Share

Chapter 17

Chantria

Hinatid ako sa labas ni Iwatani kahit na magkapit-bahay lang naman kami. Ayon sa kaniya ay madilim na sa labas. At hangga’t nasa labas ako ay kailangan niya akong bantayan sa lahat ng oras. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya dahil may punto naman siya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay hinarap ko siya at nagpasalamat.

“Trabaho kong protektahan ka, Seanne.”

Napanguso na lang ako. Sabi ko nga. Pero kung bakit sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya ay wala akong ideya. “Maraming salamat pa rin. Saka salamat sa masarap na Sinigang. Pwedeng-pwede ka na mag-asawa,” biro ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Wala pa akong balak mag-asawa kahit na marunong akong magluto. Hindi naman iyon ang basehan kung pwede nang mag-asawa o hindi.”

Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “That was a joke, Iwatani.”

Tumikhim siya. “I know.”

“No, you don’t. Alam mo, minsan, masarap ding makipag-usap sa mga tao. Try mo.”

“Anong ibig mo sabi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status