เข้าสู่ระบบHindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maraming tanong ang biglang sumulpot sa isip ko. Bakit ako nawala sa kaniya? Ano ang nangyari noon? Bakit kinailangan niyang mawalay sa akin? At higit sa lahat, bakit ngayon lamang kami muling nagkita? Ngunit sa dami ng mga tanong na iyon, may isang bagay akong higit na naramdaman. Ang saya. Ang saya na sa wakas ay nakaharap ko na ang babaeng nagdala sa akin sa mundong ito. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Ma..." Iyon lamang ang salitang nagawa kong sambitin bago tuluyang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang yakap ng isang inang hindi ko kailanman nakasama habang lumalaki. Isang yakap na matagal ko palang hindi namamalayang hinahanap ng puso ko. Mahigpit din niya ak
Hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Muli niyang hinawakan ang aking mga kamay at marahang idinikit ang mga iyon sa kaniyang pisngi. "My daughter... I finally found my daughter." Napatitig lamang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling ganoon. Parang kailangan ko munang iproseso ang bawat impormasyong narinig ko bago ako makapagsalita. Si Miss Stella...Siya ang tunay kong ina? At ang mga taong nag-ampon sa akin ay ang pamilyang Spencer? Hindi nakapagtataka na ganoon na lamang nila ako itrato dahil hindi pala nila ako tunay na anak. Napayuko ako at saglit na pinagmasdan ang aming magkahawak na mga kamay. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Ang babaeng kaharap ko ilang minuto lamang ang nakalipas ay isang taong halos wala akong alam tungkol sa pagkatao. Ngunit ngayon, sinasabi niyang siya ang babaeng nagluwal sa akin at matagal na akong hinahanap. I never knew. Hindi ko kailanman naisip na may ganito palang kuwento sa
Napatingin siya sa akin. "Hindi kita iniwan dahil ayaw na kita, Elyse. I left you because I thought it was the only way I could give you a better future." Wala akong naisagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga narinig ko. May bahagi sa akin na gustong magtanong, ngunit mayroon ding bahagi na gustong unawain ang lahat ng pinagdaanan niya. "After leaving you at the orphanage, I worked as hard as I could. Tinanggap ko ang kahit anong trabahong puwedeng pagkakitaan. I didn't care how difficult it was, as long as I could save enough money to come back for you." Bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. "Then, after a year, things finally started to change." "Isang taon po?" mahinang tanong ko. Tumango siya. "Yes, dear. After a year, nakahanap ako ng mas magandang trabaho. Unti-unti akong nakapag-ipon at nagkaroon ng pagkakata
"You are the child that I've been looking for a very long time." Nanginginig ang boses ni Miss Stella habang sinasabi iyon sa akin. Hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko, at kitang-kita ko kung paano unti-unting namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Para bang matagal na niyang kinimkim ang lahat ng emosyon na iyon at ngayon lamang niya nailabas. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga sinasabi niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga iyon at kung bakit ganoon na lamang ang emosyon niya habang nakatingin sa akin. "P-po? Imposible po iyan, Miss Stella." Hindi makapaniwalang sagot ko.Paano naman nangyari iyon? Bakit niya sinasabi sa akin na matagal na niya akong hinahanap? At ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang ako ang batang matagal na niyang hinahanap? Ngunit tila hindi niya narinig ang pagtutol ko. Sa halip na sagutin ang sinabi ko ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "At last... Fina
"Nai-document na po ang lahat, Boss."Marahan kong sinabi kay Havok matapos kong matapos isulat at ayusin ang lahat ng mahahalagang impormasyong ipinag-utos niyang itala ko. Sinigurado kong kumpleto ang bawat detalye at walang anumang impormasyong nakaligtaan, lalo na't malaking halaga ang pinag-uusapan sa transaksiyong ito.Nang marinig niya ang sinabi ko ay bahagya siyang lumingon sa aking direksiyon. Saglit niyang sinuri ang mga dokumentong hawak ko bago bahagyang tumango."Okay."Maikli at kalmado niyang tugon bago muling ibinalik ang kaniyang atensiyon kay Miss Stella."So, Miss Stella, sisimulan ko na ang pag-iinspeksiyon sa buong lupain na ito. I want to personally see every part of the property before we proceed with the final agreement."Seryoso at diretso ang pagkakasabi ni Havok. Mula sa kaniyang pananalita hanggang sa paraan ng pagkakaupo niya ay halatang hindi niya basta-basta hinahayaan ang anumang bagay na hindi niya nasusuri nang maayos. Lalo na kung ganito kalaking ha
Ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyan nang nabuksan ni Miss Stella ang envelope na nakapatong sa ibabaw ng center table. Maingat niyang inilabas ang mga dokumentong nasa loob nito at isa-isang inilapag sa harapan niya.Tahimik lamang akong nakamasid habang inaayos niya ang mga papel. Napansin kong may ilang larawan, mga kopya ng titulo ng lupa, at iba pang mahahalagang dokumentong nakalakip dito.Kinuha niya ang unang pahina at nagsimulang basahin ang mga impormasyong nakasulat doon.Samantala, nanatiling tahimik si Havok sa kaniyang kinauupuan. Nakapatong lamang ang isang braso niya sa sandalan ng sofa habang kalmadong nakamasid kay Miss Stella. Wala akong makitang anumang bakas ng pagkainip sa kaniyang mukha, tila ba sanay na sanay siyang humarap sa ganitong uri ng negosasyon.Ilang minuto rin ang lumipas bago tuluyang ibinaba ni Miss Stella ang hawak niyang dokumento."Everything is prepared, Mr. Montefalco. These are the complete details of the property, including the legal docu







