LOGINARMIA
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa tapat ng makintab na p***o ng executive office. Ang bawat hakbang ko papasok sa palapag na ito ay parang pagtapak sa isang minahan, isang maling galaw lang, at sasabog ang lahat ng pinaghirapan kong itago sa loob ng limang taon. “Bagamat tinanggap ko ang posisyon na ito para patunayang wala akong dapat ikatakot, alam ko sa sarili ko na pumasok ako sa mismong pugad ng tinatakasan ko,” bulong ko sa aking sarili habang inaayos ang kwelyo ng aking office blouse. Bumukas ang p***o sa gilid ko at lumabas si Mr. Vergara, ang head ng HR, na may dalang ilang folder. Ngumiti siya sa akin nang makita ako. “Good morning, Ms. Bronel. Handa ka na ba sa bagong responsibilidad mo rito sa executive floor?” tanong niya sa akin habang iniaabot ang mga dokumento. “Good morning din po, Sir. Opo, handa na ako, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko bilang chief secretary.” Pilit ang ngiting sagot ko habang tinatanggap ang mga papel. “Mabuti kung ganon. Dahil si Mr. Villegas ay kilalang meticulous pagdating sa mga report. Good luck sa iyo, Armia,” patuloy niya bago tuluyang naglakad palayo. Nang iwan niya ako roon, naramdaman ko ang bigat ng hangin sa paligid. Bilang isang ulila na walang ibang maaasahan kundi ang aking sarili at ang aking anak, natutunan kong maging matatag. Wala na akong pamilyang malalapitan o sasandalan mula pa noong pumanaw si Ate Angela. Kaya naman ang bawat desisyon ko rito ay kailangang kalkulado. Kailangan kong protektahan si Leo sa anumang paraan, kahit pa ibig sabihin nito ay makasama ko araw-araw sa iisang opisina ang lalaking nagmamay-ari ng kalahati ng puso ko noon at ngayon ay ang pinakamalaking banta sa aming tahimik na buhay. AT sa bawat araw na nagdaraan, naging puspos ang tensyon ng aming pagkikita sa opisina. Si Jonathan ay laging naghahanap ng paraan upang mapasakamay ang totoo, at madalas siyang magbato ng mga tanong patungkol sa personal na buhay ko at sa anak ko na hindi ko naman pinapansin. Hanggang isang hapon, habang abala ako sa pag-aayos ng schedule niya para sa susunod na linggo, biglang bumukas ang p***o ng kanyang private office at lumabas siya nang may dalang tasa ng kape. Tumigil siya sa tapat ng aking mesa at mariin akong tiningnan. “Armia, pasok ka muna sa opisina ko. May kailangan tayong pag-usapan tungkol sa bagong project proposal,” malamig niyang utos habang naglalakad pabalik sa loob. Tumayo ako agad at dinampot ang aking notepad at sumunod sa kanya. “Ano po iyon, Sir? May mali ba sa mga nakolekta kong data mula sa logistics department?” tanong ko ng tuluyan na akong makapasok sa opisina nito. Umupo siya sa kanyang swivel chair at ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa habang magkahugpong ang kanyang mga palad . Tinitigan niya ako nang diretso sa aking mga mata bago nagsalita. “Wala namang problema sa trabaho mo, Armia. You are doing a stellar job, as always. Pero may iba akong gustong itanong sa iyo ngayon.” Sumikip naman ang dibdib ko. Alam ko na naman ang patutunguhan ng usapang ito. “Tungkol saan po, Sir?” tanong ko, pilit na pinatatag ang aking boses at pinapanatili ang aking propesyonal na mukha. “Tungkol sa personal na buhay mo, limang taon kang nawala, Armia. At pagbalik mo, may kasama ka nang bata na kamukhang-kamukha ko noong bata pa ako. Hanggang kailan mo ba balak itago sa akin ang totoo? Is it really your nephew?” diretsong wika niya, habang ang mga mata ay may kakaibang talim. Nanginig ang aking mga kamay, ngunit mabilis ko itong ikinubli sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa aking notepad. “Ilang beses ko na po ba itong sinabi sa inyo, Mr. Villegas. Pamangkin ko si Leo. Anak siya ng malayong pinsan ko na nasa ibang bansa. Bakit ba paulit-ulit ninyong itinitanong ang isang bagay na malinaw naman ang sagot?” “Dahil hindi ako naniniwala,” mariin at madiin niyang sagot na nagpabilis ng kabog ng aking dibdib, “My instincts tell me otherwise, Armia. And you know very well that I am a man who digs deep until I find the truth. So tell me now before I find it out myself, who is the father of that child?” “Wala kayong karapatang magtanong ng ganyan sa akin! Ibigay ninyo sa akin ang mga trabahong kailangan kong gawin bilang sekretarya ninyo, pero huwag ninyong pakialaman ang pribado kong buhay labas sa kompanyang ito!” hindi na ako nakapagpigil na itaas ang aking boses, bagamat pinilit ko pa ring kontrolin ang tono ko. Natahimik naman si Jonathan ng ilang segundo bago ito tumayo mula sa kanyang upuan at dahan-dahang lumakad papalapit sa akin. Ang presensya niya ay sadyang nakakagulat at nakakatakot sa kaba. “You think you can just push me away with that cold attitude of yours, Armia? You think I won’t dig deeper?” Subalit sanay na ako na magbalatkayo. Ginamit ko ang aking talino, propesyonalismo, at malamig na pakikitungo upang iligaw ang atensiyon ni Jonathan at panindigan ang kasinungalingang pamangkin ko lamang ang bata. Tumitig ako pabalik sa kanya nang walang takot sa aking mga mata. “Kung gusto ninyong mag-isip ng iba’t ibang kwento sa isip ninyo, nasa sa inyo na iyon, Sir! Pero bilang empleyado ninyo, ginagawa ko nang tapat ang obligasyon ko rito. Kung wala na kayong ibang itatanong tungkol sa project proposal, babalik na po ako sa aking mesa.” Malamig ko pa ring sagot habang itinaas ang aking baba. Hindi na ako naghintay ng kanyang sagot. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad palabas ng kanyang opisina. Ngunit habang ginagawa ko iyon, ramdam ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Ang pagtatago ng totoo ay isang mabigat na pasanin, lalo na kung ang taong pinagtataguan mo ay ang mismong taong may karapatang malaman ito. SA kabila ng aking pag-iingat at ng patuloy na tensiyon sa pagitan naming dalawa, napansin ko ang malaking pagbabago kay Jonathan, wala na ang malamig at supladong lalaki na pinakasalan ko noon. Ang kasalukuyang Jonathan ay masinsinang nagmamasid, pursigido, at may kakaibang lambot ang boses tuwing siya ay kinakausap, isang uri ng pagsisisi na pilit nitong ikinukubli sa likod ng kanyang kapangyarihan. Isang gabi, bandang alas-siyete, kaming dalawa na lamang ang natitira sa buong executive floor. Abala ako sa pag-check ng mga huling financial reports nang biglang bumukas ang p***o ng kanyang opisina. Lumabas si Jonathan na wala nang suot na amerikana, nakatupi lamang hanggang siko ang manggas ng kanyang puting polo shirt, at may hawak na dalawang tasa ng mainit na kape. Nagulat ako nang lumapit siya sa aking mesa at inilapag ang isang tasa sa tabi ng aking keyboard. “Uminom ka muna ng kape, Armia, kanina ka pa nakatutok dyan sa laptop mo. Baka mapano ang mga mata mo.” Mahina at kalmadong sambit niya. Wala na ang matalim at awtoridad na tono kaninang umaga. Tiningnan ko ang tasa at pagkatapos ay ang kanyang mukha. Naging maingat ako sa aking reaksyon. “Salamat po, Sir. Pero kaya ko pa naman tapusin ito bago ako umuwi.” Malamig kong sagot habang abala pa rin ako. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa tabi ng aking mesa, habang ang mga mata nito ay nakatitig sa akin nang may malalim na lungkot. “You don’t have to call me ‘Sir’ when we’re alone like this, Armia. Matagal na tayong magkakilala... kahit pa sabihin nating naging magulo ang nakaraan natin.” Malumanay na saad niya kaya mapatigil ako sa pag-type at lumingon ako sa kanya. “Mr. Villegas, propesyonal po ang relasyon natin ngayon. Mas mabuti pong manatili tayo sa ganyang set-up para walang maging komplikasyon.” Bumuntong-hininga naman siya nang malalim, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang pagod at kung anong damdamin sa kanyang mga mata. “Alam ko... alam kong naging masama akong asawa sa iyo noon, Armia. Trinato kita na parang estranghera sa sarili nating tahanan. Pinagkaitan kita ng atensiyon dahil nakakulong pa ako sa multo ng nakaraan... sa kapatid mo.” Natigilan ako. Parang may pumiga sa puso ko sa mga salitang binitawan niya. Ang mga salitang ito ay matagal ko nang pinangarap marinig mula sa kanya noon, noong panahong umiiyak ako sa isang sulok ng mansiyon habang iniiwasan niya ang mga mata ko. Bakit ngayon pa na tapos na ang lahat? Bakit ngayon pa na may iba na akong inaalagaan? “Huwag na nating pag-usapan ang nakaraan, Jonathan, wala na iyong patutunguhan. Pareho na tayong may sariling buhay ngayon.” Basag ko sa katahimikan, habang pilit kong kinakalma ang nanginginig kong boses. “May sariling buhay ba talaga?” mahinang tanong niya habang dahan-dahang lumapit ang kanyang kamay at muntik nang humawak sa aking pisngi, ngunit binawi niya ito sa huling sandali. “Armia... kung bibigyan mo ba ako ng pagkakataong baguhin ang lahat, tatanggapin mo ba ulit ako?” “Huwag ka ng magsalita ng mga ganyan, mas mabuti pang kalimutan mo na ang lahat dahil hindi na maibabalik pa ang nakaraan.” Malamig kong sagot habang umiwas ako ng tingin. ‘Pagod na ako simula pa noon. At natatakot akong matuklasan mo ang katotohanan, hindi dahil sa natatakot ako sa galit mo, kundi dahil natatakot akong bawiin mo sa akin ang nag-iisa kong kaligayahan.’ JONATHAN “HUWAG ka ng magsalita ng mga ganyan, mas mabuti pang kalimutan mo na ang lahat dahil hindi na maibabalik pa ang nakaraan.” Malamig niyang sagot habang umiiwas ng tingin sa akin kaya nalungkot ako sa sinabi nito kaya umalis na lang ako at bumalik na lang sa aking opisina. At nang gabing iyon, sa halip na matulog ng makauwi ako ay umupo muna ako sa mesa kung saan kami nag-inuman noon matapos kong mapirmahan ang mga papel ng annulment at hayaan siyang magdesisyon, ay naiwan akong mag-isa sa malawak at malamig na sala ng mansiyon sa loob ng limang taon. Kumuha ako ng alak na parehong ininom namin ni Armia at muling bumalik sa sala at nagmumuni-muni, paulit-ulit din naglalaro sa aking isipan ang mga sandaling magkasama kami, ang gabing akala ko ay huli na naming pagkikita, ang gabing bumasag sa lahat ng pader na itinayo namin, at ang gabing nagbigay-daan sa aming nag-iisang init ng katawan, bago siya tuluyang naglaho kinaumagahan nang walang pasabi. Limang taon. Halos limang taon akong naghintay sa kanya sa mundong ito sa pagbabalik ng babaeng unti-unting nagkaroon ng puwang sa puso ko, kahit noong panahong nagkukulang pa ako. At ngayon, narito na muli siya. Nasa loob mismo ng kompanya ko, nagtatrabaho sa harap ng aking opisina, pilit na nagpapanggap na walang nararamdaman at mahigpit na nagtatago sa likod ng kanyang mga pormal na ngiti at malamig na pakikitungo ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Subalit sa likod ng pagiging malamig niya sa akin ay may mga bagay na hindi nito maitatago ng simpleng propesyonalismo nito. Ang panginginig ng kanyang mga kamay, ang takot sa kanyang mga mata tuwing lumalapit ako, at ang batang lalaking may hawig sa akin ay nagkakaroon ako ng lakas para alamin ang totoo sa paraang alam ko. KINABUKASAN habang nakaupo ako sa aking executive chair sa pinakataas na palapag ng gusali habang tahimik ang buong paligid, ibinaling ko ang aking paningin sa computer screen kung saan naka-loop ang lumang security camera footage mula sa lumang mansiyon noong gabing iyon. Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng aming pag-uusap, ang pag-iyak niya, at ang init ng pagdiriwang ng aming huling gabi bago ang kanyang pag-alis. Kinuha ko ang aking cellphone at isinagawa ang tawag na matagal ko nang pinaplano. “Hello, Marco,” malamig na wika ko habang nakatanaw sa malalaking glass window na nagpapakita sa mga nagniningning ng liwanag ng araw sa labas. “Yes, Sir? May bagong utos ba kayo tungkol sa imbestigasyon kay Ms. Bronel at sa batang si Leo?” tanong ng aking pribadong imbestigador sa kabilang linya. “I-verify mo ulit ang lahat ng detalye, gusto kong malaman ang eksaktong araw ng kapanganakan ng bata. Kalkulahin mo ang buwan at taon... at i-match mo ito nang eksakto sa petsa ng gabing naghiwalay kami.” Seryoso kong utos, habang mahigpit kong hinawakan ang gilid ng mesa. “Masusunod po, Sir. Ilang araw lang po ay ibibigay ko na sa inyo ang birth certificate ng bata at ang mga itinatago ni Miss. Armia,” sagot ni Marco nang may katiyakan. Inibaba ko na ang telepono habang ang aking mga mata ay nananatiling seryoso at puno ng determinasyon. Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking silya at naglakad patungo sa p***o ng aking opisina, tanaw mula rito ang bakanteng mesa kung saan siya madalas maupo at magtrabaho kanina. “Armia, kung mapatunayan kong anak ko siya... ay sisiguraduhin kong babawiin ko kayong dalawa, at hindi na kita kailanman hahayaang mawala pa.” Bulong ko sa hangin, habang ang isang maliit na ngiti at pag-asa ay unti-unting sumilip sa aking mga labi sa kabila ng kabigatan ng sitwasyon. ItutuloyARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi
ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s
ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga
KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki
ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin
ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n







