Share

Chapter 4

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-09-12 22:24:02

“WALA KA namang trabaho, ‘di ba? Punta ka dito,” hiling ni Jazz kay Meg habang kausap niya ito sa cell phone. Dalawang araw na siya sa ospital at hindi pa siya pinapayagan ng doktor na lumabas kahit na pakiramdam niya ay maayos na siya.

Napilitan na rin siyang sabihin kay Meg ang totoo dahil humingi nga ito ng selfie niya. Hindi naman siya marunong mag-edit ng picture niyang naka-hospital gown.

“Sorry, babe. Hindi kita madadalaw. May interview kasi ako. Alam mo, tinawagan na ako sa ina-apply-an kong law firm.”

Napabuntong-hininga si Jazz. Hindi na talaga nagbago si Meg. Iba na naman ang trabaho nito.

Palagi rin itong busy. Mas busy pa yata ito sa kanya. Kahapon pa niya kasi ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.

“Pero baka after nito ay mapuntahan kita,” pagbawi ni Meg nang hindi siya nagsalita. “Pasensiya ka na. Alam ko naman na gusto mong may permanente akong trabaho pero nahihirapan kasi ako.”

“Okay lang,” malungkot niyang tugon.

May nurse na pumunta sa ward at sinabihan silang ayusin nila ang mga gamit nila dahil may politiko raw na darating. “Sige na. Ba-bye na. May bisita yata ang ospital.”

“Okay. Magpagaling ka. I love you. Bye.”

Ibinaba ni Jazz ang cell phone. Inayos niya ang mga tissue at alcohol na nasa maliit na mesa sa gilid ng kama niya.

“Nandito si Mayor,” pag-iimporma ni Tikboy sa kanya saka ito kumagat ng mansanas. Ito ang boluntaryong nagbantay sa kanya sa ospital.

Inayos ni Jazz ang suot hospital gown.

Mayamaya pa ay pumasok ang doktor sa ward at may mga nakasunod sa likuran nito. Ipinakilala ng doktor ang mayor ng bayan na iyon sa kanila. May ido-donate daw kasi ang pamilya nito na mga medical supplies sa ospital.

Kinamusta sila ng alkalde at mayamaya pa ay nagsalita na ito. Nakakabagot makinig sa mga sinasabi nito. Mabuti na lang at may kasama itong magandang babae. Zypher daw ang pangalan ng babae, pamangkin ng congressman. Nagtatrabaho daw ang babae sa munisipyo.

Zypher was a delectable lady. Her skin looked so soft. Her face had the most delicate features he had ever seen. Mukhang artista. She had brown eyes, long nose, red pouty lips. Sexy lips.

Yumukod nang kaunti ang babae para kamustahin siya. Medyo malalim ang hiwa sa dibdib ng suot nitong damit, giving him a mouth watering view of her cleavàge. Mother nature has been generous to this woman. Huge bre∆sts, very slim waist. Katawang paboritong pagpantasyahan ng mga kalalakihan.

Hinawakan pa nito ang braso niya at ang lambot ng kamay nito. Ang bango din nito. Parang nawala bigla ang sakit niya.

Hindi niya alam kung ganoon talaga ito na parang friendly o dahil nasa politika nga ang pamilya nito kaya kailangang umaktong parang prinsesa sa mata ng publiko. Panay ng ngiti at haplos nito sa braso niya habang kinakausap siya nito.

Nasabi niya rito na sundalo siya. Nalaman rin niya na Administrative Officer ito sa LGU doon.

Pero hindi naman nagtagal ang mga ito sa ward dahil binisita din ng mga ito ang iba pang pasyente sa ospital na iyon.

“Ang tagal ninyong nag-usap. Baka nagpalitan na rin kayo ng cell phone number. Lagot ka sa jowa mo,” sabi sa kanya ni Tikboy.

Sumimangot siya. “Nakikipag-usap lang `yong tao.”

“Nag-uusap ang bunganga tapos nag-uusap rin ang mga mata. Ano kaya ang susunod na mag-uusap?” malisyosong tanong ni Tikboy.

Hindi na niya ito pinansin. Kinuha niya ang kanyang cell phone at nag-chat siya kay Meg.

Babe, may kasama akong albularyo dito sa ospital, ang ingay-ingay, kung ano-anong pinagsasabi, sumbong niya sa chat.

Bago pa man maka-reply si Meg, may pumasok na mga nurse sa ward para mag-round yata.

“O, maraming chicks. Mag-ayos ka na ng higa, baka lumabas ang abs mo,” bulong ni Tikboy na halatang gustong-gusto siyang asarin.

Ngalingali niya itong batuhin ng itlog ng pugó.

--------

“MAGANDA `yong pamangkin ng congressman, ano?” pabulong na kausap ni Jazz kay Tikboy nang umalis na ang mga nurse.

May mga kasama din kasi siyang pasyente sa ward kaya mahirap na. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.

“Type mo? `Di ba may girlfriend ka na?” tanong ni Tikboy.

“Ikaw ang tinutukoy ko. Do you have a type?”

“Don’t we all?” ngisi ni Tikboy sabay bukas ng tinapay na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama niya. Kinain nito iyon.

“Type mo nga!” mahina niyang bulalas.

“Maganda siya pero hindi ko tipo ang mga ganoon. Mga politiko. At saka ayaw ko sa masyadong malaki ang dibdíb. Baka malunod ako,” natatawa pero mahinang sabi ni Tikboy.

“Marino ka. May sinasabi sila na sisid-marino. Hindi ka nga nalunod noong nagtali ka ng lubid sa WASAR.”

“Hindi tayo papatulan ng katulad no’n.” Naglagay si Tikboy ng palaman sa tinapay. “Mga pipitsugin lang tayo, eh. Kung si Sir Calumpang, puwede pa. Baka pantay nga ang kayamanan nilang dalawa. Saka ganoon ang tipo ni Sir Calumpang, mga sexy.”

Napabuntong-hininga si Jazz. “Mahirap maging mahirap, ano?”

“At least may trabaho tayo,” sabi ni Tikboy which reminded him the bigger picture.

Sang-ayon doon si Jazz. Kaya kahit gustong-gusto na niyang bígwasan ang dati nilang CO, todo-pigil siya sa sarili. Mahirap na baka ipa-discharge siya nito. Pinaghirapan niya ang profession niya ngayon. Kahit mahirap ang trabaho nila, ginhawa na iyon para sa kanila kapag malapit na ang sahod. Kahit maliit ang sahod, hindi niya alam bakit nakakaramdam siya ng kaginhawaan kapag dumating iyon.

For Jazz, wealth isn't about luxury or big salary. Wealth is measured by the peace of mind that comes from being able to sustain his family's immediate daily needs.

While being poor is undeniably difficult, having a stable job provides a sense of dignity, a safety net, security, and a vital lifeline when life gets tough. Katulad na lang ngayon na na-ospital siya. May mga benefits kaya siguradong zero ang billing niya sa ospital.

Makalipas ang isa pang araw ay na-discharge na si Jazz sa ospital. Nabalitaan niya rin na nahanap na ng mga kasamahan niya ang kuta ng mga rébelde na hinahabol nila. Na-dismantle ng mga ito ang insurgent encampment, maraming arm∆s ang na-recover. Nahuli rin ang target na halos siyam na araw na in-operate.

Nang makarating sila sa base ay naroon na ang ilang kasamahan niya na nag-operate at kanya-kanya nang kuwento at pagbibida.

Bagaman masaya siya na ligtas ang kanyang mga kasama, may kaunting kirot sa kanyang dibdib.

Dapat ay kasama siya roon. Dapat ay kasama siya sa mga bumuhat ng operasyon. Pero ang nangyari ay nakahiga lang siya at nagpapagaling habang nakikipagbuno sa pang-aasar kay Tikboy.

“Bakit nandito na kayo agad? Nasaan si Sir Calumpang?” usisa ni Tikboy sa mga bagong dating.

“Nagpa-iwan doon sa battalion kasi magpi-present pa sa media ng mga recoveries. Nauna na kami baka makita pa pagmumukha namin sa TV ba,” sagot ni Thirdy.

“That’s against the protocol!” bulalas ni Tikboy.

“Walang against-against kapag nangangati ka na,” natatawang sabi ni Jazz.

“Ligong-ligo na nga ako,” sabi ni Thirdy habang naghuhubad ng uniporme.

“Sayang hindi ka nakasama,” kausap sa kanya ni Leon. Nakikita niya ang galak sa mukha nito.

First accomplished mission niya sana iyon kasama ang bagong team na kinabibilangan niya. Sayang talaga dahil nagkasakit siya.

Ilang beses na niyang na-experience ang mga tagumpay sa operation pero sa oras na mangyayari iyon ay kakaibang saya ang hatid niyon sa team at sa tropa.

“Maliligo na ako kasi babaha na naman ng pagkain mamaya panigurado,” sabi ni Thirdy. Sa kanilang lahat, ito ang mukhang pagkain. Nakakapagtaka na hindi ito tumataba. “Kasama pa rin kayo sa pagkain na iyon. Sa susunod ‘wag kang magpatalo sa sakit.”

Natawa si Jazz. “Pinipilit ko ngang huwag magpatalo. Ano’ng magagawa ko? Utos ng tinyente na bumaba ako, eh. Bakit nga ba wala pa si Sir Calumpang?”

“Hayaan mo na, malaki na naman iyon. Baka mamaya may litson iyong dala pagbalik niya dito,” sabi naman ni Leon.

Hindi nagtagal ay dumating na nga ang dalawang sasakyan kasama si LT Calumpang.

“Kumusta? Ayos ka na?” tanong kaagad nito sa kanya pagbaba nito sa sasakyan nang salubungin niya ito.

“Ayos na ayos na, Sir. Puwede na ulit magpatag ng bundok,” tugon niya rito. “Congrats pala, Sir.”

“Parang pumayat ka,” puna ni LT Calumpang.

“Ikaw din sir, pumayat ka.”

"Natural. Alam mo namang nag-calorie deficit kami sa bundok.”

“Pero pogi ka pa rin, sir,” puri niya rito.

Totoo naman iyon. Mukha kasi itong may halong ibang lahi. Saka pagkakaalam niya mas maraming guwapo sa Air Force, pero sa company nila, lahat yata ng pogi sa marines ay naipon doon. Last pogi na lang ang natira sa ibang landing team.

“Hindi pa rin kita bibigyan ng passes,” sabi nito. Iniisip yata nitong s****p siya.

“Saka na ako magbakasyon, sir kapag napatag na lahat.”

“Ang tagal nga mapatag ang kagubatan na iyon,” tugon nito. Sumenyas ito sa mga kasama sa sasakyan.

Hindi nga nagkamali si Leon. Bumaha ng pagkain sa base. Habang magkatulong nilang ibinaba ang mga pagkain at softdrinks mula sa sasakyan ay amoy na amoy niya ang mga pagkain na tila gantimpala sa mga araw na paghihirap nila sa operasyon.

Ang ingay bigla ng base. Kahit siya na galing sa sakit ay biglang nágising ang gana dahil sa excitement ng buong tropa.

“Tingnan mo si Thirdy. Kinikilig talaga sa pagkain,” komento ni Leon.

“Tig-iisang hita lang ng manok, Almanzor. Tirhan mo naman ang iba,” saway ni LT Calumpang kay Thirdy na inilagay ang dalawang hiwa ng manok sa pinggan nito. Nasa balikat pa ang towel nito.

“Akala ko tig-dalawa sa atin, Sir? Marami naman iyan. Mayroon pa do’n sa sasakyan,” sabi ni Thirdy pero ibinalik naman sa mesa ang isang manok.

“Baka ibang hita na ang iniisip mo,” tukso ni Leon kay Thirdy.

“Namu!” Sinipa ni Thirdy si Leon kahit may hawak itong pagkain.

“Bawian mo na lang sa softdrinks, meg,” natatawang sabi ni Jazz. “Sabi ng doktor bawal akong mag-softdrinks, eh.”

“Eh di sa akin na ang parte mo,” sabi ni Thirdy.

“Sungak-sungak!” sabi ni LT Calumpang kay Thirdy. “Kunin mo na `yang isang manok at lumayas ka na.”

Nagtawanan sila. Mabilis namang kinuha ni Thirdy ang manok saka ito nagpakalayo-layo.

“Ang galante nga ni Sir Calumpang, ano?” kausap ni Jazz kay Tikboy habang kumakain sila sa may dulo ng mesa.

“Sinabi mo pa. Kaya idol ko `yan si Sir Calumpang. Palaging may pakain,” malakas na sabi ni Tikboy.

Napatingin ang opisyal sa gawi nila. “Hindi sa akin galing iyang mga pagkain. Doon `yan galing sa isang babae na si... Zipper? Pamangkin daw ng congressman. Pasasalamat niya daw `yan sa trabaho natin.”

“Baka si Zypher, Sir. `Yong magandang babae na maputi na sexy?” tanong ni Jazz.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RETURN TO ME   Chapter 9

    “BAKIT may mga pintura dito, Sir?” tanong ni Jazz kay LT Calumpang.Nasa detachment sila at wala silang lakad. May iilan silang kasamahan na pinayagang magbakasyon. Kasama nga si Leon sa iilan sa mga iyon. Hindi na rin naman humirit si Jazz ng bakasyon dahil kababalik lang naman niya. Wala pa ngang isang buwan siya sa base. Na-ospital din siya.“Gagamitin ‘yan sa paggawa ng signage natin,” tugon ni LT Calumpang. “Magaling kang mag-drawing, `di ba?”“Yes, Sir!” pagmamalaki ni Jazz. Sabi nga ng mga guro niya dati, dapat may engineering ang kinuha niyang kurso o kaya architecture. Magaling kasi siyang gumuhit at magpinta. Pero hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya para pag-aralin siya sa ganoong kurso.Nang mag-training siya sa Cavite bilang marines, sa kanya rin ipinapagawa ang mga gawaing may kinalaman sa mga letra at pintura. Sa batch nila, siya lang ang may talent na ganoon.“Sige na. Umpisahan mo na para mabilis na matapos,” sabi ni LT Calumpang.Naroon na nga ang mga mate

  • RETURN TO ME   Chapter 8

    NAGMAMADALING itinali ni Jazz ang sintas ng kanyang combat boots. Pinadyak-padyak niya ang mga paa at inayos ang suot na uniporme. Nagwisik siya ng pabango na binigay sa kanya ni Meg. Iyong klase ng pabango na hindi masyadong matapang ang amoy pero tumatagal ang kapit sa damit. Sinipat niya ang mukha sa basag na salamin na nakasiksik sa dingding ng barracks nila. Nagsuot siya ng sunglasses, kinuha niya ang kanyang rifle at binitbit na ang Kevlar helmet. May lakad sila nang umagang iyon. Hindi sa bundok kundi sa kalsada. Magsasagawa sila ng checkpoint.“May malapit na detachment ng army dito, Sir, ano?” kausap ni Jazz kay LT Calumpang na nakatingin sa signage habang humihigop ng kape.“Meron naman. Mas malawak nga ang AOR ng commander ng unit na iyon. But orders are orders from our battalion. May nadali daw ng sparrow sa tropa. Kailangan nating maglagay ng checkpoint sa ibaba,” sabi ng opisyal. “Zero six hundred dapat nakapuwesto na tayo sa kalsada.”“Dadalhin ko na ‘to, Sir,” ani Ja

  • RETURN TO ME   Chapter 7

    BIGLANG napabalikwas si Meg. Hingal na hingal siya, ang lakas ng kabog ng kanyang díbdib, basa ng malamig na pawis ang kanyang noo. Napahawak siya sa kanyang díbdib nang mapagtanto niyang nanaginip siya. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cell phone. Mag alas singko na ng umaga. Tumayo siya at naglakad papunta sa maliit na lababo sa loob ng kanilang silid. Naghilamos siya, nagmumog at nag-toothbrush. Bilang isang Psychology graduate, alam niyang projection lang ng defense mechanism niya ang panaginip dahil sa halos dalawang linggo na silang hindi nagkikita ni Jazz. She likely knows the clinical terms for what she is experiencing, but as a woman deeply in love, she simply cannot help it. To her, Jazz isn't just a part of her life; he has become her entire universe, the absolute axis upon which her world revolves. Sabi nila, kapag Psychology graduate ka, mas madali mong maiintindihan ang sarili mong emosyon. Dapat alam niya ang kanyang limitasyon. Dapat alam niya kung kailan na

  • RETURN TO ME   Chapter 6

    NAKAUPO si Meg sa sahig ng kanyang silid at napapalibutan siya ng mga kalat. May backpack. May ziplock ng mga chocolate at kendi. May tatlong bagong T shirt na binili niya sa mall.. May maliit na first aid kit at hygiene kit. May mga pagkain. At may notebook at ballpen. Nagsusulat siya ng ”Things to bring for Jazz” 1. Deodorant, sabon, perfume, off lotion 2. Kendi at snacks 3. Laminated picture 4. Ako Napangiti siya sa huli. Nilagyan pa niya ng tatlong beses na heart ang salitang Ako. “Meg! Anong ginagawa mo d’yan?” sigaw ni Nanay Perlita mula sa kusina. "Tulungan mo muna ako dito." "Nagpaplano, Ma!” sagot niya at masayang naglakad papunta sa kusina. Nasa lababo ang Nanay Perlita niya. “Plano para saan?” usisa nito. Ibinigay nito sa kanya ang kalabasa. "Pakihiwa nito." “Dadalawin ko si Jazz sa Jolo, Ma!”proud na sabi niya. Tinanggap niya ang kalabasa saka siya naglakad para kumuha ng kutsílyo. Napatigil si Nanay Perlita sa pagkuha ng iba pang gulay. “Jol

  • RETURN TO ME   Chapter 5

    “EWAN ko ano’ng pangalan no’n. Kilala n’yo ba?” tanong ni LT Calumpang. “Dinalaw no’n si Jazz sa ospital, Sir,” tugon ni Tikboy. “Dinalaw? Girlfriend mo ‘yon? Akala ko may girlfriend ka sa Maynila?” tila gulat na tanong ng tinyente. “Aba, hindi maganda `yang ginagawa mo,” dagdag pa nito bago kumagat ng manok. “Hindi naman, Sir. Bumisita lang sa ospital. Lahat ng pasyente dinalaw niya,” depensa ni Jazz. "Bumisita pero timagal sa kama niya,” balewalang sabi ni Tikboy. Natawa nang malakas si Leon na may nakabukol pang pagkain sa pisngi. “Aba, iba rin ang diskarte ng kasamahan natin habang naka-confine. Habang kami nakikipagpalitan ng putok sa bundok, siya nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.” “Huwag n’yo nga akong intrigahin,” inis pero natatawang banta ni Jazz, sabay baling kay Tikboy. “Ikaw ang may gustong dumiskarte do'n kaya wag mo akong idamay.” ”Tiningnan siya ni LT Calumpang nang may mapanuring ngiti bago uminom ng softdrinks. “O siya, totoo man o hindi, basta sigura

  • RETURN TO ME   Chapter 4

    “WALA KA namang trabaho, ‘di ba? Punta ka dito,” hiling ni Jazz kay Meg habang kausap niya ito sa cell phone. Dalawang araw na siya sa ospital at hindi pa siya pinapayagan ng doktor na lumabas kahit na pakiramdam niya ay maayos na siya. Napilitan na rin siyang sabihin kay Meg ang totoo dahil humingi nga ito ng selfie niya. Hindi naman siya marunong mag-edit ng picture niyang naka-hospital gown. “Sorry, babe. Hindi kita madadalaw. May interview kasi ako. Alam mo, tinawagan na ako sa ina-apply-an kong law firm.” Napabuntong-hininga si Jazz. Hindi na talaga nagbago si Meg. Iba na naman ang trabaho nito. Palagi rin itong busy. Mas busy pa yata ito sa kanya. Kahapon pa niya kasi ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. “Pero baka after nito ay mapuntahan kita,” pagbawi ni Meg nang hindi siya nagsalita. “Pasensiya ka na. Alam ko naman na gusto mong may permanente akong trabaho pero nahihirapan kasi ako.” “Okay lang,” malungkot niyang tugon. May nurse na pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status