“KYO…” TAWAG niya na may halong pagtataka at amusement sa boses. Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita.Totoo ba ito? Hindi kaya panaginip niya lamang?Ngumiti si Kyo, ang mga mata nito ay kumikislap ng sinseridad. Maingat na hinawakan ng lalaki ang mga balikat ni Ellie at marahang pinaikot siya paharap dito.“Yes, Ellie… will you be my girlfriend?” napapaos nitong tanong.Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man makasagot, naramdaman na ni Ellie ang pag-init ng sulok nang mga mata. Gano'n din ang kanyang dibdib.Hindi niya ito inasahan, hindi sa ganitong paraan. Ibig bang sabihin, matagal na pala itong plano ni Kyo?“H-hindi ko alam kung anong sasabihin. Ginulat mo ako,” mahinang sabi ni Ellie habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi.“Don’t cry, sugarplum,” malambing nitong sabi. “I’ve been in love with you for as long as I can remember. Please… be my girlfriend.”Umiling si Ellie, kasabay ng pag-iling ay ang mga luha ng tuwa. “Yes… yes,
“YAYA ELLIE!” masayang sigaw ni Saoirse habang tumakbo papalapit sa kanya, agad na yumakap ito sa binti niya.“Hi, baby! Kumusta ang tulog?” bahagyang yumuko si Ellie at hinalikan ang mga pisngi ng alaga.“Okay naman po. Pero na-miss kita,” nakangusong yumakap ito sa leeg niya.“Gano'n din ako.” Nakangiting kinarga niya si Saoirse at umupo sa tabi ni Kyo sa sofa.“Bakit ngayon ka lang dumating, Ellie? Did something happen?” tanong ni Kyo, halatang may kaba sa boses.“Hindi, walang nangyari. Nagpunta lang ako sa ospital,” sagot niya, habang pinaglalaruan ang isang hibla ng buhok ni Saoirse.Matapos silang mag-usap ni Cheska. Akala niya magagalit ito kapag nalamang nabuntis siya ni Kyo, ngunit nagulat si Ellie nang biglang tumili si Cheska. Pero ang hindi alam nito na bunga ng isang panggagahasa ang bata sa sinapupunan niya. Hindi ipinaalam ni Ellie sa babae. Mas makakabuting mananatiling lihim na lamang ang nangyari. “Oh, what did the doctor say? How’s my baby?” sunud-sunod na tanong
“HEY, SUGARPLUM,” panunukso ni Kyo.Dumeretso ito sa refrigerator, at kumuha ng malamig na bote ng tubig. Walang patumangga ininom iyon hanggang maubos bago tuluyang naglakad papunta sa sala kung saan nakaupo si Ellie. Umupo ito sa tabi niya.Napatingin saglit si Ellie, saka muling ibinaling ang atensyon sa mga junk food na abala niyang pinapapak.“Hindi ka ba napapagod sa kakakain ng matatamis?” iritado ang tinig ni Kyo habang sinusubukang agawin ang hawak niya, pero mabilis na iniwas ni Ellie ang pagkain.“Hayaan mo na ako,” mahina niyang sabi at muling isinubo ang cake.“You know that isn’t good for our baby. Ang dapat mong kinakain ngayon ay gulay at prutas, hindi kung anu-ano,” sermon ng lalaki, muli na namang inagaw ang pagkain sa kanya. Agad niyang sinalubong ng matalim na tingin si Kyo nang makuha nito ang kinakain niya.“Ano ba! Ibalik mo nga iyan!”Ngunit tila walang narinig si Kyo. Tinawag nito ang isa sa mga kasambahay, at inabot ang pinggan na may lamang cake.“Dalhan mo
KYO’S FACE was creased in a deep frown, umigting ang kanyang panga habang nakasalpak sa tainga ang wireless earphones.Nasa ibabaw ng mesa ang laptop niya, nakabukas sa video conference kasama ang board members ng kumpanya. At sa bawat minuto na lumilipas, mas lalo siyang hindi nasisiyahan sa mga naririnig. Paulit-ulit siyang napapamura, halatang walang nagugustuhan sa mga suggestions ng board members.“Sir, we’ve been consulting the director of the HR about the issue. But he seems not to be getting any better solution.” Isa sa mga board members ang naglakas-loob na magsalita.Kyo's eyes darkened, his frown deepening. “And none of you also have a better solution? Are you all daft?!” singhal niya, puno ng inis at awtoridad ang boses.“I-I’m sorry, sir…”“Enough of the sorry!” mariin niyang putol. “Where the hell are the goddamned models?”“They’re outside, sir. Should we invite them in?” another member asked cautiously.His rolled his eyes arrogantly, his voice drip
"HINDI KA yata nakabihis ngayon? Hindi ka ba papasok sa trabaho?" tanong ni Ellie nang makitang nakapantulog pa rin si Kyo nang lumabas sa silid."Nope…" sagot nito.Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?" "Nothing. Ikaw, saan ka na naman pupunta?" balik-tanong ni Kyo nang mapansin ang sling bag na hawak niya."May appointment ako sa doktor," aniya, at agad na tumalikod para umalis pero mabilis na hinawakan ni Kyo ang kanyang braso."Antenatal?" Nakatingalang tumango si Ellie."Oo. Fifteen minutes na akong late." Inalis niya ang kamay ni Kyo sa braso niya at nagmamadaling lumakad."Okay then, I’d like to go with you," biglang sabi ni Kyo na ikinatigil niya.Umawang ang kanyang labi nang humarap dito."S-sasama ka sa akin?" halos hindi siya makapaniwala, parang gustong siguraduhin kung tama ba ang narinig."Yes," ngumiti ito at bahagyang kumurap, "I wanna see my cutie pie in momma’s tummy. Let’s go." Hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinila papunta sa kotse."Teka lang, Kyo…" halo
“WOW, SOMEONE, talks a lot,” napailing si Kyo habang pinagmasdan silang dalawa ni Saoirse sa likuran.Nagkatinginan si Saoirse at Ellie.“And someone is lazy,” biro naman ni Saoirse at ginaya ang tono ng ama.“Who are you calling lazy?” kunot-noong tanong ni Kyo habang kinukuha ang anak at isinampa ito sa kandungan.“You…” natatawang sagot nito.“Really?”“Yes.”“Okay…” kiniliti nito ang anak na agad napahalakhak.Napangiti si Ellie habang pinagmasdan ang mag-ama. Kahit gaano kaabala si Kyo, hindi nito nakakalimutang bigyan ng oras ang anak. Walang duda na mabuting ama ang lalaki. Malawak ang ngiti niya habang hinahaplos ang tiyan.Kinagabihan, bago matulog si Saoirse. Kinakailangan munang basahan ni Ellie ng bedtime story.“Good night, Saoirse,” bulong niya sabay halik sa noo ng bata bago lumabas ng silid.Pagbaba niya, nadatnan ni Ellie si Kyo sa mini bar, halos maubos ang isang bote ng alak. Mabigat ang buntong-hiningang nilapitan niya ang lalaki.“Kyo,” tawag niya, sabay tapik sa