LOGINChapter 48Evie’s POV“Evie, sige na, punta ka na dito,” halos pagsusumamo na ang boses ni Aika sa kabilang linya.“Hoy, alas otso na ng gabi. Matutulog na ako,” sagot ko habang nakahiga na sana at naghahanda nang magpahinga matapos ang mahabang araw.“Sige ka, kapag may nangyari sa akin dito, hindi mo mapapatawad ang sarili mo.”Napaupo ako sa kama.“Ano iyan? Pangba-blackmail ba iyan? Aba girl, marunong ka na ha.”Narinig ko ang malakas na tugtog sa kabilang linya.“Yes! Yes! Let’s dance!”Pagkatapos ay agad niyang ibinaba ang tawag.“AIKA!”Napabuntong-hininga ako nang malalim.“Maloloka talaga ako sa babaeng ito. Parang motto na nila ni Lida ang pag-alalahanin ako palagi.”Mabilis akong nagbihis at kumuha ng bag. Hindi ko man alam ang buong dahilan kung bakit siya nasa bar at umiinom, alam kong hindi normal para kay Aika ang ganoong asal.Siya ang pinakaresponsable sa aming magkakaibigan.Siya iyong tipong magdadala ng payong kahit maaraw.Siya iyong tipong may planner para sa pla
Chapter 47Evie’s POV“Guys, uwi na ako, para akong lalagnatin,” mahina kong sabi habang inaayos ang mga gamit sa mesa ko.Napatingin agad sa akin sina Lida at ang iba ko pang kasamahan. Kanina pa nila napapansin na hindi ako gaanong nagsasalita at ilang beses na ring napapahawak sa sentido ko.Lumapit si Lida at walang pag-aalinlangang kinapa ang noo ko.“Girl, Evie, may sinat ka nga. Mainit ka,” nag-aalalang sabi niya. “Tama, umuwi ka na. Magpahinga ka muna.”Ngumiti ako nang pilit.“Hindi naman siguro malala.”“Evie, tingnan mo nga ang sarili mo. Namumutla ka na. Hindi matatapos ang mundo kapag nagpahinga ka ng isang araw.”Napabuntong-hininga ako.Alam kong tama siya.Ilang linggo na rin akong halos walang maayos na tulog. Sunod-sunod ang meetings, deadlines, presentations, at site inspections. Minsan nga hindi ko na alam kung anong araw na.“Aalis na ako,” sabi ko habang kinukuha ang bag ko.“Mag-message ka pag nakauwi ka ha,” paalala ni Lida.Tumango ako bago tuluyang lumabas ng
Chapter 46Evie’s POVSa gitna ng aking abalang iskedyul, nagpasya akong tawagan si Nanay.Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakakausap nang maayos.Agad naman niyang sinagot ang tawag.“Ano, anak, kailan ba kayo babalik ni Carlo dito?”Napangiti ako.Alam kong miss na miss na niya kami.“Busy lang po, Nay,” sagot ko.“Eh si Carlo? Kamusta na kayo?”Hindi ko napigilang matawa.“Nanay naman, nakikitsismis ka.”“Aba, malamang!” mabilis niyang sagot. “Hindi ba puwedeng alalahanin ng nanay ang anak niya?”Mas lalo akong natawa.“Okay naman po siya. Nasa Singapore po siya ngayon.”“Mukhang abala talaga ang nobyo mo anak, noh?”“Opo.”Tahimik siya sandali bago muling nagsalita.“May oras naman ba siya sa iyo?”Alam kong hindi niya iyon tinatanong dahil nagdududa siya kay Carlo.Nag-aalala lamang siya.Likas na iyon sa isang ina.“Opo, Nay. Hindi naman ako pinababayaan ni Carlo.”Narinig ko ang buntong-hininga niya.“Mabuti kung ganoon.”Pagkatapos ay bumalik na naman ang pagiging ina niya
Chapter 45Evie's POVNagkukuwentuhan kami ni Carlo habang kumakain, masaya at kumportable sa isa't isa. Habang kumakain, napatingin kami sa tapat na table ng isang mukhang mayamang babae at may kausap na isang mas batang babae. Binigyan niya ito ng sobre, mukhang may pera at makapal-kapal. Iniba na lang namin ang tingin dahil mukhang napapahiya na ang nakababata na babae-babae.Biglang nagtanong si Carlo“Hon, halimbawa biglang nakipagkita si mom sa iyo, pagkatapos binigyan ka ng ganyang sobre, anong gagawin mo? At sinabing “Layuan mo ang anak ko.” “Tatanggapin mo ba?” seryosong tanong ni Carlo“Anong gagawin ko?”medyo napalakas ang boses ko“Siempre kukunin ko, bibilangin ko muna.” pabirong sagot nito.Nagulat siya sa sagot ko.“Are you expecting na magdradrama ako sa harap ng mom mo, sasabihing “hindi po nabibili ang aking pag-ibig”? Ay tanga lang. “Praktikal na tayo ngayon everyone needs money”“Tama ka,iyan ang gagawin mo tutal naperwisyo ka naman na kunin mo na or pataasan
Chapter 44Evie’s POVNag-vibrate ang cellphone ko.“I’m here,” mensahe ni Carlo.Napatingin ako sa screen bago ako huminga nang malalim. Hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong tahimik matapos ang mahabang pag-uusap namin ni Tita Su. Napakaraming emosyon ang naiwan sa akin ng kanyang kuwento—mga pangarap na hindi natupad, mga pangakong hindi natuloy, at isang pag-ibig na piniling isakripisyo para sa kapakanan ng iba.Nagpaalam na ako kay Tita Su.Mahigpit ko siyang niyakap.“Thank you, Tita,” mahina kong sabi.“Salamat din sa pagpunta ninyo,” nakangiti niyang sagot kahit bakas sa mga mata niya ang lungkot.Hindi ko alam kung bakit, pero parang ayaw ko siyang bitawan agad. Sa maikling panahon na nakilala namin siya, naging malapit na siya sa amin nina Aika at Lida. Hindi na lamang siya isang taong nakilala namin—isa na siyang kaibigan, isang taong naging bahagi ng buhay namin.Nang kumalas ako sa yakap, nakita kong namumula ang kanyang mga mata.“Tita, magiging okay ka ba?” tan
Chapter 43Evie’s POVHindi pa rin matapos-tapos ang kuwentuhan naming lahat tungkol sa naging summer getaway namin.Ilang araw na ang lumipas pero parang sariwa pa rin sa alaala namin ang bawat sandali.May mga nagtatawanan habang inaalala ang mga kalokohan sa beach.May mga nag-aasaran tungkol sa mga candid pictures na nakuha.May mga nagkukuwento ng mga eksenang hindi napansin ng iba noong mismong bakasyon.Parang ayaw pa naming bumalik sa realidad."Ayan o!" sigaw ni Mel habang ipinapakita ang isang litrato.Natawa kaming lahat.Picture iyon ni Lynel na nakatulog sa duyan habang nakabuka ang bibig."Hoy! Burahin mo yan!" reklamo nito."Lalo kong ise-save."Mas lalo kaming nagtawanan.Sunod-sunod na ang pagpapakita nila ng mga larawan.May sunset pictures.May beach selfies.May group photos.May mga stolen shots.At syempre, may mga litrato ring dapat sana ay hindi na nakita ng iba."Grabe," sabi ni Cess habang nakangiti."Sana maulit ulit ito next year.""Ako rin!" dagdag ni Mel
Chapter 41Evie’s POVNagpaalam na si Carlo na kailangan na niyang bumalik ng Maynila.May mga meeting na raw siyang hindi na puwedeng ipagpaliban.Nang marinig ko iyon ay bigla akong napaisip.Sa totoo lang, ayoko pa sanang umuwi.Masaya rito.Tahimik.Walang trabaho.Walang istorbo.Walang proble
Chapter 38Evie's POVPagkatapos ng lahat ng unos na pinagdaanan ni Lida, nagkaisa kaming lahat na huwag muna siyang bigyan ng mabibigat na responsibilidad sa trabaho. Hindi dahil nagdududa kami sa kakayahan niya, kundi dahil alam naming mas mahalaga ngayon ang kanyang kalusugan at ang batang dinad
Chapter 37Evie’s POVIlang araw nang hindi pumapasok si Lida, kaya unti-unti nang natambakan ang opisina namin ng trabaho. Sanay kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko—hindi lang bilang manager kundi bilang kaibigan, kapatid, at kakampi sa bawat pagsubok na dumaan sa buhay ko.Nang mapansin kong ila
Chapter 36Evie's POV“Carlo, hindi ka ba papasok ngayon?”Mahina kong tanong habang nakadagan ang ulo niya sa balikat ko.“Mamaya na.”Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang kapag binitiwan niya ako ay mawawala ako.“Carlo...” natatawa kong reklamo.“Hmmm?”“Nahihirapa







