Share

CHAPTER TWO

Author: Zephyrine
last update publish date: 2026-10-31 15:00:11

ARMIA

HINDI kumurap si Jonathan, ng sabihin ko ang saloobin ko sa kanya. At sa unang pagkakataon mula nang ikasal kami, ay ngayon lang niya ako tinitigan nang diretso sa aking mga mata, isang malalim, mabigat, at mapanuring tingin na para bang sinusukat ang bawat hibla ng aking desisyon.

Ang mga mata niyang laging may kinikimkim na alaala ng aking kapatid ay ngayon ay nakapako na sa akin nang walang halong pag-aalinlangan.

“Ito ba talaga ang gusto mo, Armia?” mababa at mariin niyang tanong, habang ang kanyang hintuturo ay marahang kumakatok sa ibabaw ng brown envelope na inilapag niya sa mesa.

“Gusto mo ba talagang tapusin ang lahat nang walang pagsisisi?” dugtong pa nito.

“Oo, Jonathan,” diretsong sagot ko habang pinipigilang manginig ang aking mga labi.

Nilabanan ko ang kanyang titig upang ipakita na desidido na ako.

“Wala nang dahilan pa para ipagpatuloy pa natin ang palabas na ito. Pagod na ako, at sigurado akong pagod ka na rin naman.”

Isang malamig na ngiti ang sumilip sa labi niya, isang ngiting puno ng pait at pagsuko na mabilis lang dumadaan sa kanyang mukha kaya siguro ay guni-guni lang ito ng aking paningin kasi umasa akong pipigilan niya ang sinabi ko.

“Kung ganoon, ibibigay ko na sa iyo, ang

kalayaan nating pareho.”

At sa harap ko mismo ay kinuha niya ang itim na fountain pen mula sa bulsa ng kanyang suot na amerikana. Walang pagdadalawang-isip, na mabilis niyang isinulat ang kanyang pirma sa ibabaw ng mga dokumento ng annulment papers. Kaya napalunok ako para pigilang huwag akong mapaiyak sa harapan nito.

“Ayan, napirmahan ko na, Malaya ka na, Armia. Masaya ka na ba?” malamig niyang wika sabay abot pabalik sa akin ng sobre, na ikinatango ko.

Subalit sa halip na tumayo at iwan ako tulad ng nakaugalian niya, dumiretso siya sa mini-bar ng sala. Inilabas niya ang isang mamahaling botelya ng bourbon at dalawang shot glass. Inilapag niya ito sa mababang mesa sa gitna ng sala at seryosong tumingin sa akin.

“At hindi pa tayo tapos sa gabing ito, dahil bago tayo tuluyang maghiwalay at maging ganap na namalaya sa isa’t isa, ay mag-inuman muna tayo. Isang huling gabi para sa mga panahong sinubukan nating maging totoo sa isa’t isa.” Seryosong sambit ni Jonathan habang nagsasalin ng alak sa dalawang baso. Kaya natigilan ako.

“Jonathan, anong kalokohan ito? Alam mo namang hindi ako u-umiinom?” nagtataka ako dahil hindi naman ako umiinom at alam niya iyon.

“Isang gabi lang, Armia. Pagkatapos nito, hinding-hindi na kita guguluhin kailanman, at maghihiwalay tayo na dapat walang samaan ng loob!” pakiusap niya, at sa unang pagkakataon, narinig ko ang basag at pagod na tono sa kanyang boses.

Dahil sa labis na pangungulila at huling bakas ng pagmamahal na pilit kong ibinaon, naupo ako sa tabi niya. Kinuha ko ang inabot niyang baso.

“Sige. Kahit hindi ako sanay uminom ay gagawin ko. Isang huling gabi para sa atin.”

“Para sa ating parehong paglaya,” malamig na bati niya habang itinataas ang baso at dinikit sa baso ko.

“Sa ating paglaya,” pag-uulit ko bago ko diretsong nilagok ang matapang na alak na sumunog sa aking lalamunan.

Ulit-ulit kaming nagsalin ng alak at ulit-ulit kaming uminom na parang wala ng bukas, kahit nasusuka ako ay kinaya ko para pagbigyan lang ang taong mahal ko na alam kong hindi talaga magiging akin.

Habang lumalalim ang gabi, ang mga sikretong matagal ko ng kinimkim ay unti-unting lumitaw sa bawat baso ng alak. Nawala ang pader sa pagitan naming dalawa, nawala ang pangalan ni ate Angela, at ang natira lamang ay kaming dalawa.

Ang dalawang taong sugatan na naghahanap ng panandaliang karamay sa gitna ng dilim.

“B-bhakit hindi mo shinabi sa akin noon pa mhan, Armia? Bhakit hinayaan mong mauna ang kapatid moh?” basag ni Jonathan sa katahimikan, ng hindi ko sinasadyang sabihin dito ang matagal ko ng pagsinta sa kanya, lasing na rin ng alak ang kanyang boses habang malapit na nakatitig sa akin kaya ‘di na matuwid ang kanyang pagbigkas.

Habang ako naman ay natatawa nang mapait, ramdam ang tama ng alak sa aking ulo, kaya kung anu-ano na rin ang inaamin ko sa kanya.

“D-dhahil takot akong mashira ang pagiging magkapatid namin ni Ate Anghela, Jonathan! Dahil ikaw ang mahal ni Ate, at kahit kailanman, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na agawin kah!”

“Pero ngayon, asawa kita… bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan pinapakawalan mo na ako?” bulong niya na hindi ko malinaw na narinig, habang marahang hinawakan ang aking pisngi.

Ang mga mata niya ay puno ng nag-uumapaw na emosyon na kahit nanlalabo na aking mata ay malinaw ko pa rin nakikita, pero dahil lasing na ako ay hindi ko na iyon pinansin.

At dahil malakas na talaga ang tama ng alak sa akin, at dahil hindi ako sanay uminom ay may ginawa akong hindi dapat pero dahil mahal ko ito at hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Dahil ang mga taon ng aking pagpipigil ay natunaw sa isang marubdob niyang yakap ng halikan ko siya sa kanyang mga labi. Kaya ang gabing iyon ay napuno ng mga halik namin sa isa’t isa at matinding pangungulila.

Para kaming mga uhaw na taong nag-aagawan sa huling patak ng tubig, sa isang mapusok, mainit, at madamdaming pagsasama na naganap sa gitna ng sala, kung saan ang lahat ng sakit ay pilit naming kinalimutan sa pamamagitan ng init ng aming mga katawan.

KINABUKASAN, dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Ang liwanag ng araw ay tumatagos sa malalaking bintana ng sala. Nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa aking baywang. Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko, dahil nakayakap sa akin si Jonathan, at pareho kaming hubad na natulog sa sahig ng sala matapos ang gabing iyon.

“Diyos ko...” mahina kong bulong sa sarili habang nanginginig ang aking mga kamay.

Bago pa man magkamalay si Jonathan at bago pa man magbago ang isip ko, mabilis kong kinuha ang aking mga damit.

Tahimik akong umiiyak habang nagbibihis. Kinuha ko ang signed annulment papers at ang maliit na bag ko. Bago ako umakyat sa taas para pumasok sa aking silid.

“Paalam, Jonathan. Ito na ang huli nating pagkikita,” bulong ko bago tuluyang lumayas sa mansiyon na iyon, bitbit ang pusong durog at ang isa ko lang na maleta makasama ng annulment paper na pinirmahan ni Jonathan.

LIMANG taon ang mabilis na lumipas. Ang sugatang Armia noon ay isa nang ganap na matatag na babae ngayon. Nagsimula ako muli sa simula, itinatag ang sarili kong buhay sa isang malayong probensya, kasama ang aking anak na si Jason, isang batang lalaki na may mapanuring mga mata at katalinuhang namana sa kanyang ama.

Dahil sa aking sipag at dedikasyon, narating ko ang posisyon bilang isang supervisor sa isang kilalang kilalang multi-national corporation dito sa bansa. Nang bumalik ako sa Maynila, para muling makapag sapalaran sa siyudad.

Sa araw-araw, ang tanging pokus ko lamang ay ang kinabukasan ng aking anak. Ngunit ang tahimik na mundong binuo ko ay biglang gumuho sa isang iglap.

Dahil sa isang umaga, nagtipon ang lahat ng empleyado sa lobby para salubungin ang bagong may-ari at CEO ng kompanya. Nakatayo ako sa unahan kasama ang iba pang mga manager nang huminto ang isang itim at mamahaling Rolls-Royce sa tapat ng entrance.

Bumukas ang p***o. Unang lumabas ang makintab na sapatos na balat, sinundan ng mahusay na pagkakatahi ng mamahaling amerikana. At nang iangat ng lalaki ang kanyang mukha para tanggalin ang kanyang shades, nanigas ako sa aking kinatatayuan.

At parang binuhusan ako ng yelo mula ulo hanggang aking paa ng makilala ang bumaba sa mamahaling sasakyan.

Si Jonathan. Mas lalo siyang gumwapo, mas lumalim ang tingin ng kanyang mga mata, at mas matipunong tingnan ang katawan nito kaysa noon. Ang dating lalaking pinag-alayan ko ng buong pagkatao at iniwan ko limang taon na ang nakararaan ay naririto ngayon sa aking harapan, ang bagong nagmamay-ari na ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

“Good morning, everyone,” malamig at awtoridad ang boses na sambit niya habang iginagala ang kanyang paningin sa aming mga empleyado.

Nang tumama ang kanyang mga mata sa direksyon ko, biglang napako ang kanyang mga hakbang. Kumunot ang kanyang noo, at tila ba sinusubukang kilalanin kung totoo ba ang nakikita niya o isa lamang itong ilusyon.

Mabilis naman akong umiwas ng tingin at yumuko ng tuluyan na itong tumapat sa akin.

“Hindi niya ako pwedeng makilala rito,” bulong ko sa aking sarili habang pinipigilan ang mabilis na kabog ng aking dibdib.

SUMUNOD ang mga araw, ginanap ang unang opisyal na board meeting para sa mga department supervisors. Habang nagpapakilala ang bawat isa sa unahan, naramdaman ko ang mapanuring titig ni Jonathan na nakapako sa akin mula sa dulo ng mahabang mesa.

“Ms. Armia Bronel, Ikaw ba ang namumuno sa operations ng ating logistics department?” pagbasa niya sa pangalan ko mula sa profile na hawak niya. Naging mariin ang kanyang boses sa loob ng tahimik na silid.

“O-opo, Sir,” nanginginig ngunit pinilit kong maging matatag ang sagot ko habang nakatayo sa aking pwesto.

“You have an impressive record,” seryosong wika niya, ngunit ang mga mata niya ay may kakaibang lambot at pag-usisa na nagpakabog nang husto sa dibdib ko.

“Pero gusto kong pag-usapan natin ang mga bagong polisiya mamaya pagkatapos ng pulong na ito. Pumunta ka mag-isa sa opisina ko, mamaya!” na ikinatango ko na lamang dito, pero alam kong iba ang pakay nito sa akin.

Dahil sa matinding takot na baka mabunyag ang nakaraan at lalo na ang tungkol sa aking anak ay hindi ako pumunta sa opisina ni Jonathan, hindi ko na rin hinintay matapos ang araw at hindi rin ako sumipot sa sinabi nito.

Lumabas na ako ng gusali nang mag-a-alas-tres na ng hapon. Dahil pupuntahan ko sa school ang aking anak.

May gagawin sana akong mga dokumento, pero ipinagbukas ko na lamang dahil mas mahalaga si Jason kaysa sa anumang bagay.

Araw kasi iyon ng Family Day sa eskuwelahan ni Jason. Kailangan kong umabot. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Malubha ang trapik sa EDSA. Naiipit ang sinasakyan kong taxi sa gitna ng siksikang mga sasakyan. Tiningnan ko ang relo ko, oras na para sa programa ni Jason!

“Manong, pwede bang pakibilisan? Male-late na po talaga ako sa school ng anak ko,” nagmamakaawa kong sabi sa drayber.

“Ma’am, tingnan ninyo naman ang paligid. Sarado ang kalsada sa unahan, hindi po talaga tayo uusad,” sagot naman ng drayber na mukhang problemado rin.

Habang nagpapanic ako sa loob ng kotse, isang itim na kotse ang tumigil sa tabi namin. Bumaba ang tinted na salamin nito, at bumungad sa akin ang mukha ng mismong taong na iniiwasan ko. Si Jonathan, paano niya ako nasundan?

Bumaba si Jonathan sa kanyang sasakyan at kumatok sa bintana ng taxi. Nang ibaba ko ito, seryoso niya akong tiningnan.

“Armia, alam kong ikaw iyon. Anong ginagawa mo rito sa gitna ng trapik?” tanong niya, bakas ang pagtataka.

“Sir Jonathan... please, kailangan ko nang umalis. May pupuntahan ako,” nanginginig kong sabi habang pinipigilan ang mga luha ko.

“Hindi ka na aabutin ng taxi na iyan. Kung saan ka man pupunta. Lumipat ka sa sasakyan ko, ihahatid kita!” utos niya na walang pagpipilian.

Dahil sa labis na pag-aalala kay Jason, wala na akong nagawa kundi sumunod. Sumakay ako sa kanyang sasakyan, at sa tulong ng kanyang impluwensya at convoy, mabilis kaming nakarating sa eskuwelahan ng aking anak ilang minuto bago man nangalahati ang programa.

Pagkababa ko ng sasakyan, kumaripas agad ako ng takbo papasok sa auditorium at hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanya. Nakahinga rin ako nang maluwag nang madatnan ko si Jason na nakaupo sa tabi ng kanyang guhang guro, hawak ang iginuhit niyang pamilya.

“Mommy!” masayang sigaw ni Jason nang makita ako at tumakbo palapit sa akin para yumakap.

“Anak, pasensya na kung medyo na-late si Mommy, ha? Nagkaproblema kasi sa trabaho,” paglalambing ko habang hinahaplos ang buhok niya.

“Ayos lang po, Mommy! Nanalo po ako sa drawing contest kanina! Tignan niyo po, iginuhit ko kayo rito na magkasama!” proud na sabi ng bata habang ipinapakita ang papel.

Habang abala ako sa pakikipag-usap kay Jason, ay bigla akong may naramdaman presensya sa aking likuran. Paglingon ko, nakatayo roon si Jonathan. Hawak-hawak niya ang naiwan kong cellphone sa loob ng kanyang kotse kanina ng tingnan ko ang oras.

“Armia, naiwan mo ang—” natigilan si Jonathan. At natigilan din ako. Lalo na ang paghinga ko.

Sa halip na tumingin si Jonathan sa mga mata ko, dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa batang lalaking nakahawak sa aking kamay.

Tinitigan niya ang mukha ni Jason, ang hugis ng mga mata, ang tangos ng ilong, ang labi, at maging ang paraan ng pagtindig nito. Ay kopyang kopya ng sa kanya. Isang buhay na larawan ng sarili nito limang taon na ang nakararaan.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jonathan

habang dahan-dahang lumipat ang kanyang tingin sa akin, puno ng gulat, pagkalito, at mga katanungang hindi ko na kailanman kayang takasan.

“Armia…” basag ang boses na tawag niya, habang ang mga mata ay nagniningning sa nagbabayadang mga luha habang hindi makapaniwala.

“S-Sino ang batang iyan?”

ITUTULOY

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER TEN

    ARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER NINE

    ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER EIGHT

    ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SEVEN

    KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SIX

    ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER FIVE

    ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status