MasukPsyche's POV
May mga pagkakataong hindi mo kailangang mamatay para malaman mong wala ka nang natitirang buhay. Minsan, sapat nang mawala ang mga taong pinaniwalaan mong hindi ka kailanman iiwan. At kung minsan, ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi ang malaman kung sino ang nagtaksil sa iyo. Kundi ang matuklasan kung gaano katagal ka nilang niloko. Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang pagtataksil nina Jack at Vivienne. Limang buwan na rin mula nang magsimula akong maghalungkat tungkol sa nakaraan ng pamilya ko. At sa loob ng limang buwang iyon, mas marami akong natuklasan kaysa sa inaasahan ko. Hindi namatay ang mga magulang ko sa aksidenteng ikinuwento sa akin noon. Hindi rin basta nawala ang pangalan ni Cassian Cuangco sa mga talaan ng pamilya. May mga dokumentong binago. Mga ari-ariang inilipat. Mga kontratang pinirmahan nang hindi ko nalalaman. At sa bawat dokumentong nahuhukay ko, iisa ang pangalang paulit-ulit na lumilitaw. Theodore Cuangco. Ang tiyuhin kong nagpalaki sa akin. Ang lalaking tinawag kong ama sa halos buong buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit wala akong alam tungkol sa tunay kong mga magulang. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko nalaman na may karapatan akong magmana ng isang imperyong hindi naman talaga sa kaniya nagsimula. Pero hindi pa rin iyon ang pinakamalaki kong natuklasan. May hawak akong kopya ng isang lumang dokumentong nagpapatunay na buhay si Cassian Cuangco ilang taon matapos ang sinasabing pagkawala niya. At may isa pang pangalan sa dokumentong iyon. 'Thaniel Orion Sy Razon.' Ang lalaking nakilala ko sa restaurant. "Are you sure about this?" Nakatayo ako sa harap ng malaking babasaging bintana ng opisina habang hawak ang folder. Sa kabilang linya ang investigator na ilang buwan ko nang kinukuha. "Yes, Miss Cuangco. I verified the records. Representatives from both families approved the transaction." "Who signed it?" "There's a signature from the Cuangco side and another from a company associated with the Sy Razon family." "Can you send me the original documents?" "That's going to be difficult." "Why?" Sandaling natahimik ang lalaki. "Because someone has already requested that the documents be destroyed." Nanigas ang katawan ko. "Who?" "Your uncle's office." Napapikit ako. Hindi na ako nagulat. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako nasasaktan. "Send me everything you have. Every name, every date, every transaction." "Miss Cuangco, I need to warn you. You're getting too close." Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. "Then maybe it's time someone finally gets close enough to tell me the truth." Pinatay ko ang tawag. Hindi na ako natatakot na malaman ang katotohanan. Ang kinatatakutan ko na lamang ay baka huli na ang lahat bago ko pa ito matuklasan. "Akala ko ba malinaw na ang sinabi ko sa iyo?" Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. Si Uncle Theodore. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagtalo simula nang magsimula akong magtanong tungkol kina Cassian at Evelyn. "Malinaw naman, Uncle. Ayaw mong pag-usapan ang mga magulang ko." "Because there's nothing to discuss." "Then why are you hiding their records?" Tumayo siya mula sa kaniyang upuan. "Watch your tone, Psyche." "Why? Dahil hindi na ako ang batang basta na lang maniniwala sa lahat ng sasabihin mo?" Matalim ang naging tingin niya. "Everything I did was for this family." "Which family? Yours?" "Don't be foolish." Napahawak ako sa folder na dala ko. "Was I ever your daughter?" Obviously. Hindi. Kaya nga Uncle ang pilit niyang ipinapatawag niya sa akin sa kaniya. Hindi siya sumagot. At sa katahimikang iyon, parang nakuha ko na ang sagot. "Alam ko na ang tungkol sa kasal nina Cassian at Evelyn," pagpapatuloy ko. "Alam ko na rin ang tungkol sa inheritance trust." Biglang nagbago ang ekspresyon niya. "Where did you get that information?" "Does it matter?" "Give me the documents." Umiling ako. "No." "Psyche." "You're not taking anything from me again." Lumapit siya sa mesa at mariing ipinukpok ang palad dito. "You have no idea what you're dealing with." "Then tell me!" Hindi siya kumibo. "Nasaan ang ama ko? Nasaan si Evelyn? Bakit mo itinago ang lahat sa akin?" "Enough!" Napatigil ako ng ilang segundo kaming nagtitigan. At sa unang pagkakataon, hindi ko nakita ang tiyuhin kong nagpalaki sa akin. Ang nakita ko ay isang lalaking takot na takot na mabunyag ang kaniyang mga kasalanan. "Umalis ka sa harap ko," malamig niyang sabi. Tumango ako. "Gladly." Paglabas ko ng opisina, alam kong wala na akong babalikan. Hindi ko na siya kayang tawaging pamilya. Hindi rin naging madali ang tuluyan kong paglayo kay Jack. Matapos kong malaman ang tungkol sa kaniya at kay Vivienne, tuluyan nang nasira ang pagsasama namin. Ang mas masakit, hindi lamang pala sila nagtataksil sa akin. May mga pagkakataon ding ginagamit ni Jack ang pangalan ko at ang mga koneksiyon ng pamilya ko para sa sarili niyang negosyo. At si Vivienne? Siya ang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Pati ang mga sikreto ko. Pati ang mga takot ko. Pati ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin kahit kanino. "You're making a mistake, Psyche." Iyon ang sinabi ni Jack nang ilapag ko sa harap niya ang divorce papers. "Maybe," sagot ko. "But staying married to you would be the biggest one." "You're going to regret this." Tumingin ako sa kaniya. "At least this time, I'll be regretting a decision I made for myself." Hindi na siya nagsalita. Kinuha ko ang panulat at isa-isang pinirmahan ang mga papeles. Limang taon. Limang taon kong pinaniwalaang sapat ang pagmamahal para manatili ang isang tao. Limang taon kong iningatan ang isang pagsasamang matagal na palang wala. At sa araw na iyon, tuluyan ko nang tinapos ang lahat. Akala ko, pagkatapos noon, makakahinga na ako. Pero may mga taong hindi kontento hangga't hindi nila tuluyang napapatahimik ang isang taong nakakaalam ng kanilang mga sikreto. Nagsimula iyon sa mga kakaibang tawag. Mga sasakyang sumusunod sa akin. Mga mensaheng walang pangalan. At mga babalang hindi ko pinansin. Hanggang sa isang gabi, nakatanggap ako ng litrato. Larawan iyon ng isang lumang bahay. Sa likod nito ay may nakasulat: Gusto mo bang malaman kung nasaan ang iyong ama? Kasunod nito ang isang address. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala. Hindi ko rin alam kung bitag ba iyon. Pero nang makita ko ang pangalang nakalagay sa ibaba ng mensahe, hindi ko na napigilan ang sarili kong kumilos. Cassian Cuangco. Kailangan kong malaman kung buhay ba talaga ang ama ko. At kung buhay siya, kailangan ko siyang makita. Kahit isang beses lang. Malakas ang ulan noong gabing iyon. Halos hindi ko makita ang kalsada habang nagmamaneho. Minsan, bumubulag ang ilaw ng mga sasakyang kasalubong ko. Minsan naman, halos hindi na makita ang mga guhit sa kalsada dahil sa tubig na naiipon sa aspalto. Paulit-ulit kong tinitingnan ang address sa cellphone ko. Malapit na ako. Ilang kilometro na lamang. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang tawag mula sa hindi kilalang numero. Sinagot ko iyon gamit ang hands-free. "Hello?" "Psyche." Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Kilala ko ang boses na iyon. "Thaniel?" "Where are you?" "Why?" "Answer me." Napakunot ang noo ko. "How did you get my number?" "Listen to me. Turn around." Natawa ako nang mapait. "Excuse me?" "Don't go to that address." Nanlamig ang batok ko. "How do you know where I'm going?" "Just trust me." Napatingin ako sa madilim na kalsada sa unahan. "Why should I trust you?" Hindi siya agad nakasagot. "Because you're in danger." Bumilis ang tibok ng puso ko. "Thaniel, what do you know?" "Psyche, listen carefully. Don't stop the car. Keep driving toward the main road." Biglang may narinig akong malakas na busina mula sa likuran. Napalingon ako sa rearview mirror. Isang itim na sasakyan ang mabilis na papalapit. "Someone's following me." "I know." Nanlaki ang mga mata ko. "You know?" "Just keep moving!" Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Bakit alam niya ang kinaroroonan ko? Bakit alam niyang may sumusunod sa akin? At bakit parang matagal na niyang hinihintay ang gabing ito? "Thaniel, tell me the truth!" "Psyche—" Biglang may malakas na kalabog mula sa likuran. Nawala ang kontrol ko sa manibela. "Ah!" Umikot ang sasakyan. Nakita ko ang ilaw ng isa pang sasakyang paparating. Pagkatapos noon, isang malakas na impact ang yumanig sa buong katawan ko. Tumama ang ulo ko sa gilid ng bintana. Nabasag ang salamin. At tuluyan akong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako nagising. Ang una kong naramdaman ay sakit. Matinding sakit. May kung anong mainit na likidong dumadaloy mula sa aking noo pababa sa pisngi ko. Hindi ko maigalaw nang maayos ang mga braso ko. Nakatagilid ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Basag ang windshield at nagkalat ang mga bubog sa paligid. Malakas pa rin ang ulan. Sinubukan kong abutin ang cellphone ko. Nasa sahig iyon. Ilang pulgada lamang ang layo sa aking kamay. "Help..." Mahina ang boses ko. Sinubukan kong muli. Ngunit bago ko pa mahawakan ang cellphone, may aninong lumitaw sa labas ng sasakyan. May isang lalaking mabilis na lumapit. Hindi ko agad makita ang mukha niya dahil sa ulan at dugong tumatakip sa paningin ko. "Psyche!" Pamilyar ang boses. Thaniel. Binuksan niya ang p***o at pilit akong inabot. "Stay with me!" "Thaniel..." "Don't move. I'll get you out." Ramdam ko ang kamay niya sa mukha ko. Mainit. Nanginginig. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mga mata ng lalaking palaging mukhang walang kinatatakutan. "Why are you here?" mahinang tanong ko. "Don't talk." "How... did you know?" Hindi siya sumagot. Sa halip, pilit niyang inalis ang nakaharang na bahagi ng sasakyan. Ngunit bago niya ako tuluyang maabot, bigla siyang napahawak sa dibdib. Napangiwi siya. "Thaniel?" Umiling siya. "I'm fine." Pero hindi siya mukhang maayos. Maputla ang kaniyang mukha. Namumuo ang pawis sa kaniyang noo kahit malamig ang ulan. "You're bleeding." "Forget about me." Muli niyang sinubukang abutin ako. "Please, Psyche. Just hold on." May narinig akong paparating na sasakyan. May mga yabag. At pagkatapos, isang boses na hindi ko inasahang maririnig. "Thaniel." Vivienne. Dahan-dahan kong inilipat ang paningin ko sa kaniya. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa amin, hawak ang isang payong. Bakit siya narito? Bakit kasama niya si Thaniel? At bakit hindi man lang siya nagulat nang makita kaming dalawa sa ganitong kalagayan? "Vivienne..." bulong ko. Napatingin siya sa akin. Walang luha sa kaniyang mga mata. Walang gulat. Walang kahit anong bakas ng pag-aalala. "You're still alive." Hindi ko alam kung narinig ko nang tama ang sinabi niya. Pero nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Thaniel. "Get away from here." "You're in no position to give me orders." "Vivienne!" Lumapit siya kay Thaniel. "You're getting weaker. You should stop." Napatitig ako sa kanilang dalawa. May kung anong hindi tama. At sa gitna ng sakit, unti-unting nagsimulang magdugtong-dugtong ang mga bagay na matagal kong hindi maintindihan. Ang kakaibang kilos ni Vivienne. Ang mga babala. Ang mga taong sumusunod sa akin. Ang pagkawala ng mga dokumento. "Ikaw..." mahinang sabi ko. Napatingin siya sa akin. "Ikaw gumawagawa nito?" Hindi siya sumagot. Ngunit hindi rin niya itinanggi. "Why?" Bahagya siyang ngumiti. "Because you should have stayed out of things that didn't concern you." Napapikit ako. Sa wakas, narinig ko rin ang sagot. Hindi lamang pagtataksil ang ginawa nila sa akin. Gusto nila akong patahimikin. "Where is my father?" pilit kong tanong. Hindi nawala ang ngiti ni Vivienne. "That's something you'll never find out." Muling sumubok si Thaniel na abutin ako. Pero tuluyan na siyang napaluhod. "Thaniel!" Nakita kong nahirapan siyang huminga. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ang alam ko lamang, ang lalaking nasa harap ko ay pilit pa ring lumalaban para maabot ako. "Don't..." mahinang sabi niya. Hindi ko maintindihan ang kaniyang mga salita. "Don't give up." May luhang tumulo mula sa gilid ng aking mata. "Why are you saving me?" Tumingin siya sa akin. Marami siyang gustong sabihin. Nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata. Pero walang lumabas sa kaniyang bibig. At bago pa niya ako tuluyang maabot, bumagsak ang kaniyang katawan sa basang kalsada. "Thaniel!" Sinubukan kong sumigaw. Ngunit halos wala nang lumabas na boses sa akin. Muling dumilim ang paningin ko. Naririnig ko pa rin ang ulan. Ang yabag ni Vivienne. At ang malayong tunog ng sirena. Sa huling pagkakataon, sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko. Pero wala na akong lakas. Unti-unting bumibigat ang aking mga talukap. At sa gitna ng lahat ng sakit, iisa lamang ang pumasok sa isip ko. Hindi ko man lang nalaman kung sino talaga ako. Hindi ko nalaman kung nasaan ang aking ama. Hindi ko nalaman kung bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan. Hindi ko nalaman kung ano ang tunay na papel ni Thaniel sa lahat ng ito. At hindi ko man lang nagawang mabuhay nang hindi napapalibutan ng kasinungalingan. Kung may isa mang bagay na nais kong hilingin, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong itama ang lahat. Isang pagkakataon lamang. Para hindi na ako maging biktima. Para hindi na ako basta magtiwala. Para maipaglaban ko ang buhay na ipinagkait sa akin. Kung may makaririnig man sa hiling ko... Bigyan ninyo ako ng isa pang pagkakataon. Pagkatapos noon, tuluyan nang naglaho ang lahat. Walang ulan. Walang sakit. Walang ingay ng mga sasakyan. Wala ring amoy ng dugo. Tanging katahimikan. Hanggang sa may maramdaman akong malamig na hangin sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame. Pamilyar na kurtina. Ang chandelier na ilang taon ko nang hindi nakikita. Napakunot ang noo ko. Nasaan ako? Bakit hindi na ako nasa ospital? Sinubukan kong bumangon. "Aray!" Napahawak ako sa dibdib. Pero wala akong naramdamang sugat. Wala ring benda sa ulo ko. Mabilis kong hinaplos ang mukha at mga braso ko. Walang dugo. Walang pasa. Walang kahit anong bakas ng aksidente. Ano'ng nangyari? Napalingon ako sa bedside table. Nandoon ang cellphone ko. Isang lumang modelo na matagal ko nang pinalitan. Dahan-dahan ko itong kinuha. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang screen. At nang makita ko ang petsa, tuluyan akong natigilan. November 5, 2021. Hindi. Imposible. Muli kong tiningnan ang petsa. Paulit-ulit. Hanggang sa mapansin ko ang edad na nakalagay sa aking profile. 25 years old. Nalaglag ang cellphone sa kama. Hindi ako makapaniwala. Limang taon. Limang taon akong bumalik sa nakaraan. Bago ang pagtataksil ni Jack. Bago ko nalaman ang tungkol sa mga magulang ko. Bago ako mamatay. Napahawak ako sa bibig ko. "Is this... real?" Mabilis akong bumangon at tumakbo papunta sa salamin. Ang babaeng nakatingin sa akin ay ako. Pero más bata. Walang bakas ng mga taon ng pagod, sakit, at pagkawasak sa mukha ko. Nanginig ang mga labi ko. Bumalik ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit. Pero binigyan ako ng pagkakataon. Isang pagkakataong hindi ko na hahayaang masayang. Bigla kong napansin ang isang bagay sa ibabaw ng kama. Isang maliit na palawit. Ang pendant na minsang ibinigay sa akin ni Evelyn. Ang pendant na nawala noong gabing namatay ako. Dahan-dahan ko itong kinuha. Malamig ang metal sa palad ko. Ngunit nang isara ko ang kamay ko sa paligid nito, bahagya itong uminit. Napaatras ako. Hindi ko alam kung panaginip ba ang lahat. Hindi ko alam kung may kinalaman ang palawit sa pagbabalik ko. Ang alam ko lamang ay buhay ako. At sa pagkakataong ito, hindi na ako ang dating Psyche Cuangco. Hindi na ako ang babaeng madaling lokohin. Hindi na ako ang babaeng magbubulag-bulagan sa harap ng katotohanan. At hindi ko na hahayaang sila ang magdikta kung paano matatapos ang kuwento ko. Muli kong tiningnan ang petsa sa cellphone. November 5, 2021. Limang taon bago ang gabing muntik nang tuluyang kumitil sa buhay ko. Napangiti ako. Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil alam ko na ngayon kung sino ang dapat kong bantayan. Mahigpit kong hinawakan ang pendant. "Let's see..." Tumingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. "Kung sino naman ang unang mawawala sa pagkakataong ito."Psyche's POV Walang pagsidlan ang saya ko noon nang mag-book si Jack ng mesa sa isang mamahaling restaurant—ang mismong lugar kung saan ako nakatayo ngayon. Naaalala ko pa kung paano ako paulit-ulit na tumingin sa salamin bago umalis ng bahay. Ilang beses kong inayos ang buhok ko, sinuri ang make-up, at tiniyak na maganda ang itsura ko. Gusto kong maging maganda para sa kaniya. At ngayong nakatayo ako sa parehong lugar, isang bagay ang napagtanto ko. Maganda naman pala talaga ako noong gabing iyon. Hindi ko lang iyon nakita dahil masyado akong abala sa pag-aalala kung magugustuhan ba ni Jack ang itsura ko. Kung noon ay emerald green ang suot kong damit, ngayon ay purong itim ang pinili ko. Simple ngunit elegante. Naka-low bun ang buhok ko. Bahagyang nakalabas ang ilang hibla sa gilid ng mukha ko. Wala akong suot na alahas maliban sa maliit na hikaw. Wala akong kailangang patunayan sa gabing ito. Lalo na sa kaniya. "Ma'am, your table is ready." Napalingon ako sa w
Psyche's POV Mabilis akong lumabas ng aking silid at dumiretso sa hardin. Kung dalawampu't lima na ako ngayon, siguradong narito pa si Coco. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko siyang masayang tumatakbo palapit sa akin. Agad akong yumuko at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Coco!" Napaupo ako sa damuhan habang masayang pumapalibot sa akin ang alaga kong aso. "Na-miss mo ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya. "Ako, sobrang na-miss kita!" Umungol siya at inilabas ang dila bago dinilaan ang pisngi ko. Napatawa ako at pinunasan ang basang marka na iniwan niya sa pisngi ko. "Coco! Wala ka pa ring pinagbago." Pero hindi ko siya binitawan. Sa loob ng limang taon sa nakaraang buhay ko, hindi ko na maalala kung kailan ako nagkaroon ng ganitong kapayapang sandali kasama siya. Masyado akong naging abala sa paghahanap ng katotohanan, pagharap sa mga kasinungalingan, at pag-aayos ng mga bagay na unti-unting gumuho sa paligid ko. Hindi ko
Psyche's POV May mga pagkakataong hindi mo kailangang mamatay para malaman mong wala ka nang natitirang buhay. Minsan, sapat nang mawala ang mga taong pinaniwalaan mong hindi ka kailanman iiwan. At kung minsan, ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi ang malaman kung sino ang nagtaksil sa iyo. Kundi ang matuklasan kung gaano katagal ka nilang niloko. Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang pagtataksil nina Jack at Vivienne. Limang buwan na rin mula nang magsimula akong maghalungkat tungkol sa nakaraan ng pamilya ko. At sa loob ng limang buwang iyon, mas marami akong natuklasan kaysa sa inaasahan ko. Hindi namatay ang mga magulang ko sa aksidenteng ikinuwento sa akin noon. Hindi rin basta nawala ang pangalan ni Cassian Cuangco sa mga talaan ng pamilya. May mga dokumentong binago. Mga ari-ariang inilipat. Mga kontratang pinirmahan nang hindi ko nalalaman. At sa bawat dokumentong nahuhukay ko, iisa ang pangalang paulit-ulit na lumilitaw. Theodo
Psyche's POV "Buhay ang iyong ama, Psyche." Ilang beses kong binasa ang pangungusap na iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa liham. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko nang sinubukang intindihin ang bawat salitang nakasulat doon. Buhay ang aking ama. Cassian Cuangco. Ang lalaking hindi ko man lang nakilalang tunay kong ama. Kung buhay siya, nasaan siya? Bakit hindi niya ako hinanap? At bakit kailangan akong ilayo sa mga taong gustong angkinin ang lahat ng para sa akin? Muli kong tiningnan ang pirma sa ibaba ng liham. Hindi ko alam kung kanino ito nanggaling. Hindi ko rin alam kung paano ito napunta sa lumang kahon na iyon. Pero hindi na mahalaga kung paano. May kailangan akong gawin. Hindi ako maaaring manatili na lamang dito, naghihintay na may ibang magbigay sa akin ng mga sagot na matagal nang ipinagkait sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang kakilala kong dating tumutulong sa pag-aayos ng mga legal na dokumento ng pamilya.
Psyche's POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit na umikot sa isip ko ang mga salitang narinig ko kagabi. May mga taong hindi dapat ginugulo. Sino sila? At bakit parang alam nila ang bawat galaw ko? Alas-sais pa lamang ng umaga nang bumangon ako. Hindi ko na hinintay na magising ang buong bahay. Nagbihis ako, kinuha ang litrato nina Evelyn at Cassian, at inilagay iyon sa loob ng bag ko. May kailangan akong puntahan. Kung may isang lugar na maaaring magbigay sa akin ng sagot, iyon ay ang lumang archive ng pamilyang Cuangco. Ilang beses ko na iyong napuntahan noong mas bata pa ako, pero hindi ko kailanman pinansin ang mga dokumentong naroon. Noon, wala akong dahilan para pagdudahan ang sarili kong pamilya. Ngayon, halos lahat ng bagay ay may dahilan para kuwestiyunin. "Ma'am Psyche, hindi po ba kayo mag-aalmusal?" Napalingon ako kay Aling Rosa habang palabas ng kusina. "May kailangan lang akong asikasuhin." "Si Sir Theodore po ba ang kasama ninyo?" Saglit akong na
Psyche’s POV Hindi ako umuwi sa bahay namin ni Jack. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ang una kong naisip ay ang bahay ni Vivienne, pero agad ko ring ibinasura ang ideyang iyon. Wala na akong dahilan para puntahan siya, at wala na rin akong dahilan para makinig sa paliwanag ng lalaking hindi man lang nagawang humingi ng tawad. Kaya sa halip na umuwi, nagmaneho ako papunta sa bahay ng tiyuhin kong si Theodore. Siya ang nagpalaki sa akin, ang tumayong ama ko simula pagkabata, at ang taong palagi kong nilalapitan tuwing pakiramdam ko ay wala na akong ibang malalapitan. Ngayong araw, kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan — sa sandaling ito ay wala pa akong kahit anong hinala na ang mismong taong pupuntahan ko ay may itinatagong lihim na magbabago sa buong buhay ko. “Anong nangyari sa iyo?” Iyon agad ang bungad ni Uncle Theodore nang makita niya akong nakatayo sa sala. Si Uncle Theodore ang kinalakhan kong ama. Hindi ko alam kung halat







