เข้าสู่ระบบCeline Delgado’s POV
Hindi ako nagpadala sa biglaang pagbaba ng boses ni Matthew. Kahit pa ramdam ko ang init ng palad niya sa balikat ko at ang kakaibang bigat sa mga mata niya, nanatili akong tuwid. Sanay na ako sa mga taong sinusubukang takutin ako gamit ang tingin o posisyon. Sa loob ng selda at sa gitna ng riot, walang title o apelyido ang may silbi kung hindi ka marunong mag-isip nang mabilis.
“Hindi mo ako madadala sa ganyan, Matthew,” sabi ko, kalmado pero may diin. “Kahit gaano ka pa kayaman o ka-powerful, hindi mo mapipilit ang taong ayaw na.”
Bahagyang kumunot ang noo niya. “You really think I’m bluffing?”
“I don’t care if you’re bluffing or not.” Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa ekspresyon niya. “Kung gusto mo talaga ng marriage contract, fine. Let’s talk terms.”
Napahinto siya. Unti-unting nawala ’yung intense na aura sa mukha niya at napalitan ng pagtataka. “Terms?”
“Oo.” Lumapit ako sa sofa sa gilid ng opisina bago umupo nang maayos at pinagsalikop ko ang mga kamay sa kandungan ko. “Kung gagawin mo akong asawa sa papel, siguraduhin mong hindi ito katulad ng mga drama sa teleserye. Ayoko ng fake love, ayoko ng public humiliation, at lalong ayoko ng pakikialam sa buhay ko.”
Pinagmasdan niya ako nang matagal, nakatayo pa rin sa gitna ng kwarto habang nakapamulsa ang isang kamay. “You’re acting like a businesswoman all of a sudden, Celine. Where did the desperate girl go?”
“Patay na,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. “I mean… nagising na ako. Hindi na ako ’yung dating naghahabol sa’yo araw-araw.”
Nag-ring bigla ang intercom sa desk niya, pero hindi niya pinansin ’yon. Sa halip, naglakad siya palapit at umupo sa harap ko—sa mismong coffee table sa pagitan namin, bahagyang nakayuko para magpantay kami. “Okay. Let’s hear your conditions. What do you want in this contract?”
“Una,” panimula ko. “Walang pakialamanan sa personal na buhay natin. Kung may gusto kang puntahan o ka-meet, kahit pa si Zoe, bahala ka. Basta huwag mo akong gagamitin para pagtakpan ang mga kalokohan ninyo.”
Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Kalokohan?”
“Pangalawa,” tuloy ko, at hindi ko siya pinansin sa tanong niya. “Walang kaso, walang paninira, at walang kulungan. Kahit anong mangyari sa kasal natin, hindi mo ako ipapahiya sa harap ng media o ng pamilya mo.”
Napatitig siya sa akin, mas seryoso at may halong pagtataka sa mga sinabi ko.. “Bakit mo sinasabi ’yan na parang sigurado kang may mangyayaring masama?”
“Because in business and in life, you always prepare for the worst,” sagot ko, diretso sa mga mata niya. “At pangatlo, may expiration. Kapag natapos na ang agreement, kanya-kanya na tayo. Clean break. Walang habulan.”
Natahimik kami sandali. Tinitigan niya ako na parang gusto niyang malaman kung nagbibiro lang ba ako o seryoso talaga.
“Three conditions,” ulit niya, marahan. “And what do I get out of this?”
“Peace of mind,” sagot ko agad. “Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako gagawa ng eksena para makuha ang atensyon mo. At higit sa lahat, hindi ko gagamitin ang anumang sikreto laban sa ’yo o sa pamilya mo.”
Sa sinabi kong iyon, bahagyang nag-iba ang ekspresyon ng mata niya. Halatang tumama sa kanya ang pagbanggit ko sa pamilya niya—lalo na’t alam ko ang tungkol sa nakababatang kapatid niyang si Sophia. Pero pinili kong huwag munang magsalita tungkol doon. Hindi pa ito ang tamang oras.
Tumayo siya at naglakad papunta sa floor-to-ceiling window, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa ibaba. “You’re playing a dangerous game, Celine.”
“Hindi ako naglalaro, Matthew. Alam ko ang ginagawa ko.”
Humarap siya ulit sa akin, may bahagyang ngiti sa labi niya, na para bang nakarinig siya ng isang interesting na balita. “Fine. I’ll have Atty. Reyes drafted the contract with your conditions. Pero may isa akong kondisyon.”
Napakunot ang noo ko. “Ano na naman?”
“You stay,” sabi niya, diretso at walang paligoy-ligoy. “Under my roof. Until I figure out what’s going on with you.”
Napatigil ako. “Ano?”
“No running away, Celine,” dagdag niya, humahakbang palapit nang may pilyong ngiti. “Kung gusto mo ng clean break, earn it first. Show me this ‘new’ Celine you’re talking about.”
Bago pa ako makasagot, may narinig akong mahinang katok sa p***o bago ito bumukas. Sumilip ang secretary niya. “Sir Matthew, nandito na po si Atty. Martin Reyes at may tumatawag po tungkol kay Miss Sophia.”
Nagkatinginan kami ni Matthew. Sa pagkakataong iyon, alam kong hindi lang kontrata ang magiging problema namin sa mga susunod na araw.
Celine Delgado’s POV“Sir Matthew, pasok ko na po si Atty. Reyes,” sabi ng secretary, mabilis pero maingat ang boses. “At may urgent call po ulit para sa inyo—tungkol po kay Miss Sophia.”Hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto, pumasok na agad ang isang lalaking naka-three-piece suit at may bitbit na makapal na folder. Sa likod niya, bahagyang nakasilip ang secretary ni Matthew na may hawak na cellphone.Agad na kumunot ang noo ni Matthew. “Give me the phone.”Inabot ng secretary ang device at mabilis na umatras palabas bago isinara ang pinto sa likod niya. Samantala, humakbang palapit ang lawter niya, inaayos ang salamin sa mata habang tinitingnan ako nang may pag-aalinlangan. Halatang nagulat siya nang makita niya akong nakaupo sa sofa at kalmado, nakahalukipkip, at malayo sa babaeng alam niyang laging nagwawala o nagmamakaawa para kay Matthew.“Matthew, I prepared the standard marriage agreement template as requested,” bungad niya habang binubuksan ang folder. “Wala pa rito ang
Celine Delgado’s POVHindi ako nagpadala sa biglaang pagbaba ng boses ni Matthew. Kahit pa ramdam ko ang init ng palad niya sa balikat ko at ang kakaibang bigat sa mga mata niya, nanatili akong tuwid. Sanay na ako sa mga taong sinusubukang takutin ako gamit ang tingin o posisyon. Sa loob ng selda at sa gitna ng riot, walang title o apelyido ang may silbi kung hindi ka marunong mag-isip nang mabilis.“Hindi mo ako madadala sa ganyan, Matthew,” sabi ko, kalmado pero may diin. “Kahit gaano ka pa kayaman o ka-powerful, hindi mo mapipilit ang taong ayaw na.”Bahagyang kumunot ang noo niya. “You really think I’m bluffing?”“I don’t care if you’re bluffing or not.” Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa ekspresyon niya. “Kung gusto mo talaga ng marriage contract, fine. Let’s talk terms.”Napahinto siya. Unti-unting nawala ’yung intense na aura sa mukha niya at napalitan ng pagtataka. “Terms?”“Oo.” Lumapit ako sa sofa sa gilid ng opisina
Celine Delgado’s POV“Pwede ba, Matthew? Tigilan mo na ’ko. Tapos na tayo. Ayoko na at wala na akong planong ituloy pa ang kung anong meron tayo. Mahirap bang intindihin ‘yon?” Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero lalo lang hinigpitan ni Matthew ang hawak sa pulso ko. “Bitawan mo nga ako,” sabi ko, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses kahit medyo umiinit na ang ulo ko.Hindi siya kumilos. Tinitigan niya lang ako na parang sinusubukan niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Sa malapitan, mas halata ang matatalim niyang mata at ang bahagyang kunot ng noo niya. Sanay siguro siyang lagi lang akong sumusunod at pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Hindi niya inasahang kaya kong tumanggi sa kanya.Bago pa ako makapagsalita ulit, may narinig kaming papalapit na yabag ng takong. “Matthew? What’s going on?” tanong ng boses na halatang nagpapa-sweet.Napalingon agad kami kung saan galing ang boses. Dumating si Zoe Villavicencio, bitbit ang puting wedding dress na dapat
Chapter 1: Reborn as the VillainessNatasha Elizalde’s POV“Matapos mapatunayang nagkasala ang akusado, si Dra. Natasha Elizalde, sa kasong kapabayaang nagresulta sa pagkamatay ng isang pasyente, gayundin sa paglabag sa mga alituntunin at pamantayang medikal, hinahatulan siya ng hukuman ng labindalawang taong pagkakakulong, alinsunod sa mga probisyon ng batas.”Labindalawang taon akong mabubulok sa kulungan dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Nanigas ang buong katawan ko at nanlamig ang mga kamay ko.“Hindi pwede! Imposible!” Agad akong napalingon sa abogado kong si Atty. Caleb De Leon. Hindi ko mapigilang manginig habang pilit kong pinoproseso ang narinig kong hatol.“Attorney! Akala ko ba mataas ang chance nating manalo? Inosente ako! Frame-up lang ang lahat ng ito!” Desperado kong sigaw. Pilit niya akong pinapakalma.“Dra. Elizalde, please calm down,” mahinang sagot niya habang umiiwas ng tingin.“Calm down? Paano ako kakalma? Alam mong wala akong kinalaman sa mga ilegal na







