로그인Umiwas ng tingin si Amanda. “Hindi na pala, huwag ka ng mag abala.”Lalong nahirapan si Rizelle na intindihin ang dating kaibigan. Malayo na ito sa Amanda na nakilala niya noon.Maamo at mabait pa rin ang mukha ni Amanda, pero hindi na niya maintindihan kung ano ang iniisip nito. Minsan, kahit simpleng tingin lang nito ay nakakaramdam na siya ng kaba.Palihim niyang kinuyom ang mga kamao, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin niya, hindi mawala ang pagkabalisa.Sa pagkakataong ito, pakiramdam niya, siya ang natatalo.Pagdating ng elevator, pumasok sila. Pagkatapos ay biglang nagsalita si Rizelle.“By the way, Amanda, may nadiscover kami ng boyfriend ko kagabi na isang Japanese restaurant. Ang ganda ng ambiance, tapos masarap pa ang food.”Ngumiti siya.“Puwede mong subukan doon kasama si Dominic next time. Or kung gusto mo, tayong dalawa na lang ang pumunta.”Malumanay pa rin ang boses niya. Habang nakatingin kay Amanda, nanatiling maamo ang ekspresyon ng mukha niya.
Nagulat si Dominic.Hindi niya alam kung bakit parang umuwing may inis sa kanya ang asawa. Imposible namang alam nito ang dinner nila ni Rizelle kanina. Kaya agad siyang nagdahilan dito.Napabuntong-hininga siya.“Babe, bakit binabalik mo na naman 'yan? Nagkataon lang talaga ang lahat.”Oo. Lagi na lang nagkataon.Iyon ang palagi niyang dahilan para makaiwas sa mga tanong ni Amanda. Sa tuwing may nahuhuli siya o may napapansin itong kahina-hinala, lagi niyang sinasabing nagkataon lang.Minsan, gusto na lang ni Amanda na huwag nang magtanong. Kahit ano pa ang sabihin niya, alam naman niyang may dahilan na agad itong nakahanda.Kahit sandali lang ang halik ni Dominic, agad niyang iniwas ang mukha. Hindi pa rin mawala ang pagkailang niya. Gusto niyang punasan ang pisngi niya, pero pinigilan niya ang sarili.Tumingin siya kay Dominic.“Ano? Puwede kayong magkasama ni Rizelle dahil nagkataon lang, pero kapag kami ni Atty. Jacob, may problema?”Pagkasabi niyon, tumalikod siya at naglakad pa
May bagong message mula sa private investigator.Dinala raw ni Dominic si Rizelle sa isang Japanese restaurant sa Makati para mag-dinner. Hindi lang iyon, binilhan pa niya ito ng Cartier watch.Natigilan si Amanda habang binabasa ang message.Kanina lang, nag-aalala pa siya kung bakit hindi pa rin humuhupa ang ulan. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat ng iyon.Naalala niya ang message ni Dominic noong tanghali. Sinabi nitong kailangan niyang mag-overtime kaya hindi na kailangang pumunta ni Amanda sa lumang bahay. Mas mabuti raw na umuwi na lang siya at magpahinga.Kaya pala.Habang sinasabi nitong busy siya sa trabaho, kasama naman pala niya si Rizelle sa isang romantic dinner.Napansin ni Atty. Jacob ang pagbabago sa mukha ni Amanda. Nakita rin niya ang pagkuyom ng mga kamao nito at ang paninigas ng panga.“Ano'ng nangyari?”Napatingin si Amanda sa kanya. Sandali siyang natigilan bago pilit na ngumiti.“Wala naman. May update lang galing sa private investigator ko. Magkasamang nagd
“Cafeteria?”Bahagyang nagulat si Amanda at napatingin kay Atty. Jacob. Nagkataon namang nakatingin din ito sa kanya.“Matrapik na kung babalik tayo ngayon,” sabi ni Atty. Jacob.Wala namang pagtutol sa tono niya. Ibig sabihin, okay lang sa kanya na doon muna sila kumain bago bumiyahe pauwi.Kaunti lang ang nakain ni Amanda noong tanghali. Ramen lang, kaya gutom na rin siya ngayon. Kahit hindi sila abutan ng traffic, aabutin pa rin ng mahigit dalawang oras ang biyahe pauwi. At dahil madali siyang manghina kapag nagugutom, hindi na niya pinag-isipan pa ang alok ni Luanne.Ngumiti siya rito.“Kung gano'n, thank you. Makikikain na kami sa inyo.”Napatingin si Atty. Jacob sa kanya.Kami?Bahagya niyang tinaas ang kilay, pero wala siyang sinabi.Biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon at sinagot ang tawag.Samantala, hinila na ni Luanne si Amanda palabas ng opisina.“Halika na. Ako na ang bahala sa pagkain natin. I-swipe ko lang 'yung ID ko.”Naabutan sila ni Atty. Jaco
Bukod dito, kapag nalaman ng iba na si Atty. Jacob Laxamana ang abogado ni Amanda, siguradong hindi na rin iyon mananatiling lihim. Lalo na't naging bahagi siya ng naunang kaso laban sa FaceTalks Salon dahil sa tax evasion.Kapag nalaman iyon ni Julie, tiyak na mag-iingat na siya. Mas mahihirapan tuloy si Amanda na tahimik na putulin ang koneksyon nito sa mga taong sangkot sa negosyo ng salon.At nariyan pa si Rizelle.Paano niya basta palalampasin ang ginawa ng babaeng nagtangkang pumatay sa kanya?Kailangan niyang patunayan na may kinalaman talaga si Rizelle sa tangkang pagpatay sa kanya.Natahimik ang opisina.Napatingin si Atty. Jacob sa tasa ng kape sa harap niya. Lumamig na iyon kaya mas mapait na ang lasa.Ibinaba niya ang tasa at muling nagsalita.“Sa ngayon, kulang pa ang ebidensya natin laban kay Dominic. Malamang na ipipilit ng abogado niya na mag-usap muna kayo at subukang magkasundo.”Sandali siyang tumigil.“Kaya kailangan pa nating maghanap ng mas matibay na ebidensya.
Kahit minsan pa lang silang nagkita, alam ni Amanda na malapit si Mrs. Renata kay Julie. Isa rin ito sa mga regular na customer ng FaceTalks Salon at may koneksyon sa lihim na negosyong pinapatakbo roon.Bahagyang namutla ang mga daliri ni Amanda na mahigpit na nakahawak sa strap ng bag.Bakit naman ngayon pa niya kailangang makasalubong si Mrs. Renata?Kung ikukuwento nito kay Julie ang pagkikita nila sa law firm, siguradong maghihinala ang babae.Kahit kinakabahan sa loob-loob niya, pinilit pa rin ni Amanda na ngumiti.“Ah, Mrs. Renata. Andito rin kayo.”Matagal nang alam ng marami na hindi maganda ang relasyon ni Mrs. Renata at ng asawa nito. Ikinasal sila dahil sa kasunduan ng dalawang pamilya. May anak silang lalaki at babae, pero hindi naging masaya ang pagsasama nila.Hindi rin lihim na may ibang babae ang asawa niya. Ilang taon na ring pinag-uusapan iyon sa kanilang circle.Kamakailan lang, may kumalat pang balita na magdidiborsyo na ang dalawa.Kaya hindi na nakapagtataka kun







