MasukMabilis siyang humiwalay sa akin, yung klaseng lumayo dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya. For three seconds, walang ibang gumalaw sa paligid. Nakatitig lang siya, habang hawak ang maliit na piraso ng nabasag na porselana. Ako naman ay nanatiling nakayuko, kunwari nagulat sa biglang paglapit niya."Nancy?" pabulong niyang sambit sa pangalan, may halong pagkalito at literal siyang nawindang dahil sa mukhang nasilayan niya ngayon. His soul left the Earth, na para ba siyang nakakita ng multong matagal nang inilibing."You're," naputol ang sasabihin niya. "You look exactly like... nevermind."I almost laughed. Oh, Leo. Hindi ka ba natutuwa? Ito ang babaeng ilang taon mong iniiyakan, yung babaeng hinding-hindi mo kayang palitan, yung mukha ng babaeng hindi mo kailanman nakalimutan. At ngayon, nasa harapan mo na siya.Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Mabilis siyang napatingin sa mukha ko, sa mga mata ko, at maging sa labi ko, na para bang may hinahanap siyang patunay
“Miss Betty, I just received an update from the store manager. Naghihintay na po roon si Mr. Leo sa restaurant niyo,” bungad ng assistant ko habang nakatayo sa may pintuan ng aking dressing room.Bahagya akong napatigil sa pagpili ng earrings, just as I checked my luxury watch. This is it, Betty! Ito na ang pinaka-hihintay kong sandali, ang muling paghaharap namin ng dati kong asawa gamit ang mukha ng first love niya, ang babaeng araw-araw siyang nababaliw.Also, hindi na talaga ako makapaghintay na makita ang magiging reaksyon ng gagong yun. Ayoko nang sumugod pa siya sa lumang address ko at gumawa ng eksena roon, kaya pinalabas ko sa secretary ko na makikipagkita ako sa kanya sa isang ultra-exclusive na high-end restaurant na isa sa mga multi-million prime assets na iniwan ng yumaong kong asawa.“Mommy? You look so gorgeous. But how can Daddy know na ikaw po iyan? How can you convince him?” Narinig kong tanong ni Liam mula sa nakasandig na iPad sa harap ng vanity mirror. Nakat
Nang tuluyang tinanggal ng plastic surgeon ang huling balot ng benda sa mukha ko, biglang nanahimik ang buong clinic. Walang nagsalita. Tanging mahinang kaluskos ng gasa ang maririnig habang dahan-dahan nitong hinihiwalay ang sarili sa aking balat. Bawat ikot, bawat hila, para bang unti-unting inilalantad ang isang lihim na matagal nang dapat nakabaon kasama ng isang patay. And when the last strip finally came off? Fvck! Napahinto ako sa paghinga.Sa harap ng malaking salamin, marahan kong hinaplos ang pisngi ko. Damn! It was truly magnificent! Staring back at me was a face I only used to see in framed photos and graveyard headstones. Heto na yun. The ultimate replica. Ang carbon copy ng babaeng sinamba at iniyakan ni Leo gabi-gabi. I was no longer Betty. At sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko na makilala ang babaeng nakikita ko sa salamin."Wow, Miss Betty." Naputol ang katahimikan nang marinig ko ang halos humahangang tinig ng plastic surgeon. Nakatay
Lumipas ang ilang araw, pero parang ilang taon sa akin ang bigat. Hanggang ngayon, hindi ako kinakausap nang maayos ng anak ko. Kahit anong suyod ko ng ngiti o pilit na pagpapanggap sa video call, umiiwas si Liam sa akin. Nilalagyan niya ng unan ang camera o kaya’y tatalikod nang walang imik, damang-dama ko ang sakit ng pagtatampo niya. Putangina, ang sakit-sakit. Doble-dobleng saksak sa dibdib na makitang ang batang iniluwal ko at pinoprotektahan ay galit na galit na rin sa akin dahil sa mga pangakong hindi ko matupad. At para mas lalo akong mamatay sa loob, pagbukas ko ng phone ko, hayun na naman sila sa balita. Nakalandit sa news feed ko ang mukha nina Leo at Clara. Magkatabing nag-uusap sa isang high-profile business gala, super sweet, super angat, at wagas kung makangiti sa mga camera habang pinagdiriwang ang patuloy na paglago ng negosyo nila. Ang kapal talaga ng mukha. Habang kami ng anak ko ay lumulubog sa impyerno ng sakit at pangungulila, sila naman ay nagpapakasasa sa t
"Sinungaling ka, Mommy! Sinungaling ka! I hate you! I hate you!" Gigil na gigil akong napapikit habang hawak ang phone ko. Tangina, ang sakit. Paulit-ulit na nagwawala si Liam sa hospital room niya sa abroad dahil hinahanap pa rin niya ang animal niyang tatay. "Baby, please. Listen to Mommy," pilit kong binasag ang panginginig sa aking boses, nagbabakasakaling maabot ang katinuan ng nag-iinit niyang ulo. "Huwag mong gaganyanin ang sarili mo, mabilis na gagaling ang sugat mo kung kakalma ka." "No! You promised!" pagwawala pa rin niya, basag at sabog ang boses sa pag-iyak, hihingal-hingal habang bumababa ang oxygen saturation level sa monitor. "Sabi mo darating si Daddy! Sabi mo kasama mo siya pauwi! Pero nasaan siya, ha? Sinungaling ka, Mommy! Bakit ayaw niya akong makita? Masama ba akong bata kaya ayaw akong mahalin ni Daddy?" Grabe, ang sakit-sakit talaga! Gusto kong sumigaw, gusto kong ibunton ang galit sa buong mundo, pero hindi pwede. Kung magpapakita ako ng kahinaan sa ha
Nag-init ang buong pagkatao ko habang nakatitig sa cheque na yun. Leche talaga! Hindi ko matanggap! Parang binili niya lang ang limang taon ng paghihirap namin ni Liam. Hindi na ako nag-isip pa nang dalawang beses. Sa harap ng mga alta de sociedad na nakatingin, pinunit ko ang cheque. Sabay-sabay naman silang nagulantang sa ginawa ko. Literal na nalaglag ang panga ni Leo, habang si Madame Theresa naman ay muntik nang mabitawan ang iniinom niyang champagne sa sobrang gulat. "Anong pinagmamalaki mo, ha?" tawa ni Clara nang may halong pandidiri. "Ten million dollars, pinunit mo? Bakit, magkano ba ang beneficiary benefit mo after your farmer husband passed away? May sampung million dolyar ka na ba? Ilang taon naman kayang pinagtatrabahuan yun ng asawa mo kaaararo sa bukid bago siya pumanaw?" "Maybe sira ulo ka, o sadyang pinanganak na bobo? Tapos na ang limang taon, pinalayas ka na nga, tinulungan ka pang magka-pera, pero pinili mo pang maging tanga! Desperada ka na nga sa atensyon ng







