LOGINARMIA
NATIGILAN si Jonathan habang nakatitig sa batang lalaki sa kanyang harapan. Ang bawat linya ng mukha nito, ang talas ng titig, at maging ang paraan ng pagkakaawang ng labi ay parang isang salamin na nagpapakita ng kanyang sarili. Mabilis na nag-andar ang utak niya. Limang taon. Limang taon na ang nakalipas mula nang gabing iyon, ang gabing huli silang nagkasama bago ako tuluyang naglaho nang walang pasabi. Kumunot ang noo niya, tahimik na binilang ang mga buwan at taon sa kanyang isipan. Tumaas ang kanyang kilay habang ang mga mata ay nananatiling nakapako kay Jason. “Limang taon...” bulong nito sa kanyang sarili, na narinig ko habang ang sistema niya ay nakaramdam ng biglaang pagkabigla at lukso ng dugo para sa bata. Subalit nag maang maangan ako at umaktong parang wala lang sa akin ang lahat na nangyayari ngayon. “Sir? May problema po ba?” tanong ko habang nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang balikat ni Jason. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha at ang mabilis na pagwawala ng aking dibdib. Dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Jonathan mula sa bata patungo sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng mga katanungang kay hirap kong sagutin. “A-Armia, ilang taon na ba ang batang iyan? He looks remarkably... familiar. Parang nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako sa kanya.” Seryoso at mababa ang boses na tanong niya, sadyang idiniin ang bawat salita para marinig ko nang malinaw. “Bata pa lang po siya, marami talagang bata ang magkakamukha. Isa pa, pamangkin ko siya... anak siya ng malayong pinsan ko na lumaki sa probensya.” Nauutal kong sagot habang pilit na pinapanatili ang pagiging kalmado. Yumuko ako nang bahagya at hinila si Jason papalapit sa akin. Isang sarkastikong ngiti ang sumilip sa labi ni Jonathan. Hindi siya kumbinsido. “Pamangkin? Ang alam ko, ulila na kayo ng ate mo, at hindi niyo na mga nakilala ang ibang mga kamag anak niyo? Kaya huwag mo akong subukang linlangin sa mga ganyang rason.” “Totoo ang sinasabi ko, Jonathan este, Mr. Villegas!” mabilis kong pagtutuwid, halos maputol ang hininga ko sa muntik na kong pagtawag sa kanyang pangalan. “Anak siya ng pinsan ko na ipinagkatiwala sa akin, noong umalis ako noon sa bahay mo, dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang niya. Bakit ba parang pinagdududahan mo ako?” “Dahil kilala kita, Armia, at higit sa lahat, marunong akong magbilang ng buwan at taon. Mag-ingat ka sa mga salita mo, dahil sisiguraduhin kong malalaman ko ang buong katotohanan.” Mariin niyang wika, habang ang mga mata ay tila tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Bago pa man ako makapagsalita muli, mabilis na itong tumalikod at sumakay na sa kanyang mamahaling sasakyan na naipasok pala nito sa loob ng paaralan. Ngunit alam ko na ang simpleng pag-uusap na iyon ay simula pa lamang ng isang malaking bagyo sa aking tahimik na buhay. Pagkabalik namin sa bahay ng araw ding iyon, hindi ako pinatulog ng kaba. At kinabukasan ay nakaramdam ako ng kakaibang presensya sa paligid ng aming tinitirhan. Ilang beses kong napansin ang isang itim na kotse na nakaparada sa kabilang kalsada at ang mga taong may dalang camera na tila nagmamasid sa bawat galaw namin ni Jason. “Hindi ko pwedeng hayaang makuha niya si Leo, kailangan naming lumipat. Kailangan naming magtago sa ibang lungsod habang may panahon pa.” Bulong ko sa sarili ko habang pilit kong inililigpit ang aming mga gamit sa loob ng maleta. Habang abala ako sa pag-empake, nanginginig ang aking mga kamay sa takot. Naka-book na ako ng bus paalis ng Maynila patungong Bicol kasama ang aking anak. Alam ko na kapag nagpatuloy ang pag-uusisa ni Jonathan, magpapadala siya ng mga taong kukuha ng DNA sample mula kay Leo. At kapag napatunayan niyang siya ang ama, hinding-hindi na niya kami kailanman palalayain. “Mommy, saan po tayo pupunta? Bakit po tayo nag-aayos ng mga damit?” tanong ni Leo, habang nakatingin sa akin ng may pagtataka at inosenteng mga mata. Lumuhod ako sa harap niya at hinaplos ang kanyang pisngi habang pinipigilang lumabas ang aking mga luha. “Anak, aalis muna tayo sandali, ha? May pupuntahan tayong magandang lugar nina Mommy. Mag-impake ka na ng paborito mong laruan, okay?” “Yehey! Bagong adventure na naman!” masayang sigaw ng bata, na siyang nagpasakit nang husto sa aking dibdib dahil wala siyang alam sa panganib na tinatakbuhan namin. Subalit bago pa man ako makatapos sa pag-iimpake at bago pa man kami makalabas ng pintuan, tumunog ang aking cellphone. Isang mabigat na mensahe mula sa HR Department ng aming kompanya ang sumalubong sa akin. “Ms. Armia Bronel, may direkta po mula sa itaas. Utos mismo ng ating CEO, Mr. Jonathan Villegas. Inililipat kayo ng posisyon agad-agad sa mismong executive floor bilang kanyang personal at punong sekretarya, na may suweldong triple ng kasalukuyan mong kinikita. Hindi ka maaaring tumanggi dahil ito ay kautusan ng management.” Natulala ako. Triple ng sahod ko? Executive floor? Ibig sabihin, makakasama ko siya sa iisang palapag araw-araw? Isa itong bitag. Isang malinaw na patibong para pigilan akong tumakas. KINAUMAGAHAN, wala akong nagawa kundi humarap sa katotohanan. Hindi ako pwedeng tumakas nang hindi ko sinusubukan munang ipagtanggol ang aking sarili. Kung tatakas ako ngayon, iisipin niyang may tinatago nga ako at hahabulin niya kami hanggang sa dulo ng mundo. Kaya naman, naglakas-loob akong pumasok sa mamahaling opisina ng CEO sa pinakataas na palapag ng gusali. Pagpasok ko pa lamang, sinalubong na ako ng malamig na hangin mula sa aircon at ng isang lalaking nakaupo sa malaking glass desk, sadyang naghihintay sa aking pagdating. “You’re finally here, Armia,” bungad ni Jonathan, habang dahan-dahang tumayo mula sa kanyang upuan at naglakad palapit sa akin. Ang bawat hakbang niya ay may dalang kabigatan. “Akala ko ay mag-iimpake ka na rin ng mga gamit mo sa opisina tulad ng ginawa mo limang taon na ang nakararaan.” “Mr. Villegas, tinanggap ko ang alok mong ito hindi dahil gusto ko kundi dahil wala akong choice. Pero gusto kong linawin natin ang lahat ngayon pa lang,” malamig at pormal kong tawag sa kanya habang pinapanatili ang aking pagkakatayo sa kabila ng panginginig ng aking tuhod. Napakunot ang noo niya, bahagyang itinagilid ang kanyang ulo habang nakapamulsang na nakatitig sa akin. “Ah, ganoon ba? At ano naman ang gusto mong linawin natin, Ms. Bronel? Ang tungkol sa bata?” diretso nitong sambit, bagamat nag-aapoy ang dibdib ko sa kaba. “Wala kang karapatang pagdudahan ang pagkatao ni Leo. Pamangkin ko siya. At kung iniisip mong may koneksyon siya sa nakaraan natin, nagkakamali ka. Tapos na tayo, Jonathan. Matagal nang natapos ang kontratang pinasok natin noon.” Isang malamig na tawa ang pinakawalan niya bago siya humakbang papalapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa’t isa. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang pamilyar na pabango niya na minsan kong namiss nang labis. “Talaga lang ha? Kung talagang walang koneksyon, bakit kailangan mo pang manginig habang sinasabi sa akin iyan, Armia? Bakit parang takot na takot kang malaman ko ang totoo!” bulong niya nang malapit sa aking tenga, dahilan upang mapapikit ako ng mariin. “Hindi ako takot! Nagagalit lang ako dahil pinagkakaitan mo ako ng tiwala bilang empleyado mo! Kung gusto mo akong maging sekretarya para pahirapan ako dahil sa personal na dahilan, nagkakamali ka!” pagtatanggol ko habang pilit kong itinaas ang aking mukha para salubungin ang kanyang mga mata. “Hindi kita pinahihirapan, Armia, binibigyan kita ng pagkakataong patunayan ang mga sinasabi mo. Kung totoo ngang walang kinalaman ang batang iyon sa akin, bakit hindi mo hayaang patunayan mo sa sarili mo?” seryoso at mariin niyang tugon, habang ang mga mata nito ay lumambot nang bahagya ngunit puno pa rin ng determinasyon. Umiling naman ako nang mabilis, hindi hinayaang makita niya ang paglitaw ng aking emosyon. “Wala kang karapatang galugarin ang buhay ko, Jonathan. Kung gusto mo ng sekretarya para magtrabaho rito, gagawin ko ang trabaho ko nang propesyonal. Pero hanggang doon lang iyon. Huwag na huwag mong pakialaman ang buhay ko sa labas ng gusaling ito.” Matatag kong sagot dito. Natahimik naman si Jonathan. Tinitigan niya ako nang matagal, sinusuri ang bawat ekspresyon ng aking mukha upang hanapin ang anumang basag sa aking mga sinasabi. Parang impyerno ng tensiyon ang buong silid, kung saan ang bawat paghinga namin ay tila may dalang panganib. “Fine! Gawin mo ang trabaho mo rito sa opisina. Pero tandaan mo, Armia, hindi ako madaling mapaniwala. Kung may itinatago ka man sa akin, hahanapin ko ang paraan para malaman ang katotohanan, sa gusto mo man o hindi.” Huling sambit niya habang bumuntong-hininga nang malalim at dahan-dahang lumayo sa akin pabalik sa kanyang mesa. “Wala akong itinatago, at sisiguraduhin kong mananatiling propesyonal ang ugnayan nating dalawa simula ngayon.” Pagpupumilit ko habang mabilis kong hinawakan ang hawakan ng p***o. “We will see about that,” malamig naman niyang sagot bago muling ibinalik ang kanyang atensyon sa mga dokumentong nakapatong sa kanyang mesa. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Mabilis akong lumabas ng kanyang opisina at isinara ang p***o ng opisina nito. Pagkaalis ko roon, saka lamang ako nakahinga nang maluwag habang sumasandal sa pader ng pasilyo. Ramdam ko ang pagpapawis ng aking noo at ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Kahit anong pilit ko na magpakatatag sa kanyang harapan, alam ko sa sarili ko na ang mga araw na darating ay magiging isang malaking pagsubok. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang lihim tungkol kay Leo, o kung kailan tuluyang mabubunyag ang lahat sa pagitan naming dalawa. Ang tanging alam ko lang sa sandaling iyon, kailangan kong maging matatag, hindi lamang para sa aking sarili, kundi lalo na para sa aking anak. ItutuloyARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi
ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s
ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga
KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki
ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin
ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n







