로그인Psyche's POV
"Buhay ang iyong ama, Psyche." Ilang beses kong binasa ang pangungusap na iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa liham. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko nang sinubukang intindihin ang bawat salitang nakasulat doon. Buhay ang aking ama. Cassian Cuangco. Ang lalaking hindi ko man lang nakilalang tunay kong ama. Kung buhay siya, nasaan siya? Bakit hindi niya ako hinanap? At bakit kailangan akong ilayo sa mga taong gustong angkinin ang lahat ng para sa akin? Muli kong tiningnan ang pirma sa ibaba ng liham. Hindi ko alam kung kanino ito nanggaling. Hindi ko rin alam kung paano ito napunta sa lumang kahon na iyon. Pero hindi na mahalaga kung paano. May kailangan akong gawin. Hindi ako maaaring manatili na lamang dito, naghihintay na may ibang magbigay sa akin ng mga sagot na matagal nang ipinagkait sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang kakilala kong dating tumutulong sa pag-aayos ng mga legal na dokumento ng pamilya. "Hello?" "Good morning. It's Psyche Cuangco." "Ma'am Psyche? Good morning po." "I need your help. I want to know everything about Cassian Cuangco." Natahimik siya sa kabilang linya. "Ma'am, may problema po ba?" "Just answer my question. Do you still have access to the old family records?" "Some of them, yes. But I don't think—" "Please. I need to know when he disappeared, what happened to his properties, and whether there are any records of him after that." Mahaba ang naging katahimikan. "Ma'am, I suggest you speak with Sir Theodore first." Napapikit ako. "I already did." "Then perhaps you should—" "Thank you." Pinatay ko ang tawag. Mukhang wala akong aasahang tulong mula sa mga taong konektado sa pamilya ko. Kung gusto kong malaman ang katotohanan, kailangan kong maghanap ng ibang paraan. Alas-diyes ng umaga nang makarating ako sa isang maliit na café sa Makati. Dito ko napagpasyahang makipagkita sa isang pribadong imbestigador na ipinakilala sa akin ng dating abogado ng pamilya. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya, pero sa ngayon, wala akong ibang pagpipilian. "Miss Cuangco?" Napatingin ako sa lalaking lumapit sa mesa ko. "Yes. You're Mr. Dela Cruz?" Tumango siya at umupo sa tapat ko. "I was told you need information about someone." Inilabas ko ang litrato nina Evelyn at Cassian. "These two." Sinuri niya ang larawan. "Who are they?" "My parents." Napatingin siya sa akin. "Your parents?" "That's what I'm trying to confirm." Kinuha niya ang isang maliit na notebook. "Do you have their full names?" "Evelyn Elise Cuangco and Cassian Cuangco." Mabilis siyang nagsulat. "What exactly do you want to know?" "Everything. Their marriage, their properties, their disappearance. Especially my father's whereabouts." "Do you have any reason to believe he's still alive?" Inilabas ko ang liham. "Because someone told me he is." Binasa niya ang sulat. Hindi nagtagal, ibinalik niya iyon sa akin. "Miss Cuangco, this might take time." "I understand." "And it won't be cheap." "I can pay." Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago muling nagsalita. "One more thing. If this involves the Cuangco family, I suggest you be careful about who you tell." Napangiti ako nang walang saya. "Trust me. I've learned that lesson." Hindi ko inaasahang magiging ganoon kabilis ang unang problema ko. Pagkauwi ko, may nakita akong sasakyang nakaparada sa harap ng bahay. Pamilyar ang plaka. Kay Jack. Napabuntong-hininga ako bago bumaba ng sasakyan. Pagpasok ko sa sala, naroon siya kasama si Uncle Theodore. Pareho silang napalingon sa akin. "Finally," sabi ni Jack. Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Uncle Theodore. "Good afternoon, Uncle." "Where have you been?" "Outside." "Without informing anyone?" Napataas ang isang kilay ko. "Do I need permission now?" "Don't be disrespectful, Psyche." Napatawa ako nang mahina. "I'm thirty, and I believe I'm not a prisoner na kailangan naka-report lahat ng galaw—Uncle." Bumaling ang tingin ko sa asawa kong magaling. "Why are you here, Jack?" Tumayo siya at kumapit sa akin. "We need to talk." "About what?" "About us." Napatingin ako kay Uncle Theodore. "Is this why you brought him here?" "He's your husband, Psyche. Whatever problems you have, you should settle them privately." "Privately?" ulit ko. "You mean I should pretend I didn't see him with Vivienne? That I didn't see him fucking her with his finger in his office?" "Enough," mariing sabi ni Jack. "Then tell me something I don't already know." Lumapit siya sa akin. "You're overreacting. It wasn't what you think." Napatingin ako sa kaniya. "Really? Then what was it?" Hindi siya nakasagot. "Because from where I was standing, it looked like my husband was touching another woman." "She's my secretary." "And my best friend." "You're making this bigger than it is." Sandaling natahimik ang buong sala. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Dati, kapag nakikita ko ang lalaking ito, pakiramdam ko ay ligtas ako. Ngayon, hindi ko na alam kung bakit ko siya minahal. "Get out." "Psyche—" "Get out of my house." "Your house?" singit ni Uncle Theodore. "This is a family property." Napalingon ako sa kaniya. "Excuse me?" "You heard me." Hindi ako makapaniwala. Iyon ba talaga ang gusto niyang pag-usapan ngayon? Kanino nakapangalan ang bahay? "Uncle, I'm not in the mood for this." "Then you should learn to control yourself." Wala na akong sinabi. Tumalikod ako at umakyat sa kuwarto. Hindi ko na kailangang marinig pa ang mga paliwanag nila. Pero bago ko tuluyang maisara ang p***o, narinig ko ang boses ni Uncle Theodore. "Jack, make sure she doesn't do anything foolish." Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong lamig na gumapang sa likod ko. Bakit kailangan niyang sabihin iyon kay Jack? At bakit parang hindi na lamang tungkol sa pagsasama naming mag-asawa ang pinag-uusapan nila? Kinagabihan, nakatanggap ako ng mensahe mula sa investigator. —Miss Cuangco, I found something. We need to discuss this in person. Agad akong nag-reply. What did you find? Ilang minuto bago siya sumagot. —Your father's name appears in an old corporate transaction. The documents were transferred to a private archive. I also found a reference to a company connected to the Sy Razon family. Napakunot ang noo ko. Sy Razon? Hindi ko gaanong kilala ang pamilyang iyon, pero pamilyar sa akin ang pangalan. Isa sila sa mga kilalang business dynasties sa bansa. Nag-type ako ng sagot. —Can you send me the details? Agad naman siyang nag-reply. —Not through messages. We should meet. Tiningnan ko ang orasan. Halos alas-dose na ng gabi. —Tomorrow. Send me the location. Ibinaba ko ang cellphone at muling binasa ang mensahe. 'Sy Razon.' Ano ang koneksiyon nila sa pagkawala ng aking ama? At bakit ngayon ko lamang narinig ang tungkol dito? Kinabukasan, maaga akong naghanda. Nagpadala ng address ang investigator. Isang restaurant sa Makati kung saan kami magkikita bago siya umalis para sa isa pang appointment. Pagdating ko roon, agad akong naghanap ng bakanteng mesa. Pero wala siya. Tinawagan ko ang numero niya. Pero hindi siya sumasagot. Maya-maya, may pumasok na mensahe. — I'm sorry, Miss Cuangco. Something came up. I won't be able to meet you today. I'll contact you again. Napabuntong-hininga ako. Seriously? Hindi ko na alam kung malas lang ba talaga ako o may kung anong nangyayari sa lahat ng taong sinusubukan kong kausapin. Nagpasya akong umalis. Ngunit habang naglalakad ako patungo sa exit, may isang lalaking biglang humarang sa daraanan ko. Muntik na akong mabangga. "Careful." Mabilis akong umatras. "I'm sorry." Nang inangat ko ang mukha ko, saka ko lamang napansin kung gaano siya katangkad. Naka-dark suit siya, maayos ang pagkakatali ng necktie, at may ekspresyong hindi madaling basahin. Matulis ang panga. Malamig ang tingin. At sa paraan ng kaniyang pagtayo, halatang hindi siya sanay na may humaharang sa kaniyang daan. "Are you alright?" tanong niya. "Yes. I'm fine." Tumabi siya upang bigyan ako ng daan. Pero bago ako tuluyang makalampas, narinig ko ang isang boses sa likuran niya. "Sir Thaniel, the car is ready." Thaniel. Hindi ko alam kung bakit biglang tumatak sa isip ko ang pangalan. Hindi ko rin alam kung bakit tila may kung anong pamilyar sa kaniyang presensiya. Napatingin siya sa akin. Sandali kaming nagkatitigan. Then he spoke. "Do I know you?" Napakurap ako. "No." Bahagya siyang tumango. "Then have a good evening." Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit napatingin muli ako sa kaniya. May kung anong kakaiba sa lalaking iyon. Hindi ko pa alam kung ano. "Ma'am Psyche?" Napalingon ako sa staff ng restaurant. "Yes?" "May naiwan po kayong envelope sa table ninyo." Napakunot ang noo ko. "Envelope?" Inabot niya iyon sa akin. Walang pangalan ng nagpadala. Binuksan ko iyon. Isang maliit na papel lamang ang laman. —Stop searching for Cassian Cuangco. Naramdaman kong nanlamig ang mga daliri ko. Binaliktad ko ang papel. May isa pang pangungusap sa likod. —The next warning won't be as harmless. Napatingin ako sa paligid. Wala namang kakaiba. Walang sinumang nakatingin sa akin. Pero nang mapadaan ang mga mata ko sa glass door ng restaurant, nakita ko ang lalaking nakasalubong ko kanina. Si Thaniel. Nasa labas siya, nakatayo sa tabi ng kaniyang sasakyan. At nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakatingin. Hindi rin ako sigurado kung nakita niya ang hawak kong papel. Ngunit bago siya tuluyang sumakay, may sinabi siya sa lalaking kasama niya. Isang pangungusap na hindi ko lubos na narinig. "Find out who sent it." Napatigil ako. Sino ang tinutukoy niya? At bakit niya kailangang malaman kung sino ang nagpadala sa akin ng babala? Muli kong tiningnan ang papel. Pagkatapos ay tumingin ako sa kinaroroonan niya. Wala na siya. Mahigpit kong hinawakan ang papel. Hindi ko alam kung kaibigan ba o kalaban ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung may kinalaman siya sa pagkawala ng aking ama o kung nagkataon lamang na nagkita kami sa parehong lugar. Pero may isang bagay akong napagtanto. Hindi na lamang ang pamilya ko ang may alam tungkol sa paghahanap ko kay Cassian. May iba pang nakamasid. At maaaring ang lalaking nagngangalang Thaniel Orion Sy Razon ay may tinatagong katotohanan. Hindi ko pa alam kung bakit siya interesado sa akin. Pero pakiramdam ko, ang pagkikita namin ay hindi basta nagkataon lamang.Psyche's POV Mabilis akong lumabas ng aking silid at dumiretso sa hardin. Kung dalawampu't lima na ako ngayon, siguradong narito pa si Coco. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko siyang masayang tumatakbo palapit sa akin. Agad akong yumuko at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Coco!" Napaupo ako sa damuhan habang masayang pumapalibot sa akin ang alaga kong aso. "Na-miss mo ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya. "Ako, sobrang na-miss kita!" Umungol siya at inilabas ang dila bago dinilaan ang pisngi ko. Napatawa ako at pinunasan ang basang marka na iniwan niya sa pisngi ko. "Coco! Wala ka pa ring pinagbago." Pero hindi ko siya binitawan. Sa loob ng limang taon sa nakaraang buhay ko, hindi ko na maalala kung kailan ako nagkaroon ng ganitong kapayapang sandali kasama siya. Masyado akong naging abala sa paghahanap ng katotohanan, pagharap sa mga kasinungalingan, at pag-aayos ng mga bagay na unti-unting gumuho sa paligid ko. Hindi ko
Psyche's POV May mga pagkakataong hindi mo kailangang mamatay para malaman mong wala ka nang natitirang buhay. Minsan, sapat nang mawala ang mga taong pinaniwalaan mong hindi ka kailanman iiwan. At kung minsan, ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi ang malaman kung sino ang nagtaksil sa iyo. Kundi ang matuklasan kung gaano katagal ka nilang niloko. Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang pagtataksil nina Jack at Vivienne. Limang buwan na rin mula nang magsimula akong maghalungkat tungkol sa nakaraan ng pamilya ko. At sa loob ng limang buwang iyon, mas marami akong natuklasan kaysa sa inaasahan ko. Hindi namatay ang mga magulang ko sa aksidenteng ikinuwento sa akin noon. Hindi rin basta nawala ang pangalan ni Cassian Cuangco sa mga talaan ng pamilya. May mga dokumentong binago. Mga ari-ariang inilipat. Mga kontratang pinirmahan nang hindi ko nalalaman. At sa bawat dokumentong nahuhukay ko, iisa ang pangalang paulit-ulit na lumilitaw. Theodo
Psyche's POV "Buhay ang iyong ama, Psyche." Ilang beses kong binasa ang pangungusap na iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa liham. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko nang sinubukang intindihin ang bawat salitang nakasulat doon. Buhay ang aking ama. Cassian Cuangco. Ang lalaking hindi ko man lang nakilalang tunay kong ama. Kung buhay siya, nasaan siya? Bakit hindi niya ako hinanap? At bakit kailangan akong ilayo sa mga taong gustong angkinin ang lahat ng para sa akin? Muli kong tiningnan ang pirma sa ibaba ng liham. Hindi ko alam kung kanino ito nanggaling. Hindi ko rin alam kung paano ito napunta sa lumang kahon na iyon. Pero hindi na mahalaga kung paano. May kailangan akong gawin. Hindi ako maaaring manatili na lamang dito, naghihintay na may ibang magbigay sa akin ng mga sagot na matagal nang ipinagkait sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang kakilala kong dating tumutulong sa pag-aayos ng mga legal na dokumento ng pamilya.
Psyche's POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit na umikot sa isip ko ang mga salitang narinig ko kagabi. May mga taong hindi dapat ginugulo. Sino sila? At bakit parang alam nila ang bawat galaw ko? Alas-sais pa lamang ng umaga nang bumangon ako. Hindi ko na hinintay na magising ang buong bahay. Nagbihis ako, kinuha ang litrato nina Evelyn at Cassian, at inilagay iyon sa loob ng bag ko. May kailangan akong puntahan. Kung may isang lugar na maaaring magbigay sa akin ng sagot, iyon ay ang lumang archive ng pamilyang Cuangco. Ilang beses ko na iyong napuntahan noong mas bata pa ako, pero hindi ko kailanman pinansin ang mga dokumentong naroon. Noon, wala akong dahilan para pagdudahan ang sarili kong pamilya. Ngayon, halos lahat ng bagay ay may dahilan para kuwestiyunin. "Ma'am Psyche, hindi po ba kayo mag-aalmusal?" Napalingon ako kay Aling Rosa habang palabas ng kusina. "May kailangan lang akong asikasuhin." "Si Sir Theodore po ba ang kasama ninyo?" Saglit akong na
Psyche’s POV Hindi ako umuwi sa bahay namin ni Jack. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ang una kong naisip ay ang bahay ni Vivienne, pero agad ko ring ibinasura ang ideyang iyon. Wala na akong dahilan para puntahan siya, at wala na rin akong dahilan para makinig sa paliwanag ng lalaking hindi man lang nagawang humingi ng tawad. Kaya sa halip na umuwi, nagmaneho ako papunta sa bahay ng tiyuhin kong si Theodore. Siya ang nagpalaki sa akin, ang tumayong ama ko simula pagkabata, at ang taong palagi kong nilalapitan tuwing pakiramdam ko ay wala na akong ibang malalapitan. Ngayong araw, kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan — sa sandaling ito ay wala pa akong kahit anong hinala na ang mismong taong pupuntahan ko ay may itinatagong lihim na magbabago sa buong buhay ko. “Anong nangyari sa iyo?” Iyon agad ang bungad ni Uncle Theodore nang makita niya akong nakatayo sa sala. Si Uncle Theodore ang kinalakhan kong ama. Hindi ko alam kung halata ba s
Psyche’s POV Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng isang pagsasama ay ang matutong mamuhay kasama ang taong minahal mo. Hindi pala. Mas mahirap tanggapin na ang taong pinili mong makasama habambuhay ay siya ring taong kayang sirain ang buhay mo. Mas masakit kapag ang taong inaasahan mong sasalo sa iyo sa oras ng iyong pagbagsak ay siya pa lang ang unang hihila sa iyo pababa. At higit sa lahat, walang mas masakit kaysa malaman na ang taong itinuring mong kapatid ay kayang ngumiti sa harap mo habang palihim na inaagaw ang taong pinakamamahal mo. "Ma'am Psyche?" Napalingon ako sa sekretarya ni Jack na nakatayo sa may pintuan ng conference room. "Yes?" "Sir Jack is still in a meeting. He asked me to inform you that he might be a little late." Bahagya akong ngumiti. "It's alright. I'll wait." Tumango siya bago bumalik sa kaniyang mesa. Tiningnan ko ang paper bag na hawak ko. Nasa loob nito ang paboritong pagkain ni Jack na ipinabili ko pa kanina. Wala namang espesyal na okasyo







