everything blurred after that. Not because I don’t remember— But because everything felt too much. Too fast. Too intense. Too real. At hindi ko na gustong tumigil pa. Until morning came, at doon bumalik lahat. Ang sakit. Ang kahihiyan. At ang pagsisisi. And that’s when I realized I made a mistake. So, I left. Akala ko, doon na matatapos lahat, but fate doesn’t work that way. Because that night didn’t end there. And soon— Everything will change.Nakatayo ngayon si Justin sa harap ng walk-in closet niya habang pumipili ng susuotin niyang coat. May family gathering daw kasi sila ngayon. Ayoko sana sumama dahil kasal lang naman kami sa papel, kaso sabi niya kailangan daw. “Required ba talaga sumama?” Nakasimangot na saad ko.“Yes, you’re still my wife even if its on paper,” saad niya habang sinusuot ang beige suit na napili niya.Napanguso ako at nagkibit-balikat, “Ang dami niyo naman kasing family gatherings. Weekly ba naman, ilan ba kayong magkakamag-anak ng makapag-ready ako lagi.” sarkastikong saad ko.“Its my grandmother’s birthday. Mas mahalaga ang event na ito kaysa sa iba mong napuntahan. And you don’t have a choice, remember our contract?” Paalala niya.“Sabi ko nga,” napapailing na saad ko habang sinusuklay ang buhok ko.Tamad na tamad talaga akong pumunta ngayong araw. Hays! Isa pa, hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at sa sitwasyon namin, eh.–Isang oras din ang tinagal ng biyahe nam
Kailangan nga ba naging komplikado lahat? Simula ba ng matanggap ako sa trabaho kung nasaan si Justin? Simula ba ng may mangyari sa’min ng gabi na iyon? Simula ng magdalang tao ako o simula ng pirmahan ko ang kontrata?Akala ko kaya kong sundin ang kasunduang ginawa namin ni Justin. Akala ko simpleng kasunduan lang ito para sa bata at para sa pagpapagamot ko kay mama. Pero nagiging mahirap kumbinsihin ang sarili ko habang tumatagal.Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong villa. Tulad ng dati nadatnan ko si Justin na nakaupo sa dineng are habang may binabasa na dokumento.Nakatiklop pataas ang manggas ng polo niya at may baso ng kape sa tabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng mga simpleng bagay.“Goodmorning,” bati niya kaya binati ko rin siya pabalik.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang bsong tubig. Ang tahimik talaga sa lugar na ito. Feeling ko tuloy naririnig niya kung ano mang naiisip ko dahil sa katahimikan."May check-up ka ma
Buong gabi akong hindi mapakali matapos kong marinig ang pangalan ni Vanessa Cruz. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaapektuhan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko rin naman dapat pinoproblema ang nakaraan ni Justin. Lahat tayo ay may buhay bago nakilala ang isa't isa. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Claire."She's the only woman I've ever heard linked to Justin before you."Hindi ko alam bakit nagugulo ang utak ko ng mga sinabi niyang iyon.–Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Nauna kasi siya pumasok sa akin dahil may dadaanan pa siya. Hindi naman siguro si Vanessa iyon, ‘di ba?Napailing ako.Hays! Gusto kong maging busy. Kapag busy ako, wala akong oras para mag-isip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Naloloka lang ako mag-isip. Nandito ako sa pwesto ko habang inaayos ang schedule ni Justin nang bumukas ang elevator.Hindi ko sana papansinin, ngunit naamoy ko ang pamilyar na pa
Kinabukasan, sinubukan kong isawalang bahala ang nangyari kagabi sa terrace. Hindi naman no’n mababago ang sitwasiyon namin ni Justin. Hays! Iyong pakikinig niya sa mga sinasabi ko kagabi. Hindi siya masiyadong nakipagtalo at sinubukan niya akong intindihin. Sa pinapakita niya ay parang mas nalilito ako. Tahimik lang kami sa buong biyahe pero hindi naman awkward sa pagitan namin. Sanay na siguro kami sa katahimikan namin sa isat-isa. Minsan humihinto ang sinasakyan namin dahil may tumatawag sa kanya na related sa trabaho. Ako naman ay titingin lang sa labas ng bintana. Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa executive floor. Ako naman ay sa desk ko which is sa labas ng room niya. “Excuse me,” Tawag pansin ng babaeng bagong dating. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-diyes na ng umaga. Wala naman akong alam na may pupuntang business partner ni Justin ngayong oras. Wala itong abiso sa akin kahit kanina o kagabi. Tinignan ko ang babae matangkad ito at maganda. Ba
Pagkatapos ng nangyari sa opisina, hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Justin.My wife.Shit! Parang musika sa aking tenga alam ko na hindi dapat ako kiligin pero hindi ko mapigilan. Dalawang simpleng salita lang iyon pero buong gabi na akong hindi mapakali. Ganto siguro ako dahil hindi tunog obligasyon ang sinabi niya.O baka dahil habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang kontrol niya sa buhay ko.-Nasa villa ako ngayon. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng air conditioner. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nakaupo sa terrace ng kwarto ko habang nakatingin sa madilim na hardin. Minsan gusto ko na lang umuwi sa dati kong apartment.Napabuntong-hininga ako.Mula kasi nang lumipat ako rito, parang lahat ng desisyon ko ay may kinalaman na kay Justin. Kung anong kakainin ko, anong vitamins ang iinumin ko at sinong doctor ang pupuntahan ko.Kung anong sasakyan ang gagamitin ko, sino ang dapat kong kausapin. Hays! Hindi ko naman sin
Sa mga nakalipas na linggo, naging normal na ang mga araw ko. Kumunti ang mga taong nag-uusap tungkol sa buhay ko. Nananatili akong abala sa trabaho at nagiging maayos na ang kalagayan ng nanay ko. Isa rin sa mga pinakamahalaga ay normal ang bata sa tiyan ko at maayos ang kalusugan ko.Nagiging maayos na rin naman ang pakikisalamuha ko kay Justin. We are not in a relationship, but the important thing is we can talk about little things. May mga pagkakataon pa rin na bigla akong nalulungkot o pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Nalulunod sa sarili kong kalungkutan, pinipili ko na sarilinin na lang dahil ayaw ko naman na maging pabigat sa kanya.Akala ko magiging maayos na ang lahat at makakahinga na ako kahit papaano, pero nagkamali ako. Akala ko tapos na sila sa usapin tungkol sa akin, pero nagpahinga lang pala sila… Dahil may mga mausisa pa ring tao na gagawin ang lahat para mahalungkat ang buhay mo.Noong una, tinitingnan lang nila ako hanggang sa nagbubulungan na sila habang dumadaan ako







