“Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”
“Sige Tang. Samalat po. Salamat po Nang.”
Dahil kamag-anak, malayo sa isip kong alilain ako ng panganay na kapatid ni Tatang. Nang una, mabait naman ang Tiya Cynthia at ang asawa nito sa akin ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong ko sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan kong magising ng madaling araw para samahan ko ang tauhan nila sa karinderya para mamalengke. Pinapabitbit sa akin ang mabibigat na pinamili. Tumutulong pa ako sa pagluluto. Madalas, nahuhuli ako sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago ako makapananghalian ay kailangan ko pa rin munang tumulong sa pagese-serve sa mga kakain at makapaghugas ng mga pinggan samantalang ang mga pinsan ko ay naroon at katulong rin ang turing sa akin. Kahit nga tubig lang nila o kaya mga simpleng gawain sa bahay ay sa akin lahat iniaasa. Pagdating ko sa hapon ay sa carinderia pa rin ako didiretso at doon ako hanggang sa wala ng customer na kakain. Ang masaklap, wala na akong panahon pa para mag-review. Hanggang sa mismong carinderia na ako pinatira dahil kailangan raw may magbabantay o tatao doon sa gabi kasama ng kusinero at iba pang mga serbidora sa iba’t ibang branch ng kainan nila. Ang mga kasama ko sa carinderia ang tanging saksi kung paano ako tratuhin ng aking mismong kamag-anak. Hindi pamangkin o pinsan ang turing sa akin. Masahol pa sa kasambahay o tauhan.
Kahit may sakit ako ay wala silang pakundangan na utusan ako sa carinderia man o sa mismong bahay nila Tita. Nagsabi ako na may sinat at trangkaso ako ngunit pinalabas na nagdadahilan lang para makaiwas sa trabaho. Gumaling lang ako dahil sa gamot na ibinigay sa akin mga kasamahan ko sa trabaho. Mabuti pa ang ibang tao, nagagawang pagmalasakitan ako ngunit ang mismo kong mga kadugo walang pakialam sa akin.
Hindi lang pang-aalila ang ginagawa sa akin. Higit pa ang emosyonal na pagpapahirap ang pinagdaanan ko sa piling ng kapatid ni Tatang. Sa harap kasi ng ibang mga tao ay sinisigawan nila ako. Utos dito, utos diyan at kung nagkamali, may kasunod pang sabunot o kaya pambubulyaw. Sa gabi napapaluha na lang ako, naghahanap ng kalinga, ng pagmamahal. Oo nga't masarap ang mga pagkain, may ibinibigay silang pera ko araw-araw ngunit hindi naman makatao ang turing sa akin. Isa pa, pinagtrabahuan ko naman ang lahat ng iyon.
Naiinggit ako sa mga pinsan ko sa tuwing nakikita ko silang nagdidiwang sa kanilang mga birthday. May bagong mga damit, mga regalo na bubuksan, mga laruan at cake. Ni minsan hindi ko pa naranasang mag-birthday, ni hindi pa nga ako nakatanggap kahit isang regalo lang. Ang mga suot kong damit ay mga napaglumaan na ng mga pinsan ko. Kapag sumasapit noon ang pasko ay gustung-gusto kong umuwi sa amin dahil namimiss ko rin ang mga kapatid ko at mga magulang ngunit sinabihan ako ni Tiya Cynthia na kung babakasyon ako, wala na akong babalikan pang trabaho. Hindi na raw ako muli pang tatanggapin doon at di na ako papag-aralin pa. Kaya kahit umiiyak ako sa pagkasabik ko kay Tatang, Nanang at sa mga kapatid ko, mas pinili kong magtiis at gugulin ang mga bakasyon tulad ng pasko at iba pang mga araw na wala siyang pasok sa pagtulong sa kanilang carinderia. Tinitiis ko ang pagpapaalila para sa pangarap kong maiahon ang aking mga magulang sa kahirapan.
Masakit yung nakikita kong masaya ang buong pamilya ng kamag-anak ko ngunit dahil katulong ang turing sa akin ay hindi ako naging bahagi ng pamilyang iyon. Bumubunot na lang ako ng malalim na hininga nang nakikita kong nagbibigayan sila ng regalo at ako ay naroon lang, nakatingin sa kanila habang ang mga pinsan ko ay nagbubukas ng kani-kanilang regalo mula kina Tiyo at Tiya. Pangalawang pasko na kasing ganoon ang sitwasyon. Noong nakaraang pasko sobrang sakit at kinaiinggitan ko ang mga ganoon ngunit nang sumunod na pasko, kinakaya ko na lahat kahit papaano. Tahimik lang ako sa tabi at pangiti-ngiti kahit nakaramdam ako ng inggit at pagkaawa sa aking sarili. Ni hindi ko alam kung napapansin ba ako o sadyang pilit kinakalimutan.
Inisip ko na lang na nakapagpadala naman ako ng pera sa bahay namin at nakabili ng regalo sa aking mga kapatid kapalit ng paninilbi ko sa mga kamag-anak ko. Hindi ako pinayagang umuwi dahil nga sa kailangan daw nilang tigaligpit. Pera ang kapalit ng pangungulila ko sa aking pamilya. Ang tatlong libo na inabot sa akin ni Tiya ay ibinigay ko agad kay Tatang nang sunduin ako para uuwi sana sa pasko. Nakiusap akong huwag na lang umuwi dahil kailangan nila ako. Ang akala ni Tatang ay maayos ang trato sa akin. Hindi ko masabi ang pinagdadaanan ko dahil ayaw kong umuwi at tumigil sa pag-aaral. Pilitin kong kayanin ang lahat. Matatapos rin lahat.
Dumadalaw man ang Nanang ko roon ngunit iyon ay kung hihiram lang ito ng pera at sa tuwing kinakausap ako ni Nanang ay pinipilit kong ipinakikita na masaya ako para mapagtakpan lang ang hirap na aking pinagdadaanan.
"Nakita mo ‘yon, Nadine? Bumale na naman ang Nanang mo. Mahirap pa kayo sa daga kaya sa amin na lang kayo laging umaasa. Punum-puno na ako sa walang tigil ninyong panghuthot sa amin. Kulang pa ang pinagtrabahuan mo sa mga kinukuha ng Nanang mo sa amin kaya doblehin mong magsipag. Kulang na na lang ibenta ka nila sa amin. Aba, hindi madaling kumita ng pera. Palibhasa kasi mga inutil kayo at mangmang!" patutsada ng Tiya ko na binabale-wala ko na lang. Paano ko ba pagsasabihan ang Nanang na itigil na niyang lumapit at humingi ng tulong kung alam ko namang lumalaki na ang mga kapatid ko kaya lumalaki na rin ang gastos nila sa bahay.
Nang una, nasasaktan akong marinig ang patutsadang iyong ng Tiya ko ngunit nang naglaon, tinanggap ko na lang. Hindi dahil nasanay na ako kundi iyon naman talaga ang totoo. Mahirap lang kami at wala naman akong puwedeng ipagmalaki. Ngunit darating din ang araw na aangat ako. Hindi ko nga lang alam kung paano ngunit umaasa akong giginhawa rin ang buhay ko.
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa