Share

Chapter 6

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-09-12 23:09:04

NAKAUPO si Meg sa sahig ng kanyang silid at napapalibutan siya ng mga kalat.

May backpack. May ziplock ng mga chocolate at kendi. May tatlong bagong T shirt na binili niya sa mall.. May maliit na first aid kit at hygiene kit. May mga pagkain. At may notebook at ballpen.

Nagsusulat siya ng ”Things to bring for Jazz”

1. Deodorant, sabon, perfume, off lotion

2. Kendi at snacks

3. Laminated picture

4. Ako

Napangiti siya sa huli. Nilagyan pa niya ng tatlong beses na heart ang salitang Ako.

“Meg! Anong ginagawa mo d’yan?” sigaw ni Nanay Perlita mula sa kusina. "Tulungan mo muna ako dito."

"Nagpaplano, Ma!” sagot niya at masayang naglakad papunta sa kusina.

Nasa lababo ang Nanay Perlita niya.

“Plano para saan?” usisa nito. Ibinigay nito sa kanya ang kalabasa. "Pakihiwa nito."

“Dadalawin ko si Jazz sa Jolo, Ma!”proud na sabi niya. Tinanggap niya ang kalabasa saka siya naglakad para kumuha ng kutsílyo.

Napatigil si Nanay Perlita sa pagkuha ng iba pang gulay. “Jolo? Anak, ang layo nun. At saka delikado ‘don.

Umiling si Meg. “Kaya nga mas kailangan niya ako, Ma. Apat na buwan na kaming hindi nagkikita. Text-text lang. Tawag-tawag lang. Nakakasawa na.”

Tumigil siya sa pagbabalat sa kalabasa at kinuha ang kanyang cell phone mula sa bulsa.

“Tingnan nyo po ‘to. May byahe ng eroplano pa-Zambo, tapos boat pa Jolo. Kaya ko ‘yan. Magpaalam lang ako sa boss ko. Three days lang naman ako doon," aniya.

Pero pakiramdam niya hindi sapat ang tatlong araw lang na magkasama sila ni Jazz. Gusto niya mga two weeks. Ang problema, siguro siyang hindi siya papayagan sa ganoon kahabang bakasyon.

“Eh paano kung hindi ka payagan ni Jazz na makipagkita o kaya bawal ang bisita doon sa destino niya?” tanong ng kanyang ina.

Napasimangot si Meg. “Papayagan naman po siguro. 'Pag nakita niya ako doon, maiiyak ‘yon sa tuwa. Sabi niya sa akin last tawag, ‘miss na kita, baby’. Eh di i-surprise ko siya.”

"Mas mabuti pa na siya na lang ang papuntahin mo sa Zamboanga kaysa ikaw ang pumunta sa Jolo," suhestiyon ng kanyang ina.

Napakibit-balikat siya. Hindi na surprise visit iyon kapag si Jazz mismo ang pinapunta niya sa kanya.

Dahil tapos na niyang híwain ang kalabasa ay bumalik siya sa kanyang silid at isa-isang inilagay sa loob ng bag ang kanyang dadalhin.

Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang kanyang cell phone.

She was smiling habang nagbo-book ng ticket.

Makalipas ang ilang araw ay bumiyahe na siya papunta sa Jolo.

Sinabi din naman ni Jazz sa kanya noon ang address kaya kahit mahirap ang biyahe ay itinuloy niya pa rin ang balak.

Nagtanong-tanong siya sa mga tao at driver doon. Sa huli ay ihinatid siya ng driver sa mismong kampo. Pero maraming sasakyan sa labas. Parang may okasyon. May mga lamesa at upuan. May pagkain. May nag-iinuman.

Birthday party? Celebration? Hindi niya alam. Ang alam lang niya, naroon si Jazz. Naka-uniforme ito. Nakangiti. Nakikipagkwentuhan sa mga kasama nito.

Natuwa siya dahil nasa maayos naman itong kalagayan.

Lumapit siya para yayakapin ito mula sa likod. Pero bago pa niya magawa ‘yon, may humarang sa kanya.

Isang babae.

Maputi. Matangkad. Amoy mamahaling perfume. Naka-dress nang maiksi, labas pa ang cleavàge.

"Excuse me!" sabi pa nito at hinawi siya nang bahagya.

Hindi siya napansin ng nobyo pero nakangiti pa itong tumingin sa babae.

Hindi iyong ngiting binibigay sa kanya. Iba. Mas malambot. Mas tunay. Mas masaya. Ngiting may gusto. O baka dahil medyo lasing lang si Jazz kaya ganoon ito ngumiti.

Hindi malaman ni Meg kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin, kung paano mag-react sa ganoong scenario.

Pinanood niya kung paano inabot ni Jazz ang kamay ng babae.

“Sayaw tayo,” sabi ng babae kay Jazz.

At sumayaw nga ang dalawa.

Magkalapit. Nag-uusap. Tumatawa.

Paminsan-minsan hinihimàs ni Jazz ang likod ng babae. Iyong hímas na parang sanay na. Parang iba ang hatid ng hagod na iyon. Hindi friendly. Hindi sweet. May ibang pahiwatig.

At siya? Parang ipinako na kahoy na nakatayo lang sa gilid. Walang pumapansin sa kanya.

Gusto niyang lumapit. Gusto niyang sumigaw ng “Ako ‘to! Ako ‘yong girlfriend mo!”

Pero walang lumalabas sa bibig niya.

Pinanood niya lang ang dalawa.

Kung paano tumawa si Jazz sa biro ng babae. Kung paano sumandal ang babae sa braso ni Jazz na parang karapatan nito. Kung paano tumango si Jazz at ngumiti.

“Jazz,” malakas niyang tawag nang hindi siya makatiis.

Lumingon si Jazz. Nagulat. Mabilis na binitawan ang babae.

Lumapit ito sa kanya. “Meg? Kailan ka pa dumating?”

“Kanina pa,” sagot niya habang pinipilit na maging matatag ang boses at sarili.

Pero nanginginig ang mga kamay niya.

Tumingin si Jazz sa babae. Tapos bumalik sa kanya.

“Ah, si ano nga pala," pakilala ni Jazz sa babaeng kasayaw nito na hindi na narinig ni Meg dahil parang nabibingi siya sa sakit at selos na nararamdaman.

Kahit pa kaibigan lang iyon ni Jazz, hindi naman yata maganda iyong may kasayaw itong iba dahil silang dalawa ang magkarelasyon.

Dahil kung pwede, kada party ba sa kampo ay okay lang na may kasayaw na iba ang nobyo niya?

Ngumiti ang babae.

“Hi, Meg,” sabi nito sa malambot ang boses.

Hindi siya sumagot.

Kasi kung sumagot siya, iiyak siya.

“Kumain ka na?”tanong ni Jazz sa kanya na sa boses na parang kaibigan lang. Parang bisita lang.

Umiling siya.

“Busog na ako,”pagsisinungaling siya.

Busog siya sa sakit.

Tapos hinila na ulit ng babae si Jazz.

“Sir, punta tayo dun. Ipakilala kita sa tito ko.”

At sumunod si Jazz.

Hindi man lang siya tinanong kung sasama. Naiwan siyang mag-isa sa gitna ng ingay. Sa gitna ng tawanan. Nakatayo lang.

Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang hilahin si Jazz pabalik sa kanya, palayo sa babae. Pero hindi siya makakilos.

Para bang may semento sa mga paa niya. Para bang may kamay na humahawak sa lalamunan niya at sinasakal siya.

Nanghihina ang tuhod niya kaya dahan-dahan siyang lumapit sa isang monoblock chair na nasa gilid. Naupo siya roon. Pinanood niya si Jazz na naglalakad palayo kasama ang babae.

Magkadikit ang balikat ng mga ito. Minsan, tumitingin pa si Jazz sa babae at tumatawa. Minsan, hinahawakan pa ni Jazz ang braso ng babae para ituro kung saan sila pupunta.

Samantalang siya ay nakaupo lang. Nakapulupot ang mga kamay sa sarili para hindi siya gumuho.

“Jazz…” bulong niya kahit alam niyang hindi siya nito maririnig.

Maingay ang paligid. Masaya ang lahat.

Unti-unting lumayo si Jazz, hanggang sa hindi na niya ito nakita.

Doon na bumigay ang kanyang mga luha. Sunod-sunod ang patak na kahit pigilan niya ay ayaw tumigil.

Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Jazz.

Mag-isa lang ito. Wala na iyong babae.

Tumayo siya agad sa monoblock chair. Pinunasan ang mukha gamit ang likod ng kamay. Ayaw niyang mahalata siya nito.

"Nasaan na ang babaeng kasama mo?” may himig na inis na tanong niya rito.

Napabuntong-hininga si Jazz. Parang pagod.

“Umuwi na. Ipinahatid ko sa gate.”

Tahimik si Meg na tiningnan lang si Jazz.

“Anong problema mo?” tanong ni Jazz. Umupo ito sa tabi niya.

“Wala,” mabilis niyang sagot. Pilit ngumiti.

“Meg.”Seryoso ang boses ni Jazz. Hinawakan nito ang kamay niya. “Kung galit ka, sabihin mo. Hindi ‘yong mananahimik ka diyan tapos magmumukmok.”

Napailing siya. “Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?”

Tumawa siya. Pero walang dating. Peke. Sa uri ng trabaho niya, sanay naman siyang gawin iyon.

Tumitig si Jazz sa kanya. Matagal.

Mayamaya ay nagsalita ito. "Kaibigan ko lang `yon. Baka kung ano na yang iniisip mo."

“Wala aman akong iniisip,”sabi niya. Yumuko siya.

Tumawa nang mahina si Jazz pagkatapos ay hinila siya palapit at niyakap.

"Bakit hindi mo sinabi agad na nandito ka na? Sinundo sana kita.”

“Surprise sana,” mahina niyang sagot sa dibdib nito.

“Effective naman. Nagulat ako,” sabi nito.

Humiwalay si Jazz at pinisil ang pisngi niya. “Kumain ka na? Halika, samahan kitang kumain.”

Tumango siya.

Pero habang naglalakad sila papunta sa mesa, hindi niya maiwasang mag-isip.

Kaibigan lang daw nito ang babae.

Pero bakit ang sakit pa rin? Bakit parang iba ang kutob niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RETURN TO ME   Chapter 9

    “BAKIT may mga pintura dito, Sir?” tanong ni Jazz kay LT Calumpang.Nasa detachment sila at wala silang lakad. May iilan silang kasamahan na pinayagang magbakasyon. Kasama nga si Leon sa iilan sa mga iyon. Hindi na rin naman humirit si Jazz ng bakasyon dahil kababalik lang naman niya. Wala pa ngang isang buwan siya sa base. Na-ospital din siya.“Gagamitin ‘yan sa paggawa ng signage natin,” tugon ni LT Calumpang. “Magaling kang mag-drawing, `di ba?”“Yes, Sir!” pagmamalaki ni Jazz. Sabi nga ng mga guro niya dati, dapat may engineering ang kinuha niyang kurso o kaya architecture. Magaling kasi siyang gumuhit at magpinta. Pero hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya para pag-aralin siya sa ganoong kurso.Nang mag-training siya sa Cavite bilang marines, sa kanya rin ipinapagawa ang mga gawaing may kinalaman sa mga letra at pintura. Sa batch nila, siya lang ang may talent na ganoon.“Sige na. Umpisahan mo na para mabilis na matapos,” sabi ni LT Calumpang.Naroon na nga ang mga mate

  • RETURN TO ME   Chapter 8

    NAGMAMADALING itinali ni Jazz ang sintas ng kanyang combat boots. Pinadyak-padyak niya ang mga paa at inayos ang suot na uniporme. Nagwisik siya ng pabango na binigay sa kanya ni Meg. Iyong klase ng pabango na hindi masyadong matapang ang amoy pero tumatagal ang kapit sa damit. Sinipat niya ang mukha sa basag na salamin na nakasiksik sa dingding ng barracks nila. Nagsuot siya ng sunglasses, kinuha niya ang kanyang rifle at binitbit na ang Kevlar helmet. May lakad sila nang umagang iyon. Hindi sa bundok kundi sa kalsada. Magsasagawa sila ng checkpoint.“May malapit na detachment ng army dito, Sir, ano?” kausap ni Jazz kay LT Calumpang na nakatingin sa signage habang humihigop ng kape.“Meron naman. Mas malawak nga ang AOR ng commander ng unit na iyon. But orders are orders from our battalion. May nadali daw ng sparrow sa tropa. Kailangan nating maglagay ng checkpoint sa ibaba,” sabi ng opisyal. “Zero six hundred dapat nakapuwesto na tayo sa kalsada.”“Dadalhin ko na ‘to, Sir,” ani Ja

  • RETURN TO ME   Chapter 7

    BIGLANG napabalikwas si Meg. Hingal na hingal siya, ang lakas ng kabog ng kanyang díbdib, basa ng malamig na pawis ang kanyang noo. Napahawak siya sa kanyang díbdib nang mapagtanto niyang nanaginip siya. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cell phone. Mag alas singko na ng umaga. Tumayo siya at naglakad papunta sa maliit na lababo sa loob ng kanilang silid. Naghilamos siya, nagmumog at nag-toothbrush. Bilang isang Psychology graduate, alam niyang projection lang ng defense mechanism niya ang panaginip dahil sa halos dalawang linggo na silang hindi nagkikita ni Jazz. She likely knows the clinical terms for what she is experiencing, but as a woman deeply in love, she simply cannot help it. To her, Jazz isn't just a part of her life; he has become her entire universe, the absolute axis upon which her world revolves. Sabi nila, kapag Psychology graduate ka, mas madali mong maiintindihan ang sarili mong emosyon. Dapat alam niya ang kanyang limitasyon. Dapat alam niya kung kailan na

  • RETURN TO ME   Chapter 6

    NAKAUPO si Meg sa sahig ng kanyang silid at napapalibutan siya ng mga kalat. May backpack. May ziplock ng mga chocolate at kendi. May tatlong bagong T shirt na binili niya sa mall.. May maliit na first aid kit at hygiene kit. May mga pagkain. At may notebook at ballpen. Nagsusulat siya ng ”Things to bring for Jazz” 1. Deodorant, sabon, perfume, off lotion 2. Kendi at snacks 3. Laminated picture 4. Ako Napangiti siya sa huli. Nilagyan pa niya ng tatlong beses na heart ang salitang Ako. “Meg! Anong ginagawa mo d’yan?” sigaw ni Nanay Perlita mula sa kusina. "Tulungan mo muna ako dito." "Nagpaplano, Ma!” sagot niya at masayang naglakad papunta sa kusina. Nasa lababo ang Nanay Perlita niya. “Plano para saan?” usisa nito. Ibinigay nito sa kanya ang kalabasa. "Pakihiwa nito." “Dadalawin ko si Jazz sa Jolo, Ma!”proud na sabi niya. Tinanggap niya ang kalabasa saka siya naglakad para kumuha ng kutsílyo. Napatigil si Nanay Perlita sa pagkuha ng iba pang gulay. “Jol

  • RETURN TO ME   Chapter 5

    “EWAN ko ano’ng pangalan no’n. Kilala n’yo ba?” tanong ni LT Calumpang. “Dinalaw no’n si Jazz sa ospital, Sir,” tugon ni Tikboy. “Dinalaw? Girlfriend mo ‘yon? Akala ko may girlfriend ka sa Maynila?” tila gulat na tanong ng tinyente. “Aba, hindi maganda `yang ginagawa mo,” dagdag pa nito bago kumagat ng manok. “Hindi naman, Sir. Bumisita lang sa ospital. Lahat ng pasyente dinalaw niya,” depensa ni Jazz. "Bumisita pero timagal sa kama niya,” balewalang sabi ni Tikboy. Natawa nang malakas si Leon na may nakabukol pang pagkain sa pisngi. “Aba, iba rin ang diskarte ng kasamahan natin habang naka-confine. Habang kami nakikipagpalitan ng putok sa bundok, siya nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.” “Huwag n’yo nga akong intrigahin,” inis pero natatawang banta ni Jazz, sabay baling kay Tikboy. “Ikaw ang may gustong dumiskarte do'n kaya wag mo akong idamay.” ”Tiningnan siya ni LT Calumpang nang may mapanuring ngiti bago uminom ng softdrinks. “O siya, totoo man o hindi, basta sigura

  • RETURN TO ME   Chapter 4

    “WALA KA namang trabaho, ‘di ba? Punta ka dito,” hiling ni Jazz kay Meg habang kausap niya ito sa cell phone. Dalawang araw na siya sa ospital at hindi pa siya pinapayagan ng doktor na lumabas kahit na pakiramdam niya ay maayos na siya. Napilitan na rin siyang sabihin kay Meg ang totoo dahil humingi nga ito ng selfie niya. Hindi naman siya marunong mag-edit ng picture niyang naka-hospital gown. “Sorry, babe. Hindi kita madadalaw. May interview kasi ako. Alam mo, tinawagan na ako sa ina-apply-an kong law firm.” Napabuntong-hininga si Jazz. Hindi na talaga nagbago si Meg. Iba na naman ang trabaho nito. Palagi rin itong busy. Mas busy pa yata ito sa kanya. Kahapon pa niya kasi ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. “Pero baka after nito ay mapuntahan kita,” pagbawi ni Meg nang hindi siya nagsalita. “Pasensiya ka na. Alam ko naman na gusto mong may permanente akong trabaho pero nahihirapan kasi ako.” “Okay lang,” malungkot niyang tugon. May nurse na pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status