Mag-log inMULA sa kinauupuan malapit sa nurse station ay napatayo si Ponce nang matanaw niya si Adella na kagagaling lang sa meeting. Hinintay talaga niya ito."Ma'am, gusto niya raw po kayong makausap."Ngumiti si Ponce nang matuon ang tingin ni Adella sa direksyon niya matapos itong abisuhan ng isa sa mga nurse tungkol sa pakay niya rito."Okay, salamat.""Hi," bati ni Ponce nang makalapit ang babae."Gusto mo raw akong makausap?""Yes. Do you have some time?"Tumingin ito sa relo. "Just 10 minutes.""It's enough.""Nanggaling ka na ba sa silid ni Fate?"Tumango si Ponce. "I've seen na parang takot na takot siya sa iyo. That's the reason kaya gusto kitang makausap.""Really? Why is that so? Paano mo nasabi?""When I came to her room, may staff na pinagsasalitaan niya nang hindi maganda.""That brat!"Hindi muna pinansin ni Ponce ang naging kumento at reaksiyon ni Adella. "And then, she told the staff na huwag sa iyong sasabihin ang nangyari. Bakit kaya? Is it because you're the head nurse, or
"PUMUNTA ka rito nang wala ka man lang dala?"Hindi pinansin ni Ponce ang pag-ismid ni Fate."Masaya na ako kahit bulaklak lang. Basta huwag katulad no'ng huli mong dinala sa akin.""Hindi ako pumunta rito para bisitahin ka."Ngumiti ito. "You just want to see me? Sabi ni Mommy, close na raw tayo. Sayang dahil wala talaga akong maalala. Gaano ba tayo ka-close?"Napatingin si Ponce sa dalawang daliri ni Fate na pinagdikit nito habang nakaguhit sa labi nito ang pilyang ngiti, "Isa ka lang ordinaryong empleyado na isiniksik ni Matthew sa opisina ko."Nabura ang kasiyahan sa mukha ni Fate at ibinaba ang kamay. "Bakit naman niya ako ipapasok ng trabaho? I can live in luxuries even without lifting my fingers. You know that. Unless, sinabi mo sa kanya para araw-araw mo akong makita.""Alam mong hindi ko gagawin iyon."Napaismid ulit si Fate."Ikaw ang may gusto na magtrabaho. You said you need an extra income.""No way. Imposible na sabihin ko iyon. I'm not insane.""Then, may iba bang kalul
"NANAY Berna -""Umalis na kayo," pagputol ng ginang sa pagsasalita ni Daisy. "At huwag ka nang babalik dito na may kasama na hindi naman kakilala ng anak ko.""Magkakilala po kami," wika ni Ponce.Ibinalik ni Nanay Berna ang pagtitig sa binata. Nakakunot ang noo nito."Alam niyo po ang gusto kong tukuyin."Muli itong umiwas ng tingin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Sige na. Umalis na kayo.""Wala na siya..."Napahinto sa akto na sanang pagtalikod si Nanay Berna. Nilingon at tiningala nito si Ponce."Umalis na siya sa katawang iyon."Hindi man kumpleto ang pagkakasaad ni Ponce, pero agad nang naunawaan iyon ni Nanay Berna. At bigla itong nakaramdam nang panghihina ng mga tuhod.Maagap na nahawakan ni Daisy ang ginang na muntikan nang mabuwal sa kinatatayuan at saka ito iniupo sa malapit na wooden bench."Anong ibig mong sabihin? Nasaan ang anak ko?""Ngayon alam niyo na ang gusto kong tukuyin?""Nasaan ang anak ko?"Natigil sa ginagawang pagbubunot ng mga damo sina Theo at Thea dahil
'FIND ME IN YOU MEMORY' Faith B. AvilaBorn: Oct. 18, 1996Died: Jan. 06, 2020Tahimik na binasa ni Ponce ang mga nakasulat sa epitaph o harapan ng puting nitso. Pinatindig niyon ang mga balahibo niya sa katawan lalo na nang umihip ang malamig na hangin.Tila ba sinasabi sa kanya ng mga titik na nasa itaas na patuloy itong namumuhay sa mundong iyon maging sa ala-ala ng mga taong nakasama nito, it includes him.Dinala siya ni Daisy sa pinaglibingan kay Faith. Gusto niya na makita 'yon nang personal. Para kasing ang hirap pa rin niyong paniwalaan.And now that he is seeing it, hindi lang siya nakakaramdam ng lungkot kundi panghihinayang dahil napakabata pa nito para mamaalam sa mundo."Namatay siya matapos dumanas ng matinding hirap dahil sa kanyang sakit," wika ni Daisy na nakatayo sa tabi ni Ponce. "But knowing na nabigyan uli siya ng pangalawang buhay, masaya ako." Nanatiling walang imik ang binata. He wanted to hear everything about her. "She dreamed to become a very wealthy per
NAPATAYO si Adella nang makita niya ang pagsapo ni Fate sa dibdib nito. Mabilis niya na pinatay ang mga makina bago pa iyon mag-ingay."Kumalma ka kung ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa nalalaman ko.""Masakit," wika ni Fate nang nakangiwi."Alin?""Ang puso ko."Binuhay ni Adella ang makina. May pinindot lang siya roon para hindi iyon mag-ingay.Nakita niya sa monitor na normal naman ang heart reading ni Fate. May lalabas sana na red indication sa screen kahit sa maliit lang na sakit o kirot na mararamdaman ng pasyente.Bahagyang napaatras si Adella nang may bigla siyang maalala.Nasaksihan na niya ang kaparehong senaryo na iyon sa new version ni Fate. Noong pilit nitong hinahanap ang ibang pamilya nito.They have something in common. Or something that triggers the chest or heart pain."Help me," mahinang sambit ni Fate habang sapo pa rin ang dibdid nito. "Hindi ako makahinga."Pinahiga niya nang maayos ang dalaga. "Take a deep breath. Kumalma ka.""I can't.""Just try. Isipin
"NANDITO na ba ang records ng tatlong pasyente sa Room 126?""Saglit lang po, Ma'am."Tumango lang si Adella sa naging tugon ng isa sa mga naka-duty sa nurse station."Heto po, Ma'am."Kinuha niya ang tatlong asul na folder na inabot ng nurse. "Thank you.""You're welcome, Ma'am."Hahakbang na sana si Adella nang makita niya si Melanie Sy. Nakaabay rito sina Dr. Mardaue at Dra. Cristobal habang sakay naman ng stretcher ang walang malay na si Fate.Napakunot ang noo niya dahil halos ilang oras pa lang ang lumilipas nang lumabas ang dalaga."Jeez! Record-breaking siya, ah?" bulong niya sa sarili.Sinundan ni Adella ng tingin ang pagdaan ng grupo. Tinahak ng mga ito ang pasilyo patungo sa VIP wards."Bakit bumalik na naman siya?" asik ng isa sa mga nurse."Haist! Nabunutan na ako ng tinik kanina!""Balak ko pa naman sanang magpa-parlor. Pero mukhang hindi na iyon matutuloy dahil sa kanya pa lang sigurado kukulot na ang buhok ko.""Alex," tawag ni Adella sa isa sa mga nurse."Yes, Ma'am?"







