MasukNAKABIHIS na si Alaric at naghihintay na lamang matapos sa pag-aayos si Clara. Ngunit makalipas ang halos kalahating oras na hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto ay pinuntahan na niya.Naabutan niya itong nakaupo sa harap ng vanity mirror at nakayuko. "Clara?" tawag niya sabay lapit.Hindi ito gumalaw kaya sinilip na niya nag mukha nito at nakita niyang pikit, tila natutulog. Hinawakan niya ang braso nito, dama ang init sa balat kaya sinalat ang leeg at noo at napagtantong nilalagnat ito.Binuhat niya agad at mabilis na naglakad palabas ng condo. Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay naalimpungatan si Clara."Alaric? Sa'n tayo pupunta?" Naalalang hindi pa siya tapos mag-ayos."Hospital, you're burning.""No..." nanghihinang sabi ni Clara. "Put me down. I'm fine.""You're not, kailangan kang madala sa ospital.""For what? Kapag nagtanong ang doctor, anong sasabihin natin? Na nilagnat ako after na... may mangyari sa'tin?" Nang mag-angat ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mat
NAALIMPUNGATAN si Clara nang makarinig ng ingay. Pagmulat niya ng mata ay siya na lang mag-isa sa madilim na kwarto. Kahit pagod at masakit ang katawan ay bumangon siya at hinawi ang kurtina na muntik niyang ikabulag dahil sa sobrang liwanag.Napasigaw siya nang takpan ang mga mata. Tinangka niya pang ayusin ang kurtina pero hindi na niya makapa. Ilang sandali pa ay may humawak sa kamay niya."What are you doing?" bulong ni Alaric."Binuksan ko lang naman 'yung bintana kasi madilim pero parang mabubulag pa ata ako."Natawa si Alaric pagkatapos ay hinawakan ang magkabila nitong pisngi. "Let me see."Inalis ni Clara ang kamay saka siya nagmulat ng mga mata. Pero bigla siyang nahiya dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa.Napansin naman iyon ni Alaric at hinalikan ito sa pisngi sabay sabi ng may ngiti sa labi, "Good morning."Nabigla si Clara sa ginawa nito pero hindi naman siya nainis. "Good morning din.""Gutom ka na ba?" may lambing na tanong ni Alaric.Tumango si Clara at sinabing pap
MATAPOS makapagpahinga ay bumangon sa kama si Clara, hinanap sa paligid ang nagkalat na damit habang mahigpit na hawak ang kumot na siyang tumatakip sa hubad niyang katawan."Where are you going?" tanong ni Alaric sabay bangon, kinuha ang isang unan para itakip sa pribadong parte ng katawan."My clothes, 'di ko mahanap."Tumayo si Alaric, sabay hila sa braso nito para ibalik sa kama saka niya niyakap nang patagilid. "Later in the morning mo na lang hanapin, matulog na tayo at anong oras na."Nagpumiglas si Clara, hindi siya komportable dahil ang malagkit sila ng sandaling iyon dahil sa pawis. "Sinabi mo na 'yan kanina," may halong inis niyang sabi dahil kaunting pahinga lang ay humihirit ulit ito.Parang nakalima na nga ata sila sa gabing iyon, pagod na pagod na siya pero sige pa rin ang binata."Ang init, Alaric," reklamo niya, pilit kumakawala sa yakap nito. Ilang sandali pa ay binitawan naman siya at umusog palayo. Pagkatapos ay sinamantala niya ang pagkakataon at muling bumangon.
HINILA ni Clara ang damit ni Alaric upang sunggaban ito ng halik sa labi. Naramdaman niyang natawa ang binata pero wala na siyang pakialam, malakas ang loob niya ng mga sandaling iyon.Bahagyang umungol si Alaric nang kagatin nito ang ibaba niyang labi, nabibigla siya sa ginagawa ni Clara. Malakas ang loob nito nang mga sandaling iyon at naguguluhan siya kung dapat niya ba iyong ikatuwa o ikabahala?Masiyado silang agresibo sa isa't isa, walang kontrol at ayaw magdahan-dahan.Hindi ganoon ang gusto niyang maalala ni Clara sa 'unang beses' nila.Kaya pinigilan niya ang kamay nitong kulang na lang ay punitin ang damit niya. "Calm down first," aniya habang hinihingal, saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. "We need to take it slow, hmm?"Napakunot-noo si Clara, hindi man sang-ayon ay tumango siya. Aminadong medyo agresibo nga siya ng mga sandaling iyon, tila uhaw na uhaw. "Okay."Pareho silang huminga nang malalim at nang magmulat ay muling nagtagpo ang mga mata. Puno ng emosyon at pagna
PANAKA-NAKA ang tingin ni Alaric kay Clara, tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang condominium building.Diniretso lang niya ang kotse sa ground floor at matapos maiparada ang sasakyan ay binuhat na niya si Clara, na tinangka niya pang gisingin pero tulog na tulog.Habang nasa elevator ay may nakasabay sila, tila mag-asawa dahil magkahawak kamay at parehong may suot na singsing.Ang babae ay napatitig sa kanila ni Clara kaya tumango siya bilang response. Pagkatapos ay binulungan ng babae ang kasama, "Ang sweet nila, 'di mo na 'ko binuhat ng ganyan. Last pa no'ng honeymoon natin."Lumingon ang lalake at pinagmasdan din sila saka sinagot ang asawa. "Mukha kasing magaan 'yung babae."Hampas sa balikat ang natamo nito mula sa babae. "Sinasabi mo bang mataba ako?!""Hindi 'yun gano'n," saad ng lalake sabay yakap bilang panunuyo.Nagpumiglas ang babae hanggang sa bumukas ang elevator saka lumabas. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod an
HINDI maitago ni Clara ang tuwa sa mukha, palinga-linga siya sa paligid. Pinagmamasdan ang lugar dahil sa dami niyang napuntahan ay tila iyon ang pinakaunang beses niyang mararanasang kumain sa high-end restaurant na sila lang ang customer.Bagama't masaya ay inaalala niya ang halagang ginastos ni Alaric. "Sobrang mahal siguro rito? Ano bang pwede kong bayaran? Kahit isang dish lang." Nahihiya siyang magpalibre.Ngumiti lang si Alaric, pero sa halip na sabihing huwag na itong mag-abala. Sa ugali pa lang ni Clara, tiyak na mahihiya ito at mag-aabot pa rin ng bayad. "'Yung appetizer na lang," aniya, kahit nabayaran naman na niya lahat-lahat.Nakangiting tumango si Clara, sabay kuha sa phone. "Pwede naman sigurong mag-selfie rito, tama?" Dumukwang pa siya sabay bulong, "Ang ganda kasi ng lugar.""Yes."Tila bumalik sa pagkabata si Clara na tuwang-tuwa sa kahit maliliit na bagay. Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa isang magandang display. Hindi pa siya nakontento at makailang ulit s
MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t







