Mag-log in"What did you say? You want to marry a crippled? Nakakatawa ka naman talaga, Mia." Hindi makapaniwalang tanong ni Sandro ngunit halong pang-iinsulto.
"Anak, you're 25 years old and your ninong is 38 years old old. Baka naman naguguluhan ka lang?" Pati ba naman si Dad ay duda sa pagpili ko? "Mia, sinasabi mo lang 'yan para kunin ang atensyon ni Sandro. Wala ka na ba talagang ibang maisip?" dagdag pa ni Ellie. Hayts, ang gulo naman nila sa isipan po. Hindi ko na mga pinili si Sandro pero 'yon pa rin ang inisiip nila. "Alam namin kung gaano mo ako kamahal. Pwede ba Mia, huwag mo naman kukunin ang atensyon ko para lang habulin kita?! Sinasayang mo lang naman ang oras, eh! Nakakainsulto ka na talaga sa akin!" biglang hinawakan ni Sandro ang braso ko. Mahigpit at kita ko mata niya ang pang gigigil niya sa akin. "Ito tatandaan mo, wala akong pakialam sa 'yo. Kaya huwag mo akong pipilitin sa kasal maliwanag? Isa ka lang tabatchoy na walang alam gawin sa buhay kundi ang kumain nang kumain," dagdag pa niyang may mariin na boses. Saglit akong napangisi. Hinablot ko ang braso ko mula sa kamay niya. Nabitawan niya ako pero ang titig niya para sa akin ay malalim pa rin. Inilibot ko ang paningin ko sa lahat. "I'm sure, ito na po ang huli kong disisyon. Gusto ko long pakasalan si Ninong Darren. Handa kong ibigay ang lahat at gawin para sa kaniya." Matamis akong napangiti at may lakas ng loob. Muling tumama ang paningin namin ni Ninong Darren. Sa pagkakataong ito hindi ko na naramdaman ang pagiging malamig niya sa akin. Pero hindi ko pa rin mabasa kung ano ang laman ng isip niya. Bahala na, basta gagawin ko ang lahat para pumayag siyang magpakasal sa akin. Sa nakaraang buhay ko. Tanging si Ninong Darren lang ang nanatili sa tabi ko. Siya lang ang tumulong sa akin ng mawala ang ari-arian ng pamilya ko. Pero ngayon sisiguraduhin kong walang mawawala sa akin. "What?! Hey, huwag kayo maniwala sa sinasabi niya! She's talking like that to seek attention, tsk!" Muling sigaw ni Sandro. Matigas din ang ulo niya. Ngayon pinipilit niyang gusto ko lang kunin ang atensyon niya? Ang galing naman ng elusyon niya. "Dad, buo na po ang loob ko na si Ninong Darren ang pakakasalan ko. Siya po ang gusto kong makasama habang buhay. Kaya pwede po bang pumayag na kayo sa gusto ko? Please Daddy..." Nagawa ko ang magpa-cute, just to make sure na papayag si Daddy. Ngunit ng akmang magsasalita na sana si Dad. Biglang hinawakan ni Sandro ang Braso ko. "Tabatchoy, talaga bang gusto mong magpakasal sa isang lumpo?!" sabay turo niya kay Ninong. Dahilan na tumilapon muli ang paningin ko kay Ninong. Base sa titig ni Ninong. Tila gusto niya rin siguraduhin ang sagot ko. "Isa lang siyang lumpo, hindi nga makatayo sa sarili niyang mga paa. Hindi mo ba naisip na pabigat ka na nga magdadagdag ka pa sa sarili mo ng isa pang pabigat?!" sabay ngisi niya. Ang lakas niyang mang-insulto. Nakakabwisit ang bunganga niya. "Sandro, bakit ngayon parang ikaw naman yata ang gustong idiin ang sarili mo para sa akin? Uulitin ko, buo na ang desisyon ko at wala kang pakialam sa bagay na 'yon. Magpapakasal ako kay Ninong Darren. Kaya naman dapat maging masaya ka na dahil sa wakas malaya na rin kayong magpakasal dalawa ni Ellie. 'Di ba 'yon ang gusto mo? Kaya umalis ka na dito at lumapit sa kaniya. Baka mamaya umiyak na naman siya, sisisihin mo pa ako, tsk!" lakas loob kong pagtataray sa kaniya. Natahimik na lamang si Sandro. "Mia, I know you hate me. Pero hindi mo naman kailangan gamitin si Darren, para agawin sa akin si Sandro," mahinang boses na singit ni Ellie. Nagawa talaga niyang mag-arte. "Yeah, Ellie is right. Huwag na huwag mong gagamitin si Darren laban sa akin. Kahit na anong gawin mo hindi ako magkakagusto sa tulad mo. That's why, itigil mo na nga ang acting mo dahil walang maniniwala sa 'yo, Mia!" Muli na naman nanlisik ang mga mata ni Darren. Wala akong ibang magawa kundi ang mapabuntong hininga. Ang gulo talaga nilang dalawa sa isipan ko. Sumasagot na nga ako ng tamang gusto ko, kokontra na naman sila. "Pwede ba, tanggapin niyo na lang ang desisyon ko. Ikaw Ellie, huwag ka nga magpanggap na mabait at kaawa-awa diyan. Gustong-gusto mo si Sandro, 'di ba? Kaya ngayon pinapaubaya ko na siya sa 'yo. Huwag mong pipilitin na kinukuha ko lang ang atensyon ni Sandro." Sa inis ko baka mamaya masaktan ko na itong si Ellie. Saglit siyang napayuko. Nang i-angat niya ang ulo niya ay tumutulo na naman ang luha niya. "Wala akong ginagawang ah, nagsasabi lang ako ng totoo," aniya ko agad. Lumapit si Sandro sa kaniya at agad din na yumakap si Ellie kay Sandro. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Hindi na nga siya bata tapos nagdadrama pa ng ganyan? Nagpipigil ng galit si Sandro sa akin. Hay naku! "Sandro, masama ba ako? Bakit ganyan siya makapagsalita sa akin? Wala naman akong ginawang mali 'di ba? Nag-aalala lang naman ako para sa pamilya natin," sabay hikbi niya. Napasinghap na lang ako. "Mia! Ang sama mo talaga! Wala ka ng ginawa kundi saktan si Ellie kahit alam mo naman na nag-aalala lang siya para sa pamilya natin! Ngayon, pinaiyak mo siya kaya humingi ka ng tawad sa kaniya!" Gulat na gulat na nanlaki ang mga mata ko sabay turo ko sa sarili ko. "Ano? Ako hihingi ng tawad? Wow! Umiyak lang naman siya dahil gusto niya. Hindi dahil sinaktan ko siya, kaya ayaw ko nga, no!" pagtataray ko. Umigting ang panga niya, umangat ang kamay niya, mukhang sasampalin niya ako. "Enough! Don't hurt my wife!" isang malakas na boses. Boses ni Ninong Darren. Lahat kami ay nagulat. Natigilan si Sandro at sabay kaming napatingin kay Ninong. Dahan-dahan niyang pinagalaw ang wheelchair niya upang lumapit sa amin. "I claims her as my wife. So from now on, no one can touch her except me!" Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Samantalang seryoso at nanlilisik naman ang paningin niya para kay Sandro."Wait, how did you cook this one?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at hindi makapaniwala. Sinasabi ko na nga ba at magugustuhan niya rin. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagpadala sa negatibo kong inisip kanina. "Simple lang naman ang pagluto ko niyan Ninong. Ituturo ko po sa 'yo kapag may oras ka," mahinahon kong wika. Ngunit hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. Sino nga ba ang hindi matutuwa? Imagine, for the first time nabago ko ang itsura ng isang malamig at nakakatakot kong Ninong. Napansin ko ang mga katulong na nagbulong-bulongan. Kita naman sa mga mukha nila na pati sila ay hindi makapaniwala sa nangyari. Syempre dahil ito ang unang beses na makita nilang masaya ang boss nila. Nakakatuwang pagmasdan si Ninong. Para siyang bata na mabilis kumain. Tanging tango na nga lang ang naging sagot niya sa akin. Dahil naka-focus siyang kumain. "Ninong, hinay-hinay lang po. Sige ka, baka mamaya ay mabulunan ka," pagbibiro ko sa kaniya. "This is my first time
Hindi na ako nagulat sa mga taong sumalubong sa amin ni Ninong Darren sa bahay niya dahil nangyari na ito dati sa huling buhay ko. Nang makapasok kami, iniwan ako ni Ninong sa mga katulong. Ang cold niya pero ayos lang sa akin. "Excuse Me Ma'am, ituturo po namin sa 'yo ang magiging kwarto mo." Maaliwalas ang mukha ng Yaya na sinabi ito. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya nakangiti akong tumango bilang sagot ko. Sumabay ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa malaking pintuan. Nakaramdam ako ng excitement dahil alam ko na ang kwartong ito ay hindi basta-basta. Sa wakas magiging akin ang magandang kwarto na 'to! "Ma'am, ito na po ang magiging kwarto mo mula po ngayon," sabay bukas niya sa pintuan. Kahit paano ay nagulat pa rin ako dahil sa labis na ganda, kinang, laki at lawak ng silid. I really love it! "Bilin po sa amin ni Sir na kailangan mo po muna ang magpahinga. Kaya iiwanan ka po muna namin. Kung may kailangan ka po o katanungan tawagan niyo po kami," saba
OMG! Hindi ako makapaniwala na ipagtatanggol ako ni Ninong sa gitna ng pamilya ko. Pero infairness, ang sarap sa pakiramdam, like ' You are my hero Ninong Darren!' "What?! Isang malakas na sigaw ni Sandro. Sa pagkakataong ito, mukhang gusto niya pa rin tumutol sa desisyon ko. Si Ninong na nga ang nagtanggol sa akin tapos magiging ganyan pa si Sandro? "Are you crazy Darren? Tingnan mo nga ang sarili mo, nasa wheelchair ka lang at walang magawa kundi ang umupo. Talaga bang isang pabigat pa ang gusto mong makasama, huh? Kahit mas matanda ka pa sa akin hindi ako papayag na binabastos mo ako sa harap ng maraming tao!" Nakakabwisit talaga ang Sandro na 'to. Mukha ba siyang tanga? Siya na nga itong nang gugulo siya pa may ganang magsalita ng ganyan kay Ninong?! "Huwag mo nga pagsabihan ng ganyan si Ninong Darren." Humakbang ako ng ilang beses upang humarang sa harapan ni Darren. 'I will do everything just to protect my Ninong Darren.' "Pwede ba Sandro, huwag ka nga masyadong magulo.
"What did you say? You want to marry a crippled? Nakakatawa ka naman talaga, Mia." Hindi makapaniwalang tanong ni Sandro ngunit halong pang-iinsulto. "Anak, you're 25 years old and your ninong is 38 years old old. Baka naman naguguluhan ka lang?" Pati ba naman si Dad ay duda sa pagpili ko? "Mia, sinasabi mo lang 'yan para kunin ang atensyon ni Sandro. Wala ka na ba talagang ibang maisip?" dagdag pa ni Ellie. Hayts, ang gulo naman nila sa isipan po. Hindi ko na mga pinili si Sandro pero 'yon pa rin ang inisiip nila. "Alam namin kung gaano mo ako kamahal. Pwede ba Mia, huwag mo naman kukunin ang atensyon ko para lang habulin kita?! Sinasayang mo lang naman ang oras, eh! Nakakainsulto ka na talaga sa akin!" biglang hinawakan ni Sandro ang braso ko. Mahigpit at kita ko mata niya ang pang gigigil niya sa akin. "Ito tatandaan mo, wala akong pakialam sa 'yo. Kaya huwag mo akong pipilitin sa kasal maliwanag? Isa ka lang tabatchoy na walang alam gawin sa buhay kundi ang kumain nang kuma
MIA POINT OF VIEW I thought I was died! Pero ngayon nagising akong nakatayo sa harap ng tatlong pamilya. Saktong-sakto sa araw kung kailan ako pumili ng asawa. Ibig-sabihin muli akong nabuhay! Sa unang buhay ko pinili ko ang lalaking mahal ko. Pero sa huli siya lang ang sumira sa pamilya ko at buhay ko. Kaya sa bagong buhay na 'to, pipiliin ko na ang tamang landas para sa kagandahan ng buhay ng lahat. Nasa gitna ako ng meeting ng pamilya. Ito ang oras para pumili ako ng lalaking pakakasalan ko. "Dad, talaga bang kailangan pa ng ganito? Nagsasayang lang naman tayo ng oras, eh. Alam naman nating lahat na ako ang pipiliin ni Mia. Matagal na niya akong gusto mula pa noong mga bata pa kami. Kaya hindi na kailangan pa na tanungin pa siya." Mula sa hindi kalayuan rinig na rinig ko itong wika ni Sandro. Sekretong napakuyom ang kamao ko. Masyado siyang hambog para sa sarili niya. "Sandro, kahit na alam ng lahat na ikaw ang pipiliin ni Mia. Kailangan pa rin na maging pormal kaya umayo







