LOGINChapter 87Evie's POVMaayos naman ang biyahe sa una. Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana. Medyo pagod na rin ako, pero masaya ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay nakapag-relax ako.Hanggang sa may napansin akong kakaiba.May sasakyang ilang minuto nang sumusunod sa amin.Una, hindi ko na lamang iyon pinansin. Marami namang sasakyan sa kalsada at maaaring nagkataon lamang na pareho kami ng dinaraanan.Pero nang ilang beses kaming lumiko at nandoon pa rin ito sa likuran, hindi na ako mapakali.“Boys, may sumusunod sa atin.”Agad na nagkatinginan ang mga bodyguard.“Don't worry, Ma'am. Natimbrehan na po namin ang convoy.”Napalingon ako sa kanila.“Convoy? Ibig sabihin, kanina pa ninyo alam?”“Protocol lang po, Ma'am. We are monitoring the vehicles behind us.”Medyo kinabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit parang may masamang kutob akong nararamdaman.Sana naman walang mangyaring hindi maganda.Hindi nagtagal ay tumawag pa si Carlo.Isang vi
Chapter 86Evie’s POVTinawagan ko noon si Carlo kung okay lang siya. Sinabi naman niyang wala namang banta sa kanya kaya huwag na akong masyadong mag-alala.Hindi pa lang siya makakabalik agad mula sa ibang bansa. Nag-extend siya dahil hindi pa natatapos ang mga kailangan niyang asikasuhin doon. May ilang importanteng bagay pa raw siyang kailangang ayusin bago tuluyang makauwi.Kaya ako, mas hinabaan ko ang pasensiya ko sa paghihintay sa kanya. Hindi naman ako iyong tipong kailangan laging magkasama kami para masabing maayos ang relasyon namin. Naiintindihan ko ang trabaho niya at ang mga responsibilidad na kailangan niyang tapusin.Madalas lumalabas kaming magkakaibigan para makahinga-hinga naman. Ayokong puro trabaho at pag-aalala na lang ang laman ng isip ko. Kailangan ko rin ng kaunting kasiyahan, lalo na ngayong wala si Carlo sa tabi ko.Minsan, nang nasa isang coffee shop kami, nagulat ako nang i-approach ako ni Amanda Smith.“In fairness, napakagandang babae niya talaga,” nasa
Chapter 85Evie’s POV“Ano ang ginagawa mo dito, Mitch?”Hindi ko napigilang magtanong nang makita ko siya sa harap ng bahay ko. Sa dami ng mga taong maaari kong makita sa araw na iyon, bakit naman siya pa? Parang kulang na lang ay biglang umulan ng yelo para tuluyan nang maging perpekto ang araw ko.“Yeah, anong ginagawa mo dito?” sabat din ni Lida habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip.“Hindi kayo ang gusto kong makausap. Si Evie.”Aba! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Kung makapagsalita, para bang siya ang may-ari ng lugar na pinasok niya. Hindi man lang nag-abala na bumati o magpakita ng kaunting paggalang sa mga taong naroon.“Aba, katalas ng dila nito, ha!” salita naman ni Aika na ngayon ay nagtataboy na rin ng inis sa mukha.Nakatingin lang si Mitch sa akin, taas ang baba at naghihintay ng sagot ko. Para bang inaasahan niyang agad akong susunod sa gusto niya dahil lamang sa personal niyang pagpunta rito.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ba puwedeng manahim
Continuation Ended FeudEvie's POVPagdating ko sa opisina, halos hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay sinalubong na ako ng mga staff ko. Naroon ang mga engineer, architect, mason, karpintero, foreman, at iba pang empleyado.Para akong isang celebrity na matagal na nawala at biglang nagbalik.“Ma'am Evie!”“Welcome back, Ma'am!”“Miss na po namin kayo!”Natawa na lamang ako sa pagka-OA nila.“Grabe naman kayo! Ilang araw lang akong nawala, parang ilang taon na tayong hindi nagkita.”“Ma'am, iba po kasi kapag wala kayo,” sagot ng isa sa mga engineer.“Talaga? Ano ang pinagkaiba?”Nagkatinginan sila bago sabay-sabay na ngumiti.“Mas tahimik po.”Napakunot ang noo ko.“Excuse me?”“Joke lang po, Ma'am!”Nagtawanan ang lahat.May nagdala agad ng kape, may nag-abot ng sweets, at may naglinis ng mesa ko. Ang iba naman ay abalang inaayos ang mga tambak na plano at dokumentong nakapatong sa aking desk.May nagbukas pa ng bintana para makapasok ang sariwang hangin.Napailing ako habang nakan
Ended FeudChapter 84Evie’s POVHindi ko alam kung paanong nagsimula.Madalas magkausap si Carlo at Andrew sa telepono. Laging may closed-door meeting ang dalawa, at kapag tinatanong ko naman si Carlo kung ano ang pinag-uusapan nila, sasabihin lamang niyang wala lang.Totoo kaya?Kung sa bagay, mas okay nga kung gayon. Dati-rati kasi, sa tuwing nagkikita sila, lagi silang may pinagtatalunan. Minsan, kahit simpleng bagay ay nagiging malaking argumento. Malamig ang pakikitungo nila sa isa't isa, at ilang beses ko nang nasaksihang muntik na silang magsuntukan.Kaya naman ngayon, hindi ko maiwasang magtaka.Mukhang nagma-mature na sila pareho.O baka naman may malaking bagay na silang pinagkakasunduan kaya pansamantala nilang isinantabi ang kanilang mga personal na alitan.Whatever it was, I hoped it would last.“Honey, ano ba iyang transaksiyon ninyo ni Andrew? Halos araw-araw mo nang kausap iyan ah.”Nakasandal ako sa sofa habang pinagmamasdan si Carlo na abala sa pagbabasa ng ilang do
Chapter 83Evie’s POVNakatingin lang ako mula sa bintana, umuulan kasi nang araw na iyon.Tahimik akong nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na tuloy-tuloy na bumabagsak sa salamin ng bintana.Dati-rati kapag umuulan, maraming masasakit na alaala ang bumabalik-balik sa akin.At isa na rito ang pagkamatay ni Kuya Oswald.Hawak-hawak ko siya, duguan.Habang nahuhugasan ng buhos ng ulan ang kanyang katawan na nakaratay.Hindi ko kailanman makakalimutan ang araw na iyon.Ang itsura niya.Ang dugo.Ang takot.At ang pakiramdam na kahit anong gawin ko ay hindi ko na siya maibabalik.Parang kahapon lang nangyari iyon.At ang sakit.Sakit.Sakit pa rin.Kasabay ng pagpatak ng ulan, sumabay din ang mga luha ko.Hindi ko na namalayan na basa na rin pala ang pisngi ko.Mabilis kong pinunasan ang mga ito.Ayokong makita ng kahit sino.Ayokong muling maging dahilan para mag-alala ang mga taong nasa paligid ko.Ayokong ipakita na kahit lumipas na ang panahon, may mga sugat
Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis
Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worr
Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sar
Chapter 2Evie’s POVDalawang linggo ang makalipas mula ang charity event.Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang pumila at makipagsiksikan







