Mag-log inHindi ko na nakita si Axel pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang linggo. Dalawang linggo ng Room Seven na walang laman at ng pagtingin ko sa p***o tuwing may bumubukas, na hindi ko inaamin kahit sa sarili ko.
Noong Huwebes ng umaga, habang natutulog ako sa maliit kong apartment, may kumatok. Isang matandang lalaking naka-barong at maayos ang buhok ang nasa pintuan, hawak ang sombrero sa dibdib. Nanlaki ang mata ko. Si Mang Teddy. Ang driver ng pamilya namin mula pa noong bata ako. “Señorita Brielle,” sabi niya, at halos mapaiyak ang matanda. “Limang taon ko kayong hinanap.” “Hindi niyo ako dapat natagpuan.” “Pinapauwi na po kayo ng mama ninyo.” Yumuko siya. “Ikakasal na po ulit si Madam Vienna. Gusto niyang nandoon kayo. Sabi niya… kahit ngayon lang.” Natawa ako, mapait. “Ikakasal ulit? Ang tagal nang patay ni Papa. At ngayon, bigla niyang naalala na may anak siya?” “Hindi po siya nagbago,” mahinang sabi ni Mang Teddy. “Pero may nagbago sa kanya. Hindi ko po alam kung ano. Basta, sabi niya, kayo lang ang gusto niyang makasama sa araw na iyon.” Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihin na wala na akong ina. Pero may bahagi sa akin, ang bahaging pinapatay ko gabi-gabi, na gustong marinig kung ano ang sasabihin niya. Kung hihingi ba siya ng tawad. Kung mahalaga ba ako kahit minsan. Kaya sumama ako. Habang tumatakbo ang sasakyan palabas ng siyudad, tahimik si Mang Teddy at paulit-ulit na sumusulyap sa rearview mirror, parang may gustong sabihin na hindi niya mahanap ang paraan. “Nahirapan ba kayong hanapin ako?” tanong ko, para basagin ang katahimikan. “Hindi po ako ang nakahanap sa inyo, Señorita.” Mahigpit ang kapit niya sa manibela. “Ibinigay lang po sa akin ang address, isang buwan na ang nakalipas. Ang mapapangasawa ni Madam ang nag-abot.” Natigilan ako. “At bakit niya iyon alam?” “Hindi ko po alam. Mabait po siyang tao, Señorita. Tahimik pero mabait. Siya ang nagsabing huwag akong magsasama ng guard, at huwag akong magsasalita ng kahit ano tungkol sa lugar na iyon. Basta ibigay ko lang daw ang mensahe na pinapauwi kayo.” Sa isip ko, isa lang ang lohikal na paliwanag: nagkataon. Isang napakalupit at napakaliit na nagkataon. Pero hindi ako naniniwala sa nagkataon, mula nang matutunan kong ang lahat ng bagay, mula sa isang kasal hanggang sa isang pagtataksil, ay may nagplano. “Teddy,” mahina kong sabi, “gaano na sila katagal na magkasama?” “Walong buwan po.” “At alam mo ba kung saan sila nagkakilala?” Matagal bago siya sumagot. Sa salamin, nakita kong may bahagyang pagkabalisa sa mukha niya, ang pagkabalisa ng taong may natatandaang hindi dapat itanong. “Hindi po ako sigurado. Pero noong unang beses siyang dumating sa mansyon, hindi siya nagtanong kung nasaan ang mga kuwarto. Dumiretso siya sa library, parang matagal na niyang kabisado ang bahay.” Kinilabutan ako. Binuksan ko ang bintana at hinayaan kong hampasin ng hangin ang mukha ko. Pagpasok ng itim na sasakyan sa gate ng mansyon, parang may kamay na pumiga sa dibdib ko. Walang nagbago. Ang malawak na hardin ng bougainvillea. Ang puting hagdanan na parang pang-pelikula. Ang mga bintanang halos sahig hanggang kisame. Pero iba ang pakiramdam, na parang pumasok ako sa bahay ng ibang tao. “Elle.” Sa tuktok ng hagdan, nakatayo si Mama. Singkuwenta’y dos na siya, pero hindi mo iyon makikita. Nakasuot siya ng cream na silk robe, ang buhok ay naka-chignon, at ang mukha ay perpekto pa rin, parang hindi tumatanda. Ngumiti siya. Ang ngiting iyon ay parang cover ng magazine: maganda, malamig, at walang laman. “Ang payat mo,” sabi niya. “Pero maganda ka pa rin.” “Hindi ako umuwi para sa papuri, Ma.” “Alam ko.” Bumaba siya, isa-isang hakbang, at huminto sa harap ko. May bahagyang pagkakasala sa mata niya, o baka guni-guni ko lang. “Umuwi ka para makita kung sino ang magiging bagong asawa ko.” “Hindi ako interesado.” “Magiging interesado ka.” At may kakaiba sa ngiti niya, parang may alam siyang hindi ko alam. “Pumasok ka. Nasa library siya.” Naglakad ako patungo sa library, ang bawat hakbang ay mas mabigat. Naririnig ko ang tunog ng orasan, ang amoy ng lumang libro, ang halakhak ng isang tao mula sa loob. Ang halakhak na iyon. Alam ko ang boses na iyon. Pagbukas ko ng p***o, nasa harap ng malaking bintana ang isang lalaki, nakatalikod, may hawak na baso. Mataas. Malapad ang balikat. Itim ang buhok. Lumingon siya. Nahulog ang bag ko sa sahig. “Elle,” sabi ni Mama sa likod ko, buong-buo ang saya sa boses niya. “Ito ang fiancé ko. Si Axel Villareal.” Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Sa harap ko, sa suot na grey suit at asul na kurbata, ang lalaking minsang nag-utos sa akin na huwag siyang hawakan dahil may fiancée siya. Ang lalaking halos nagpaluhod sa akin sa isang haplos na hindi ko naman talaga ginawa. Ang lalaking dalawang linggo kong hindi maalis sa isip. Hindi siya nagulat. Iyon ang una kong napansin. Walang gulat sa mukha niya. Walang pagkakamali. Tumango lang siya nang bahagya, tahimik na parang matagal na niyang alam na darating ang sandaling ito. “Masaya akong makilala ka, Brielle,” sabi niya, at inilahad ang kamay. Tiningnan ko ang kamay na iyon, ang kamay na minsang pinigilan ako, ang kamay na nakahawak sa pulso ko noong gabing iyon. Hindi ko iyon tinanggap. “Hindi ko po alam na ang mama ko ay mahilig sa mas bata,” sabi ko, nakatingin kay Mama pero ang boses ay para kay Axel. “Trenta’y sais lang siya,” malambing na sabi ni Mama. “Hindi naman ako ganoon katanda para sa kanya, hindi ba?” “Ma, siyam na taon lang ang agwat namin ni—” Napahinto ako. Tumingin si Mama sa akin, at ang ngiti niya ay mas lumaki nang kaunti. “Ni sino, anak?” “Ni… wala.” Sumingit si Axel, mahinahon. “Hayaan niyo na siya, Vienna. Mahaba ang biyahe niya.” Pero habang sinasabi niya iyon, tumingin siya sa akin nang diretso, at sa unang pagkakataon, may mahinang babala sa mata niya. Huwag mong sabihin. Hindi ko alam kung bakit sumunod ako. Nang gabing iyon, mag-isa akong nakatayo sa harap ng salamin sa banyo ng kuwarto kong hindi ko na kilala. Ang babaeng nakatingin sa akin ay hindi na si Sasha. Pero hindi na rin siya ang batang Elle na umalis dito noon. Hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon. Pero alam kong siya ang mananatiling buhay sa bahay na ito, at alam kong may isang taong gusto itong subukan.Hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw.Isang segundo, nasa pintuan kami, magkalapit ngunit hindi magkadikit, naghihintay ng isang taong magpapasya. Sa susunod, nasa loob na kami ng kuwarto ko, nakasara ang pinto sa likod niya, at ang likod ko ay nakasandal sa malamig na dingding habang ang mainit niyang palad ay nasa baywang ko.“Sabihin mong umalis ako,” hingal niyang sabi, ang noo niya ay nakadikit sa noo ko. “Sabihin mo, at aalis ako.”Dapat sinabi ko.Dapat nag-isip ako ng nanay kong natutulog sa kabilang dulo ng bahay. Dapat naalala ko ang kapatid kong nagtaksil, ang tatlong taong gulang na batang may mata ni Ethan, ang singsing na nasa kamay ng ibang babae para sa lalaking nasa harap ko.Pero ang sinabi ko ay: “Ikaw ang may fiancée.”“Alam ko.”“Ikaw ang dapat tumigil.”“Alam ko.” Hinaplos niya ang buhok ko, mabagal, para siyang takot na masira ako. “Pero ikaw ang unang babaeng gusto kong hindi tumigil.”Ako ang unang humalik.Hindi ito ang halik na ibinibenta ko. Hindi ito
Dinner. Siyempre may dinner.Sa mahabang mesa ng dining hall, nakaupo kami: si Mama sa ulunan, si Axel sa kanan niya, ako sa kaliwa, at sa tapat ko, isang upuang walang laman na hindi ko pinansin hanggang dumating ang taong pumuno rito.“Ate Elle!”Napatingala ako. Naka-pink na dress si Chloe, mas maganda at mas maamo kaysa sa naaalala ko. Bitbit niya ang isang batang babaeng may kulot na buhok. Tatlong taong gulang siguro, may mata na kilalang-kilala ko.“Ate, ito si Mika. Anak ko.” Nanginig ang boses ni Chloe. “Anak namin ni Ethan.”Parang may sumabog sa dibdib ko, pero hindi ko ipinakita. Matagal ko nang pinag-aralan ang ganitong sandali, ang sandaling magmumukha akong bato.“Maganda siya,” sabi ko, at nakita kong halos manghina sa ginhawa si Chloe. “Nasaan ang asawa mo?”“Hindi… hindi kami nagpakasal.” Yumuko siya. “Iniwan niya ako pagkapanganak ko.”Napatingin ako kay Mama. Tahimik lang siyang humihigop ng sopas, parang pinag-uusapan namin ang lagay ng panahon.Mapait akong napan
Hindi ko na nakita si Axel pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang linggo. Dalawang linggo ng Room Seven na walang laman at ng pagtingin ko sa pinto tuwing may bumubukas, na hindi ko inaamin kahit sa sarili ko.Noong Huwebes ng umaga, habang natutulog ako sa maliit kong apartment, may kumatok.Isang matandang lalaking naka-barong at maayos ang buhok ang nasa pintuan, hawak ang sombrero sa dibdib. Nanlaki ang mata ko. Si Mang Teddy. Ang driver ng pamilya namin mula pa noong bata ako.“Señorita Brielle,” sabi niya, at halos mapaiyak ang matanda. “Limang taon ko kayong hinanap.”“Hindi niyo ako dapat natagpuan.”“Pinapauwi na po kayo ng mama ninyo.” Yumuko siya. “Ikakasal na po ulit si Madam Vienna. Gusto niyang nandoon kayo. Sabi niya… kahit ngayon lang.”Natawa ako, mapait. “Ikakasal ulit? Ang tagal nang patay ni Papa. At ngayon, bigla niyang naalala na may anak siya?”“Hindi po siya nagbago,” mahinang sabi ni Mang Teddy. “Pero may nagbago sa kanya. Hindi ko po alam kung ano. Basta, sabi n
Hindi ko dapat inuulit ang parehong lalaki nang higit sa dalawang beses. Iyon ang pang-apat na patakaran ko, hindi isinulat ni Madame, kundi ng sarili ko. Dahil ang mga lalaking bumabalik ay nagsisimulang mag-isip na may karapatan sila.Pero bumalik si Axel Villareal. Lunes, Miyerkules, Biyernes. Palagi, Room Seven. Palagi, reserved.At palagi, ganito: hindi siya humihingi ng kahit ano.Umuupo lang siya. Nag-uusap kami. Tinatanong niya kung anong paborito kong kulay (hindi ko sinasagot), kung natatakot ba ako sa dilim (hindi), kung may pangarap pa ba ako (tinawanan ko lang siya). At bawat gabi, sinusubukan kong sirain ang katahimikan niya, dahil ang katahimikang iyon ang pinakamapanganib na bagay na naranasan ko sa buhay.Bago ako umuwi nang gabing iyon, pinatawag ako ni Madame Cleo sa opisina niyang puno ng pulang velvet at mga litrato ng mga babaeng matagal nang umalis.“Umupo ka.” Hindi siya nagtaas ng boses; hindi iyon ang estilo niya. “Tatlong beses nang binabayaran ni Mr. S ang
Sa Maison Noctis, may tatlong patakaran: huwag magtanong ng tunay na pangalan, huwag tumanggap ng halik sa labi, at huwag na huwag mong hahayaang makita nilang may pakialam ka.Sinusunod ko ang tatlo, limang taon na.Alas-onse ng gabi, nasa dressing room ako, inaayos ang itim na silk dress na halos hindi na dress sa nipis. Pinahiran ko ng pulang lipstick ang labi ko, ang kulay na tinatawag ng mga kasamahan ko na “bad decision.” Sa salamin, hindi ko na nakikita si Brielle Valderrama, ang anak ng sikat na modelong si Vienna Valderrama, ang babaeng may sariling driver at sariling pangalan sa mga magazine. Ang nakikita ko ay si Sasha. Si Sasha ay walang nakaraan. Si Sasha ay may presyo.“Sasha,” sumilip si Madame Cleo, ang manager namin, na amoy mamahaling pabango at pera. “Room Seven. Reserved ka ni Mr. S. Ikatlong beses na niya ito ngayong buwan.”“Bakit ako lagi?”“Ikaw ang hinihingi niya. Hindi siya nag-uutos ng iba.” Ngumiti si Madame, parang may alam na hindi sinasabi. “Ayusin mo an







