เข้าสู่ระบบCaraPakiramdam ko ay bumabalik kami noong mga bata pa lang kami, nang nagtatago kami sa mga magulang namin. Iyan ang sitwasyon namin ngayon ni Tristan. Kapag pupunta siya sa opisina, kapag may tao o may bisita ako, umaarte siyang parang wala lang; pero kung wala naman, halos maglampungan na kami. "May trabaho pa ako, Tristan." Bulong ko sa kanya. His face was in my neck, sniffing everything about me. "I'll do the work, just baby me for now."Hindi ko akalain na ang lalaking ito, si Tristan Phoenix Peralta, na kilala ng lahat bilang ruthless, merciless, ay ganito pala kung manglambing.Napailing na lamang ako. Who would think that this man who would burn the world for me, yet here he was...acting like a soft man who needed attention. Niyakap ko siya nang mahigpit. I'll be honest. I love this version of him.Napangiti ako. Minsan talaga, kailangan mo na lang tanggapin na ang pinakanakakatakot na lalaki sa buong mundo ay umaarteng parang bata sa harap ng isang babae. Inilapit
CaraI was touching my lips while grinning. Kinagat ko iyon dahil ayokong masyadong isipin ang bagay na iyon, pero hindi ko mapigilang kiligin. Shit! Umuwi na si Tristan sa bahay niya, pero hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko habang iniisip ko siya. Pinukpok ko ang aking ulo. Gustong singhalan, pero hindi ko magawa dahil ginusto ko naman ito. Ang mahalikan ni Tristan. His lips still taste the same. Addicting. Hay naku. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas, pero siguro pormal na lang ang ayos. Shit! Hindi ko tuloy maiwasang niyerbusin dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Maayos na ang anak ko at kami naman ay nagkasundo na rin. Napaisip tuloy ako. Hindi kaya may masamang kapalit ang lahat ng ito?Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi naman siguro. Perhaps, God saw me struggling before, so she just let me breathe even just for a second, kaya hinahayaan niya na ako ngayon. Tama, iyon nga ang dahilan. Hindi ang kung anu-ano. Hay naku talaga itong utak ko, sobra
Tristan "Pinalaki mo siya nang maayos, Cara," hindi ako nakatingin sa gawi niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.Nakatulog si Ethan dahil hatinggabi na rin kaming natapos mag-usap. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kasi una pa lang, dapat sinaktan at pinalayas na ako ni Ethan. Sasabihin niya sa akin na hindi ko deserve na makasama ang mama niya. Pero hindi, hindi iyon ang nangyari."Naiintindihan po kita," iyon agad ang sinabi niya sa akin pag-alis ni Cara.Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. "Sabi ni Mama, inilayo niya ako sa inyo dahil ayaw niyang mawala ako." Pag-amin niya.Habang pinagmamasdan ko ngayon si Ethan, hindi ko maiwasang makita ang kabataan ko. He looks exactly like me. Kung titingnan mo nang mabuti, para ko siyang carbon copy. "Kasi isa lang ang kasunduan para maging tagapagmana mo." Lumaki siyang matalino at may respeto na alam kong dahil kay Cara. Lumapit ako sa kanya; akala ko aatras siya o kung ano man, pero hindi. Nan
Cara"Tristan?" Tawag ko sa kanya. Nilingon ko ang paligid at mabilis siyang hinila baka kasi nasundan siya ng mga tauhan ng mga Peralta—mahirap na Nagtiim ang aking bagang habang nakatingin sa kanya. Nasa loob pa ang anak ko at sa pagkakataong ito ay hindi ko maipapaliwanag sa kanya na nandito na ang ama niya. I scrutinized him, and he had a wrapped gift with him. "G-gusto kong makita ang anak ko, Cara." Bulong niya. Napakurap ako.Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Halos pigilan ko ang aking paghinga habang ilang ulit nang inisip na mali ang iniisip ko—na hindi tama ang nangyayari sa pagkakataong ito. Bakit siya nandito? Huminga ako nang malalim at tumingin sa lalaki."Anong pinagsasabi mo?" Patay-malisya kong tanong, lumapit siya sa akin.Hindi ako umatras o gumalaw kahit kaunti."Naalala ko na lahat, Cara." My fist clenched beside me while I was shaking. Alam na niya? Nakatingin lang ako sa kanya. Mabagal ang bawat paghinga habang siya naman
Tristan "Anong gagawin mo kapag nakaharap mo si Lolo?" tanong ni Tyler. He glared at me while picking the evidence I had about the hard truth of how our grandfather tricked us. Siyempre. Hindi niya pa alam na may alam na ako dahil alam ko na marami pa akong dapat malaman tungkol sa kung ano ba talaga ang ginagawa ni Lolo. Bata pa lang ako. Nakatatak na sa aking isipan na si Lolo lang ang pamilyang mayroon ako, kaya kahit kailan ay hindi ko nagawang tawagan ang pamilya ko na nasa ibang bansa raw.But the truth is? They were all on the fourth floor of the mansion my Lolo gifted me on my Birthday. Noong nakaraang taon ko lang nadiskubre ang lahat.It wasn't me who forbade everyone to step on the fourth floor of the mansion—it was my grandfather because I couldn't step there too. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa araw na iyon, lalo na't kasabwat niya pala ang lahat ng katulong sa mansion na iyon.My body was trembling as I looked at the papers I gathered from my lolo's
Cara Tristan wasn't around for the past few weeks. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kirot sa dibdib ko habang iniisip ko na baka inabandona na naman niya kami, pati na ang anak ko. Dapat ay sanay na naman ako, kaya bakit para pa akong naninibago sa lagay na ito? I should just let it go and let him do what he wants. Total, sa porteng iyon naman siya magaling, kaya ano pa bang inaalala ko? Hindi na naman bago sa akin ito. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na lang sa trabaho ko dahil kailangan kong umuwi nang maaga ngayon. Kaarawan ng anak ko. Ayaw niya na pumunta kami sa restaurant; gusto niya nang lutong bahay, tapos kami lang dalawa ang mag-celebrate. Sobrang introvert niya kaya minsan ay nababahala na ako na baka lumaki siyang walang kaibigan at makakasama sa buhay. Kapag may mga activities sa school nila, hindi siya sumasali; mas gusto niya na lang magmukmok sa bahay. Ilang beses ko siyang pinuna dahil doon, pero parang wala lang siyang narini







