Share

Kabanata 112

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-12-21 23:00:09

Patuloy lang si Vincent sa paglalakad habang buhat-buhat siya nito, tila walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila.

Nasaksihan ito ni Phoebe at ng dalawang babaeng dumaan. Hindi nila napigilang magbulungan sa isa’t isa.

“Si Vincent ay kilalang matuwid at disente. Ngunit bakit may buhat-buhat siyang babae sa ganitong lugar?”

“Nakita mo ba ‘yon? Suot ng babaeng ‘yon ang coat ni Vincent!”

“Hindi ba siya ang babaeng laging kasama at nasa tabi ni Mr. Dela Vega?”

Mahigpit na kinuyom ni Phoebe ang kanyang mga kamao.

Tinitigan niya ang dalawa, saka nagmamadaling inilabas ang kanyang cellphone upang tawagan si Easton.

“Kuya, nakita ko ang asawa mo na buhat-buhat ng isang lalaki,” sumbong niya.

Sa sandaling iyon, katatapos lamang ni Easton ihatid ang huling mga bisita kasama Miguel nang matanggap niya ang tawag. Hindi siya sumagot, agad niyang ibinaba ang tawag at nagmadaling tumakbo patungo kung sa labas.

“Nasaan siya?” mariing tanong ni Easton habang habol-habol ang hininga.

Sinamaha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 112

    Patuloy lang si Vincent sa paglalakad habang buhat-buhat siya nito, tila walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila.Nasaksihan ito ni Phoebe at ng dalawang babaeng dumaan. Hindi nila napigilang magbulungan sa isa’t isa.“Si Vincent ay kilalang matuwid at disente. Ngunit bakit may buhat-buhat siyang babae sa ganitong lugar?”“Nakita mo ba ‘yon? Suot ng babaeng ‘yon ang coat ni Vincent!”“Hindi ba siya ang babaeng laging kasama at nasa tabi ni Mr. Dela Vega?”Mahigpit na kinuyom ni Phoebe ang kanyang mga kamao.Tinitigan niya ang dalawa, saka nagmamadaling inilabas ang kanyang cellphone upang tawagan si Easton.“Kuya, nakita ko ang asawa mo na buhat-buhat ng isang lalaki,” sumbong niya.Sa sandaling iyon, katatapos lamang ni Easton ihatid ang huling mga bisita kasama Miguel nang matanggap niya ang tawag. Hindi siya sumagot, agad niyang ibinaba ang tawag at nagmadaling tumakbo patungo kung sa labas.“Nasaan siya?” mariing tanong ni Easton habang habol-habol ang hininga.Sinamaha

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 111

    Inimbitahan si Easton sa isang banquet event, at niyaya niya si Lovi na sumama sa kanya.“Lovi.” Kaagad na napalingon si Lovi nang biglang may tumawag sa pangalan niya.Awtomatikong napangiti si Lovi nang makita niya kung sino ang tumawag sa kanya, at kasama rin nito si Miguel Sandoval.Sinamahan siya ni Easton na lumapit sa kanila.“Propesor Tino,” tawag niya rito.Nagulat si Miguel at bahagyang napaatras. “Magkakilala po pala kayo ni Lovi?”Bahagyang tumango si Propesor Tino. “Estudyante ko siya noon.”Marahang ngumiti si Lovi, kalmado at magalang.Lumayo muna ng kaunti sa kanila sina Easton at Miguel, dahil mukhang may importante itong pag-uusapan.“Parang sobrang abala mo nitong mga nakaraang araw,” sabi ni Propesor Tino. “Hindi ka na halos nagpapakita sa laboratoryo.”“Medyo busy na po kasi ako sa trabaho, saka hindi na rin po kasi ako masyadong lumalabas… lalo na ngayon na may asawa na ako, propesor,” nakangiting paliwanag ni Lovi. “Pero, promise babawi po talaga ako sa inyo. Da

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 110

    Tumawag si Sarah kay Lovi dahil sa nangyari kay Andrew. Gustong gantihan ni Sarah si Lovi, at hindi nagpatinag si Lovi, sinabi niya ang nalalaman niya tungkol sa batang nasa sinapupunan pa lamang ni Sarah. Nabaliktad ang sitwasyon nila, imbes na si Lovi ang dapat makaramdam ng sobrang takot, si Sarah na ngayon ang takot na takot. Kahit holiday na pumasok pa rin si Easton sa kompanya, tanging ang mga guwardiya lamang ang naroon kaya sobrang tahimik sa loob. Isinama na rin niya si Lovi sa kompanya, dahil pinilit niya itong sumama sa kanya. Habang tumatagal ang relasyon nilang dalawa, mas nagiging clingy rin sa kanya si Easton. “Akala ko ba lahat ng mga empleyado mo pinagbakasyon mo na? Sino naman ang mga ‘yon?” curious na tanong ni Lovi nang may mga taong pumasok sa loob ng gusali. “They worked for me,” simpleng tugon ni Easton habang naglalagay ito nang mainit na tubig sa kanyang tasa na may kape. Wala si Assistant Ren dahil pinagbakasyon din ito ni Easton kaya gustong isama nito

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 109

    “Bakasyon na bukas. Sa wakas, makakahinga na rin ako!” reklamo ni Lira habang hinihila ang damit habang nasa loob ng banyo.Tinawanan lamang siya ni Lovi.Natahimik silang dalawa ni Lira nang marinig nila ang boses ni Peach.“Sobrang laki siguro ng kinita ni boss ngayong taon, narinig ko nagpa-reserve siya sa pinakamagandang hotel. Excited na ako!”“Mag-ingat kayo sa mga sasabihin n’yo mamaya. Maraming big-time business partners ang darating ngayong gabi,” saad ni Tanya habang nakatayo malapit sa kanila.“Aba, good news pala ‘yan! Kapag may natiyempuhan akong batang mayamang bachelor, solved na ako hanggang susunod na taon!” sagot ni Lira habang tumatawa pa.Abala ang mga babae sa loob ng restroom, puno ng ingay at excitement para sa event.Isa-isa silang naglakad papasok sa venue, bawat isa ay may sariling inaasam para sa gabing iyon.“Ms. Lovi Sy.”Habang naglalakad si Lovi papunta sa venue, may narinig siyang tumawag sa pangalan niya mula sa likuran. Sandali siyang huminto at lumin

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 108

    “Nabalitaan ko mula sa HR na nag-resign na raw si Jenna… totoo ba?” tanong ni Lovi, walang bakas ng emosyon sa mukha.Si Jenna na bigla na lang naging manager sa head office ng design department para tulungan si Easton. At ngayon, bigla na lang itong nagbitiw sa trabaho.“Paano nagkaroon ng koneksyon ang pamilya ninyo sa ama ni Jenna? S-si Fernando Martinez, tama?” tanong ni Lovi.Tinanguan siya ni Easton. “Mahabang kuwento,” maikling sagot ni Easton.“Ah… okay.” Tumango si Lovi, pero malinaw na may mas malalim siyang iniisip.Sumagi sa isip niya ang kanyang ina, at sa isang iglap, napagtanto niyang hindi na niya kailangang hukayin pa ang mga bagay na matagal nang ibinaon sa limot ng kanyang ina.“Stop overthinking it. Kahit may koneksyon pa ang mga pamilya namin sa negosyo, wala na akong balak na makipagbalikan kay Jenna,” biglang sabi nito sa kanya.Napatingin si Lovi sa kanyang asawa. Iniisip niya kung tama ba ang kanyang mga narinig.“Understood?” tanong ni Easton.Tumango na lama

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 107

    Lumingon si Lovi upang tingnan ang lalaking humarang sa pintuan ng elevator. Dahan-dahang siyang tumayo kahit iniinda pa niya ang sakit ng kanyang likod at ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito, ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan ay tuluyang bumuhos pababa sa kanyang mga pisngi.“Andito ka na… a-akala ko ‘di ka na darating,” umiiyak na bulong niya.Mahigpit siyang niyakap ni Easton, pinapakalma nito ang nararamdamang takot niya habang nasa mga bisig siya ng lalaki.“I’m sorry… I-I’m always late,” sabi niya sa banayad ngunit mabigat na tinig.“H-Hindi… ayos lang. Ang importante nandito ka na,” sagot ni Lovi habang nanginginig pa rin ang kanyang buong katawan at lalo siyang kumapit sa kanyang asawa.Mabilis na tumingin si Easton sa tatlong bodyguard na nasa tabi nila, abala ang mga ito sa pagbugbog kay Andrew.“Kayo na ang bahala sa kanya. You know what to do,” mahina ngunit may diin na utos niya.Pagkasabi noon ay yumuko siya at marahang binuhat si Lovi. Mabilis na yumakap si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status