로그인Hindi na ako nagulat sa mga taong sumalubong sa amin ni Ninong Darren sa bahay niya dahil nangyari na ito dati sa huling buhay ko.
Nang makapasok kami, iniwan ako ni Ninong sa mga katulong. Ang cold niya pero ayos lang sa akin. "Excuse Me Ma'am, ituturo po namin sa 'yo ang magiging kwarto mo." Maaliwalas ang mukha ng Yaya na sinabi ito. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya nakangiti akong tumango bilang sagot ko. Sumabay ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa malaking pintuan. Nakaramdam ako ng excitement dahil alam ko na ang kwartong ito ay hindi basta-basta. Sa wakas magiging akin ang magandang kwarto na 'to! "Ma'am, ito na po ang magiging kwarto mo mula po ngayon," sabay bukas niya sa pintuan. Kahit paano ay nagulat pa rin ako dahil sa labis na ganda, kinang, laki at lawak ng silid. I really love it! "Bilin po sa amin ni Sir na kailangan mo po muna ang magpahinga. Kaya iiwanan ka po muna namin. Kung may kailangan ka po o katanungan tawagan niyo po kami," sabay ngiti niya. Base sa hitsura niya nasa 50 years old pataas na ang edad niya. Wala akong ibang sagot kundi ang pagtango habang nakangiti. Maayos kong isinara ang ang pintuan matapos siyang makalabas ng kwarto. Sa puntong ito, wala akong ibang ginawa kundi ang libutin ang buong silid. Napapatango na lang ako dahil sa ganda. Kumpara sa bahay namin mas malaki pa rin ang bahay ni Ninong kahit nag-iisa lang siya dito. Ngunit sa ilang saglit kong paglalakad. Nakaramdam ako ng pagkabagot. Pumasok sa isip ko na hindi pwedeng wala akong gawin ngayon. Hindi ako pagod kaya hindi ko kailangan magpahinga. Mabuti pa umpisahan ko na na makuha si Ninong. 'Tama! Uunahin ko na sa paggawa ng pagkain!' Muli akong lumabas sa kwarto. Sa lawak ng bahay baka maligaw ako. Mabuti na lang sa huling buhay ko nakapasok na ako dito. --- Nakarating ako sa kusina. Busy ang mga Yaya sa pagluluto, pero kahit na gano'n ay ginawa ko pa rin agawin ang pagluluto nila. "Ma'am, ang sabi po ni Sir, magpahinga ka po. Baka kami po mamaya ang malintikan kapag makita ka po niya rito." Kita ko ang pag-aalala ng tagapagluto. "Ano ba kayo, huwag kayo mag-aalala. Ako ang magiging asawa ng Sir niyo kaya dapat ngayon pa lang ako na ang gagawa ng pagkain niya. Kaya naman hayaan niyo na ako at ako na ang bahala sa lahat, okay?" kalmado ngunit may ngiti pa rin sa labi ko. Sinubukan pa nila akong pigilan pero dahil matigas ang ulo ko hindi ako pumayag. Hanggang sa tuluyan na silang sumuko sa akin. Kaso nga lang hindi nila ako iniwan. Imbis na bigyan pa sila ng atensyon. Mas inuna ko na lang na pasarapin ang niluluto kong sardinas na may halong itlog at kamatis. Alam ko na hindi ito ang kinakain ng karamihan sa mga mayayaman. Pero alam ko rin na sa unang tikim ni Ninong, magugustuhan niya ang pagkain na ito. Sana nga lang, para plus point agad ako sa kaniya. Kita ko sa mga mukha ng mga yaya ang labis na pag-aalala. Ngunit, matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Nang matapos ako, agad ko itong hinain sa mesa. "What are you doing?" Malamig pa kung ikukumpara sa yelo ang boses na ito -- si Ninong. "Ahm Sir, kasalanan ko po hindi ko po siya napigilan." "Sir, pasensya na po kasalan ko rin po." "Hindi po Sir, mas kasalanan ko po. Huwag niyo po sana silang parusahan." Natigilan na lang ako dahil hindi ko akalain na ganito sila matakot kay Ninong. Kung sa bagay nakakatakot naman talaga si Ninong kahit titig pa lang niya. Pero hindi ako papayag na palaging ganito. Dapat mawala sa isip nila ang takot at mahalin nila si Ninong bilang Sir nila. Dali-dali akong lumapit kay Ninong. "Ninong, chill ka lang. Wala naman silang ginawang masama. Ako mismo ang umagaw sa trabaho nila. Gusto ko kasi gawin ang pagiging asawa ko sa 'yo. Kaya sa simpleng pagluluto gusto kong gawin para sa 'yo." Syempre hindi ko inalis sa mukha ko ang pagiging maaliwalas. Napansin ko ang paggalaw ng adams apple ni Ninong. Ayan! I'm sure hindi na siya magagalit sa amin! Hindi ko na hinintay pang magsalita si Ninong. Dali-dali kong hinawakan ang wheelchair niya. Sigurado naman ako na hindi siya makakapalag sa akin. Kahit tahimik si Ninong, naramdaman ko na tila ay hindi siya komportable sa ganito. Pero kahit na gano'n gagawin ko pa rin ang lahat para mas mahalin pa niya ako. "What is this?" Agad na kumunot ang noo niya ng makita ang mga niluto ko. "Ninong, huwag ka na magtanong ng ganyan. Ako ang nagluto niyan kaya sigurado akong masasarapan ka. Kain na po." Kahit paano ay kabado ako. Kasi paano kung biglang magbago ang nakaraan? Tapos hindi niya magustuhan ang niluto ko? Huwag naman sana! Nababasa ko sa mukha niya ang pandidiri niya. Halata nga na hindi pa siya nakakain ng sardinas. Ako nga kahit mayaman ako mas gusto ko ang pagkain na kinakain ng mga mahihirap. Kasi masarap silang magluto. "Are you crazy? Ni-hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa pagkain na 'to. Then, kakainin ko? Mia, are you trying to poison me?" Grabe naman siyang makapagbintang sa akin. 'Emotional Damage!' Para patunayan, kumuha ako ng Isnag kutsara. Kumuha ng pagkain at nginuya ito mismo sa harapan niya. "See, kinain ko nga, eh. Nalason ba ako?" taas kilay ko. Napahinga siya nang malalim. Ang arte arte naman ni Ninong. "Ayan kumain ka na rin bago mo i-judge ang niluto ko." Nilagyan ko siya ng sardinas ba may itlog sa plato niya. Umiwas siya ng tingin. Mukha siyang bata na ang hirap pakainin ng simpleng pagkain. Tumutok lang ako sa kaniya nang sa gano'n ay pumayag siyang kumain. Nanlaki ang paningin ko at mas lalo akong nasabik ng hinawakan niya ang kutsara. Kaso nga lang, bakit nanginginig ang kamay niya? Pati ako unti-unting napapanganga ng isusubo na niya ang pagkain sa bibig niya. Hanggang sa nakain niya ito ng tuluyan. Ngunit..."Wait, how did you cook this one?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at hindi makapaniwala. Sinasabi ko na nga ba at magugustuhan niya rin. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagpadala sa negatibo kong inisip kanina. "Simple lang naman ang pagluto ko niyan Ninong. Ituturo ko po sa 'yo kapag may oras ka," mahinahon kong wika. Ngunit hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. Sino nga ba ang hindi matutuwa? Imagine, for the first time nabago ko ang itsura ng isang malamig at nakakatakot kong Ninong. Napansin ko ang mga katulong na nagbulong-bulongan. Kita naman sa mga mukha nila na pati sila ay hindi makapaniwala sa nangyari. Syempre dahil ito ang unang beses na makita nilang masaya ang boss nila. Nakakatuwang pagmasdan si Ninong. Para siyang bata na mabilis kumain. Tanging tango na nga lang ang naging sagot niya sa akin. Dahil naka-focus siyang kumain. "Ninong, hinay-hinay lang po. Sige ka, baka mamaya ay mabulunan ka," pagbibiro ko sa kaniya. "This is my first time
Hindi na ako nagulat sa mga taong sumalubong sa amin ni Ninong Darren sa bahay niya dahil nangyari na ito dati sa huling buhay ko. Nang makapasok kami, iniwan ako ni Ninong sa mga katulong. Ang cold niya pero ayos lang sa akin. "Excuse Me Ma'am, ituturo po namin sa 'yo ang magiging kwarto mo." Maaliwalas ang mukha ng Yaya na sinabi ito. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya nakangiti akong tumango bilang sagot ko. Sumabay ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa malaking pintuan. Nakaramdam ako ng excitement dahil alam ko na ang kwartong ito ay hindi basta-basta. Sa wakas magiging akin ang magandang kwarto na 'to! "Ma'am, ito na po ang magiging kwarto mo mula po ngayon," sabay bukas niya sa pintuan. Kahit paano ay nagulat pa rin ako dahil sa labis na ganda, kinang, laki at lawak ng silid. I really love it! "Bilin po sa amin ni Sir na kailangan mo po muna ang magpahinga. Kaya iiwanan ka po muna namin. Kung may kailangan ka po o katanungan tawagan niyo po kami," saba
OMG! Hindi ako makapaniwala na ipagtatanggol ako ni Ninong sa gitna ng pamilya ko. Pero infairness, ang sarap sa pakiramdam, like ' You are my hero Ninong Darren!' "What?! Isang malakas na sigaw ni Sandro. Sa pagkakataong ito, mukhang gusto niya pa rin tumutol sa desisyon ko. Si Ninong na nga ang nagtanggol sa akin tapos magiging ganyan pa si Sandro? "Are you crazy Darren? Tingnan mo nga ang sarili mo, nasa wheelchair ka lang at walang magawa kundi ang umupo. Talaga bang isang pabigat pa ang gusto mong makasama, huh? Kahit mas matanda ka pa sa akin hindi ako papayag na binabastos mo ako sa harap ng maraming tao!" Nakakabwisit talaga ang Sandro na 'to. Mukha ba siyang tanga? Siya na nga itong nang gugulo siya pa may ganang magsalita ng ganyan kay Ninong?! "Huwag mo nga pagsabihan ng ganyan si Ninong Darren." Humakbang ako ng ilang beses upang humarang sa harapan ni Darren. 'I will do everything just to protect my Ninong Darren.' "Pwede ba Sandro, huwag ka nga masyadong magulo.
"What did you say? You want to marry a crippled? Nakakatawa ka naman talaga, Mia." Hindi makapaniwalang tanong ni Sandro ngunit halong pang-iinsulto. "Anak, you're 25 years old and your ninong is 38 years old old. Baka naman naguguluhan ka lang?" Pati ba naman si Dad ay duda sa pagpili ko? "Mia, sinasabi mo lang 'yan para kunin ang atensyon ni Sandro. Wala ka na ba talagang ibang maisip?" dagdag pa ni Ellie. Hayts, ang gulo naman nila sa isipan po. Hindi ko na mga pinili si Sandro pero 'yon pa rin ang inisiip nila. "Alam namin kung gaano mo ako kamahal. Pwede ba Mia, huwag mo naman kukunin ang atensyon ko para lang habulin kita?! Sinasayang mo lang naman ang oras, eh! Nakakainsulto ka na talaga sa akin!" biglang hinawakan ni Sandro ang braso ko. Mahigpit at kita ko mata niya ang pang gigigil niya sa akin. "Ito tatandaan mo, wala akong pakialam sa 'yo. Kaya huwag mo akong pipilitin sa kasal maliwanag? Isa ka lang tabatchoy na walang alam gawin sa buhay kundi ang kumain nang kuma
MIA POINT OF VIEW I thought I was died! Pero ngayon nagising akong nakatayo sa harap ng tatlong pamilya. Saktong-sakto sa araw kung kailan ako pumili ng asawa. Ibig-sabihin muli akong nabuhay! Sa unang buhay ko pinili ko ang lalaking mahal ko. Pero sa huli siya lang ang sumira sa pamilya ko at buhay ko. Kaya sa bagong buhay na 'to, pipiliin ko na ang tamang landas para sa kagandahan ng buhay ng lahat. Nasa gitna ako ng meeting ng pamilya. Ito ang oras para pumili ako ng lalaking pakakasalan ko. "Dad, talaga bang kailangan pa ng ganito? Nagsasayang lang naman tayo ng oras, eh. Alam naman nating lahat na ako ang pipiliin ni Mia. Matagal na niya akong gusto mula pa noong mga bata pa kami. Kaya hindi na kailangan pa na tanungin pa siya." Mula sa hindi kalayuan rinig na rinig ko itong wika ni Sandro. Sekretong napakuyom ang kamao ko. Masyado siyang hambog para sa sarili niya. "Sandro, kahit na alam ng lahat na ikaw ang pipiliin ni Mia. Kailangan pa rin na maging pormal kaya umayo







