Mag-log in"Mama Diana, Papa Edmund, Mariel," sabi ko. "Kay rami ko ng pinagdaanan. Ang gusto ko na lang mangyari ay mamuhay nang payapa at walang galit sa dibdib." Napangiti na lang sila habang maluha-luha si Mama Sandy. Habang nakatingin ako sa hapag na puno ng mga taong mahal ko, naroon ang aking mga magulang noong nakaraan kong buhay at ang pamilya ko sa buhay na ito. Matapos ang napakaraming paghihiwalay at muling pagkikita, pakiramdam ko'y nananaginip lang ako. Parang hindi pa rin totoo ang lahat ng ito. Nagbuhos si Vicento ng kalahating baso ng wine para sa akin. "Ria, ang tagay na ito ay para sa bago mong buhay." Hindi ito para sa muling pagkabuhay. Kundi para sa isang bagong buhay. Dahil sa sandaling ito, tunay na nagsimula ang aking buhay. Itinaas ni Mama Diana ang kanyang baso at nakangiting nagsabi, "Anak, sana matapos na ang lahat ng sakit at lungkot ng nakaraan. At sa bawat darating na taon, nawa'y patuloy na mamukadkad ang mga bulaklak sa iyong buhay." Sumunod namang nagsal
Pagkatapos ng napakaraming pinagdaanan at ilang ulit na pagharap sa bingit ng kamatayan…Halos nalipol na rin ang organisasyong iyon. Nang huli kong makita ang mag-asawang pumunta kay Shaun, kitang-kita kong wala na silang matakbuhan at desperado na sila.Sa totoo lang, unti-unti nang nawala ang galit na matagal kong kinimkim.Kahit na kasuklam-suklam ang pamilya De Leon, natanggap na nila ang nararapat na kaparusahan. Higit sa lahat, taos-puso ang kanilang pagsisisi.May prosthetic leg na si Papa. Nakaupo siya sa loob ng sasakyan, at natatakpan ng pantalon ang kanyang binti kaya hindi halatang may kapansanan siya.May dala namang mga gamit si Marco at maingat na nagsalita, "Mrs. Victorillo, kaunting regalo lang po ito mula kina Mama, Papa, at sa amin. Mga itlog ito mula sa mga manok na kami mismo ang nag-aalaga sa probinsya, pati mga gulay na si Mama mismo ang nagtanim. Kakapanganak n'yo lang at kagagaling n'yo lang din sa pagkakasakit. Kailangan n'yo pong magpalakas. Alam naming wal
Tinawag niya ang sarili niyang pinsan, at doon ko napagtantong tuluyan na niyang binitawan ang nakaraan naming dalawa.Sa taong muli akong nabuhay, lubos ding nagbago ang buhay ni Denver. Noon, pakiramdam ko ay hindi patas ang Diyos. Ngayon, naiintindihan ko na—wala Siyang nakakalimutang kasalanan o utang na dapat bayaran.Bago mo pa mapansin, unti-unti nang nagsisimulang bumagsak ang kapalaran mo. Ang bawat utang ay may kabayaran. At si Denver ang buhay na patunay nito. Kahit buhay pa siya, para na lamang siyang isang taong walang kaluluwa.Hindi nagtagal matapos siyang umalis, may iba pang mga bisitang dumating sa bahay ng pamilya Victorillo.Hindi ko inakalang sila pala ang darating. Nang ipaalam iyon ng mayordomo, nakita ko ang mga pamilyar na taong kapapasok lang sa bakuran.Tinawag ako ni Mama Diana, at hindi ko na napigilan ang pagluha. "Mama..."Bumalik na sa dati ang balingkinitan niyang pangangatawan. Napakaganda niyang tingnan. Kahit apatnapung taong gulang na siya at bagon
Ito ang unang Bagong Taon ng aming maliit na pamilya na may apat na miyembro. Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat para sa akin.Habang nakatingin ako sa dalawang kulay-rosas na sanggol na mahimbing na nakahiga sa kama, nararamdaman ko ang init ng kanilang katawan at ang banayad na amoy ng gatas sa kanila.Kapag lumalapit ako, napapangiti sila at marahang humahagikgik. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik sa ayos ang lahat.Marahang ipinatong ni Vicento ang kamay niya sa balikat ko."Ano'ng iniisip mo?"Nagising ako sa aking pagninilay at tumingala sa lalaking nakatayo sa tabi ko—matangkad, guwapo, at napakabait.Yumakap ako sa baywang niya at isinandal ang ulo ko rito habang bahagyang napapangiti."Vicento... pakiramdam ko nananaginip lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakabalik na talaga ako."Dahil ilang buwan akong namuhay bilang isang kaluluwa, parang hindi pa rin ako sanay sa pakiramdam ng pagkakaroon muli ng totoong katawan.Umupo si Vicento sa gilid ng
Sa gitna ng matinding gulat, bigla akong nahigop pabalik sa sarili kong katawan. Sa katunayan, ayaw pa nitong katawan na tuluyang lisanin ang mundong ito. Kaya sa nakalipas na ilang buwan, nanatili itong buhay sa huling hibla ng hininga. Isang taon nang naninirahan ang kaluluwa ko sa katawang ito. Unti-unti na kaming nagiging iisa. At nang sandaling mahulog si Rio, sabay na sumiklab ang pagmamahal ng tunay na katawan bilang isang ina at ang pagmamahal ng kaluluwa ko bilang isang ina. Sa pagkakataong iyon, tuluyan kaming naging iisa. Hinawakan ko ang sarili kong mukha. Sa wakas, nakabalik na ako. Matapos gumala nang ilang buwan bilang isang kaluluwa, nakauwi na rin ako sa sarili kong katawan. Agad kong tinanggal ang mga aparatong nakakabit sa akin at nagmamadaling hanapin si Vicento. Ang laman ng isip ko ay siya at ang dalawa naming maliliit at napaka-cute na mga anak. Sa sobrang pananabik, nang bumangon ako sa kama ay nanghina ang mga binti ko at bumagsak ako sa karpet. Doon ko
Hindi ko makontrol ang katawan ko.Mabilis akong hinila ng isang napakalakas na puwersa. Dumaan ako kay Vicento, at sa pagdaan ko, bahagyang humangin at lumipad ang buhok niya.--Habang abala ang lahat kay Rio, tila naramdaman ni Vicento ang direksiyon ng paglisan ni Ria."Ria..."Walang sumagot sa kanya.Si Rio, na tila natakot, agad na nagsimulang hanapin si Ria. Nang hindi niya makita si Ria sa silid, maging si Venice ay napaiyak na rin.Biglang nakaramdam si Vicento ng matinding pagkabalisa. Hindi na niya inalo ang dalawang bata.Marahil, dahil matagal na silang magkasama ni Ria, kahit hindi niya ito nakikita, nararamdaman niya kung nasa tabi niya ba si Ria.Pero ngayon ay wala na.Sa mismong sandaling iyon, malinaw niyang naramdaman ang malamig na hanging dumaan sa tabi niya kanina. Paano magkakaroon ng malamig na hangin sa isang silid na napakainit na parang tagsibol?At nang mawala ang hanging iyon, pakiramdam niya ay may malaking kawalan."Ria... nandiyan ka pa ba?"Sinindiha
Bilang isang kaluluwa ay inakala kong hindi ko magagawang makalapit sa isang banal na lugar. Inakala kong itataboy ako ng liwanag kagaya ng napapanood sa mga palabas sa telebisyon.Pero hindi pala totoo ang mga iyon. Walang pumigil sa akin.Naglakad ako nang nakayapak sa hagdan at ang aking mahaba
Naririnig ko ang ingay sa paligid pero parang wala akong naiintindihan ni isang salita. Tanging isang bagay lang ang bumabalot sa isip ko— buntis si Nica.Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at napasandig ang katawan ko sa pader habang nakatingin kay Nica na nasa gitna ng kaguluhan. Nakatakip ang is
"Ano ba talaga ang sinasabi mong lason sa orchid?" matigas na tanong ni Papa, halatang iniiba lang ang usapan para tantanan na ni Denver si Nica. "Pinaparatangan mo ba akong kaya kong saktan ang sarili kong ina?""Hindi mo iyon magagawa, alam ko," sagot ni Denver, titig na titig kay Papa. "Pero hin
Nakikita ko ang matinding sakit na nararamdaman niya at alam kong naaawa rin si Officer Ramirez sa kanya.Hinila ni Officer Ramirez patayo si Denver habang sinasabing... "Mr. Victorillo, base sa mga ebidensyang hawak natin sa ngayon ay malaki ang posibilidad na pinatay si Miss Ria. Pero hanggang ng







