Share

Kabanata 9

"Kailan mo pa nalaman?" tanong ni Luna habang nakalublob at nakasandal sa gilid ng pool.

Inilipat ni Chase ang tingin sa salamin na pinto ng bahay ni Alex kung saan tanaw niya sa loob ang mga taong hindi magkamayaw sa pagsayaw at pag-inom ng alak. Magkatabi sila ni Luna at parehas nakalublob ang katawan sa pool habang nakasandal sa gilid. Ngunit hindi tulad kanina'y wala na itong damit pang-itaas. Tanging pantalon na lang ang naiwang saplot sa kanyang katawan.

"Matagal na. Sinabi sa akin ni Bryan," pagsisinungaling ni Chase.

Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin kay Chase kung paano nalaman ni Bryan ang lahat sa buhay ni Luna. Matagal na silang magkaibigan ngunit kahit kailan ay hindi nabanggit ni Bryan sa kanya ang ugnayan nilang dalawa ni Luna.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status