Share

Chapter 5

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-09-12 23:08:01

“EWAN ko ano’ng pangalan no’n. Kilala n’yo ba?” tanong ni LT Calumpang.

“Dinalaw no’n si Jazz sa ospital, Sir,” tugon ni Tikboy.

“Dinalaw? Girlfriend mo ‘yon? Akala ko may girlfriend ka sa Maynila?” tila gulat na tanong ng tinyente. “Aba, hindi maganda `yang ginagawa mo,” dagdag pa nito bago kumagat ng manok.

“Hindi naman, Sir. Bumisita lang sa ospital. Lahat ng pasyente dinalaw niya,” depensa ni Jazz.

"Bumisita pero timagal sa kama niya,” balewalang sabi ni Tikboy.

Natawa nang malakas si Leon na may nakabukol pang pagkain sa pisngi. “Aba, iba rin ang diskarte ng kasamahan natin habang naka-confine. Habang kami nakikipagpalitan ng putok sa bundok, siya nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.”

“Huwag n’yo nga akong intrigahin,” inis pero natatawang banta ni Jazz, sabay baling kay Tikboy. “Ikaw ang may gustong dumiskarte do'n kaya wag mo akong idamay.”

”Tiningnan siya ni LT Calumpang nang may mapanuring ngiti bago uminom ng softdrinks. “O siya, totoo man o hindi, basta siguraduhin mo lang na hindi magugulo ang focus mo rito, Baylon. Mahirap na kapag ang jowa mo sa Maynila ang nag-conduct ng sarili nitong military operation dahil sa selos. Ayaw kong may magliparan na namang mga kaldero at pinggan dito sa base.”

Nagtawanan ang buong tropa sa hirit ng tinyente, habang si Jazz ay napailing na lang at patuloy na binalatan ang kanyang fried chicken. Pero sa likod ng pilit niyang ngiti, bigla siyang binalot ng pamilyar na pangungulila nang maalala ang kanyang nobya.

Hindi tumupad si Meg sa sinabi nito na dadalawin siya nito. Noong tinawagan niya ito, sinabi nito na nagsimula na itong magtrabaho. Busy nga raw ito at huwag daw muna siyang tatawag dahil istrikto ang boss nito. Ito na lang daw ang tatawag sa kanya. Pero dalawang araw na siyang naghihintay sa tawag nito. Ni text message, wala.

Pero dahil mahal niya ito, pinipilit niya ang sarili na intindihin ang sitwasyon nila.

Sariwang-sariwa pa sa isip niya kung paano sila nagkakilala noong unang assignment niya sa North Cotabato

Isa itong intern sa LGU doon.

Taga-Pasay ang pamilya nina Meg at nakatapos ito ng kursong Bachelor of Science in Psychology. Cum laude nga itong nakapagtapos. She's also a Pisay scholar.

Nakasama nila ang grupo nina Meg noong nagsagawa sila ng tree planting activity.

Meg has caught his eye. She’s someone that he would get attracted to even outside of the camp. Cute si Meg at nasa five feet two inches ang height. Maamo ang mukha nito na kabaliktaran naman ng personality nito. Madaldal ito at masayahin.

Her bubbly, talkative personality sets up an incredible contrast against a disciplined, reserved marine like him.

Hindi nakisama ang panahon noong nag-tree planting sila dahil umulan. But Meg brought sunshine with her.

Iyong ibang babae na kasama nila, nag-inarte pa dahil natanggal ang mga make up na nilagay sa mukha, nalagyan ng putik ang sapatos at damit. Pero si Meg, she could literally plant more tress while sporting a garbage bag and still looked gorgeous and happy.

Masyado rin itong malapit sa mga tao. Mabilis itong magtiwala. Iyong parang kaka-meet mo lang rito, magkaibigan na kayo kaagad. Kahit sa mga katulad niyang lalaki. Nginitian niya lang ito, magkatabi na sila sa pagkain sa boodle fight.

But Meg was not liberated. She’s just odd. Interesting. That’s the reason why after that tree planting activity, he’s eager to get to know her even more. Bago natapos ang tree planting na iyon ay nakuha na niya ang numero nito.

While he fights physical battles, she is passionate about mental health or social systems. This allows them to have deep, engaging late-night conversations noong manliligaw pa lang siya rito.

Paminsan-minsan nagkikita sila kapag wala siyang trabaho. Halos isang dalawang buwan din niya itong niligawan. And when she said yes, he was text screaming in happiness.

Nasa Pasay kasi ito noong mga panahong iyon at sa text lang siya nito sinagot. He rehearsed things inside his head kung ano ang gagawin niya kapag nagkita sila bilang mag-jowa na. He was so into her at kahit sa panaginip ay nahahalikan niya ito. After a week, that dream come to fruition.

Katulad ng ibang magkarelasyon ay nagkakaproblema rin sila pero naayos naman iyon kaagad. Naipakilala na nga niya ito sa pamilya niya sa Palawan noong umuwi siya nakaraang Pasko.

O, Baylon. Tulala ka na naman diyan,” seryosong puna ng tinyente, dahilan para mapatingin sa kanya ang buong tropa. “Iniisip mo ‘yong dinalaw ka sa ospital, o ‘yong nasa Maynila na ang iniisip mo?”

Natawa nang mahina si Tikboy. “Sinasabi ko sa inyo, Sir, distracted ‘yan. Mukhang naiwan ang puso sa ospital.”

“Sir naman, hindi, ah,” mabilis na pagtanggi ni Jazz, pilit na inaayos ang upo para magmukhang alerto sa harap ng opisyal. “May naalala lang ako bigla.”

Ibinaba ni LT Calumpang ang kanyang baso at tiningnan nang tuwid si Jazz, nawala ang mapagbiro nitong tono at napalitan ng pagiging seryoso. “Ayusin mo ‘yan, Baylon. Kakalabas mo lang ng ospital, ayaw kong sumama ka sa susunod nating operation na lumilipad ang isip mo. Dito sa Sulu, isang segundong kawalan ng focus, buhay ang kapalit. Maliwanag?”

“Maliwanag, Sir,” seryosong sagot ni Jazz sabay tango.

“Matatagalan tayo rito. Ang dami pa nating papataging bundok. Baka mamaya mahumaling kayo sa mga babae dito. Lalo na ikaw Leon,” sabi ng opisyal.

“Bakit ako lang, Sir?” palag ni Leon. “Okay lang naman na mahumaling ako kasi wala naman akong girlfriend.”

“Bawal kang lumabas. Baka makabuntis ka pa,” sabi ng tinyente kay Leon.

“Pero puwede akong dalawin ng babae dito, Sir?” hirit ni Leon.

“Puwede naman. Naka-charge na rin naman ang cell phone ko. Malinaw ang kuha ng camera niyan,” sabi ng opisyal.

Natawa si Jazz na disappointed rin. Hindi nga masama ang ugali ng opisyal nila pero parang controlling naman. Ibig sabihin lang kasi niyon, hindi siya puwedeng dalawin ni Meg.

Bakit pati love life nila ay pinapakialaman nito?

“Kailangan ninyong mag-ingat sa ginagawa ninyo. Alam n’yo naman kung ano ang sitwasyon natin dito,” sabi ng opisyal. “May intel nga iyong mistah ko na kinuyog ng taumbayan dahil nabisto. Make no mistake, gentlemen. These insurgents don't just own the mountains. They are operating right under our noses, embedded within the local populace. The community is shielding them. That is why you cannot afford a single lapse in judgment.”

“Kaya nga hindi ako nakikipag-textmate sa mga babae dito kahit gaano pa sila kaganda,” sabi ni Tikboy. “Si Leon lang talaga ang walang pinipili. Kahit poste yata na may butas—”

“Hindi ko naman dinadala dito sa base ah. At saka maingat naman ako,” rason ni Leon.

“You only say that because you haven't been caught in their cross hairs yet. Baka mamaya magulat na lang kami nandoon ka sa loob ng lodging house at pug0t na ang ulo. Nakalimutan n’yo na ba ang training ninyo? Maghanda palagi kahit wala pa ang sitwasyon,” sermon sa kanila ni LT Calumpang.

Katahimikan ang bumalot sa mesa matapos ang sermon ng tinyente. Kahit si Tikboy na mahilig magbiro ay napatitig na lang sa hita ng manok sa plato.

“`Yan, makinig ka kay Sir Calumpang,” natatawang sabi ni Jazz kay Leon para naman mawala na ang tension sa paligid.

“Ikaw rin, Baylon,” baling sa kanya ng tinyente. “Kung may girlfriend ka ngayon, iyon ang atupagin mo. Stop messing around with Zipper—”

“Zypher iyon, Sir,” pagtatama niya sa opisyal, bahagyang napapangiti sa maling pagkabigkas ng tinyente. “Exaggerated lang si Tikboy, Sir. Maraming pasyente doon sa ospital at hindi lang ako. Saka mahal ko ang girlfriend ko kahit gano’n siya na hindi makapirme sa isang trabaho.”

“Weh? Sabi mo maganda `yong Zypher na iyon, eh,” tila hindi naniniwala na sabi ni Tikboy.

“Maganda ba talaga?” singit ni Leon. “Paano kung type ka no’n?” tanong ni Leon sa kanya.

“Malabo iyon,” sabi ni Jazz.

“Paano nga kung gusto ka?” pangungulit ni Leon.

“Malamang papatulan niya,” natatawang sagot ni Tikboy. “Nagandahan nga, eh.”

“Hindi mangyayari `yon,” may diin na sabi ni Jazz. “Magpapakasal na nga kami ni Meg sa mga susunod na taon.”

“Matagal pa iyon. Marami pang puwedeng mangyari,” sabi ni Leon.

“Oo nga. At saka mukhang type ka no’ng Zypher. Hinimas-himas pa nga niya ang braso mo. Baka sa susunod iba na ang himasin no’n,” panunukso ni Tikboy.

“Next time she’ll charm your snake,” malakas ang tawa na sabi ni Leon.

Napipikon na si Jazz sa mga kasama. Kung ano-ano na ang sinasabi ng mga ito. Pero naalala niya ang itsura ni Zypher, lalo na ang mga labi nito. Her sexy pouty lips.

“Beautiful or not, Baylon, remember what I just said about the operational environment." Inilapag ni LT Calumpang ang plato nito sa mesa. “Intelligence works both ways. Honeypots and local symphatizers are classic insurgent tactics to gather information on troop movements. Huwag nyo munang isipin ang mga babae. Keep your head straight. I need you all to be fully operational, not compromised by some local distraction.”

"Yes, sir!" sabay-sabay nilang sang-ayon.

“Alam n’yo minsan okay lang na manakit ng babae,” sabi ni LT Calumpang, kumuha ng tissue, nagpahid ng kamay at nilamukot iyon.

Natahimik silang lahat at napatingin sa tinyente. Sina Leon at Tikboy ay nabitin ang pagsubo ng pagkain. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ng opisyal. Taliwas kasi iyon sa pagkakilala niya rito. LT Calumpang was well known for being a one man woman. Hindi rin ito abusàdo sa babae. Ano ang nangyari bakit iba ang lumabas sa bibig nito?

“It’s okay to hurt other women’s feelings to protect your own woman,” pagtatapos ng opisyal sa gusto nitong sabihin.

It's an advice he didn't expect but it was a direct roadmap for how a military man should guard his relationship.

"Clear boundaries create emotional security, especially in high-stress, long-distance military relationships. Being a "gentleman" doesnt mean being polite to everyone at the expense of your girlfriend. Mahirap humanap ng tapat na babae ngayon. Huwag mong hahayaang masira 'yan ng kung sino lang dito sa paligid,” sabi pa ng opisyal.

“Ikaw na talaga, Sir. Idol talaga kita,” sabi ni Tikboy na tila nahimasmasan. Pumalakpak pa ito.

Bahagyang ngumiti si LT Calumpang. “Distance makes room for complications, yknow. Kaya tigil-tigilan nyo `yang mga balak nyo. Bakit hindi n’yo gayahin si Thirdy? Tingnan n’yo, o, ngisi-ngisi pang kumakain habang may hawak na cell phone.”

Napatingin silang lahat kay Thirdy na nakaupo sa tinumbang kahoy. Medyo malayo ito sa kanila at sigurado si Jazz na hindi nito naririnig ang usapan nila.

“Hindi ko alam kung sa pagkain kinikilig o sa babae,” komento ni Leon.

“Mamaya cell phone na ang isubo niyan,” sabi ni LT Calumpang.

Nagtawanan sila.

Naramdaman yata ni Thirdy na pinag-uusapan nila ito kaya tumalikod ito sa kanila bago kumagat sa manok.

“Hoy, Thirdy! Sino ba ‘yang ka-chat mo at kanina ka pa ngumingisi riyan? Baka naman binalikan ka na ng ex mo?” asar ni Tikboy.

"None of your business!" sabi ni Thirdy saka ihinagis ang butó ng manok na kinain naman ng aso na nakatambay sa loob ng base.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RETURN TO ME   Chapter 9

    “BAKIT may mga pintura dito, Sir?” tanong ni Jazz kay LT Calumpang.Nasa detachment sila at wala silang lakad. May iilan silang kasamahan na pinayagang magbakasyon. Kasama nga si Leon sa iilan sa mga iyon. Hindi na rin naman humirit si Jazz ng bakasyon dahil kababalik lang naman niya. Wala pa ngang isang buwan siya sa base. Na-ospital din siya.“Gagamitin ‘yan sa paggawa ng signage natin,” tugon ni LT Calumpang. “Magaling kang mag-drawing, `di ba?”“Yes, Sir!” pagmamalaki ni Jazz. Sabi nga ng mga guro niya dati, dapat may engineering ang kinuha niyang kurso o kaya architecture. Magaling kasi siyang gumuhit at magpinta. Pero hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya para pag-aralin siya sa ganoong kurso.Nang mag-training siya sa Cavite bilang marines, sa kanya rin ipinapagawa ang mga gawaing may kinalaman sa mga letra at pintura. Sa batch nila, siya lang ang may talent na ganoon.“Sige na. Umpisahan mo na para mabilis na matapos,” sabi ni LT Calumpang.Naroon na nga ang mga mate

  • RETURN TO ME   Chapter 8

    NAGMAMADALING itinali ni Jazz ang sintas ng kanyang combat boots. Pinadyak-padyak niya ang mga paa at inayos ang suot na uniporme. Nagwisik siya ng pabango na binigay sa kanya ni Meg. Iyong klase ng pabango na hindi masyadong matapang ang amoy pero tumatagal ang kapit sa damit. Sinipat niya ang mukha sa basag na salamin na nakasiksik sa dingding ng barracks nila. Nagsuot siya ng sunglasses, kinuha niya ang kanyang rifle at binitbit na ang Kevlar helmet. May lakad sila nang umagang iyon. Hindi sa bundok kundi sa kalsada. Magsasagawa sila ng checkpoint.“May malapit na detachment ng army dito, Sir, ano?” kausap ni Jazz kay LT Calumpang na nakatingin sa signage habang humihigop ng kape.“Meron naman. Mas malawak nga ang AOR ng commander ng unit na iyon. But orders are orders from our battalion. May nadali daw ng sparrow sa tropa. Kailangan nating maglagay ng checkpoint sa ibaba,” sabi ng opisyal. “Zero six hundred dapat nakapuwesto na tayo sa kalsada.”“Dadalhin ko na ‘to, Sir,” ani Ja

  • RETURN TO ME   Chapter 7

    BIGLANG napabalikwas si Meg. Hingal na hingal siya, ang lakas ng kabog ng kanyang díbdib, basa ng malamig na pawis ang kanyang noo. Napahawak siya sa kanyang díbdib nang mapagtanto niyang nanaginip siya. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cell phone. Mag alas singko na ng umaga. Tumayo siya at naglakad papunta sa maliit na lababo sa loob ng kanilang silid. Naghilamos siya, nagmumog at nag-toothbrush. Bilang isang Psychology graduate, alam niyang projection lang ng defense mechanism niya ang panaginip dahil sa halos dalawang linggo na silang hindi nagkikita ni Jazz. She likely knows the clinical terms for what she is experiencing, but as a woman deeply in love, she simply cannot help it. To her, Jazz isn't just a part of her life; he has become her entire universe, the absolute axis upon which her world revolves. Sabi nila, kapag Psychology graduate ka, mas madali mong maiintindihan ang sarili mong emosyon. Dapat alam niya ang kanyang limitasyon. Dapat alam niya kung kailan na

  • RETURN TO ME   Chapter 6

    NAKAUPO si Meg sa sahig ng kanyang silid at napapalibutan siya ng mga kalat. May backpack. May ziplock ng mga chocolate at kendi. May tatlong bagong T shirt na binili niya sa mall.. May maliit na first aid kit at hygiene kit. May mga pagkain. At may notebook at ballpen. Nagsusulat siya ng ”Things to bring for Jazz” 1. Deodorant, sabon, perfume, off lotion 2. Kendi at snacks 3. Laminated picture 4. Ako Napangiti siya sa huli. Nilagyan pa niya ng tatlong beses na heart ang salitang Ako. “Meg! Anong ginagawa mo d’yan?” sigaw ni Nanay Perlita mula sa kusina. "Tulungan mo muna ako dito." "Nagpaplano, Ma!” sagot niya at masayang naglakad papunta sa kusina. Nasa lababo ang Nanay Perlita niya. “Plano para saan?” usisa nito. Ibinigay nito sa kanya ang kalabasa. "Pakihiwa nito." “Dadalawin ko si Jazz sa Jolo, Ma!”proud na sabi niya. Tinanggap niya ang kalabasa saka siya naglakad para kumuha ng kutsílyo. Napatigil si Nanay Perlita sa pagkuha ng iba pang gulay. “Jol

  • RETURN TO ME   Chapter 5

    “EWAN ko ano’ng pangalan no’n. Kilala n’yo ba?” tanong ni LT Calumpang. “Dinalaw no’n si Jazz sa ospital, Sir,” tugon ni Tikboy. “Dinalaw? Girlfriend mo ‘yon? Akala ko may girlfriend ka sa Maynila?” tila gulat na tanong ng tinyente. “Aba, hindi maganda `yang ginagawa mo,” dagdag pa nito bago kumagat ng manok. “Hindi naman, Sir. Bumisita lang sa ospital. Lahat ng pasyente dinalaw niya,” depensa ni Jazz. "Bumisita pero timagal sa kama niya,” balewalang sabi ni Tikboy. Natawa nang malakas si Leon na may nakabukol pang pagkain sa pisngi. “Aba, iba rin ang diskarte ng kasamahan natin habang naka-confine. Habang kami nakikipagpalitan ng putok sa bundok, siya nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.” “Huwag n’yo nga akong intrigahin,” inis pero natatawang banta ni Jazz, sabay baling kay Tikboy. “Ikaw ang may gustong dumiskarte do'n kaya wag mo akong idamay.” ”Tiningnan siya ni LT Calumpang nang may mapanuring ngiti bago uminom ng softdrinks. “O siya, totoo man o hindi, basta sigura

  • RETURN TO ME   Chapter 4

    “WALA KA namang trabaho, ‘di ba? Punta ka dito,” hiling ni Jazz kay Meg habang kausap niya ito sa cell phone. Dalawang araw na siya sa ospital at hindi pa siya pinapayagan ng doktor na lumabas kahit na pakiramdam niya ay maayos na siya. Napilitan na rin siyang sabihin kay Meg ang totoo dahil humingi nga ito ng selfie niya. Hindi naman siya marunong mag-edit ng picture niyang naka-hospital gown. “Sorry, babe. Hindi kita madadalaw. May interview kasi ako. Alam mo, tinawagan na ako sa ina-apply-an kong law firm.” Napabuntong-hininga si Jazz. Hindi na talaga nagbago si Meg. Iba na naman ang trabaho nito. Palagi rin itong busy. Mas busy pa yata ito sa kanya. Kahapon pa niya kasi ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. “Pero baka after nito ay mapuntahan kita,” pagbawi ni Meg nang hindi siya nagsalita. “Pasensiya ka na. Alam ko naman na gusto mong may permanente akong trabaho pero nahihirapan kasi ako.” “Okay lang,” malungkot niyang tugon. May nurse na pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status