LOGINCarlo’s POVTumawag na ako kay Mama dahil hindi ito tumitigil sa kakulitan.“Hello, Mom, any urgent matter?”tanong ko.“Finally, tumawag ka ring bata ka.” sabi ni Mrs. Madrigal“Why do I need a reason to call you? I missed you, my son. Kailan ka ba pupunta rito?” tanong niya sa akin.“I don't know, Mom, I'm very busy at work. May mga inaasikaso po akong new acquisition na mga property kaya I don't think I can leave anytime soon,” paliwanag ko.“Kahit 2 weeks lang, anak. Please?” muling tanong niya.“And don't let me beg,” dagdag pa niya.“Oh, Mom, why are you making things hard for me?” reklamo ko“Well, matatanda na kami ng Papa mo. And we want to spend our dying days with our children.” dagdag pang pangongonsensiya ni mama.Natawa ako sa magic words ni Mama. Kaya napapayag niya ako.“Okay po, I’ll check po on my schedule if available ako this month,” sabi ko“That’s great to hear, son: Ngayon pa lang, magre-ready na kami. Please don't surprise us, son, ha. Basta ibigay mo na an
Chapter 9Carlo’s POVNag-drive na ako ng kotse at pauwi na sa bahay. Amoy na amoy ko pa rin ang pabangong ginamit ni Evie na naiwan sa sasakyan ko. Ang sarap-sarap sa pakiramdam ay ayaw kong mawala ito. Aaminin kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya at gusto ko na siyang iuwi sa bahay ko. Pero madalas ay umiiwas siya sa mga tanong ko. Minsan ay mailap din siya at ang layo-layo pa rin sa akin. Parang may napakalaking pader ang hinaharang niya para hindi ako makapasok. Maaaring may pinagdaanan siya sa buhay niya na ayaw pa rin niyang ipaalam sa akin. Maghihintay na lamang ako; hindi ako maiinip sa paghihintay sa kanya.Nang nakauwi na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Mr. Serrano. Siya ang nangangasiwa sa buong kabahayan ko.“Sir Carlo, tumatawag daw po ang mama ninyo sa cellphone ninyo. Pero hindi ninyo raw po sinagot. Kaya nagiwan po siya ng mensahe na tawagan ninyo raw po siya ngayon,” sabi nito.Sinadya kong hindi sagutin si Mama dahil mangungulit na naman ito na pumunt
Chapter 8Evie’s POVAng dami ko nang nailabas na damit sa aparador ko. Ano ba? Magpapantalon ba ako? Magdress? Not too fancy, daw. Naalala kong sinabi niya. Bakit ako nagkakaganito? Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Kinuha ko ang cellphone ko para sabihing cancel na ang lunch namin at gagawa na lang ako ng mga dahilan. Pero nakakahiya naman, baka sabihin niya na napakaarte ko.Inuumpog ko ang ulo ko sa unan. Ano ba ang gagawin ko? “Evie!” habang naiinis akong sinasabi sa sarili ko.Pero bakit naman ako magpapakastress sa kanya? Masyado akong advanced na mag-isip. Para magla lunch lang eh, ano bang problema doon? Ginagawa ko pang kumplikado. Basic lang ito sa akin at huwag nang lagyan ng malisya. Friendly meeting lang ito, tama friendly lang. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.Maligo na lamang muna ako. Baka may tamang ideya na pumasok sa isip ko.Pagkatapos kong magbihis, eksaktong nag-message na siya at malapit na. Binilisan ko ang pag-blower ng buhok para hindi naman akon
Chapter 7Evie’s POV“Thank you, everyone,” final remarks ko sa katatapos na weekend meeting with my team.Alas - 9 pm na natapos ito.“Saan tayo after?” tanong ni Lida“Ako, uuwi. Pagod na ako, eh,” tugon ko kay Lida.“Sayang, nag-aya pa naman si Aika,” dugtong nito.“Mabuti naman at may time siya ngayon.” sagot ko“Kaya nga, bihira lang siya mag-aya tapos uuwi ka pa. Sumama ka na.” sabi nito.“Saan ba iyan?” tanong ko“Tanong ko uli,” sagot niya.“Sa Timog lang daw, sa Adrenaline” “Lynel sama ka.” yaya ko.“Sure mga Madam basta sagot nyo.” biro nitoNasa bar na kami“Ano bang problema nito ni Aika, nakakadami na ito ha.” Natatawa ako sa hitsura niya dahil lasing na lasing na.“Naku, magkasingdami lang kayo na nainom, matibay ka lang talaga,” sabi ni Lida.“Sayaw tayo,” aya pa nito.Pumunta na kami sa dance floor para magsayaw. Pero talon lang kami ng talon, tawa lang kami ng tawa. Gusto kasi naming maramdaman na buhay pa rin kami pagkatapos ng mahabang oras sa pagtatrabaho. Si L
Chapter 6Carlo Madrigal POVHinintay kong makasakay muna si Evie sa big bike niya. “Grabe, ang sexy niya talaga.” nasabi ko na may paghanga,Ako kailanman, hindi ko pa nasubukang magpatakbo ng ganoong sasakyan. Pero siya, napakalakas ng loob niya. Para siyang lalaki kung umasta. Kumaway na siya sa akin. Kung kaya, pinauna ko na siya. Susubukan kong masundan siya sa kanyang tinitirhan sa San Benisa. Tutal, doon naman din ang daan ko. Nakita ko kung paano siya magpatakbo ng sasakyan. Napakabilis niya. Medyo natakot ako dahil sumisingit-singit pa siya sa mga sasakyan. “Ano bang klaseng babae ito? Mukhang mahihirapan ako sa kanya, ah,” nasabi ko sa sarili.Siya ang uri na hindi mo maloloko at madaling maimpress. Dahil ang totoo, kaya niyang mabuhay kahit walang tulong galing sa ibang tao. Nag-research na ako tungkol pa sa kanya. Stable na ang kanyang construction company. At lumalaki na rin ang channels nito. Naisip kong kunin din ang kumpanya niya para sa mga bagong proy
Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophisticated at maarte.Napakatalino ni Evie at skilled. Kaya malamang maraming nagkakagusto sa kanya.Nasabi ko sa sarili ko, "Grabe, iba talaga siya sa lahat. Kahanga-hanga siya."Umorder na kami at umupo na. Ang bango sa loob ng coffee shop, ang aroma nito, nakaka-relax na ambiance, acoustic music at friendly na mga barista.Di ko maiwasang mapagmasdan si Evie. Napakakinis ng balat nito, at kahit nakapulbos lang at napakasimple. Mangingibabaw pa rin siya sa lahat ng babaeng nakilala ko na. Natutunaw ako sa tuwing ngumingiti siya. Ang sarap niyang panoorin. Hindi kasi siya mapagkunwari. Ipinapakita niya ang kanyang pagiging natural pero napakalakas ng dating sa akin.Hindi mo akalain na







